SK CoRnEr…

 

 

 

Sulong Kabataan, Tayo ang Pag-asa!

 Nitong Hunyo 2009, pasukan ng eskwela, ang tipikal na problema ng mga nanay at tatay na nagpapaaral ng anak ay natulungan ng Sangguniang Kabataan ng Calumpang.

Si SK Chairman JM Paralejas at ang pitong SK Kagawad ay naglaan ng pondo para sa school supplies na kanilang ipinamahagi sa 650 napiling kabataan nag-aral mula una hangang ika-anim na baitang sa Calumpang Elementary School.

Ang libreng school supplies na ipinamigay sa CES, sa pakikibahagi ng Punong Guro Agrifino Figuracion at mga teachers, ay kinabibilangan ng tatlong kwaderno, isang papel, dalawang lapis, dalawang pambura, isang pantasa, at dalawang bolpen naman ang mga nasa ika-lima at ika-anim na baiting.

Ang tulong-pang-eskwelang ito ay ikalawang sunod na taon nang proyekto ng Sangguniang Kabataan.


 

Hawak-Kamay sa Pagbangon!

Ang pananalanta ng bagyong Ondoy sa Calumpang ay hagupit na lumatay at ininda ng mga kabataan ng Calumpang.

Apaw ang tubig sa Pritil, lubog ang Picones Compound, hanggang binti ang baha sa Sysna, gumuhong lupa sa Lorecom at naburang Matikiw sa mapa ng Calumpang.

Iniwang bakas ni Ondoy sa Barangay Calumpang ang mga nasirang bahay, kagamitan, negosyo – mga ipinundar sa mahabang panahon na nawalang parang bula sa isang kalamidad lamang.

Dama ang ganitong kalagayan, sumaklolo ang SK. Si Chairman JM Paralejas at ang pitong Kagawad ay namigay ng bigas, sardinas, kape, asukal, at noodles sa 70 pamilyang nasalanta. Ginanap ng mamamahagi sa Calumpang Elementary School, Oktubre 18, 2009 sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay at Brgy. Tanod.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s