May Nagbabantay Sa Inyo…

Dalawampu’t walong Barangay Tanod ang sinanay at binigyan ng gamit pang-komunikasyon at pangpatrolya para magmintina ng kapayapaan, seguridad at kahandaang pansakuna.

Twenty–four hours ang duty ng tanod at round-the-clock din ang patrolya at ronda sa hatinggabi. Laging handa ang Tanod Chief Joel Idioma at mga Deputies Elmer Cerda at Joven Rebultan.

Kaagapay ng Tanod Brigade ang siyam na Lupon Tagapamayapa na sinanay din upang mag-resolba sa mga hidwaan o sigalot na isinasampa sa barangay at matulungang ma de-clog ang husgado sa mga demandang puwedeng maiayos o mai-settle amicably.

5 thoughts on “May Nagbabantay Sa Inyo…

  1. Problema na naman
    Kamakalawa ng gabi, may isang binata na nasaksak at naagawan ng i-pod habang nagsasara ng gate ng kanilang bahay sa Lozana St. , malapit sa Big A&A Compound. Mabuti na lang at hindi fatal ang damage bagama’t naopital ang kawawang biktima. Mabuti na rin na may connect ang pamilya ng binata sa mga Hari ng Binangonan kaya madaling kumilos ang kapulisan at ngayon ay hinahunting ang kriminal.

    Samantala, nagpatawag si KapJo ng emergency meeting kasama ang pamunuan ng Barangay Tanod (na humihina na yata ang intelehensyang kawaksi) Lupon Tagpamayapa, Kagawad na lagi (daw) dala ang balls niya sa pagsugod sa mga aberya at Kagawad na may split personality (daw) (ina ng laging saklolo/ taray queen). Ang reality check:

    Hindi isolated case ang pagnanakaw sa binata dahil ilang buwan lang ang nakararan, sa malapit sa Alcantara St., ay hinarang ng kawatan ang isang doctor at bilang self defense, binato ng doctor ang assailant ng kanyang bag na siyang tinangay ng magnanakaw. Marami pa raw kaso ng inagawan ng cell phone sa harap ng Waiting Shed, mga babaeng teenager na hinihipuan ng manyak (na masyadong mapagpanood ng sex video). Mga kasong hindi na inerereport kaya hindi maaksiyunan. O dahil hindi raw makontak ang BT kasi laging busy ang telephone kahit gabi. O dahil daw abala ang BT sa pangka-curfew ng mga babaing teenager.

    Bagama’t kumikilos ang intelehensyang nagbabangon- puri sa pagmamatyag ng pawnshops na pagdadalhan ng ninakaw na i-pod; bagama’t naglagay na ng dagdag na ilaw sa Cableway ang 1489 Resort para sa kaligtasan ng mga dumadaan; bagama’t may foot patrol ang BT na naglilibot sa barangay kung gabi, kailangan pa rin maglagay ng BT outpost sa delikadong lugar na ito upang magsilbing bantay. Wala pang pahintulot na ibinibigay ang enhinyerong tagapamahala ng Cableway para sa tatayuan ng outpost. Nangako ang Magdiwang, (samahan ng mga magkakapitbahay) na tatao rin sila sa outpost at may sinasagutang ambag ang Big A&A. Masyado lang nahuhuli ang solusyon, nauunahan ng problema.

    Isang ordinansa ang ihahain sa Sanggunian na mare-require ng pagpaparehistro ng mga nakatira sa mga paupahang bahay o lupa. Malaki ang posibilidad na hidi taga barangay mismo ang mga kriminal at nakikikanlong lang sa mga paupahan dito.

    Ayon sa mga tsismosa ng Kalye Pitong Gatang, nabawasan daw ng ilang hiblang buhok ang nauupaw na tuktok ni KapJo dahil sa madamdamingl text mula sa kaanak ng biktima na para bang si Kapjo ay bathala na dapat napigilan ang ganitong kapahamakan. Say pa ng mga kaanak, kikilos daw sila ng hindi na daaan pa sa barangay. Okey ‘yon dahil may connect sila sa mga Hari ng Binangonan. Paano naman kaming wala?

    Sana ay gawin ng kapulisan ang regular na pagpapatrol dahil ang police visibility sa Calumpang ay makababawas ng krimen.

    Sana rin ang mga maiinit ang ulo na nais magpa-sona (iyong sapilitang ilalabas ang mga kalalakihang nakatira sa lugar upang kilalanin) ay manghikayat na lang sa mga kabarangay na magreport ng krimen at maging vigilant upang maituro ang mga maysala. Puro puna, wala namang tulong.

    Hindi kakayanin ng Barangay Tanod o kahit ng Police, ang pagsugpo sa kiminalidad kung hindi tutulong ang mamamayan.

    Fire-eater (Sorry po at di ko mabanggit ang tunay kong pangalan dahil mawawalan ako ng kita. Kung may mag-iisponsor ng aking vices, pwede kong i-reveal ang aking true lies este identity)

    Pahabol:
    Pareng Buraot, iyang ganyang kalayo mo sa ‘pinas, dapat ang ambag mo sa kabarangay ay positibo. Madaling mamuna lalo’t hindi mo alam ang puno’t-dulo.

    Pareng Baog, pagbutihin mo ang iyong trabaho. Samantala, magbigay ka naman ng maayos na suhestiyon. Baka madalhan ka pa ni Kapjo ng kliyenteng mga kapitan ng barangay.

  2. fire-eater, ang dami mong alam ah. sino talaga ang nag upload ng mga videos ni hayden? baka kilala mo. pakibulong ke jajajamby kapalit ng cableway na hinihiling nyong maging kalsada. wala lang baka lang po alam nyo.

  3. fire-eater, ang pamumuna ay maaring papuri, pagtutuwid, pamimintas, o pagbibigay ng sariling opinyon (sarilinin ko na lang kaya). Ke malayo ka o malapit base sa mga nakalathala sa ating mini jaryo(puno’t dulo) kung ano ang kaukulang pamumuna ang iyung ipupukol. Basta walang gamitan ng malalaswang salita, ayos lang tayo. Peace.

  4. Pareng matsing este pareng kiko pala,
    Tinangka kong ipagbili kay Sen. Jamby ang impormasyon tungkol sa nag-upload ng video ni Hayden. Hindi ako pinapasok ng guardya sibil dahil may A1 Virus daw ang senadora. If I know ayaw lang niyang pumunta sa senado dahil wala siyang testigo laban kay manny villar. hah!
    Sayang ang pagkakataong makatulong ako sa project na paghihingi ng portion ng cableway road.
    Marami akong assets kaya walang kupas ang hatid ng info. may tsismosa sa Kalye Pitong Gatang, may magpapataya ng jueteng, may kristo sa sabong, may maglalagay ng terimbe, may magtitinda ng pandesal. At 99% tama ang info. San ka pa?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s