Ang Alamat ng Basketbolan sa Calumpang

ANG ALAMAT NG BASKETBOLAN SA CALUMPANG

Roy Gonzaga


Roy Gonzaga remembers:

For historical references, isama natin  ang athletes nuong araw for their highlight play that inspired most of our current players to take their style into another level.

In my younger years, I’ve seen Quito Barlinan’s sidestep and under goal as one to emulate. (Although he was not in his prime kasi ‘di na natin inabot).

I’ve seen the ‘tirang pan-chicks” nina Kanlot at John Nillos, ang bali ni Boy Palaka, the shooting of Daniel Landicho and more.

I forgot that Quito and Daniel did not hone their basketball skills in our court since when they arrived in Calumpang, they were already talented basketball players but they made their impact in terms of how they play. Special mention si Gener Pones na dumating sa Calumpang nuong 1984.

Also, the legend of Insong Lirio as the original Enforcer in Calumpang inspires the likes of Hepe Picones,( Calumpang Senior 1985 Champion) to play defense the way Insong did and Tiroy Baguio (1987 last Champion Team of Calumpang) to concentrate only on their role and forget about scoring.

I think Noel Aparejo is also an enforcer but he scores.  Sama na rin natin yung crossover ni Ariel Aparejo from right to left sabay jumpshot ng kanan.


Add ko rin ang kakaibang footwork at tira na kung tawagin ay ‘variation’ na pauso ni Jun Durusan.  Although walang gustong umidol sa kanya ng mga pamangkin, but his trademark play is fun and a joy to watch.

I remember Eddie “Aso” Doblas  as well as Eddie “Jabbar” Villadiego with Ato Maycacayan and Nesto Masim as the big men of Calumpang. Edding Aso plays without the fancy stuff but basic and effective basketball. He is most efficient in boxing out, giving the outlet pass, hitting open shot and drives to the basket. In some ways Terence Fontanilla plays like Edding Aso.

Nonie Dionglay is the first person I’ve seen (apologies don sa iba na hindi ko inabot) doing a right hand stretch lay up (tagilid pa).

Di naman ito self serving, but I will go for the 1987 as the best assembled team in terms of size, talent and how they play their roles together.

The 1987 squad had the deepest line-up from first five to second five. This team is loaded. There are two 6 footers with a mobile center forward, Raul Anore then a traditional center, Pogi Quisquino, plus the sweet shooting forward, John Masim, a high leaping forward who can dunk, Bong Ancheta and a 5′9″ point guard with no look and behind the back pass whose name escaped me. The team has the luxury of Polgips Antiporda and high leaping Dayo Roldan coming off the bench or starting.  Toi Barlinan in his younger days is a very good defensive player with a nice running shot starting and sometimes off the bench, Jacen Bitong substitutes for John Masim for instant offense, with Ito Sumiquiab and Ogos Tabilin as guards on rotation, along with Rommel Concepcion and defensive enforcer Tiroy Baguio. Of course, good training and coaching helped this team of mostly superstars from their mother teams to play as a unit.

Plus, the fact that this squad is undefeated and always leads by double digit even before half time.  After jump ball palang may sure 2 points na ang team and that is because of instruction of the coach.

Ariel is right arguably that 1979 team is one of the best with Noni Dionglay, Cezar Villadiego, Terence Fonatanilla, John Nillos, Noel and Ariel Aparejo, Ness Paralejas, Catarig, Randy at Glen. This team is the hataw board lay-up team since almost all players, except for one, were tapping the board when they go for lay-up during round.


Ariel Aparejo adds:

Kung pag-uusapan ay mga “alamat ng basketbolan ng Calumpang, laging kasali sa discussion sina Edding Aso, Emil & Noni Dionglay, Raul Anore, Bong Ancheta, Juan Masim, atbp… (bahala na kayo magdagdag…lalo na yung mga mas una dito) mga players na diyan talaga natuto magsyut at magpatukdol ng bola. Iyung team na nag champion sa bayan na ang coach ay si Quito Barlinan, sa palagay ko, best assembled team yun (pero pito o walo lang kung gumamit ng tao ang coach… he he he, which is the acceptable norm of rotation).

