ALAM MO BA??

Ang Calumpang ay humigit kumulang na isang (1)kilometro mula sa kabayanan ng Binangonan at na-

papalibutan ng Barangay Darangan at Macamot sa Hilaga, Barangay Libis at Layunan sa Timog, Barangay

Batingan sa Silangan at ng Laguna de Bay sa Kanluran.

Sa kabuuang 159 hektaryang lawak ng lupain, mayroong 114 hektaryang residensyal, 30 pangkomersyo at 15 pangsakahan.

Base sa sensus ng Agosto 2007, ang populasyon ay 14,809 na kinabibilangan ng 7,307 lalaki at 7,502 babae. Ang bilang ng pamilya at sambahayan ay 3,427. Romano Katoliko ang relihiyon ng 60% ng mga tao dito.

Pag-eempleyo ang panguna hing hanapbuhay sa Calumpang, kasunod ang pagnenegosyo, pangingisda at pagsasaka.

Nanggagaling ang P4,147,989.00 taunang kita ng Barangay sa lokal na buwis sa lupa (RPT) at negosyo at sa panlabas na Internal Revenue Allotment (IRA).

Dito may sangay ng Land Bank of the Philippines at ng BMS Bank. Matatagpuan din ang Calumpang Elementary School, Child Jesus of Prague Learning Center at University of Rizal System Binangonan, (URSB). Dito rin ang local na simbahan ng Iglesia ni Kristo.

Ang Government Center na kinabibilangan ng Munisipyo ng Binangonan, Justice Hall, Municipal Gymnasium, TESDA (Technical Education & Skills Development Authority), Department of Public Works & Highways at Register of Deeds ay nasa Calumpang.

Sakop ng 1st District ng Rizal, ang barangay ay may siyam na sitio, at 7,055 na rehistradong botante sa 45 presintong panghalalan (base sa 2007 eleksyon).



Puno ng Calumpang

Nag-ugat ang pangalang Calumpang sa pagtubo ng isang puno na tila kakaiba ang hitsura at mistulang paglaki nito nuong unang panahon.

Ang Puno ng Calumpang ang alamat na nagsilang sa baryo, nagpalawak sa nasasakupan nito at nagpadami ng taong tumitira

dito. Sa nagdaang panahon,ang Calumpang ay tahanan ng unang sabungan, unang kabaret (sayawan) at ng una at huling pagawaan ng simento sa Binangonan.

20 thoughts on “ALAM MO BA??

  1. Nasaan ang puno ng Calumpang? Ang natatandaan ko ay malapit sa Bahay ni Boy Senga. Tama ba ako?

  2. Noel,

    Tama ka, me puno malapit doon kina Boy Senga. Pero yung puno sa iyong alaala ay wala na. Ang natira doon ay yung tumubo siguro mula sa buto ng orig na puno ng calumpang.
    Naaalala ko rin iyon. Nandoon sa may talampas, nag-iisa at majestically ay nakatindig duon na ang tikas-tikas. The last time I checked it ang napalit na yata ay tore ng globe (?) tapos duon sa me bandang baba malapit sa dating kweba (if u can remember it) andun yung puno ng Calumpang na naka-dahilig (inclined ng konte). Ganun pa rin, ang baho-baho ng bulaklak. kasi one of its many uses ay isa syang pesticide.

  3. OPM (oh promise me)

    Truth is, I am on a self-imposed quarantine. Instead of spreading virus, let me just pass on germs of thought.

    If ‘culture is the soul of a people’, anong kaluluwa mayron ang Calumpang? Mas angat dapat kaysa sa ‘sabong- jueteng –tirimbe- bingo’-based psyche. Don’t get me wrong. I have relatives who raised their families by being kristo sa sabong, magpapataya ng jueteng o magko-quoter sa tirimbe. At saludo ako sa kanila. My titas’ berks find bingo or tong-it as the cheapest form of social therapy after stressful weekdays. But, wala bang alternative? Can we not offer activities that can bring out the best in us?

    Enough of the miss gay contest, (gosh, ‘wag sana akong awayin ng friends ko!) and the contests that made dancers poor clones of the hip-hop idols. Bakit hanggang ngayon wala pang bagong generasyon ng bumabasa ng pasyon tuwing Mahal na Araw at sumasayaw sa pagoda tuwing Fiesta ni Sta. Ursula? Can we add more spirit or support to the Santacrusan ng Neighborhood to arrest its slide into a lackluster parade? Can we support the teachers of Calumpang Elementary School to revive choral groups and drum and lyre band?

    We have two homegrown artists who are members of the Bigkis Sining ng Binangonan – Ped Gonzaga and Bong Anore. What support can we give them so that they can share their mastery to the raw talents?

    History provides us with a folk artist Kampong (Policarpio Lirio), whose unique and colorful paper mache figures known as Higante ni Kampong were the mascots in all local festivities including weddings in the 50’s until the 80’s. Kampong’s arts and crafts are long gone and we have to import the Higantes from Angono.

