Pag-uugit, Pagsusulit sa tiwala ng tao at biyaya ng langit

Tatlong taon ng masigasig na paglilingkod ni kapitan Jolan Aralar, dagdag sa kinagisnang proyekto ng kanal, pathway at poso.  Nakatuon sa pagpapasigla ng programa sa health, education, economic, culture and sports. Higit sa lahat, social infrastructure.

Naka- sentro sa mga tao.  Pangangailangan nila ang tinutugunan. Sila ang kinukunsulta sa problema. Pamunuang Barangay ang naglalapat ng solusyon, kundi man humahanap ng katapat nito sa municipal, provincial at national governments. Pati na sa NGOs, kaibigan at kabarangay dito at sa ibang bansa.

Tamang pamamaraan, masistemang pakikipag-ugnayan, mabungang koneksiyon ang daluyan.

INNOVATIONS

Barangay ID ng Calumpang

Pruweba ng tirahan na may numero ng election precint ng may-ari. Pagkakakilanlan na tinatanggap sa banko. COMELEC at mga institusyon ng gobyerno. Mas mababa ang halaga kaysa ibang ID ng pamahalaan.  Kailangan para sa transakyon sa barangay, o sa referrals sa financial at medical assistance mula sa munisipyo.

Calumpang ang unang barangay na me-ID ang residente. Hindi lang nakapagpataas ng locally generated income ang ID kundi ng “tulong mo sa Calumpang mong Hirang na  naglilingkod sa iyo”.

Tools for Transparency and Building Linkages

Mula December 2008, apat na isyu ng community newspaper, d2 sa Calumpang, ang nalathala. Dito itinampok ang mga proyekto at programa ng barangay kabilang ang kita at gastusin ng barangay. Tanging Calumpang lang, sa 40 barangay ng Binangonan, ang may sariling dyaryo.

May blog, d2sacalumpang.wordpress.com na higit 22,200 ang visitors mula December 2008 hanggang September 30, 2010. Naka-link sa Wikipedia. Source ng information sa many subjects under the sun hindi lang sa barangay kundi sa buong mundo man.

May facebook account, Calumpang Kong Hirang, social networking site na ginagamit hindi lamang upang pataasin ang kaalaman ng publiko sa kaganapan sa barangay. Ito rin ang nag-uugnay sa mga kabarangay na nasa abroad. May informal organization, Taga Calumpang Din Po Kami, na kinabibilangan ng kabarangay sa ibang bansa.

Kita Kits sa Flag Ceremony

Isang innovation ang monthly Flag Ceremony sa basketball court upang makonsulta ang mga samahang kapitbahayan, mabigyan ng tamang inpormasyon at maipadama na sila ay mahalagag bahagi ng pamamahala ng barangay. Ginagamit din ang okasyon bilang “feedback mechanism” sa mga programa at patakarang ipinatutupad ng barangay.

Samahang Kapitbahayan

Ang lakas ng gobyerno ay mula sa lakas ng samahang kapitbahayan. Samahan ang pinakamabisang paraan ng paglalapit ng gobyerno sa tao at pakikibahagi ng tao sa gobyerno.

Mula sa halos wala, 34 na samahang kapitbahayan ang nabuo nitong tatlong taon. Samahan ang kumikilos para sa nagangailangan sa kanilang sitio – taga-request ng proyekto, taga-monitor ng kapayapaan at kalinisan, taga-hatid impormasyon ng Sangguniang Barangay.

Ang mga pangulo ng samahan ay bumuo ng grupong MAGDIWANG at pinatatag ng leadership training sa pakikibahagi sa Sanggunian. Miyembro sila ng Expanded Barangay Council sa pagbabalangkas ng programa. Kabilang sa Barangay Peace and Order Council, Barangay Patrol Action Team, Barangay Disaster Coordinating Council. Bahagi ng Barangay Solid Waste Management Council. Kasali sa mga proyekto tulad ng Lakambini ng Calumpang. Komite de Festejos, arcs contest, pabasa, fund raising bingo social.

Lakambini ng Calumpang

Sa tatlong taon ng Lakambini, lalong kuminang ang patimpalak na tumutuklas ng kagandahan at katalinuhan ng mga dilag ng Calumpang.

Isang “governance innovation” ang cultural activity na ito. Nagpapatatag sa mga samahang kabitbahayan, nagbibigay pagkakataon sa mga taga-Calumpang at kabataan na lumahok sa gawaing nagpapaunlad ng mga komunidad at nagpapayabong sa kabuhayan ng barangay.

Mga samahan ang naglilikom ng maraming recyclable bote, plastic, dyaryo, karton para sa Lakambini ng Kalikasan. Mga samahan ang nangangampanya sa mas maraming mamamayang kumuha ng Barangay ID at sedula para sa Lakambini ng Kabuhayan. Samahan din ang naghahakot ng maraming manonood na may entrance fee sa coronation night para sa Most Popular. Kaya’t ang premyo ng nanalo ay sa mga samahan ibinahagi.

May pamanang cemented road sa ASAC, “the road that a crown built” si Lakambini 2008 Trixie Ann Santos. Runners-up, Glaiza Gumayao at Neldine Benico ay may Street Marker sa Alcantara at Kubol naman sa Laspag.

Dala ni Lakambini 2009 Justine Joy Esguerra ang pailaw sa Sysna. Sa Runner- up Yui Gutierrez galing ang Street Marker sa Neighborhood, habang itinuloy naman ni Pauline May Santos ang pasimento ng ASAC road.

Lakambini 2010 Kate Tolentino ang magbibigay puhunang pangkabuhayan sa samahan ng Cableway habang runners-up Rhobie Ann Mesa at Rachel Sarmiento ay may pagawain sa Bayakan at ASAC.

Nagdagdag ng titulo ang mga Lakambini. Nanalo si Trixie Ann Santos ng Ms. STI, Ms. Taytay, sa contests ng Generation East Model Search at Bella Look-A-Like. Full scholar din siya ng STI College. Si Glaiza Gumayao ay Ms. AMA Computer Learning Center, Ms. Silka Papaya at gumanap na artista sa indie film. Si Yui Gutierrez ang tinanghal na first runner-up ng Danz Showdown, Search for Sex Bomb Dancers.

PROBLEMA AT SOLUSYON

Informed Choice: tugon sa lumolobong populasyon

Naghahain ng dalawang family planning menu: Responsible Parenthood Movement at Reproductive Health Program. May mapagpipilian na angkop sa paniniwala ng mag-asawa, kaya ng bulsa at komportable sa may katawan.

Sa pakikipagtulungan ng Rizal Provincial Health Office, sampung RPM seminars ang dinala sa sulok-sulok ng barangay nitong 2009 at 2010. Mahigit 500 couples ang naturuan ng natural family planning – thermometer and beads – methods. May “pang-akit” na libreng Jollibee meals at transportation allowance sa sumaling mag-asawa.

Contraceptive pills, condoms, IUDs, injectables- ang ipinalalaganap sa forums on artificial birth control methods ng DKT Philippines. Ginanap apat na beses sa mga sitio na malaki ang bilang ng mahihirap at batang mag-asawa.

May 200 couples ang nabigyan ng samples.

May Pop Shop sa barangay para sa population commodities na branded (para sa paying clients) at mayroon ding subsidized commodities mula sa United Nations Population Fund at DKT Phils. para sa poorest of the poor.

Tulong sa Informal Settlers: Programa sa Palupa

“Dayuhan” ang turing sa kanila ng ilang kabarangay dahil sila’y migrants sa Calumpang. Mula isa hanggang sampung taon na silang nakiki-tira sa lupang hindi kanila at kadalasan  sila’y nabibilang sa indigent families.  Mayroon namang pamilyang may kakayanang bumili ng lupa at nais mag-ambag sa inaari nilang barangay.

Ang suliranin ng may 500 informal settlers sa Lorecom, Reyes Compound, Picones Compound, Hinayon Looban, Hinayon Extension at Saperia Looban ay pinapagaan ng  pakiki-pamagitan ng gobyerno sa mga may-ari ng lupa at sa mga naninirahan duon.  May pag-uusap para sa  kasunduang maayos at abot kayang pagbili ng lote.  Nakikipag-ugnayan ang barangay sa Rizal Provincial Housing Committee para sa Direct Buying Scheme at Community Mortgage Program (CMP).

Sa Cableway Looban, ang bangkong may-ari ng lupang tirahan ng mahigit 40 pamilya,  ay bukas sa CMP. Sa ilalim nito, bibilhin ng pamahalaan ang lupa sa may-ari at pahuhulugan sa mababang halaga at mahabang panahon sa komunidad dito. Tinutulugan ng Sanggunian ang Samahang Kapitbahayan para sa kailangang dokumentasyon at representasyon.

Naghatid impormasyon ang pamunuan ng Rizal Provincial Housing Committee sa Barangay para sa programang Direct Buying at Community Mortgage Program.

Tugon sa kawalan ng hanapbuhay

May Memorandum of Agreement ang Calumpang sa Technical Education and Skills Development Authority para sa kurso tulad ng baking, dress making, automotive, welding, computer hardware services, at massage therapy. Nitong 2010, 26 na kabarangay ang nagtapos sa TESDA.

Magbubukas ng kursong welding para sa mga kabataan na dito sa barangay gaganapin  at TESDA ang magtuturo at magpapahiram ng kasangkapan. May pondong ilalaan sa pagbili ng welding machines at kagamitang pangkasanayan.

Calumpang ang unang barangay na nagdaos ng Job Fair kung saan 42 sa 105 na applicants ang nagka-trabaho.  Dagdag dito ang 32 na job orders dulot ng pagpasok ng mga contactors ng Manila Water Corporation. Ang Barangay-based Job Generation through government infrastructure ay nagbigay trabaho sa mahigit  60 taga- Calumpang na karamihan ay indigents.  Sa referral ni Kap. Jolan, anim  ang napasok sa pribadong kompanya na kabarangay din ang nag-ugnay.

Bantay Inday Program: Tugon sa pagbabawas ng kahirapan

Minomonitor ng Pamunuan ang kalagayan ng marginalized sector at sa kanila itinututok ang programa sa kalusugan at nutrisyon, gayon din ang tulong pangkabuhayan at job generation project. Layong nitong maitaas ang antas ng buhay ng 400 pamilyang indigents.

