Pasasalamat!!!

Maligayang Kaarawan, po!

Pag birthday ni Mayor, lahat pwedeng bumati

Hindi mo na alam kung sinong totoo o hindi.

Ami’y walang bahid sipsip, ‘di mapag-imbot na mithi

Maiparating lang namin na siya’y itinatangi.

Ano bang nagawa at siya’y naiiba?

Lahat ng politiko’y naglilingkod sa balana.

Binibigyan niya ng mukha kung ano ang serbisyo

At kung paano sumagot sa pangangailangan ng tao.

May puso at tingin lampas sa botong hihingin

May malasakit at hagupit kung kailangan gawin.

Palibhasa’y sa kalye lumaki at natuto

Kaya kapa niya ang damdamin ng tao.

Di mapaglalalangan at hindi maloloko

Dahil larong ungguyan kabisado din nito.

Para saan ba ang karanasan at pinagdaanan

Kung hindi ito huhubog ng magandang kapalaran?

Biyayang galing langit at kaakibat ng pangalan

Pinagsikapan ma’y ibinabalik sa dapat bigyan.

Kahit munting hiling o ga-mundong problema

Dalhin lang kay Mayor at siguradong sagot na.

Oo, hindi, may hagod at tapik pa

Boldyak kung dapat, naku humanda ka!

Hindi diyos-diyosan at tao ding may kahinaan

Nagme-make-up naman sa kanyang kakulangan.

May ngiti, tawang hagikgik at minsa’y sarcasm

Kadalasan ay binabalanse ng words of wisdom.

Anong pagkahaba- haba ng aming sinulat

Gayong ibig lang sabihin ay Mayor, SALAMAT!!!

Hiling

Ito namang si Kap Jolan ay nai-intriga pa

Ng ibang kapitan na tila nai-insecure na.

Bawat hingin ng Calumpang ay napagbibigyan

Ano ba iyan Mayor, tila may palakasan?

Mapangtudyong sagot kung inyong pakikinggan

Sa puso ni Mayor may soft spot ang Calumpang!

Ang tutuo’y likas lang kay Mayor ang pagiging matulungin

Nagkataon lang ang hiling namin ay kaya niyang tupdin.

Aming munting samo sanay’ inyong dinggin

Okey ninyong ginagawa ay huwag patitigilin.

Sino bang may akalang ganyan ang inyong lambing

Sa pamamahala na sa palad ninyo ay inihain.

May pangalan at pribilehong minana nuon pa

Pero di nagkasya sa bagay na dinatnan na

Pagbabagong sinimulan ay ipagpatuloy sana

Lahat kami’y sasaludo: Mayor, Mabuhay Ka!

       

 

7 thoughts on “Pasasalamat!!!

  1. Eat your heart out, Echo!

    If our motives are questionable, hindi na sana kami makakaharbat (Manay Lolit Solis, pahiram nga ng bokabularyo mo) ng ganansiya para sa Calumpang.
    May bagong truck ng basura, may premyong tricycle bilang pinakamaraming nagdonate ng dugo sa birthday ni Mayor. At ang malupit, Mayor lends us ears in policies of governance.
    Chef cooks but the menu has the approval of the manager of the Resto. Gets mo ba?

  2. chef:

    me konting kontrobersya.. but as of now.. tayo ang nagwagi ng motor.. we have a score of 70 sa blood donors, ung pangalawa ay pag asa with 68 at pangatlo ang darangan with 64.

    i am hoping that the mayor would see the efoort that we put in to come up with the 70.. whatever happens.. we targeted first place- we got it.. kung mabago man ang sentensya.. me naiambag p rin tayo na mga donor cards pang dugtong buhay at pabertdey sa mayor nating mahal..
    congrats at salamat sa lahat ng nag alay ng dugo, nag coerce ng mga kamag-anak, namilit ng mga staff at sa tatlong bhw na dapat banggitin ang pangalan: Hepe Delia, Betchie, at Marita.. a job very well done!!

  3. pahabol:::
    at sa kagawad na nanermon ng maaga.. salamat sa extra push.. sayang nga lamang at di kita natext nung hapitan n.. it could have been a bigger and insurmountable margin.. anyway.. me mga pag-aalay pang darating.. salamat!

  4. Kapjo,
    Post Ondoy’s blues.. sabi ko change image na me at balak kong karerahin si Mother Theresa sa bait at pagiging mahinahon. Di agad naalis ang pagiging hyper(sabi ni Juliet, panic mode) lalo na kung may pressure.Paumanhin na lang sa nasaling. But we get best results that way. Who knows, baka in due time ay makaroon na rin ako ng circle of light sa ulo. hahaha.

  5. i believe i am one of those people na ang tingin sa ikot sa iyong ulo ay halo (hey-lo) at hindi ang pagkabudobudo mo. Yes, we get best results with the way you bring up things to my attention.
    andito yun lima pa na pamilya from skul kagabi at nagpapasalamat sa ating effort to help them.. pwede na daw sila bumalik s lugar nila kahit me konting tubiag p.. masaya ako at somehow na instill natin sa kanila ang virtue ng gratefulness..
    ke meyor at sa mahiwagang motor.. i decided not to go to his ofis this am.. bahala na lang sya kung anu desisyon nya.. anyway nakatulong naman na tayo na makaipon ng red cross cards.. sa totoo lang.. yun na ang premyo natin.. all the rest ay bonus na lang.. thanks for always being there para sa Calumpang kong Hirang!

  6. Ubos na nga ba ang dugo ng taga-Calumpang?

    Tatlong bases nag bloodletting sa Calumpang ngayong 2009. Ang pinakahuli ay nung birthday ni Kapitan Jolan Aralar, kasabay na programa sa inagurasyon ng Ynares Multi-Purpose Covered Court nitong Agosto. Humigit kumulang sa bawat alay-dugo, may 50 blood donors.

    Bilang birthday-handog, panibagong bloodletting ang mga kabarangay sa poblacion naman. Una, para kay dating Gob. Casimiro Ynares, Sr. nuong Agosto at pangalawa, para kay Mayor Cecilio Ynares nitong November.

    Panghihilakbot ng hindi nakakaalam: Aba’y wala ng idudugo pa ang taga-Calumpang!

    Ang totoo, mas nadagdagan pa nga dahil ang blood system ay parang halaman na bagkus tinatalbusan ay mas umuubong ng mayabong. Pampalinis ng sistema pagkat ang lumang dugo ay napapalitan ng bago. Pagkalipas lang ng tatlong buwan, ready na uling makunan ng dugo.

    Feeling heroes ang blood donors. Napalago nila ang pondo ng Red Cross. Ang kanilang dugo ay pandugtong buhay, hindi lamang ng ibang tao kundi lalo na kapamilya o kaibigan na emergency ang pangangailangan.

    Pang-emote: sila’y nakakatulong. Pang-kalusugan:lumilinis ang kanilang blood system. Pang-pogi points: Blood donors kami, kayo din ba? Pang-premyo: Dahil third na pinakamaraming nagdonate ng dugo nuong birthday ni Gob. Ito, ang Calumpang ay nabigyan ng karaoke, grass cutter, sptayer, rain coat, chaleko ng tanod, mono block chairs at tatlong sakong bigas. Pang-premyong matindi: Isang TRICYCLE, dahil ang Calumpang ang pinakamaraming ambag-dugo sa kaaarawan ni Mayor Boyet Ynares.

    Marami pang donors ang taga-Calaumpang hanggang sa susunod na paduguan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s