Roy, okay re phrase “arguably the best assembled team”. Pero siyempre iba- ibang panahon, iba-ibang opinyon, lalo na iyung mga nauna sa atin, papayag ba iyon na hindi sila. Kaya lang nasundan ko iyung team na iyun from a miron’s perspective. Kita mo at tanda ko pa kung ilan lang ang coach gumamit ng tao. Starting five: Eddie Doblas – MVP, Ato Maycacayan, Emil Dionglay, Ed Durusan, Unyuk Certeza . Pero kahit sinong team ang banggitin nila, it will always be debatable on who deserves the title of “all time best assembled team”. Yung team na sinabi ko at yung sinabi mo eh kasali yun tiyak sa pagpipilian dahil both teams were champions.

SOFTBALL GREATS

Roy Gonzaga writes:

In softball, there is Ka Itoy Aragones- ang catcher na hindi gumagamit ng glab, Si Kosme Lirio na bukod sa kayang humigop ng kumukulong kape at bumuhat ng dalawang sakong bigas is a great batter na ang sabi nila lampas minisipyo raw ang bola during inter- barangay softball legue kung saan ang playing field ay ang lupang kinatatayuan ng Municipal Gymnasium ngayon. I did not see the actual play of Kusme but always heard that from the old folks, but I witnessed him drinking boiling coffee and lifting up of 2 sacks of rice in his shoulder.

There is also Ka Ipe Villadiego na kumukurba ang bola pag binibigay sa batter. And the palong banting na si ka Benny Salvador ng Tagpo-Tagpo na siyang pioneer noon sa softball ng ganong klaseng palo.

Another great batter that I’d seen is Johnny, the bench hitter. There is also this great catcher Apin Sucgang who popularized the “Ibigay mo kid!!!!” phrase.

Ang softball venue nuon sa Calumpang ay beside the basketball court, ang dating parang nuon na ngayon ay puro bahay na.

15 thoughts on “Ang Alamat ng Basketbolan sa Calumpang

  1. Sulit na sulit ang gamit ng Ynares Multi-Purpose Covered Court.

    Ngayong Marso, limang paliga ng basketball ng ibat-ibang grupo ang hali-halili ng schedule sa court. Nandiyan ang 40 years old and above, pinamamahalaan ni Eddie Aragones, 7 teams ang kasali. Ang Invitatinal League ni Pepe Ulang, 14 ang teams na kalahok. Ang Open Age ni August Tabilin, 11 teams ang kabilang. At siyempre, ang kabubukas lang na Sangguniang Kabataan at Captain’s Cup tournaments. 22 koponan ang sa SK, habang 9 naman sa CC. At may dagdag pa! Ang Invitational Volleyball ang SK kung saan 7 teams ang kalahok.

    Ito’y nagpapatunay lamang ng kasabikan ng taga- Calumpang makapaglaro sa court na may bubong. (Mahigit sampung taon iyang hinintay.) At sa sandamakmak na players ng barangay.

    Sige nga, bilangin mo nga iyon kung ilan?

  2. Batang kort din ako nuong 80’s kaya nahahanap ko ang ‘kalakaran’ ng laro nuon.
    Ngayon ang kasali sa parada sa liga ay naka – tsinelas lang! At ang mga naghihiram ng bola ngayon kina Ka Kabo ay hindi marunong mag-soli!
    Kailangang habulin pa ni Ka Kabo ang nanghiram!
    Dapat siguro may orientation ang mga players ngayon. Para hindi paglambitinan ang goal, huwag magkalat sa court at alagaan ang biyayang hindi namin na-enjoy nuon. Naku, tandang kort na talaga yata ako.