May Tindahan Natin, bilihan ng murang NFA rice at prioridad dito ang mga inday. Sa maliit na pautang na limang daang piso, may puhunan ang ilang inday sa pagtitinda ng tinapa, turon, balot, basahan. Puhunang hindi na ibinabalik pa, kundi para huwag na lang ipanghingi ang kakainin sa araw-araw.

Pangangailangang Pangkalusugan

May murang gamot sa Botika ng Barangay duon harapan ng Barangay Hall. Plano pang maglagay ng Botika sa lugar ng Saperia at Hi-way kung kaya’t nag-training ng Barangay Health Workers na mag-aasikaso nito.

Patuloy ang programang pangkalusugan at nutrisyon. Nandiyan ang regular na bakuna,  food supplementation at operation timbang para sa mga bata. May bone testing,  reflexology, at cataract operation para sa Senior Citizens. May pagkalinga sa kabarangay na may kapansanang allergy sa balat, hika at ubo,  sponsor ng Allerta. Kaagapay ng Community Relations Projects ng Philippine Air Force, tatlong  medical and dental missions ang isinagawa na nasilbihan ang 1,489 patients.

Hindi nauubos ang dugo ng taga-Calumpang kahit pa tatlong beses isang taon mag-blood letting. Todo alay-dugo kaya nakamit ng Calumpang ang first prize  nong 2009 birthday ni Mayor Boyet, premyo’y motorcycle. Third prize nitong 2010 birthday ni Governor Jun Ynares III, premyong limang kabang bigas. Higit sa lahat, mahigit 215 Red Cross cards na katumbas ng 215 pandugtong-buhay.

Akala ni Jojo Antazo ay wala ng pag-asa ang anak niyang may kapansanan sa paa. Sa “connect ” ni Kap. Jolan sa Mabuhay Deseret Foundation, na-cast ang paa ng anak ni Jojo at may leg therapy na aasahan. Ginagamot din ang anak ni Vicente Villarina Jr.

Suliranin sa Boundary ng Barangay

May lugar na sakop ng Calumpang sa Cadastral Map subalit ang mga residente ay nakatala sa karatig barangay. Suliranin din ang botatanteng nakalista sa ibang barangay na kumukuha ng serbisyong laan para sa taga-Calumpang. May mga reklamo din na dapat ay pagharapan sa BT ng Calumpang subalit sa kanugnog barangay iniluluhog.

Nitong Census 2010 ng National Stataistics Office, sa pagtutok ni Kap Jolan at sipag ng mga guro at BHW na census enumerators,  naibalik sa Calumpang ang pamayanan na dati ay nawala sa listahan nito: sa Cadiente Compound tabi ng Darangan; sa Everlasting Street tabi ng San Juan; sa Anonas St. tabi ng Muslim Mosque; sa Cattleya Street, tabi ng Libis; at Cortez extension, dulo ng Ynares II Street. Sa pagtaas ng bilang ng residente, may kaukulang pagtaas ng IRA natin.

ANI NG TAMANG PAGHAHANDA

Masigasig sa pag-request at masistemang pag-follow-up nito kung kaya’t ang Calumpang ay may bagong garbage truck mula kay Gov. Jun Ynares,  dalawang patrol tricycle  mula kay Congressman Jack Duavit, dalawang bisikleta at gamit panglinis-basura mula kay Bayani Fernando.

Ang basketball court sa Cableway Road na mahigit 10 taong hindi nabubungan, sa maayos na paghahanap ni Kap Jolan ang mga kasama ng  katibayan ng pagmamay-ari ng lupa,  ay naging Ynares Multi-Purpose Covered Court. Salamat kay  Gov. Casimiro Ynares, Sr. na siyang nagtimbang pabor sa lugar ng court batay sa kahiligan ng mahigit 2,000 mamamayan at makulay na kasaysayan nito bilang “the basketball court of  affections” para sa henerasyon ng manlalaro mula nuong 1965.

Mistulang si Curacha ang court sa walang tigil na kaganapan dito. Bukod sa mga palaro, meeting, sayawan, binguhan, medical missions, Lakambini ng Calumpang, ito rin ang venue ng product testing ng Oreo, at Ponds. Dito nag-dance showdown ang mga kalahok ng Sex Bomb 2010.

Upang masilbihan ang manlalaro pati na manonood, nagpatayo ng public toilet at bathroom sa tabi ng Covered Court. Para mapanatili ang kalinisan sa court at ng  walang magbabawas sa paligid nito. May kaunting bayad ang paggamit nito para mamintina ang tubig, sabon at kaayusan ng pasilidad.

Mga Datos sa Kompyuter

Impormasyong kinalap at inilagay sa isang computer program. Actual inhabitants ng Calumpang, listahan ng registered sa COMELEC, survey ng Barangay Health Workers ng transients at bagong lipat sa barangay, talaan ng indigents, batang malnourished, matatandang maysakit, ulat ng Samahang Kapitbahayan sa informal settlers.

Sa oras ng pangangailangan ay madaling makuha ang impormasyon. Bentahe nito ang pagkapili sa Calumpang bilang beneficiary ng dalawang feeding programs.

Mula sa Feeding Program ni Mayor Boyet Ynares, 50 batang mahirap ang binigyan ng tamang nutrisyon sa loob ng anim na buwan. Ang dating underweight at malnourished ay nagkaroon ng sapat na timbang at lumakas ang resistensiya ng katawan.

Mula naman sa United Nations World Food Program, ang mga batang edad 6-23 buwan, mahirap man o may kaya, ay nabigyan ng anim na buwang supply ng soya, gatas at mantika. Ang Supplemental Feeding na ito ay nakapag-pataas ng timbang ng mga beneficiaries na regular na minonitor ng Barangay Health Workers.

PROGRAMA AT PROYEKTO

Educational Program

Bukod sa tulong sa tuition fees at kagamitang pang-iskwela ng kabarangay sa high school at elementary sa nakaraang tatlong taon, may cash gifts din na ibinibigay sa mga honor graduates ng Calumpang Elementary School.

Sports Development

Regular ang paliga ng Captain’s Cup, ng SK Cup at pati palaro para sa 40-years-old and above, Open-Age at Invitational basketball. May suporta ang barangay sa tatlong grupong nagtataguyod ng sports activities.

Development, hindi lang sa basketball, softball at volleyball, kundi pati table tennis at taekwando. Labing apat na kabataan ang sumailalim sa Milo Best Training Programs levels one to four.

Cultural Programs

Patuloy ang suporta ng barangay sa taunang selebrasyon ng Kapistahan  ni Santa Ursula, Pabasa sa Mahal na Araw at Santacruzan sa Mayo sa pagbibigay ng assistance sa pitong samahang nagtataguyod dito.

Bagong programang pangkultura ang inilunsad ng Sanggunian: Lakambini ng Calumpang, Photo Exhibit, at Huntahan sa Kasaysayan.

Ang Photo Exhibit, nagtatapok sa Basketball Court of our affections, Barangay Official then and now, google ang interpretative maps, Pritil ng ating pangarap  Lakambini ng Calumpang, arts, artists and institutions.

“Blockbuster” ang tatlong beses na palabas  nitong 2008-2010. Parang History of Calumpang capsulized in eight-panels. Bahagi ng balik-tanaw sa makulay na lumipas at sulyap sa minimithing hinaharap.

May Huntahan sa Kasaysayan

Kwentuhan ng may kaalamang matatanda at mapagtanong na bata  upang talakayin ang  kasaysayan ng barangay. Sinimulan sa Alamat ng Basketbolan sa Calumpang, huntahan sa court ng mga manlalaro at usapang “the glory days of basketball”, paghahanap-paraan para maibalik iyon muli ng kabataang basketbolista.

BARANGAY ORDINANCES

Ipinatupad ang ordinasang nagtataas ng halaga ng  barangay clearance for business ayon  sa klase at laki ng negosyo at nagdagdag kita sa barangay. Nataas ang permit ng bangko, private schools, hardware and construction supplies kesa ibang tindahan. Kinunsulta ang mga negosyante na una ay tumutol ngunit sa pangako  ng serbisyong hakot- basura at tanod-ronda ay tumaya din ang business community sa barangay.

Ipinasa ang Barangay Solid Waste Management Ordinance upang mabawasan ang basura sa pamamagitan ng paghihiwalay (segregate) nito upang ma-recycle, ma-reuse o magawang compost. May multa sa hindi maayos na pagtatapon ng basura. May pagtatakda ng araw at oras ng paglalabas at pagkolekta ng basura sa mga sitio.

Nasa pag-aaral naman ang Ordinansa sa Pangingisda na nagtataya ng  territorial boundaries na sakop ng barangay sa Lawa ng Laguna, pagbibigay karapatan ng  hanapbuhay sa Samahang Mangingisada at pagbabawal ng mga pamamamaraan ng pangingisda na nakakapinsala sa lawa.

Inilalatag naman ang Ordinansa sa Responsableng Pag-aalaga ng Aso. Layong mahikayat ang mamamayan na magparehistro ng alagang aso, maglagay ng tag na may number at pangalan nito at regular na magpabakuna ng anti-rabies dito. Huhulihin ang asong gumagala at nagdudumi sa paligid, hahanapan ng kulugan o tali para sa alaga,  Kilos laban sa pagkalat ng rabies at stray dogs.

PAGTATAAS NG ANTAS NG PAGLILINGKOD

Maayos na Tanggapan

Bagong hilamos, bagong bihis at bagong make-up pa ang Barangay Hall. Pininturahan, kinurtinahan, dinibisyunan ng glass walls para may air condition ang opisina.

De-uniporme at may ID ang barangay staff. May pagsasanay sa dagdag na paglilingkod ang Barangay Health Workers. May personnel improvement program ang nasa opisina. Kumpleto sa gamit at suporta ang Barangay Clean & Green Brigade.

Pinalakas na Barangay Tanod para sa misyong mangalaga ng kaayusan at kapayapaan ng barangay. May sariling himpilan ang 22 BT na 24/7 duty. May suportang pagkain ang dawalang shiftings ng tanod. May uniform iba-ibang kulay sa isang lingo, may two- way- radios, batuta, handcups, bota at raincoats.

