Kasama ka dito… Mga highlights ng unang taon ng panunungkulan

Pinalakas na Women’s Power—

Dalawang espesyal na pagsasanay ang nilahukan ng mga kababaihan at ng barangay human rights action officer. Ito ay ang kasanayan sa pagkakaroon ng women’s desk, seminar sa batas tungkol sa Violence Against Women and Children at kasanayan sa Ecological Solid Waste Management.

High Tech na, Database pa–

Nagkaroon ng mga gamit pangkomunikasyon tulad ng two-way radios, radio base at laptop computer (dagdag sa existing personal computers na nasa barangay).

Ang teknolohiya ay available at magagamit para sa mas ikahuhusay ng delivery ng basic services sa mga tao.

Mayroon na ring database ng Indigent Families, actual inhabitants of the baragay, listahan ng mga registered sa COMELEC at list ng transient at mga bagong lipat sa Calumpang. May soft at hard copies ng mga datos.

Dating pagong, ngayo’y kabayo—

Pinabilis na response time sa pagkuha ng sedula, business clearance at mga barangay certification. Ang hamon-kapag lumampas ng limang minuto, magpapaburger ang GMAC officer.

Iskolar ng Barangay —

May 50 iskolar sa elementary, sampu sa high school at dalawa sa kolehiyo. Namigay din ang Barangay ng mga gamit pang iskwela sa mahigit na apat na raan mag-aaral.

Business Partnerships—

Dahil maliit ang existing barangay hall, nagkaroon ng kasunduan ang Barangay sa 1489 Cableway Resort na ang mga pulong ng Sanggunian ay duon gagawin sa pavilion o sa function area ng resort na walang katungkulang-pinansiyal sa bahagi ng local government. Ito marahil ang paraan ng pribadong korporasyon ng “giving back” sa community.

Dahil din marahil sa pilosopiyang “giving back” kaya madaling napasunod ang mga negosyante ng Calumpang sa ordinansang nagtataas ng halaga ng barangay business clearance at iba pang sertipikasyon. Pangtapat ng Barangay sa partners: pangangalaga ng “environment conducive to business growth”.

Samahang kapit-bahay, kapit-bisig–

May 22 samahang sibiko at magkakapit bahay sa bawat sitio ang binuo, binuhay at pinatatag ng Barangay na ngayon ay kasamang kumikilos at namamahala sa kanilang lugar. Sampu dito ay ngayong 2008 nabuo, walo ang naging aktibo, at sa 22, 20 ang may SEC registration o kaya’y akreditado ng LGU-Binangonan at LGU- Calumpang.

Kita kits sa Flag Ceremony—

Isang innovation ang monthly Flag Ceremony sa Calumpang Basketball Court upang makonsulta ang mga samahan, mabigyan ng tamang impormasyon at maipadama sa kanila na sila ay mahalagang bahagi ng pamamahala ng barangay. Ginagamit din ang okasyon bilang “feedback mechanism” sa mga programa at patakarang ipinatutupad ng Barangay.

Dog’s In, Rabies’ Out—

Inilunsad ang Free Immunization for dogs kung saan 145 aso ang nabakunahan habang patuloy naman ang Huli-Aso program na nagkukulong sa mga asong gumagala sa kalye.

Go sa Reproductive Health—

May tie-up ang Barangay sa United Nations Population Fund at sa DKT Philippines. Kabilang dito ang prangkisa ng POP Shop para sa population commodities na branded (para sa paying clients) at mayroon ding subsidized commodities mula sa UNPF para sa poorest of the poor na nais magplano ng pamilya.

Trabaho! Trabaho!—

Unang Job Fair ng Barangay kung saan 42 sa 105 na nag-apply ang nagkatrabaho. Dagdag dito ang 16 na job orders dulot ng pagpasok ng mga contractors ng Maynilad Water Corporation. Ang Barangay-based Job Generation through government infrastructure projects ay nagbigay trabaho sa 30 taga-Calumpang sa loob ng anim na buwan.

Lusog-Busog—

Patuloy ang mga programang pangkalusugan at nutrisyon. May regular na bakuna, feeding, food supplementation at operation timbang para sa mga bata. May bone testing para sa mga senior citizens at reflexology. Nagkaroon ng tatlong medical at dental missions at blood letting habang araw-araw ang referral at medical assistance sa mga indigents.




Alalay sa Mangingisda at Magsasaka –

May programang Water Lily clearance sa Laguna de Bay at naglagay din ng television sa Pritil para sa nagbabantay Lawa. Nabiyayaan naman ang mga magsasaka sa seed dispersal program ng Barangay at hog-restocking project ng local Department of Agriculture.

2 thoughts on “Kasama ka dito… Mga highlights ng unang taon ng panunungkulan

  1. maganda itong ganito…

    sana documented lahat ng activies ng barrangay ng calumpang.. gaano man kalaki o kaliit, kailngan ibalik ang respeto at tiwala ng ating mga ka-baranggay sa mga namumuno dito…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s