BANTAY INDAY

Inday ang tawag sa mga indigent members ng komunidad. Inilunsad ng Barangay ang programa ng pagmomonitor sa kalagayan ng marginalized sector. Layon nitong maitaas ang antas ng kanilang buhay. Nagkaroon ng database ng Indigent Families at sa kanila itinututok ang programa sa kalusugan at nutrisyon, gayon din ang tulong pangkabuhayan at job generation project. Sa pagtatapos ng taon, hangad ng Barangay na maibaba ng at least 10% ang bilang ng mga inday.

10 thoughts on “BANTAY INDAY

  1. Congress has defined the term “indigent” to refer to a person “who has no visible means of income or whose income is insufficient for the subsistence of his family.

  2. Noel,
    Ang pagkakaalam ko sa tagalog ng indigent ay “maralita o dukha”. Sana ito ay makatulong…

    jhen:)

  3. Salamat sa iyo majhen, ito naman si Lumad ay kahulugan ang ibinigay sa akin hindi salin sa wikang tagalog! Thanks na din sa iyo Lumad at may nadagdag sa aking tala-salitaan at tala-tinigan.

  4. REPORTING!!!

    Calumpang’s Bantay Inday Program: Local Government Interventions for the Indigents just recently passed the first screening for Gawad Galing Pook (Parang Nobel Prize na Parang Magsaysay Awards sa Good Governance)
    Madami pang pagdadaanan, magagaling ang ating kasabay (Provincial, Municipal and City Governments from all over the country)

    Nakakatuwa lang na naka step one na po tayo. Congrats Kag Herr, ang galing mo talaga. Thanks Jasper for preparing the other documents just in case makalampas pa tayo sa succeeding screening

  5. Pareng Boyok,

    Salamat naman at nagawi ka sa d2sacalumpang. Alam mo namang ako’y taga-Calumpang na rin by marriage, hehehe. Kaladkarin ba.

    Kaylan ba ang uwi mo at ng magkaharap-harap uli sa nayong sinilangan at iniwanan- ang Layunan!
    Ano daw ang ibig mong sabihin ng “sangkutsa” tanong ni kumander in chief?

    Galing ang batch natin sa patay kagabi – ang nanay ni bayish miguel at nanay ni minda cua. Tila ayaw mag-iwanan ang magbalaeng ito na hanggang kamatayan ay magkapit-kamay.

  6. Wow, Finally makakabasa na ko ng news about sa nilakihan kong lugar… thanks kay captain jolan for the info… more power!!!

  7. Kap,
    Makisuyo po sa mga tauhan mo lalo n po yung mga nsa Waste Management dahil akin pong irereklamo ang lugar d2 s Cableway tapat mismo ng Computer shop Angels Net Cafe na me mga basurang ang sakit s mata sk nkkhiya sa mga taong nkkkita n ang Calumpang ay “marumi”. Cmula nung bumagyo natambakan ng basura ang Harapan ng puwesto nmin at pati nagiging tapunan ng basura. Yun lng po at hangad ko ang mabilisang aksyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s