Facebook ng Pag-Asa

Facebook ng Pag-Asa

(hindi pangalan ng barangay, hindi ng agila at lalong hindi ng weather bureau)

   

Tents-pansamantalang tirahan. Donasyon mula sa KOICA ng Korea, hatid ng DSWD Region IV.

  

   AAR Japan, kinakatawan ni Mr. Go Igarashi, ay naghatid tulong sa 76 pamilyang sinalanta ni Odoy.

Mula sa ABS-CBN Sagip Kapamilya. Para sa kapamilya at kapuso ring kabarangay. 

    

Bisikleta at gamit pang-linis mula kay Bayani Fernando. Kasama ang paglilinis ng Bagong Filipina Movement.

Earth Day Celebration kasama si Joel Duavit. Noon inilunsad ang Barangay Solid Waste Management Ordinance.

Biyaya ng bertdey ni Mayor Boyet Ynares:  Truck ng basura mula kay Gob. Jun at motor katas ng Alay Dugo para sa Calumpang.

 

Barangay Health Workers ay naging bahagi ng Brigada Eskwela sa Calumpang Elementary School.

 

Pambato ang taga-Calumpang sa mga Alay Dugo, mapa-barangay man o mapa-bayan. 

4 thoughts on “Facebook ng Pag-Asa

  1. Dear D2sacalumpang bloggers:

    Isang maligayang pasko at masaganang bagong taon ang pahatid ko.
    Nagdaan tayo sa krisis, sa unos, at sa hamon ng tumataas na presyo ng mga bilihin ngunit tayo ay nakaraos at nanatiling nakatayo, lumalaban sa mga pagsubok sa ating buhay. Nakaisang taon na naman po tayo at nawa ako’y samahan nyo sa pananalangin ng isang 2010 na mas maayos, mas masagana, at mapayapa.
    Huwag tayong mangamba sa kinabukasan dahil mayroong Diyos na Buhay na hindi tayo pababayaan kailanman!

  2. .,Advance Meri Krismas poh sa lahat!!

    Itatanong ko lang poh kung KASOSYO poh ang Barangay Calumpang ng MERALCO??? Napansin ko poh kasi na sa tuwing napapadaan ako dun (Barangay Hall)papunta sa trabaho ay LAGI pong BUKAS ang ilaw sa harap…mga bandang 8:30 na po ako dumadaan dun at sa dami ng mga tao na andun ay tila yata walang nakakapansin dito… Almost 4 weeks na ata na ganon….

    Bilang isang kabarangay, sana naman ay may pagpapahalaga tayo sa Mother Earth.. Para san pa ang mga global warming concerns na yan, cost cutting, etc. kung yung mga simpleng bagay na ganun (pagpapatay ng ilaw) ay hindi natin matugunan??? Wag natin kalimutan na kRisIs ngaun…

    Just asking… bKa nGa, kundi man kasosyo ng Meralco….ay MaYaMan cLa…

    *cHaRmIng_juAn*

  3. Sa pagpasok ng 2010, may bagong header ang d2blog.

    Luntian ang leitmotif ng header, patudling sa “passion for the environment”, “harbinger of hope”, “agent of growth”- mga niyayakap gampanan ng blog. Kaugnay sa papel nito bilang impormasyon at tinig ng barangay.

    Balik tanaw sa isang taon na ang blog ay binisita, binasa at pinag-reaksyonan ng mga bloggers sa loob at labas ng bansa, nais naming magpasalamat:

    Sa Panginoon na gumagabay sa lahat ng ito.
    Sa mga kahaligi na kasamang nagtaas ng aming layunin.
    Sa mga tumulong, pumuri at pumula. Ang inyong hamon ang nagbubunsod para kami ay magtrabaho pa, mangarap pa at kumilos pa.
    Sa aming pamilya at kaanak na hindi naging maramot na ibahagi kami sa paglilingkod na ito.
    At sa inspirasyon mula sa mga kaibigan sa malayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s