    And speaking of history, do we ‘dig deeper’ to unearth where Calumpang came from other than that ‘payat na puno’ from the d2 sa calumpang mini-dyaryo?
    (June 14, 2009)

  4. Saludo po ako sa comment ni “Promise”.

    When I was a little kid (not that im old now), I do remember waiting for the Santa Cruz-an at mga pabasa. Pati na din ang basaan o buhusan ng tubig kapag nariyan na ang dalawang higante at ang pagsasayaw at pagbibihis-babae or pagsuot ng saya ni Ka Asto (ba yun? Yung nagluluto ng bichu bicho dati). Ang pinakahuling Santa Ursula Fiesta na natatandaan ko e nung unang umuwi ako sa Pilipinas noong 1999 or 2000 pa yata. Kahit noon, ibang iba na ang pakiramdam. Parang nagbago na at hindi na ito gaanong pinagdidiwang. I guess it would be fun to see that energy, festivity and cooperation from everyone again. Kahit na nga sa mga barkada ko na nakakausap ko pa din regularly, sinasabi na ibang iba na daw talaga at hindi na kasing saya ang pagdiriwang ng Fiesta kung ikukumpara noon.

    Lahat kaming apat magkakapatid ay nagtapos sa Calumpang Elementary School. Ako lang yata sa amin ang naging miyembro ng Drum and Lyre, Choral Group at Dance Troup sa aming apat. Natatandaan ko na ang guro pa namin sa Musika e taga-Cardona. Sigurado ako na maraming bagong talento sa mga kabataan. Kailangan lang siguro na ma-encourage sila na ilabas ang kanilang gilas.

  5. bkit ganon lahat nabasa ko tungkol sa calumpang pati nga pangalan ng tatay ko nabasa ko rin pero bat wala ang tungkol sa PULONG BATO sa totoo lang kapag Fiesta isa kami sa gumagawa ng magandang arko

  6. Mickey,
    May maliit na write-up tungkol sa Pulong Bato sa Only in Calumpang. May litrato pa nga ang samahang kapitbahayan kasama ang lider na si Certeza at si Glendang napakasarap magluto ng bibingka.

    May mga reklamo pa nga tungkol sa ilang taga-Pulong Bato na laging daw nanggugulo.

    Hayaan mo at susulat tayo ng mainam-inam tungkol sa iyong mga katoto.

  7. wala na ba ang LASPAG ng calumpang alam ko may na contribute di sila sa calumpang kahit papaano at ang SYSNA nakalimutan na ba?

  8. Mabago ang politika?
    Kahit anong sama ng loob ang ilabas mo ay walang mang-yayari kung wala kang ginagawa para mabago!

  9. DAGDAG LANG DUN SA SABI NI EZGNOHB……
    BAKIT IKAW MAY GINAWA KA NA BA? KAYO ANG MGA NA JAN DAPAT KAYO ANG MAGPAKIKTA NG HALIMBAWA…..AYOS BA?
    WALANG PIKKUNAN TO….KOMENTARYO LANG PO….

  10. Erich,
    Sa politika konti lang, hindi ako tumangap o nakatangap ng lagay sa eleksiyon para iboto ang kung sino?

    At ang mahalaga sa lahat, noong araw na nakatira ako sa Calumpang ay nag-babayad ako ng income tax, property tax, sales tax at iba pa! Ilan sa taga-Calumpang ang nag-babayad ng buwis?

  11. Erich,
    Meron konti nga lang, hindi ako tumangap ng kahit anong lagay para-iboto ang isang kandidato!

    Isa siguro sa pinaka-mahalaga ay ang aking pag-babayad ng income tax noong nakatira pa ako sa Calumpang!

    Ikaw Erich ano ang iyong munting kontribusyon para para sa pag-babago?

    Walang pikunan!

  12. censya na kasi excemted ako sa income tax… ikaw siguro kasi malaki ang sahod mo….pagbalik ko sa calumpang gagawa ako ng isang magandang halimbawa sa kabataan…..tulad ng basketball clinic kasi marami na ang kabataan na nalululong sa masamang bisyo……ayos ba?

  13. Swerte mo naman at exempted ka! Makakagawa ka ng isang magandang halimbawa kahit wala ka sa Calumpang kung yan ay gusto mo.

  14. @erich wala pala pakinabang ang calumpang sa yo. buti pa ako meron.

    eh sino ba naman ang gusto mong pumalit sa mga namumuno para naman makapag basketball clinic ka na.

  15. ano naman ang nagawa mo aber? basta ako di mo lang alam heheheeheheh…..tatakbo akong kapitan at mananalo ako heheheeheehe….

  16. sana kung sino man ang may-ari ng puno ng calimpang ay alagaang mabuti upang makita ng mga bagong akabataan ang calumpang tree, nuong araw ay mayroon niyan sa rizal cement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s