  3. Kapitbahay ng Kort

    Si Ka Kabo

    Bukod sa pagiging orihinal na beterinaryo ng Calumpang at tatay ni Kapitan Jolan, si Ka Kabo ang ‘bastonero’ sa covered court. Taga-saway sa mga batang naglalambitin sa goal at manlalarong nagkakalat ng basura. Taga-pagpahiram ng bola at taga-sugsog sa hindi nagsasauli nito. Madalas ay taga-walis din ng dumi at alikabok ng simento.

    At bakit nga hindi? Bukod sa kapitbahay niya ang court, siya na lang ang nandidito pa, sa may edad ng manlalaro, ang may pinakamalaking puhunan sa basketbolan. (Karamihan ay nasa itaas na at ang iba ay nasa ibayong dagat naman)

    Sa Nanay Quile (Apostadero-Aralar) niya nanggaling ang donasyong ikatlong bahagi ng lupa. Si Kabo, kasama nina Ka Leon Gonzaga at Celtics, ang nagbayanihan upang mapasemento ang court nuon pang 1964. At ngayong ang anak niyang si Jolan ang Punong Barangay, mas higit ang pagma-malasakit ni Ka Kabo dito.

    “Nakabuti naman kay Ka Kabo ang pagka-abala sa court”, paliwanag ng kabiyak na si Ka Nomet. “Nagka-exercise, kaya lumakas pa siya. Nakakahabol pa nga sa makukulit at pasaway na bata sa kort”, patawa ni Ka Nomet.

  4. Sitsit Brigade (Sniper’s Report)

    Dali, dali habang ang mga taga-delete ay wala pa! (Isa ay nasa bundok at isa naman ay nasa isla. Namamanata pa ba sila?)

    Parang hilong talilong ang mga kaalyado nina Kuya Bosing. Hindi malaman kung sino ang pangulong dadalahin. Nadiyang may meeting para kay Poor Boy; may rally naman para kay Rich Boy. Minsan ay si Mama’s Boy ang kasama; sumunod si Amboy naman.
    Itinaas ang kamay ni Chickboy; kinamayan din si Tomboy. Pag kowboy ka ay maski sino kakampi mo. Walang tapon, walang talo!

    Habang si Dikong Bosing ay naghahapit, hindi para sa sarili kundi sa mga nakakapit. Aba’y baligtad na yata ang dalahan, bakit ang Dikong Bosing ang nahihirapan? Sabi ni Dikong ayaw niya ng kuba (7). Angal ng iba walang latoy ang straight. Di sila makampante sa mga walang diskarte. Baka ang lumabas ay buntis (6), naku dalawa pa ang nagmintis!

    Balik-tanaw ng hindi masaway: Kung nag-straight voting kaya nuong si Dikong ay bago pa lang, naiboto kaya siya gayong hindi siya kapartido?

    Ang isyung “dynasty” ay hindi na kina Bosing ipinatutungkol. Tanggap na ‘yon ng madlang pipol. Ang bagong cottage industry ay duon sa mga nagpakandidato ng kanilang asawa, anak at biyenan. Para ang pwesto nila ay hindi masingitan. Pagtapos na ang ban at saka sila magbabalikan.

    Swerte pa rin ang tagapagpatuloy ni Cong, dahil ang kalaban niya ay marami ring atraso. Mga na-onse at naloko, ganting boto katapat nito. Alin ba ang mas mabigat na kaso: drug addiction ba o pang-gagantyo? Sabi ng apologist, ang tao ay nagbabago. “Adik na lang ako sa paglilingkod”, papogi ng isa. “Di na ako mang-eestapa ng maliliit na tao”, promise naman ng kabila. “Big time na lang”, bulong niya.

    Hinagpis ng mga walang boses: hindi dapat apelyedo lang ang magdadala sa kandidato kundi track record at nakikitang potential nito.

