Alam mo ba??

Nakapag-pakulot ka ba kay Ka Emy?

Nuong panahong hindi pa monopoliya ng mga “kafatid” sa kagandahan ang kulot-gupit-make-up industry, sa Calumpang ay may sikat na hair salon: Pakulutan ni Ka Emy Arabit- Aparejo.

Dinadayo ang pakulutan ng halos lahat ng ikakasal na taga-Calumpang at maging taga-Macamot. Ang mga baylarina sa Looban, silang nagmimintina ng magandang ayos para maisayaw ng maraming customers sa Kabaret, ay “alaga sa kulot” ni Ka Emy. May nakakatuwang istorya na pag nalaman daw ng Misis ni Mister na pinagsususpetsahang (ni Misis, siyempre) “naloloko” sa baylarina, ay pupunta kay Ka Emy at pakukulot tulad ng ayos ng belyas nali-”link “ sa asawa niya.

Pag may field day at graduation sa Calumpang Elementary School, maraming kabataan ang hindi lamang nagpapakulot, kundi magpa-tiss at spray net na kadalasan ay dalawang araw ng tapos ang okasyon ay naka-hairdo pa ang inayusan.

Kilala ang pakulutan dahil “hi-tech” at “sosyal”ang dating. Nuon ay “big deal”, para sa mga babaeng nagkakulot gamit lang ang dahon ng kakawate na ipinulupot sa buhok, ang “suklob” ni Ka Emy.     Iyong hair dryer na inilalagay sa kinukulutan ng “coldwave” (galing Vietnam pa iyon, pasalubong ng esposong si Ka Ponching).

Propesyonal ang training si Ka Emy dahil may kursong hair science and beauty culture at marunong mag-PR- pakikipag-friendship sa mga customers. Kahit belyas ka pa, inaasikasong kang mabuti sa pakulutan.

Paano ba napanatili ni Ka Emy ang pila-pilang suki nuong ‘di pa uso ang telebisyon sa parlor? Nanduon ang mga kamag-anak na siyang assistants, taga- lagay ng gamot pang kulot, taga- ayos ng papel ng curlers, kung minsan ay taga-hunta o taga- tsismis.

Enterprising si Ka Emy. Habang kinukulutan ay makakabili ka ng ice candy- masarap na timpla ni Ka Lulay, nakababatang kapatid ni Ka Emy. Kung natagalan ka dahil maraming nagpapakulot o kaya’y ang buhok mo ay hindi agad tinablan ng gamot, bago umuwi ay makakabili ka na duon ng bigas pangsaing o darak pangpakain sa baboy.

Wala pa mang “gandang Ricky Reyes” models nuon, pero si Ka Emy ay mayroon ng hair style endorsers. Long and wavy: Ka Oria, nakatatandang kapatid ni Ka Emy, mistulang santang ipinuprusisyon pag Holy Week. Page Boy: panganay ni Ka Emy, na ngayon ay doktora, kumumpitisyon sa buhok ni Alma Moreno nuong Ligaw na Bulaklak era. Fly away: pamangkin ni Ka Emy, ngayo’y US- based professional. Imagine mo ang ayos ni Jackie Kennedy o ni Audrey Hepburn. Shaggy: bunsong hija ni Ka Emy, mala Farrah Fawcet at Imee Marcos. Ang short, crop hair ay signature hairdo naman ni Ka Emy.

Pero, tila sumablay si Ka Emy nang magpakulot ang kanyang bunsong lalaki na basketball star player nuon. Aba’y walang sinabi ang curls ni Jun Pyo, current Korean heartthrob ng Boys Over Flower’s fame, sa animo’y ni-rollers na buhok ng modelo! (Sabi, ang hair style ay “idea way ahead of his time”. Sabi-sabi, pansamantalang humina daw ang kita ng pakulutan dahil duon!)

Feeling ng sino mang napa- parlor ang kumpiyansa sa sarili na bagama’t panandalian ay may “lasting memory in the heart of one who dreams of being beautiful.” Sa pagpapalawig ng “necessary feeling” na iyan sumikat si Ricky Reyes at maging si Vicky Belo. At, sa Calumpang, si Ka Emy lang ang matagal naghawak ng ganyang korona.

3 thoughts on “Alam mo ba??

  1. Pagbati!
    Masaya po ako ng may ganitong site ang barangay ng kalumpang. Ako po ay taga- Libid, sa page nyo pong “ALAM MO BA?” nakahanap ako ng mga posibleng paksa ng aking thesis sa Kasaysayang Pampook, o Local History course ko sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Ang dalawa pong paksa ay ang Guido Hacienda Social Timebomb? ni Leo P. Gonzaga at Ang mga Original na Higantes ni Kampong (ng Binangonan. Maganda pong paksain ang mga ito, hinihiling ko lng po ang inyong pahintulot at pagsang-ayon sa balakin kong ito, at kung payagan nyo po ako ituturing ko po itong malaking tulong sa ating bayan ng Binangonan. At sana po, makakuha pa ako ng iba pang impormasyon sa mga nabanggit na paksain.
    Maraming salamat po! At umaasa po ako sa mabilis ninyong kasagutan.

    Umaasa,
    Nico Aquino

  2. Dear Nico,
    Pasensiya ka na at matagal na hindi nabuksan ang d2blog. Nagluksa kasi ang administrator sa pagyao ng kanyang ina.
    We’re happy that young people like you are interested with our advocacies. And we are very willing to help.
    Please get touch with Kap Jolan at his facebook account and with Kag Her Galang (hergonzagagalang@yahoo.com)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s