Mobile ang BT dahil may patrol tricycles at bicycles. Nagsasagawa ng foot patrol kada gabi. May trainings sa ilalim ng Crime Watch Force. At dahil si Hepe Joel Idioma ay opisyal ng CWF, nahihila ang mga kasapi na magtanod din kung kailangan.

Maglalaan ng bagong computer at program ang BT upang ma-database ang records ng mga kaso sa barangay para sa madaling pagkuha ng kaila-ngang impormasyon.

Malalim na karanasan at karunungan ang dala ng  Lupong  Tagapamayapa. Ang Chief Lupon Pastor Ramos ay retired policeman na dalubhasa sa pag-iimbistiga.

Graduate ng Bachelor of Law si Salvador Abrogar habang Licensed Criminologist naman ang natapos ni Ruben Estrelles.  Kasama ang ilan pang elders, sila ang dumidinig ng mga reklamo sa barangay.

Naglalayong  magkaroon ng amicable settlement sa mga kaso upang maiwasan ang gastos at abala ng magkabilang panig kung iaakyat pa sa Municipal o Regional Trial Court.

Pagbangon sa Kalamidad

Namuksa man ang bagyong Ondoy at Pepeng, may mga kamay na tumulong at nahawakan ang 649 pamilyang biktima. May tulong mula gobyernong barangay, municipal, provincial at national, pati na private sectors tulad ng ABS-CBN Foundation at Ateno Family.

May assistance mula Japan, Korea, USA, Australia, Europe. Ang Friends Indeed USA, Inc., sa pangunguna ni Ms. Nena Kaufman ay isa sa NGOs na koneksyon ni Kapitan Jolan sa kanyang pinangalingang pwesto sa League of Municipalities at United Nations Population Fund.

Ondoy Beneficiaries

  • 76 Pamilya mula sa mga evacuation centers- Relief goods  ng AAR Japan, kinatawan ni Mr. Go Igarashi.
  • 17 Pamilya mula Sitio Matikiw- Cons-truction materials (P25,000.00) mula Asian  Social Institute.
  • 42 Pamilya – Construction materials (P7,000.00) mula International Organization for Migration (IOM) European Community.
  • 4 na Tao- Livelihood Assistance (P15,000.00) mula sa IOM.
  • 27 Pamilya – Emergency Shelter Assistance (P2,000.00) mula kay Mayor Boyet Ynares.
  • Samahan sa Gervacy – Livelihood Assistance (P35,000.00) mula sa Oxfam (Oxford Committee for Famine Relief)
  • Financial Assistance mula kina Governor Casimiro Ynares III at Congressman Jack Duavit.

Senior Citizens

Senior Citizens na walang kupas sa pagdalo ng Flag Ceremony sa Munisipyo kada Lunes at sa Calumpang covered court kada ikalawang Martes ng buwan.

Sa pamumuno ni Pangulong Presentacion Lopez, ang bagong pamunuan ng Senior Citizens ay mandi’y  ayaw paawat sa pakiki-bahagi sa gawaing-barangay. Sila na bagama’t may hindi napagkakasunduan bilang mga indibiduwal, ay hindi naman idinadamay ang kanilang samahan.

Tunay na may matututunan ang mga namumuno na hindi pa seniors sa mga matatandang ito.

Business Partnerships

Dahil maliit ang Barangay Hall, nagkaroon ng kasunduan ang Sanggunian at ang  1489 Cableway Resort na ang mga pulong ng SBC ay duon gagawin sa pavilion o kaya’y fuction area ng resort.

Ang paggamit ay walang katungkulang-pinansiyal sa bahagi ng pamahalaang lokal.  Ito  ang paraan ng pribadong korporasyon upang mag-“give back” sa community.

Dahil din sa pilosopiyang “giving back” kaya madaling napasunod ang mga negosyante ng Calumpang sa ordinansang nagtataas ng halaga ng barangay clearance for business at iba pang sertipikasyon.

Pang-tapat ng Barangay sa partners: pangangalaga ng “environment conducive to business growth”.

Tamang Values sa Batang Manlalaro

Karaniwan sa paligang pangkabataan ang malaking gastusan sa uniporme ng team. Hindi lang dahil may paligsahan ng best uniform kundi pati ang  pabonggahan ng mga kasali.  Kung kaya’t para hindi mag-mukhang kawawa, ang mga batang manlalaro ay bahay-bahay nanghihingi ng solicit. Umaakyat pa nga sa pampasaherong sasakyan para humingi ng “kahit barya lang”.

Nitong 2010 Captain’s Cup at SK Cup, nasimulan ang simpleng uniporme para sa lahat ng team at sinagutan ng SK at SBC ang gastusin dito. Sa ganitong paraan naipamulat sa mga batang manlalaro ang basic intention ng palaro bilang sports at libangan. Hindi pabonggahan, hindi rin panghihingi upang matustusan ang bongga.

Kita at Gastusin ng Barangay

Maganda ang takbo ng locally generated income ng Barangay- bayad sa business at construction permits, Barangay IDs, certifications at clearances. Kabilang dito ang percentage mula sa Municipal Collections sa cedula at Real Property Tax.

Ang lumaking Internal revenue Allotment ng Calumpang ay gastusin naman sa personnel services, operating expenses, capital outlay,  pagawaing barangay, Sangguniang Kabataan at Senior Citizens.

Re-painting of Brgy. Hall, improvement and air-conditioning of offices.

Multi-Cab overhaul & re-painting.

Ang kita ay itinutustos bilang assistance  sa financial, medical, educational, at burial na pangangailangan ng sector ng mahihirap.

Pagawaing Barangay


Pag-uulat ng Sanggunian Barangay sa pamamayan tuwing anim na buwan

Gamit ng BT mula kay Cong. Joel Duavit.

Mumunting Tagumpay

•  Bantay Inday Program – Semi-finalist ng Galing Pook Award on Good Governance 2008

•  Barangay Calumpang – Finalist for Best Performing Barangay in Rizal Province 2008

•  Most Active Barangay in Blood Donation ng Red Cross  2010

Alam mo ba??

Nakapag-pakulot ka ba kay Ka Emy?

Nuong panahong hindi pa monopoliya ng mga “kafatid” sa kagandahan ang kulot-gupit-make-up industry, sa Calumpang ay may sikat na hair salon: Pakulutan ni Ka Emy Arabit- Aparejo.

Dinadayo ang pakulutan ng halos lahat ng ikakasal na taga-Calumpang at maging taga-Macamot. Ang mga baylarina sa Looban, silang nagmimintina ng magandang ayos para maisayaw ng maraming customers sa Kabaret, ay “alaga sa kulot” ni Ka Emy. May nakakatuwang istorya na pag nalaman daw ng Misis ni Mister na pinagsususpetsahang (ni Misis, siyempre) “naloloko” sa baylarina, ay pupunta kay Ka Emy at pakukulot tulad ng ayos ng belyas nali-”link “ sa asawa niya.

Pag may field day at graduation sa Calumpang Elementary School, maraming kabataan ang hindi lamang nagpapakulot, kundi magpa-tiss at spray net na kadalasan ay dalawang araw ng tapos ang okasyon ay naka-hairdo pa ang inayusan.

Kilala ang pakulutan dahil “hi-tech” at “sosyal”ang dating. Nuon ay “big deal”, para sa mga babaeng nagkakulot gamit lang ang dahon ng kakawate na ipinulupot sa buhok, ang “suklob” ni Ka Emy.     Iyong hair dryer na inilalagay sa kinukulutan ng “coldwave” (galing Vietnam pa iyon, pasalubong ng esposong si Ka Ponching).

Propesyonal ang training si Ka Emy dahil may kursong hair science and beauty culture at marunong mag-PR- pakikipag-friendship sa mga customers. Kahit belyas ka pa, inaasikasong kang mabuti sa pakulutan.

Paano ba napanatili ni Ka Emy ang pila-pilang suki nuong ‘di pa uso ang telebisyon sa parlor? Nanduon ang mga kamag-anak na siyang assistants, taga- lagay ng gamot pang kulot, taga- ayos ng papel ng curlers, kung minsan ay taga-hunta o taga- tsismis.

Enterprising si Ka Emy. Habang kinukulutan ay makakabili ka ng ice candy- masarap na timpla ni Ka Lulay, nakababatang kapatid ni Ka Emy. Kung natagalan ka dahil maraming nagpapakulot o kaya’y ang buhok mo ay hindi agad tinablan ng gamot, bago umuwi ay makakabili ka na duon ng bigas pangsaing o darak pangpakain sa baboy.

Wala pa mang “gandang Ricky Reyes” models nuon, pero si Ka Emy ay mayroon ng hair style endorsers. Long and wavy: Ka Oria, nakatatandang kapatid ni Ka Emy, mistulang santang ipinuprusisyon pag Holy Week. Page Boy: panganay ni Ka Emy, na ngayon ay doktora, kumumpitisyon sa buhok ni Alma Moreno nuong Ligaw na Bulaklak era. Fly away: pamangkin ni Ka Emy, ngayo’y US- based professional. Imagine mo ang ayos ni Jackie Kennedy o ni Audrey Hepburn. Shaggy: bunsong hija ni Ka Emy, mala Farrah Fawcet at Imee Marcos. Ang short, crop hair ay signature hairdo naman ni Ka Emy.

Pero, tila sumablay si Ka Emy nang magpakulot ang kanyang bunsong lalaki na basketball star player nuon. Aba’y walang sinabi ang curls ni Jun Pyo, current Korean heartthrob ng Boys Over Flower’s fame, sa animo’y ni-rollers na buhok ng modelo! (Sabi, ang hair style ay “idea way ahead of his time”. Sabi-sabi, pansamantalang humina daw ang kita ng pakulutan dahil duon!)

Feeling ng sino mang napa- parlor ang kumpiyansa sa sarili na bagama’t panandalian ay may “lasting memory in the heart of one who dreams of being beautiful.” Sa pagpapalawig ng “necessary feeling” na iyan sumikat si Ricky Reyes at maging si Vicky Belo. At, sa Calumpang, si Ka Emy lang ang matagal naghawak ng ganyang korona.