    Naku, basahin na agad ang sitsit na ito, pag dumating ang taga-delete, lagot tayo!

    (Para kay Rowena)

  5. SSB Sniper’s Report 2

    Sitsit ng sitsit habang wala pa ang taga-gupit.

    No offense meant daw sa mga bitbit ni Dikong Bosing. Hindi talaga “kaya” ng mga tao ang straight. (sa inuman lang daw pwede yon)
    Paano naman ang kanilang kamag-anak, kaibigan, kapuso, kapamilya at kasama na kandidato? Ang pakiusap na isingit ang isa, dalhin ang dalawa o iluklok ang tunay na nakakatulong ay mahirap iwasan lalo’t nakakakilanlan. Kung senador yan, pwede pa ang tuwid.

    May eleksyon ba sa barangay level? Ano’y ngayon pa lang ay pangdalas na ng pa-charming ng mga nag-aambisyong hamunin ang naka-upo? Would you believe, pito ang nag-aasta sa pagka-kapitan? Isang dikit kay Meyor, isang kasangga ng malapit kay Meyor, isang sinuportahan nuon ni Meyor, isang kaklase ng kapatid ni Meyor, isang dating pulis ng kapatid ni Meyor, isang manok ng malapit sa kuya ni Meyor, isang walang bukang bibig kundi si Meyor. Kanilang common denomination: Si Meyor. Alam kaya ni Meyor ang name dropping na ito?

    Tanong ng isang nalilito: Para namang walang nagawa ang pamunuan sa astang paghahamon ng kanyang magiging kalaban?

    At bang sisipag na rin ng mga Kagawad. Ang dating hindi mahagilap ay ngayo’y laging ng lumilingap. (change of heart) Good, good!, sabi ng maghihingi. At least wala na ang mga “madaling lapitan pero mahirap hanapin!”

    Habang makakasingit, kami ay sisitsit.

  6. ssb,
    kaka-engganyo namn tong sitsita. me factor ng pagmamadali..at patakam na sitsit.
    ab’y tagumpay, si angot ay napatigil sumandali sa pag-toma.
    mukha ngang may kahirapan ang straight, pero sabi nga ni bosing.. kaya daw..
    yun mga umaasta sa barangayan, baka magulat sila sa nakahandang tiket ni KJ…
    abangan.. tinitiyak na ni KJ.. me gulat factor ang nakahandang tiket.. tiket sa kabaret?.. hindi ah..tiket ng rafol?..lalong hindi..basta.. sabi nga ni chef..osya..

  7. Sa darating na halalan, hindi tayo dapat magkaisa.

    Sa aking palagay dapat magkanya-kanya.

    Bawat botante magsaliksik at magdesisyon ayon sa kanyang pang-unawa.

    Hindi komo idolo mo si Tatay, maniniwala ka sa lahat ng kanyang opinyon.

    Hindi komo empleyado ng kandidato si Nanay e kakampi na tayo.

    Dahil bestfriend mo yung anak e dala ka ng kanilang kampo at mangangampanya (ginawa ko ito dati)

    Magmasid sa paligid.

    Timbangin ang bagay bagay.

    Mag-usisa.

    Pagdating mo sa pook botohan…

    Di ba nag-iisa ka sa isang sulok na yon?

    Iwanan mo ang lahat ng haka-haka.

    Mag-isip.

    Magdasal.

    Isulat ang pangalan ayon sa iyong budhi at konsensya…

    Walang ibang makakaalam.

    Dahil nag-iisa ka.

    (Side comment na aking narinig dyan sa tabi, Iboto natin si ???? hindi man siya makatulong sa bayan makakatulong naman siya sa atin.) Pathetic😦

  8. Just for Information my previous comment except for the side comment was taken from website of Myla O.

  9. Subukan ng taga-gupit na i-etsapwera ang aking comment at hindi na ako magbubukas ng d2blog kahit kelan!(promise)

    The thing with you guys is that you are always on the safe side. Pag may nagreklamo sa comment, delete. Pag may nasagasaan, delete. Pag in doubt, delete. Palitan na ang blog ng delete-delete!

