Kakaiba ka, Calumpang!

KAKAIBA KA

          Mahirap kung puro Idol ang usapan dahil kailangang nasa Itaas bago maibida.  Pwede siguro iyong huntahan sa tayantangan o sulukan.  Sa inuman o kainan.  Sa kapitbahayang nagsisitsitan o nagbabangayan.  Sa barberya at sa tindahan. Sa binguhan, wetengan at tirimbian.

          O kaya ay batuhan ng magkakaibigan na nagkakasayahan lang. Dahil ito’y mga kwento na wala lang, just because, kakaiba ka, Calumpang!

          Sayawan sa Kabaret

          Pustahan sa Sabungan

          Tawid Bagoneta (sa mataas na lugar kina Ka Tano)

          Si Susing ang mabuti, ang masama’y si Maxie (sa tindahan)

          Sino ang natatakot sa mga tigasin sa gitna?  (Putris sila!) 

          Umaapela si Barok (bakit ang labaha niya ay di nalahok?)   

          Kung si Tugo ang heartthrob, si Kampongan naman ang great lover

      turtle    Nasaan na ang mga original na belyas sa Looban?   

          Saan ang Kalye Pitong Gatang sa Pritil? (Bukod sa Kalye Sukat)   

          Si Kunsi, si Aring at si Patri    

          Kasali ba si Kutong Barbero?   

          Nagpakulot ka ba ni Ka Emy?   

          May nakakaalala pa ba kay Ka Minang Hilot? 

          Anting-anting ni Ka Ikyo at Ka Gundo  

          Patok pa ba ang subukan ni Ka Andres pag Biyernes Santo? turtle

          Mga madre ng Villadiego   

          At your service, Dr. Romy Estacio   

          Everlasting talaga ang Everlasting Club  

          Tatlong Presidente ang nakasama ni Ka Tancio  

          Santong Amba  

          Matandang Poso ng Tubig

          Ang Tanling (high volume) ni Ka Adela

          turtle  Pahiram nga uli ng inyong mga sanaysay.  Patawa man o pa-emote, tanggap ‘yan.  Huwag lang personalan.  Ang walang malay na tagatala ang tinatamaan.  Sus!

77 thoughts on “Kakaiba ka, Calumpang!

  1. sa mga kinauukulan at kinabubukulan:
    ang dalisay at purong hangarin (naks!) ng pagtatala ng mga opinyon/kwento/puna/bato ay upang mabasa/malaman ng balana kung anong mayroon ang Calumpang Kong Hirang na talaga namang kakaiba.
    sa daku duon ay may minitmithi na isalibro ang napiga o nasala (as in dumaan sa maliit na butas)sa mga nai-blog. bahala na ang council of two sa detalye.

    mga kumpare kong manolo b., marc j, dknk, forever 21:
    parang matsing si chef, parang pagong lang kayo. bwahahahaha! si kumpare nama’y marunong magshare. pag-usapan natin pagdating ni onego at habang ang kamandag ni patri ay di pa kumukupas.

    ang bagong article na Kakaiba ka, Calumpang ang space to add all those na hindi naisip ng natatala. you have the liberty and latitude to speak your mind o simpleng manligalig!
    (salamat nga pala sa inspirasyon ni koroks!)

  2. Nasaan na ang mga original na belyas sa Looban?

    “Anak ng belyas!”, tudyo ng dalawang batang lalaki sa sinusundang si Minday, ka-grade 4 ko nuon sa Calumpang Elementary School, isang hapon pauwi na kami.

    Hindi ko kabarkada si Minday dahil lagi siyang nag-iisa, umiiwas sa mga kaklase. Kaya nagulat ako ng harapin niya ang nanunukso, siguro napuno na rin sa palagiang ginagawa ng mga pilyong ito. “E, ano ngayon kung anak ako ng belyas!”, mariing sagot ni Minday. Sa murang edad, nuon lang ako nakakita ng galit na lumilingas sa mata, nakakapaso, parang kuryente mula sa comics heroine na si Volta! Takbo ang mga nananukso. Tulala kaming nakasaksi, habang si Minday ay nagmamadaling lumayo pauwi sa Looban.