Mumunting tagumpay dapat linangin…

Mumunting  tagumpay dapat linangin…


Ayon kay Engr. Oscar Tojon, pumayag in principle, ang Cemex Philippines, Inc. na bigyan ng sampung (10) taong Right-of-Way ang Barangay Calumpang para sa Cableway Road portion mula sa Big A & A Compound hanggang sa Katipunan Road.  Ang 6-meter-wide at 550 meter-long na alternatibong daan ay  maaari ng ipa-aspalto ng lokal na pamahalaan sa ikagiginhawa ng maraming sitio na direktang konektado dito.

Maganda ang takbo ng locally generated income ng Barangay- bayad sa business at construction permits, barangay IDs, certifications at clearances.  Kabilang dito ang percentage ng Barangay mula sa Municipal collections sa sedula at Real Property Tax.  Kudos kina Treasurer Karen Aran at staff.

Nabigyan ng Oxfam (Oxford Committee for Famine Relief) ng Livelihood Assistance Grant ang Samahang Kapitbahayan ng Gervacy para sa kanilang proyektong Alamang ng Calumpang.  Makatutulong ang grant na ito hindi lamang para makabangon muli ang mga nasalanta ng bayong Ondoy kundi upang makagawa rin ng  produktong magpapakilala sa Calumpang – One Barangay, One Product.

Ang Friends Indeed USA Inc., isang US-based-foundation, sa pamamahala ni Ms. Nena Kaufman, na nagbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo, ay nakatakdang maging sponsor din ng livelihood program para sa Samahang Kapitbahayan.

Tatlong programa ang isinumite ng Barangay kabilang ang Puhunang Pabalik-balik, Tubong Paulit-ulit ng MAGDIWANG; Makina na Panahi para sa Makinang na Kabuhayan ng Samahan ng Reyes Compound, at Gawang Welding na hindi laspagin ng Samahan sa Looban 1 .

Samantala, ang iba pang biktima na Ondoy ay napagkalooban ng tulong pinasiyal mula kina Gov, Casimiro Ynares III at Cong. Jack Duavit.

ASAC Summer Classes– Saluduhan nating ang programang pang-edukasyon ng Aktibong Samahan sa Cableway. Sa pagtuturo ng volunteer teachers,  pagpapagamit ng pribadong lugar para aralan ng mga bata at sa tiyaga ng mga magulang ay napagtapos ng Summer Classes ang mahigit 70 mag-aaral edad  tatlo hanggang anim na taon. Napakasipag ng Pangulong Dondon Oregas at tunay na nagtutulungan ang miyembro ng samahan.

Thumbs-Up para sa Calumpang na Best Barangay ng Binangonan at Finalist sa Best Performing Barangay ng 2008.

Paano ba ang maglingkod?

Paano ba ang maglingkod?

Kap Jolan Aralar


Alam naman ng marami na hindi ako bago sa paglilingkod publiko. As early as 1987, ako ay naging Kabataang Barangay Chairman ng Calumpang at nahalal na Pambayan at Panlalawigang Pangulo ng Pederasyon ng KB. Isang pwestong taglay ko hanggang 1989 kung kailan ako ay nahalal na kauna-unahang independyenteng Barangay Kagawad. Hindi ko natapos ang aking termino bilang kagawad dahil ako naman ay napagtiwalaan na maging Konsehal ng Binangonan sa loob ng tatlong termino (1992-2001). Ngayon, sa tulong at suporta ng ating mga ka-barangay, naatasan akong pamahalaan ang Calumpang Kong Hirang. Ang kasalukuyan kong pwesto ang higit na humamon sa aking kakayahang maglingkod.

Kahit na pinayagan ako ng mga tao na mag-trabaho habang nakaupong Kapitan, ako ang sumuko at nagdesisyon na magbitiw sa aking mga trabaho sa UN Population Fund at sa League of Municipalities National Secretariat. Ang pagiging kapitan ay hindi lang full-time job, round-the-clock pa. Walang weekend,  walang holiday, walang pista-opisyal. Hanggang kailangan ka ng tao, you are expected to respond and serve them. Napakahirap pero napakasarap sa puso na ikaw ay maging instrumento upang makapagbigay ng kaluwagan sa mga taong nangangailangan. Pag pagod na pagod na ako  sa kakaisip o sa kakatrabaho o sa kakarinig ng mga walang batayang isyu- I can always look back sa mga nagawang pagbabago sa ating barangay.

Maayos na ang serbisyo sa barangay hall, sabi nga ni Lakambini Aimee Urgelles, “maganda sa barangay.. me aircon..”, mahusay ang mga tanod at lupon, Barangay Health Workers, sanitation team, service-with-a-smile ang mga barangay staff, me barangay ID, andaming assistance packages, me covered court na tayo, me bagong dump truck, me bagong mobile ticycle, bagong motor, mga bagong public restroom and bathroom, me botika at me bigasan. At tayo ang tinanghal na most outstanding barangay sa buong Binangonan noong 2008. Sa pamamagitan ng aking kulang tatlong taon na pagsisilbi sa barangay, tingin ko ay nabigyan ng bagong kahulugan ang paglilingkod-publiko.

Ang tunay na paglilingkod ay kailangan ng mga sumusunod: sakripisyo, panahon, talino, sikhay, pagka-maparaan, pananaw, tibay ng dibdib, at dalisay na hangaring maglingkod sa kapwa at sa barangay. Sa ibabaw ng lahat ng ito, ay ang matibay na pananalig sa Diyos.

Batay sa karanasan, hindi maaaring may kulang sa mga nabanggit sa itaas. Ang paglilingkod ay dapat na me tinatanaw kang magandang bukas para sa barangay at sa mga taong dito ay nananahan. Dapat na may tunay na pag-unawa sa mga problemang ating kinakaharap at may kakayahan at talino na makahanap ng solusyong hindi limitado sa immediate surrounding. We have to reach out and makipag-network sa iba ibang ahensya, institusyon, at sa mga taong may mabuting puso at laan tumulong sa ating barangay.

Ang tibay ng dibdib ay isang kinakailangang requirement. Ang mga kalaban ng reporma at pagbabago ay mga taong ang nais ay ang nakagisnan. Masidhi ang kanilang kaayawan na baguhin ang kaisipang “pwede na yan”. Ang mga negatibong elementong  ito ay dapat na paghandaan. Labanan ng katotohanan ang kasinungalingan, ng aktibong pagkilos ang walang katuturang pag tunganga at ng pagkakaisa ang pagkakabaha-bahagi.

Datapwat, kahit na makumpleto natin ang mga bagay na ito, mayroon pa ring tsansa na ang mga planong maganda ay madiskaril o kaya’y mabigo. When all things fail.. let us turn to God. Ang tunay na paglilingkod ay tanggap ang katotohanang kung walang Diyos wala tayo rito, kung hindi Niya tayo tutulungan..wala tayong magagawa. It is this realization that will give meaning to what we are doing in this world.

Ang lahat ng ating ginagawang pagtulong sa kapwa at sa barangay ay pagbabalik papuri sa Panginoong pinagkakautangan natin ng lahat.

TO GOD BE THE GLORY!

Kabanata…

Guido Hacienda Social Timebomb?

By Leo P. Gonzaga

Reprinted from Manila Inc. Magazine, January-February 1996

Wading through volume after volume of the Guido Hacienda story is like getting lost in a forest and having difficulty in finding a way out not because of any lack of signposts, but because of a surfeit of them.  The names, events and dates in the story are so numerous as they span centuries from the Spanish occupation period.

The controversial hacienda can be seen in contemporary light without having to go back that far.  For instance, how it stunts growth in one fairly large countryside.  Or how it runs counter to the thrust of an ongoing government centerpiece program of breaking up landed estates for distribution to tenant-farmers. Not to mention the rationale of an existing law protecting the landless from forcible eviction.

Add to that brew certain racial undertones and what emerges is a social timebomb.  A single wrong word or misstep by any of the protagonists can touch off an explosion of frightening proportions.

The Laggard

Even without the hacienda as a growth impediment, Rizal Province already lags behind Cavite, Laguna and Batangas in the five-province Calabarzon area and is probably ahead only of the fifth, Quezon.  Several towns of Rizal have been annexed by Metro Manila as an enlarged fiefdom of an ambitious First Lady.  The province has thus lost to the metropolis a big number of industries producing car and other motor vehicles, bicycles and motorcycles, tires, garments and textiles, soap and detergents, cosmetics, toothbrush and toothpaste, chemicals and other pharmaceuticals, shoes, iron sheets, steel bars and steel plates, industrial glasses.  As they say it, name it, Rizal has got it.

Not any more.  All the province now has is one automotive assembler, one paint manufacturer, one chocolate processor and three cement manufacturers.  There are others, but they are of small or medium scale, like livestock raising, milkfish growing, motorshop operations.  With less flat land than others in Calabarzon, Rizal does not have an export processing zone like that in Rosario, (Cavite).  Neither does it have any special economic zones such as those in Dasmarinas and General Trias (also Cavite); in Binan, Cabuyao, Calamba, and Sta Rosa (Laguna); in Bauan and San Pascual (Batangas).

Most of the  little flat land in the province is neck-deep in controversy, preventing proper titling of disputed areas.  Rizal is a next-door neighbor of Metro Manila, but despite this comparative advantage, it si being bypassed by investors in need of factory sites with proper titles.  For instance, Procter & Gamble Manufacturing Corp. has relocated from Tondo to Laguna., and Reynolds Phils. Corp. from Mandaluyong to Cavite, but not one of the relocator-companies has gone to Rizal.

Old Resentments

The Guido Hacienda is so  huge that the claimed boundaries extend from the town of Binangonan in the south to Angono and then to Muzon in the town of Taytay some 20 kilometers away in the north and, eastward, to San Guillermo in the town of Morong of more or less the same distance.  Under the government’s comprehensive agrarian reform program, there is a limit of seven hectares on any single landholding.  Yet, the Guidos and buyers of the hacienda want 3,000 hectares in Binangonan alone!

The controversial claim covers land occupied by some 35,000 families, most if not all of them paying property taxes and building permits to the municipal government.  The land has been either inherited or bought from generation after generation of ancestors.  Now, they are being threatened with eviction by claimants who neither occupied the land, or most of it before, nor paid taxes on the property until recently.