    No wonder, hindi na nagpa-participate ang mga interesting bloggers (tikbalang,buraot,forever young, to name a few) nainis, nabwisit. This is a democratic space; kung hindi naman below the belt ang comment ay bakit gugupitin? Kung nag-aalanganin na makakasaling kayo ng powers that be, then issue a disclaimer.

    Lalo na ngayong election, aba’y bigyan ng espayo ang tao para ma-ventilate ang kanilang damdamin. Kung hindi ay magtiyaga kayo sa patula-tula na puro pusong sawi lang ang makaka-appreciate!

  10. Hindi naman siguro komo hindi nagpaparticipate eh nabwibwisit. Busy lang siguro sila sa kanikanilang therapy (some lethal, some are not). Pero tiyak ko nagbabasa sila, kahit na ano pa ang kasalukuyang epekto ng kanilang therapy.

    Para sa Sniper’s Report, salamat sa iyung pagbangit sa akin pangalan. Sa daku daku duon ay papatulan ko ang iyung personal na pananaw sa ating current events, sang-ayon man o pang-asulpar.

    PostScript…Goodbye is too good a word, I just say farewell – Bob Dylan.

  11. Ok.
    Somebody has to take the punch, whether or not he/she has the intestinal fortitude for it. It is within the territory, part of the job, dumb if you do, dumb if you don’t.
    Let me qualify, however. Nakaka-appreciate ako ng patula-tula, but it doesn’t necessarily follow na ako rin ay pusong sawi!

  12. nota bene

    ano ba naman ito? nuong araw ay goodbye girl. ngayon naman ay farewell girl. is there something wrong with this one who just wants to be a buddy girl?

    there are things that we can work out and work with. not that we are running after time. we are bidding time. and so we while away with… writing.

    writing is not the prerogative of wordsmiths. everyone has a story to tell. and if we write about theirs and ours, then we are storytellers.

    help me with the book that i intend to publish this september. and i want you to be around to autograph copies in the launch.

    believe me, we have interesting sub texts and sob plots that readers would love to unravel. or laugh about.

    no tears for us, just chuckles. we know where we are coming from.

  13. You don’t need me to be around for my authograph, you can always use my thumbmark. The old fashion way or should I say… classic.

    Tears?are we grieving eh? I agree… chuckles only and yes, we know where we are coming from.

  14. Singit na Sitsit

    Balik-bundok na naman daw ang mangugupit. Tanong tuloy ng mga ‘di-kabati: Anong ginagawa niyan sa bundok? Nag-iintay ng Ten Commandments?
    Well, whatever, pagkakataon na namang sumingit ng sitsit.

    Malapit na ang judgment day at ang mga kandidato sa lokal ay hapit-to-the-max. Aba, ang bulungan ngayon ay hindi straight kundi vote me, just only me. Sa ganitong paraan ang mga topnotchers nuong nakaraang election ay nasolido ang boto. May barangay nga na isang konsehal lang ang dinala.Sinong maysabi na barkadahan? Pagdating sa finish line, iyan ay iwanan.

    In fairness, mahirap talunin si Mayor Boyet sa kanyang performance nitong unang term. Maraming botante na dati ay lahat ng kalaban ng ruling clan ang ibiniboto. (Taka ka pa ba kung bakit may boto ang mga unknown, never heard at pang-gulong kandidato nuon?)

    Ngayon, the Mayor earned the nod of those whose votes are a “protest against the ruling clan”. Some even suggested that should the contender to the top post run for the second post, he could have a fighting chance. Naku, that’s a “mouthful” para sa kandidatong ‘yon, sino man sa kanila ang tinutukoy, hayaang bumukol sa ukol!

    Paningit nga lang kaya kakaririk!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s