Old resentments are adding fuel to the fire of controversy because the Guidos are Spanish or of Spanish ancestry while buyers of the hacienda are Chinese or of Chinese ancestry judging from such family names as Ang, Chin, Coyuito, Gaisano, Sy.  As one resident puts it, “we are being oppressed this time by both the Tisoy and the Tsinoy”.  Whether they have become naturalized Filipinos or not no longer matters to the people of the town, it seems.

Ever-Present Risk

Sometime in the last few years of the late Ferdinand Marcos, unidentified soldiers were seen providing security to unidentified civilians putting up fences in the rice fields along the national road in Muzon.  The talk then, up now neither confirmed nor denied, was that the late Doña Josefa Marcos, the president’s mother, intervened on behalf of the Guidos. For some unexplained reasons, however, the soldiers, civilians and fences disappeared with not a single untoward incident.

Violent or near violent confrontation is now an ever-present risk in Binangonan.  From time to time, unidentified armed civilians put up fences in certain areas of the town.  Each time, these are dismantled by the police on complaints of affected residents.  Once, unarmed men tried to survey land on Barangay Macamot and were chased by bolo-wielding residents themselves.

The fence-builders and surveyors are believed to be from the Guidos or from the buyers of the hacienda, Interport Resources Corp. and Rommel Realty Corp.  They have not challenged fence-dismantling thus far because they cannot produce a supporting building permit as required by the municipal government.  But the situation remains tense.

Political Issue

During his three terms as Binangonan mayor, now Rizal Governor Casimiro Ynares made sure that no building permit was  issued for any fence or other structure of the Guidos or their successors in interest.  And insisting that they were not the real owners of the disputed land, he refused to accept any property tax payments from them.  “we will fight the Guidos in court,” said Gov. Ynares in an interview with Manila Inc.

The present mayor, Isidro Pacis, is as strict as his predecessors in denying building permits and in enforcing the no-permit, no-fence-etcetera requirement.  However, on the advice of his lawyer, Mayor Pacis allowed Interport and Rommel to pay property taxes.  As he told this writer, the two firms have been making money doing business in Binangonan, so “they might as well pay taxes to us.”  After all, a tax declaration, says the fineprint in this particular document, is no proof of ownership.

Even so, one recent tax payment of P6 million was raised by his political opponents as a campaign issue against him in the elections last May.  He was reelected nevertheless as voters paid less attention to the issue and focused more on his tract record, which included prompt dismantling of fences any time there was a complaint from residents anywhere in town; and the arrest of Jaime Ong  Din Chi, president of Rommel after his men occupied a residential lot in Macamot registered in the name of barangay resident Lemmy Barretto.

Past Uprisings

The hacienda story tells of at least two uprisings, both unsuccessful; and a series of legal setbacks for town people.  According to writer Jorge Arago and as published in Ang Balitaan, the Binangonan portion of the hacienda was forcibly taken over by residents in 1745.  That was four years before a council appointed by King Charles ll of Spain declared Don Domingo Antonio de Bermudez as the owner of the Angono portion of the hacienda.  In 1952, ownership of the entire property was transferred to Don Andres Blanco Bermudez upon the death of his uncle Don Domingo.

In 1903 when the people of Angono rebelled against their landlords, the property claimants were Francusisco Guido and his wife Dominga.  There are two versions, one that Francisco got the hacienda as an heir down the line of Don Domingo, according to Arago; two, that the huge tracts of land were granted by the Spanish colonial government to Francisco in return to his services as a soldier, wrote journalist Bernardo Lopez in Manila Real Estate Magazine.  The grant was supported by a decree issued in 1911 by the American colonial government.

After the rebellion was put down, a case was raised to the Supreme Court which, in 1909 and through Chief Justice Cayetano Arellano, upheld the claim of Francisco and Dominga.  The decision of the  high tribunal covered not only the Binangonan and Angono portions of the hacienda but also the limestone quarry in barangay San Guillermo of Morong.  That was to become the first of several cases won by non-occupant, land claimants over claimants in possession of the land.  Or a judicial aberration that has allowed a despised anachronism to continue up to these enlightened times.

Details and Details

The hacienda story at the turn of the century yields a virtual deluge of details.  As reconstructed by Lopez, the town most affected by the controversy was made up in the early 1900s by Estancia de Binangonan and Estancia de Riga.  From these two evolved Estancia de Angono, with Justo Guido, son of Francisco, as claimant to ownership.  The Guido sired many children, legitimate and illegitimate, through many generations, among them Alfredo, Benito, Gregorio and Hermogenes.  Not all of them got a piece of the action, the vastness of hacienda, notwithstanding.

In 1942, Jose Roxas and wife Emilia, who were in the list of “legitimate heirs’ of the Guidos, bought half of the 3,181 hectares Estancia de Angono and subdivided it into 21 lots of varying sizes.  In 1976, they resold the property to Pacil Management Corp..  Eventually, 14 of the 21 lots with a combined size of 2,211 hectares ended up with the Interport in exchange for the latter’s stocks.

According to Gregorio, there are two portions of the Guido Hacienda.  The smaller but developed and cleaned-titled Estancia de Angono and the bigger but underdeveloped land in Binangonan where there are many claimants and an overlapping of titles and tax declarations.  Most of the rival claims turned out to be from heirs of Francisco and Justo who did not benefit from the hacienda.

Mystery and Hanky-Panky

The Guido Hacienda story is not without an intriguing part.  Lopez, in his write up cited certain vital document which mysteriously disappeared, then reappeared also mysteriously.  The reappearance took place in what he described as “perfect timing” for the Guidos, i.e., right before the case was raised to the court, the documents were later presented in court as proof that the Guidos owned the hacienda.

Not only mysterious but also suspicious is how the Guidos managed to get transfer certificate of title for the property.  In his account, Arago noted that their petition for a TCT was submitted to then Land registration Commissioner Gregorio Bilog Jr. in August 1974.  Bilog consulted with then Justice Secretary Vicente Abad Santos who in turn, asked then Solicitor-General Estelito Mendoza to look into the matter in a memorandum the following year, Mendoza rejected as “phony” an old document which was being used by the Guidos as basis for their petition.

In March 1976, the Guidos filed the petition with the Register of Deeds in Morong.  Despite the Mendoza memorandum, then Deputy Register of Deeds Pricilla Tech issued the petition in so quick a time and so trouble-free a procedure that Arago smells hanky-panky.  The TCT in the name of Francisco and Hermogenes was later followed by 21 more such certificates in the name of other Guidos.  “Just like that,” says Arago of the ease they were issued.

Presidential Decree

There are other names, events and dates to wrestle with.  President Ramos ordered in 1976 that Spanish Titles must be authenticated within a specific deadline.  The Roxases initially applied for an original title, later changed the application to a reconstituted title after a research they themselves commissioned revealed the existence of the Spanish land grant to Francisco.

Again according to Gregorio, he and his father Benito declined to join Alfredo in pursuing the ownership claim up to court, not having seen the supposed documents.  With the disputes resulting in a freeze on titling of land even outside the Guido Hacienda, Gregorio says he cannot get titles for the land and home he inherited from Benito in barangay Tayuman of Binangonan.  Also adversely affected is current Development Bank of the Philippines Chairman Alfredo Antonio, who inherited a piece of land from his father in barangay Darangan. “I cannot get my property titled,” he told this writer.

The court battle began in1979 when the office of the Solicitor-General filed a case in the then Court of First Instance, now Regional Trial Court, in Pasig.  He questioned the authenticity of the Spanish title and the American decree on behalf of thousands of affected Binangonan residents.  That court in May 1989 upheld the authenticity of the title and decree.  In June of the same year, the case was raised to the Court of Appeals which turned down the petition for reconsideration. Then the Supreme Court in November 1991 declared as legal the reconstitution of the title and decree.

Qualified Exemptions

Both the Court of Appeals and the Supreme Court decided to honor the rights of land occupants who either have existing titles or can prove occupancy for at least 30 years.  The problem, as pointed out by former provincial legal counsel Carmelo Arcilla, is that many of the residents have no existing titles apart from the tax declarations; and proving occupancy for the prescribed minimum period is a tedious process for the affected individuals, perhaps even requiring massive surveying which may take years or decades.

The court decisions have raised a number of disturbing questions.  He asks how Interport, for instance, which never paid taxes nor occupied or developed the land, can become a legitimate owner of the land occupied for decades by taxpaying residents.  Raising the issue of “eminent domain” in the case of the Spanish title and vis-à-vis the Guidos, Atty. Arcilla points out that they never exercised dominion over the property in question and, therefore, have never been and cannot be owners of the land.

To him, a land title not based on ownership evidences is “nothing”.  Not a single square inch of the town has no claimant-possessor.  If the court decisions are to be given substance, there is nothing in Binangonan that is available to the Guidos, Interport and Rommel.

Economic Stagnation

There is an appeal for reconsideration of the ruling of the high tribunal.  So the case is not finally settled yet.  In the meantime, the Bureau of Lands has stopped accepting applications and acting on already-filed ones even on areas outside the Guido Hacienda.  As a result, the town is making little or even no headway it its pursuit of faster economic development.  Interport, too, is having problems in putting up a so called “Satellite City” in barangay Bilibiran.  Its stockholders include mega-rich Filipino Chinese like Robert Coyuito, Jack Gaisano and Henry Sy.  Filipinos on its board also belong to name-droppables in the business community, like William Gabaldon, Manuel Recto and Francisco Villanueva. Either they are not putting big-bucket money in the company, or the financing requirement is so huge that Interport has found it necessary to invite Malaysian investors.

The “Satellite City” as envisaged will contain plush residential communities and commercial establishments as well as a hi-tech agro-industrial park.  Or some kind of a compensating balance for Binangonan which will, at least in the project, get a spillover from Metro Manila’s excess population with medium means in spending, though it cannot get a single corporate relocator from the metropolis.

Grim Prospect

It has been observed that the frequency of fence-building, attempts by Interport was quite high during the time it was asking the Malaysian to invest in the project.  Company officials got haled to the Securities & Exchange Commission to answer charges of “inside trading” after it was found out that Interport share accumulation at marked-down prices took place on the basis of pre-knowledge of negotiations with the Malaysians.  Up to now, investments from them are a question mark.

Not much is known about Rommel and any of its board members and officers.  But the company is also said in the market for equity partners, local and/or foreign.  It is, like Interport, also resorting to fence building off and on presumably to impress prospective investors that it owns land in Binangonan.

Anything can happen when fences are built by Interport and Rommel then dismantled by the police.  As bloody incident after incident amply show, squatters fight eviction, though their right to stay where they are is anchored only on law which says they cannot be evicted unless provided with alternative sites.  People in four Rizal towns covered by the Guido Hacienda are no squatters.  They are tax-paying, long time occupants.  They will fight.  So, while the prospect for the province is that of continuing to be a laggard in Calabarzon, what stares particularly Binangonan in the face is economic stagnation or worse, violence.


Higante ni Kampong

Dinadayo ng mga turista ang Higantes Festival sa Angono, Rizal tuwing fiesta dahil sa makulay at iba’t-ibang “malaking-taong anyo” na likha ng kanilang folklore, artists and craftsmen. Paper-mache ang mukha na hitsurang-banyaga habang yari sa kawayang patpat ang katawan na dinamitan ng katutubong kulay at disenyo.

May ganitong likha rin sa Calumpang na sikat mula dekada 30′s hanggang 70’s- ang Higante ni Kampong.

Si Kampong (Policarpio Lirio- 1902-1968) ay taga Daus-usin, malapit sa lugar ng unang santo ng Calumpang- ang Santong Amba. Ang bahay ni Kampong ay umaapaw sa kanyang likha: disenyong sarimanok , ibong tumutulay sa pisi mula sa pintong kahoy hanggang kawayang gate, banderang sari-sari ang kulay, mga porma ng latang pinagdikit-dikit at kawad na piniri-pirikot, gayon din ang bulaklak yari sa crepe paper. May paper mache na maskara at mukha ng higante. May putik na kinortehan at pinatigas, pati kahoy na nililok. Mabusising likha, maarteng hugis, sumisigaw na kulay. Kung kaya’t nuong mga dekadang iyon, pag sobra ang gayak mo maging sa bahay, damit o mukha man ay sasabihan ka na “parang si Kampong.”

Tama ang sitsit, si Kampong nga ay binabae, pero hindi sa konotasyon ng bakla o gay ng makabagong panahon. Maraming lupa ang pamilya ni Kampong na hindi niya inasikaso bilang magsasaka, sa halip ay ang hilig sa paglikha ang kanyang inatupag. At ang siste nito, ang babaeng kapatid na kasama niya sa bahay ang gunanap ng gawaing lalaki- nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, nagtatanim sa bukid.

Matalino si Kampong kahit hindi siya nakapag-aral. Ang mga likha niya ay inspirasyong sumibol sa pagmamasid sa kalikasan, sa Lawa ng Laguna, sa lupa ng nuno sa punso, sa pagtingala sa mga bituin sa langit. Ang Higante, bilang kanyang obra, ang naging mascot ng pista, kasal, at mga pagdiriwang nuong panahong wala pa sa hinagap ng mundo sina Jollibee at Ronald McDonald.

Ang Higante ni Kampong ay may tatlong katauhan- nanay, tatay at anak. Sila ang nangunguna sa parada, nagbabando ng pagoda, umiindak sa tugtog ng musiko.  Sakripisyo nga lang sa taong nasa loob ng higante na siyang naglalakad at nagpapagalaw dito.

Taga-gayak din si Kampong ng andas ng Santo at ng tuntungan ng pari sa pagbabasbas ng palaspas kung Linggo de Ramos.  Ang Higante ay kasama sa kinasal na, nuong panahong iyon ay, naglalakad mula simbahan hanggang bahay. Bahagi rin ng Lukayo, tradisyon na ang lalaki ay nagdadamit pambabae at nagsasayaw sa mga ninong at ninang para sa regalong pera sa mag-asawa.

Na-aarlika ang Higante ni Kampong ng mga may kasayahan mula Pila, Ithan at tumatawid pa hanggang Pasig. Kwento ng kamag-anak ni Kampong, may taga-Angono na umarkila ng higante, “pinarisan” at simula nuon, ang mga manlilikha nila ang nagpayabong ng sining nito. Ang nakalulungkot ay wala isa man sa mga naiwang kaanak ni Kampong ang nagpatuloy ng kanyang likha.

Ayon sa taga-Angono, nagsimula ang higante nila nuong panahon ng Kastila bilang pag-ganti ng katutubo sa mananakop. Ipinagbawal ng mga Kastila ang kasayahan kaya ang mga tao ay gumawa ng higanteng mukhang banyaga upang pagtawanan nila. Pasubali naman ng iba, kung lalaliman ang pagsasaliksik, walang ganoong tala sa kasaysayan at marahil ito daw ay malikhaing paghahango upang ang higante ng Angono ay may ugat na pagmulan.

Ang Higante ni Kampong ay hindi Kastila ang hitsura, sabi ng matatanda. Haka-haka pa, marahil ang higante ng Angono ay “interpretasyon” base sa kanilang pananaw sa kasaysayan.

Natural lamang na may magkatulad na higante ang Binangonan at Angono dahil nuong panahon ng Kastila, ang Angono ay bahagi ng Binangonan. “They shared the same history, the same culture, the same artistic inspiration- the Laguna Lake”. Dangan nga lamang, puna ng mga kritiko, kung ang pinagtuunan ng taga- Binangonan ay ang sabong bilang libangan at kultura, ang taga-Angono naman ay ang paglikha at sining.

Iyan rin ang ibinabatikos na dahilan kung bakit ang Petroglyphs ay unang “natuklasan” ng Angono artists, silang may masidhing pagpapahalaga sa kultura at sining.  Ang Petroglyphs ay kalatas nakaukit sa batong dingding ng Matandang Yungib sa sitio Pinagpala, Tayuman, pruweba ng sibilisasyon 3000 taong una kay Hesukristo. Nagising daw lang ang Binangonan sa “yaman ng lahi” ng mapabilang ito sa Unesco World Heritage List at paglaanan ng pondo para sa preservation ng site.

May pagkilos namang ginawa ang grupo ng artists, ang Bigkis Sining, at pamahalaan ng Binangonan upang buhayin muli ang sining ng higante. Sa pangunguna ni Konsehal Rey Punelas, pinarangalan ng munisipyo si Kampong nuong 1994. Ang Sangguniang Kabataan ng Calumpang nuon, sa ilalim ni Joan Velasco, ay nagsulong din ng ganitong adhikain.

Patuloy na suporta ng pamahalaan at pribadong patron ang kailangan upang muling ibalik ang pamana ni Kampong. At ipakilala ito sa mga kabataan ngayon.

Facebook ng Calumpang Kong Hirang

Facebook ng Calumpang Kong Hirang

Busy, busy SBC!

Sa Monthly Flag Ceremony kada pangalawang Martes, may pag-uulat sa mamamayan ng mga proyekto ng Sanggunian at may pagmumulat din sa mga isyung binabalikat. Bonding at jamming time naman ng mga samahang kapitbahayan.

Bisita ang balikbayang si Estela Membrebe nitong Enero. May tulong si Es para sa mga Senior Citizens at may suporta sa itatayo na barangay public library.

Inilunsad sa flag ceremony nitong Pebrero ang Supplemental Feeding ng United Nations World Food Program at ng Munisipyo ng Binangonan.  Sa pamamahala ng Barangay Health Workers, ang mga bata edad 6–23 months, mahirap man o may kaya, ay binibigyan ng anim na buwang supply ng soya, gatas  at mantika. Inaasahang tataas ang timbang ng mga beneficiaries na regular na imo-monitor ng BHW.

Naging panauhin din ang mga kandidato ng Barkadahan pati ang doktora ng bayan at midwife ng barangay.
Solo ni Mayor Boyet Ynares ang March flag ceremony. Ibinalita niya ang programa ng administrasyon tulad ng kalde-kaldero timba-timba kawa-kawali. bigas at  limandaang pisong allowance sa mga hindi tumatanggap ng pension sa gobyerno.
May housing materials para sa nasalanta ng Ondoy at pangkabuhayan training ng BYM Ladies para sa kababaihan.  Nagpasalamat naman si Kapitan Jolan Aralar sa mga tulong ni  Mayor sa Calumpang:  pailaw sa court, truck ng basura at motor.

Kabilang ang SBC sa mga happenings ng munisipyo.


Sa Baguio, kasabay ang mga kapitan at kagawad ng buong Binangonan, kapiling ang Sangguniang Bayan….(February 1-2, 2010)

Naki-Barangay Assembly sa Kapitolyo sa kaarawan ni Governor Casimiro Ynares III. Bitbit pa ang Magdiwang (March 4, 2010)

Naki-birthday kay Joel Duavit sa Duavit Compound (March 23, 2010). Kapiling sina Cong. Jack Duavit at ang may kaarawan, Joel.

Nakimisa at nakiparada ang Sangguniang Kabataan, Council at Magdiwang sa Araw ng Binangonan (March 27, 2010)
Nakisuporta sa unang salbo ng kampanya ni Mayor Boyet Ynares at Barkadahan (March 26, 2010)

Punong-puno ang kamay ng SBC sa sabay-sabay na kaganapan at sunud-sunod na programa ng sports development. (Marso 21, 2010, nagkaroon ng:


Simultaneous Captain’s Cup and Sangguniang Kabataan Basketball tournaments

Synchronized Barangay Assembly: Nag-ulat ang Sanggunian ng mga programa at proyekto.  Kabilang dito ang tungkol sa climate change; livelihood programs na isinumite sa Oxfam (Oxford Committee for Famine Relief) para sa rehabilitation ng typhoon Ondoy victims; mini-dyaryo, blogsite at facebook account ng Calumpang; scholars ng barangay; ordinansa tungkol sa Solid Waste Management at Responsible Pet Ownership; serbisyo ng Barangay Tanod at Lupon; at maayos na kalagayang pananalapi ng barangay.
Binuksan din ni Kap. Jolan Aralar ang mga pinaghahandaan ng Sanggunian tulad ng patubig sa Lirio Compound, alternatibong daan sa Cableway Road at ang pag-aayos ng boundary ng barangay sa mga karatig nito.
Habang abala sa parada at laro, may iba namang pinapanood ang kabarangay – Photo Exhibit. Featuring the Basketball Court of our affections, barangay officials then and now, Pritil ng ating Pangarap, Lakambini ng Calumpang, Taga-Calumpang Din Po Kami, arts and artists at institutions. Parang history ng Calumpang capsulized in 8 panels. A basketball player muses, “This helps us reminisce our colorful past”.


Ang Ynares Multi-Purpose Covered Court ay tila si Kuratcha, ang court na walang pahinga dahil sa sandamakmak ang paliga.  May SK, 22 teams; may Captains Cup, 9 teams; may tournaments para sa 40 years & above ni Eddie Aragones, 7 teams; Open Age ni August Tabilin,  11 teams; at Invitational ni Pepe Ulang, 14 teams. Si Kag. JR Pitisan ang namahala sa Captain’s Cup.

May Invitational Volleyball din si SK JM Paralejas na may 9 teams sa men’s at 22 teams sa women’s tournament.

May Softball League sa pamamahala nina Uro Celestra, Angie Burgos at Memok Membrebe. Pitong teams ang kasali at duon sa parang ng Saperia ginanap. Tumulong ang Sanggunian sa pamamagitan ni SK JM na sumagot ng gamit pang-liga. May softball team ang Calumpang na inilahok sa Macamot Inter-Barangay Softball League.
Busy rin ang SBC sa health and sanitation concerns.

Nagsagawa ng libreng Pagbabakuna ng Aso sa ilalim ng pamamahala ni Agriculture & Fisheries Chair Banjo de Leon.  301 aso ang nabakunahan, paghahanda sa inilalapat na ResPETo – Reponsable Pet Ownership Ordinance. Kailangang iparehistro ang alagang aso, regular na pabakunahan ito, magkaroon ng kulungan o tali upang hindi gumala at magdumi o mangagat. May Huli Aso team para sa stray dogs.

Anti-measles Vaccination para sa sanggol anim na buwan at bata hanggang pitong taon ang isinagawa na BHW sa pamamahala ni Health & Sanitation Chair Bembol Yadao.  680 bata ang beneficiaries.

They Make US PROUD!!

          Mga anak ng Calumpang (Taga-Calumpang Din Po Kami) na nagdadala ng karangalan at ligaya hindi lang sa kanilang mga magulang kundi sa kabarangay at kababayan.

          Nakatataba ng puso na sila ay may ugat na pinanggalingan dito at ang kanilang halimbawa ay inspirasyon sa ating lahat.

Who wants to be an architect? 

Published @ njtoday.net/ Tuesday, December 22, 2009

RAHWAY—Students from the third grade Gifted and Talented program at Roosevelt School in Rahway recently attended the Edith Mayner Brain Bowl 2009.

Teams were challenged to build the tallest structure using only newspaper, dowel sticks, and masking tape. The key to building a structure was to make weak and flimsy newspaper strong by rolling newspaper dowels. Masking tape was used to attach the rolled newspaper. Students realized a wide base at the bottom would distribute the weight over a wider area and make the structure more stable. The teepee architectural structure won.

Pictured are Roosevelt School students Christopher Sanders and Rowena Songcuan with Rahway’s Superintendent of Schools Frank R. Buglione and Lorraine J Aklonis, supervisor of humanities. Photo courtesy of Roosevelt School.

 Comments:

 Joulhlan S. Aralar January 26, 2010

     Ang galing mo Rowena…. Congratulations to Rowena and to the proud parents Mr. and Mrs. Songcuan.

Connie Unay Lirio Songcuan January 26, 2010

     Salamat sa inyong lahat. Oo nga, news like this serves as inspiration sa mga kabataan and gives honor to all of us.

 

Our own “Sax” in  DoDDS –Europe 2010 Jazz Big Band & Vocal Ensemble

     Sean Michael G. Geguera, playing tenor saxophone, made it to the prestigious DoDDS- Europe 2010 Jazz Big Band & Vocal Ensemble.

     He is among the 26 who qualified from over 115 high school students who auditioned for the Big Band Jazz Ensemble in Kaiserslautern, Germany, January 10-15, 2010.  The band is set to tour Europe after two concerts on military installations in the Kaiserslautern and Baumholder communities and a public concert at Ramstein, Germany.

     Sean’s romance with the sax has been going on for six years now.  This first stint in Germany’s jazz band is prefaced by Sean’s performances as a member of Yokota Swinging Panthers, a jazz band in Yokota Air Base, Japan, where his family was stationed then. No stranger to concerts for Sean visited and played at several international schools in Japan for two years.

     Seventeen- year- old Sean is big brother to 13- year- old Ria Mai,  children of Maigart T. Geguera of Cavite and Maria Annie of Apostadero-Gascon clan in Calumpang, Binangonan, Rizal.  Tanet, as his mother is fondly addressed by her kababayans, works in the U.S. Air Force and is now based in Germany.

     Sean’s passion for saxophone has raised curtains for this young talent who swings at the world’s musical stage.  It is heartening to know that he traces his roots from the Apostadero’s and Gascon’s of Calumpang and the Geguera’s of Cavite.  And, his occasional visits to his homeland are a joyous celebration for his relatives who share his triumphs.

     “Pamangkin ko si Sean”, pagmamalaki ni Kagawad Rene Apostadero.  “Apo ni Doring Apostadero-Gascon”, dagdag ni Maret A. Cervo.   

 

Ang Alamat ng Basketbolan sa Calumpang

ANG ALAMAT NG BASKETBOLAN SA CALUMPANG

Roy Gonzaga


Roy Gonzaga remembers:

For historical references, isama natin  ang athletes nuong araw for their highlight play that inspired most of our current players to take their style into another level.

In my younger years, I’ve seen Quito Barlinan’s sidestep and under goal as one to emulate. (Although he was not in his prime kasi ‘di na natin inabot).

I’ve seen the ‘tirang pan-chicks” nina Kanlot at John Nillos, ang bali ni Boy Palaka, the shooting of Daniel Landicho and more.

I forgot that Quito and Daniel did not hone their basketball skills in our court since when they arrived in Calumpang, they were already talented basketball players but they made their impact in terms of how they play. Special mention si Gener Pones na dumating sa Calumpang nuong 1984.

Also, the legend of Insong Lirio as the original Enforcer in Calumpang inspires the likes of Hepe Picones,( Calumpang Senior 1985 Champion) to play defense the way Insong did and Tiroy Baguio (1987 last Champion Team of Calumpang) to concentrate only on their role and forget about scoring.

I think Noel Aparejo is also an enforcer but he scores.  Sama na rin natin yung crossover ni Ariel Aparejo from right to left sabay jumpshot ng kanan.


Add ko rin ang kakaibang footwork at tira na kung tawagin ay ‘variation’ na pauso ni Jun Durusan.  Although walang gustong umidol sa kanya ng mga pamangkin, but his trademark play is fun and a joy to watch.

I remember Eddie “Aso” Doblas  as well as Eddie “Jabbar” Villadiego with Ato Maycacayan and Nesto Masim as the big men of Calumpang. Edding Aso plays without the fancy stuff but basic and effective basketball. He is most efficient in boxing out, giving the outlet pass, hitting open shot and drives to the basket. In some ways Terence Fontanilla plays like Edding Aso.

Nonie Dionglay is the first person I’ve seen (apologies don sa iba na hindi ko inabot) doing a right hand stretch lay up (tagilid pa).

Di naman ito self serving, but I will go for the 1987 as the best assembled team in terms of size, talent and how they play their roles together.

The 1987 squad had the deepest line-up from first five to second five. This team is loaded. There are two 6 footers with a mobile center forward, Raul Anore then a traditional center, Pogi Quisquino, plus the sweet shooting forward, John Masim, a high leaping forward who can dunk, Bong Ancheta and a 5′9″ point guard with no look and behind the back pass whose name escaped me. The team has the luxury of Polgips Antiporda and high leaping Dayo Roldan coming off the bench or starting.  Toi Barlinan in his younger days is a very good defensive player with a nice running shot starting and sometimes off the bench, Jacen Bitong substitutes for John Masim for instant offense, with Ito Sumiquiab and Ogos Tabilin as guards on rotation, along with Rommel Concepcion and defensive enforcer Tiroy Baguio. Of course, good training and coaching helped this team of mostly superstars from their mother teams to play as a unit.

Plus, the fact that this squad is undefeated and always leads by double digit even before half time.  After jump ball palang may sure 2 points na ang team and that is because of instruction of the coach.

Ariel is right arguably that 1979 team is one of the best with Noni Dionglay, Cezar Villadiego, Terence Fonatanilla, John Nillos, Noel and Ariel Aparejo, Ness Paralejas, Catarig, Randy at Glen. This team is the hataw board lay-up team since almost all players, except for one, were tapping the board when they go for lay-up during round.


Ariel Aparejo adds:

Kung pag-uusapan ay mga “alamat ng basketbolan ng Calumpang, laging kasali sa discussion sina Edding Aso, Emil & Noni Dionglay, Raul Anore, Bong Ancheta, Juan Masim, atbp… (bahala na kayo magdagdag…lalo na yung mga mas una dito) mga players na diyan talaga natuto magsyut at magpatukdol ng bola. Iyung team na nag champion sa bayan na ang coach ay si Quito Barlinan, sa palagay ko, best assembled team yun (pero pito o walo lang kung gumamit ng tao ang coach… he he he, which is the acceptable norm of rotation).

Roy, okay re phrase “arguably the best assembled team”. Pero siyempre iba- ibang panahon, iba-ibang opinyon, lalo na iyung mga nauna sa atin, papayag ba iyon na hindi sila. Kaya lang nasundan ko iyung team na iyun from a miron’s perspective. Kita mo at tanda ko pa kung ilan lang ang coach gumamit ng tao. Starting five: Eddie Doblas – MVP, Ato Maycacayan, Emil Dionglay, Ed Durusan, Unyuk Certeza . Pero kahit sinong team ang banggitin nila, it will always be debatable on who deserves the title of “all time best assembled team”. Yung team na sinabi ko at yung sinabi mo eh kasali yun tiyak sa pagpipilian dahil both teams were champions.

SOFTBALL GREATS

Roy Gonzaga writes:

In softball, there is Ka Itoy Aragones- ang catcher na hindi gumagamit ng glab, Si Kosme Lirio na bukod sa kayang humigop ng kumukulong kape at bumuhat ng dalawang sakong bigas is a great batter na ang sabi nila lampas minisipyo raw ang bola during inter- barangay softball legue kung saan ang playing field ay ang lupang kinatatayuan ng Municipal Gymnasium ngayon. I did not see the actual play of Kusme but always heard that from the old folks, but I witnessed him drinking boiling coffee and lifting up of 2 sacks of rice in his shoulder.

There is also Ka Ipe Villadiego na kumukurba ang bola pag binibigay sa batter. And the palong banting na si ka Benny Salvador ng Tagpo-Tagpo na siyang pioneer noon sa softball ng ganong klaseng palo.

Another great batter that I’d seen is Johnny, the bench hitter. There is also this great catcher Apin Sucgang who popularized the “Ibigay mo kid!!!!” phrase.

Ang softball venue nuon sa Calumpang ay beside the basketball court, ang dating parang nuon na ngayon ay puro bahay na.

Facebook ng Pag-Asa

Facebook ng Pag-Asa

(hindi pangalan ng barangay, hindi ng agila at lalong hindi ng weather bureau)

   

Tents-pansamantalang tirahan. Donasyon mula sa KOICA ng Korea, hatid ng DSWD Region IV.

  

   AAR Japan, kinakatawan ni Mr. Go Igarashi, ay naghatid tulong sa 76 pamilyang sinalanta ni Odoy.

Mula sa ABS-CBN Sagip Kapamilya. Para sa kapamilya at kapuso ring kabarangay. 

    

Bisikleta at gamit pang-linis mula kay Bayani Fernando. Kasama ang paglilinis ng Bagong Filipina Movement.

Earth Day Celebration kasama si Joel Duavit. Noon inilunsad ang Barangay Solid Waste Management Ordinance.

Biyaya ng bertdey ni Mayor Boyet Ynares:  Truck ng basura mula kay Gob. Jun at motor katas ng Alay Dugo para sa Calumpang.

 

Barangay Health Workers ay naging bahagi ng Brigada Eskwela sa Calumpang Elementary School.

 

Pambato ang taga-Calumpang sa mga Alay Dugo, mapa-barangay man o mapa-bayan. 

May Pag-Asa…

Bukod sa pananalasa at paghagupit, ang bagyong sina Ondoy at Pepeng ay nagbigay kahulugan sa salitang Pag-asa. Lakas na nagbabangon sa nalugmok.  Liwanag na tumatanglaw sa madilim na hinaharap. Malasakit na kumakalinga sa kapwa na nagigipit.  Sarili na ibinabahagi sa higit na naruruhagi. Pananalig sa walang hanggang awa ng Maykapal. Paniniwala sa likas na kabutihan ng tao. 

 

          Pag-asa para sa 290 pamilyang nalubog ang bahay ang silungang ibinigay ng kamag-anak  at ang mga evacuation centers sa  Calumpang Elemetary School,  Kamatsili Compound, Cadiente Compund, Rizal Cement Company at daang  Laspag. 

          Ang  pantawid gutom, bihisan, tulugan, gamot at iba pang pangunahing  panga-ngailan ng tao mula sa mga relief operations na nahanap ng Barangay sa mga pribado at non-governmental  organizations. Pandagdag at pansalo sa tulong- gobyerno na di- sapat para sa maraming biktima ng kalamidad.

          Nakatulong ang kahandaan ng barangay na may kumpletong listahan ng nasalanta ng bagyo. At dahil may database at profile ng residente ng Calumpang, madaling nailapit sa mga private donors.

          Salamat sa tagapagdala ng Pag-asa: Barangay Council, Mayor Boyet Ynares, Governor Casimiro Ynares Jr., Red Cross, DSWD, Samahang Bagong Bayan  (Antipolo City),  Ateneo  Family   through Haizell Anore, Friends Indeed from USA through Nena Kaufman, Scheele Laboratory Phils., Philippine Chamber of Commerce & Industry, ABS-CBN Sagip Kapamilya, Santa Ursula Parish Church,  Koica Donation  from  Korea, Mr. Go Igarashi (AAR- Japan), Jesus is Lord Movement, St. Mary’s College, UNICEF, Child Jesus of Prague, Binangonan Garden of Learners, anonymous US donors, kabarangay nandito at nasa USA. Mga volunteers na nag-repack ng relief, Barangay Tanod at BHW na nag-double time para maayos ang pamamahagi ng relief goods.  

          Pag-asa din ang pagkalinga ng kabarangay na nagpakain, dumadalaw at nakikipagkwentuhan – dahil  ang kalunos-lunos na pinagdaanan ng mga nasalanta ay hindi matapos-tapos na kwento. Marahil ito ang paraan upang maalis ang trauma.

          Sa mga hindi nilisan ang nakalubog nilang lugar, pag-asa  ang andamyong mula sa Sanggunian, kay Mayor Ynares at tulong ng mga samahang kapitbahayan. Nagkaroon ng tulay upang ituloy ang buhay.

          Sa mahigit dalawang buwan sa CES relocation center, may ipinanganak na sanggol, may namatay na may sakit, may naghanda sa paglipat sa lugar na itinalaga ng Barangay upang ang silid-aralan naman ay maibalik sa mga mag-aaral na nagsakrpisyong magbawas ng oras ng klase.

          Kailangan nang pabalikin sa kanilang tahanan ang evacuees kahit may tubig pa, upang hindi  marahuyo sa pagtanggap  (libre bigas, koryente at tubig)  at hindi na kumilos para sa sarili.

          May inupahang apartment ang Barangay para sa 17 pamilyang wala ng babalikan pang bahay, karamihan sa kanila ay taga-Matikiw. Halos binura na ng bagyo ang Matikiw sa mapa ng Calumpang. Ang tents  na donasyon  ng  Koica, Korea ay naging pansamantalang tahanan ng  taga-Gervacio St. at Kamatsili Compound. May programa ang DSWD na maglilipat sa mga pamilyang nakatira sa  Laguna de Bay shoreline  na hindi na dapat  balikan. Ang relocation site ay sa San Mateo na inihahanda ng Rizal Provincial Government.

          Ano pa’t hindi nauubos ang pag-asa. Kahit ang mismong nasalanta, na nakakatulong sa ibang tao ay pag-asa ring maituturing.

 

May hinihintay na Pag-Asa

Sa Patubig

          Ang Water Tank sa ASAC, donasyon galing kay Congressman Duavit at naipatayo sa lupang binili ng pamunuan ni Mayor Cesar Ynares, ay inabot yata ng napakatagal na pagkaimbak. 

          Sa panunungkulan ni Kap Jolan, lumitaw ang mga pangangailangan bago mapatakbo ang water system.  Electrification na aabot sa mahigit isang daang libo at gastusin sa  magpapatakbo at pamamahala nito. 

          Pansamantalang naisantabi ang pagtatayo ng kooperatiba para dito. Sa halip ay ang Barangay ang hahawak bilang isang Economic Enterprise. 

           Tinitingnan ang pagbili ng tubig sa Manila Water under special arrangement kung saan ang wholesale rate ay idi-distribute ng retail rate sa mga lugar na hindi aabutin ng Manila Water service.  ASAC, Lorecom, Picones Compound at Hinayon, silang bumabayad ng mahal makapag-akyat lang ng tubig sa mataas na lugar. 

          Bilang paghahanda, pinag-iipon ng Barangay ang humigit kumulang ay 200 kabahayan ng anim na raang piso (P600.00) bilang deposit at iba pang pambayad sa water meter at pipe connection patungo sa kanilang bahay. 

          Sa pagkilos ng Sanggunian dadaloy na ang masaganang tubig. 

Sa Barangay Tanod Outpost sa Cableway Road

          Ang solusyon ng mga taga-Losana, Aramil at Pacis Street para maagapan ang  mga insidente ng rambulan, agaw-cellphone at  pambabastos  ay ang Tanod Outpost sa tapat ng Big A & A compound. Bagama’t nagroronda ang mga Barangay Tanod sa gabi, ang pagkakaroon  ng  bantay sa lugar ang  mabisang crime-deterrent. May mga materyales ng inihahanda ang Barangay at ang mga samahang kapitbahayan ay nangako na sila ang poposte sa outpost.  Ang kulang na lang: ang pagsang-ayon ng may-ari ng lupa, ang Cemex Phils. para sa pansamantalang struktura. May pakikipag-ugnayang ginagawa ang barangay kay Engr. Lucas Tojon para dito. 

Sa Materials Recovery Facility (MRF)

          Pasilidad kung saan ang mga recyclable basura ay madadala at maipagbibili ay  inihahanda na rin.  May mga materyales, at mag-aasikaso. Dito rin ang garahe ng bagong garbage truck galing kay Governor Casimiro  Ynares Jr at ang ipaayos na lumang garbade truck. Kaya lang, hindi pa rin nagbibigay pahintulot ang Cemex Phils para sa paglulugaran ng MRF. 

Sa Library ng SK

          Kaylan  at saan kaya mabubuksan para sa mga kabataan ang  libraray ng Sangguniang  Kabataan?  Para makapagbasa, makapag-research  at madama na may taya ang SK “for the sake of the youth”.   

          Ang sulok-aklatan sa Barangay Hall ay maliit, kulang ang laman at hindi makakaenganya ng  maraming mambabasa.

Sa Alternatibong Daan sa Cableway Road

Sa Bagong Kooperatiba

          Sa pag-ihip ng kandila ng Calumpang Multi-Purpose Cooperative sa ika-11 taon nitong anibersaryo, may tinitingnan na nga ba itong pagbabago?

          Si Kap Jolan Aralar ang nahalal na bagong chairman nitong June at bagong pamunuan ang binuo sa pangunguna ni Manager Jessie Francisco. Ang  dating deficit na limampung libong piso (P50,000) na minana sa nagdaang  nanungkulan ay naging surplus na  tatlumpung libong piso nitong Nobyembre.

          Ngunit tila yata ang kaunting gains ng samahan ay matatapon lamang sa hindi pagkakasundo ng pamunuan. Nagbitiw na si Kap Jolan.  Nakalulungkot naman dahil bago pa lang nagsisimulang umangat ang kooperatiba.