    Malapit sa Kabaret ang Looban, lugar na tirahan ng mga baylarina. Karamiha’y dayuhan, galing sa Bicol at ang pagsasayaw sa Kabaret ang tanging hanapbuhay. Maraming kalalakihang nagtatrabaho sa nuo’y Rizal Cement Company at maging sa karatig barangay ang ginagawang R&R (Rest and Recreation)ang Kabaret. Sa dyes sentimos na tiket, maisasayaw ng isang tutog ang napili mong kapareha. Kung gusto mong masolo ang babae ay magpulupot ka ng tiket sa iyong leeg para wantusawang sweet at very sweet na sayaw.

    May mga pamilyadong lalaki na hindi lang sayaw ang ipinupunta sa Kabaret kundi “extra curricular activities” na madalas namang nabibisto ng asawa. Umaatikabong tawanan ang mga eksenang sumusugod ang misis, hinahambalos ang mister habang nilalait-lait ang baylarinang kapareha nito.

    Ano ba naman ang ipinagkaiba ng belyas nuon sa mga GRO, masahista at cyber sex players ngayon? Iisa ang kanilang pinagmumulan: ang pantawid kahirapan. Kahirapang hindi nakapagbigay sa kanila ng choice upang mabuhay sa, ayon sa itinalaga ng lipunan ay, malinis, marangal, maayos.

    Pero mga baylarina man ay nagpapamilya rin, nagpapaaral rin ng anak at nangangarap ding mabago ang kanilang buhay. Hindi man nila ikinahihiya na ganoon ang kanilang trabaho, ngunit ayaw nilang laging ipinamumukha (sa kanila) ang abang kalagayan.

    Hindi ko na nasundan ang buhay ni Minday pagkatapos ng elementary. Pero alam ko na naka-college level siya at nakapag-asawa ng matinong lalaki na higit na pinahalagahan ang kanyang bukas kaysa sa kanyang lumipas.

    “Tatlo na ang tapos sa aking mga anak,” pagmamalaki niya nang magkita kami kamakailan sa simbahan. “Dalawa sa kanila ay teacher.” Kahit hindi man niya sabihin, alam ko na ang unang ituturo ng gurong ito sa mga estudyante ay ang paggalang sa tao ano man ang kanyang pinanggalingan. At ang pangalawa ay ang mangarap.

    Sa lugar ng dating Kabaret ay nakatayo ngayon ang isang paaralan. Ang Looban na nuo’y ay Laspag kung tawagin, salitang ang ibig sabihin ay used or worn out, ay nagbago na ng imahe. Ito ngayon ay kumakatawan sa Love And Sacrifice to People And God.
    At ang apo ng isa pang original na belyas sa Looban ay kalahok sa isang timpalak kagandahan ngayon.

  3. Basyon,

    kakatouch naman.. isang napakahusay na human interest story..

    marami akong pwedeng idagdag.. kakausapin ko lang ang mga bida.. magpapaalam lang ako kung pwede kong i share ang kanilang buhay at tagumpay

  4. THE FIRST AND ONLY!!!!!

    kaunaunahang barangay official na gumanap sa isang indie film at nag premiere sa UP Theater: Kagawad Herr Gonzaga-Galang.. kakaiba ka.. nadidinig ko pa hanggang ngayon ang papuri ng mga manonood sa iyong madamdaming pagganap bilang Meyor na may pusong maka-mahirap… the one.. the only.. congrats!!!

  5. Hindi ba at iyan ang tinagurian na “oldest profession”. Si Hesus nga eh may anak kay Magdalena na isang magtitinda ng panandaliang aliw.

  6. “Nasaan ang sabi mo…”

    Saging lang ang may puso. Mamon lang ang malambot. At kaming mga tigasin ay hindi mapagkukwento ng love story. Nakakasira sa imahe!
    Pero kakaiba ito kaya nakakahinayang palampasin. Lalo pa’t lasing na si Bitoy, at nasa story telling level na. Tagay nga ng kuwatro kantos!

    Si Bitoy ang bunso sa apat na anak nina Andoy at Sining. Karaniwang pamilya na bagama’t hindi mayaman ay hindi naman naghihikahos. Trabahador si Andoy sa Rizal Cement Co. at si Sining naman ay kusina at labahan ang kaharian. Maasikaso sa asawa at anak, ang tanging libangan ay makinig ng programa ni Tiya Dely at ni Kuya Cesar sa radyo.

    Nang magkasakit sa baga si Sining ay napansin nila ang pagbabago nito. Naging malungkutin at humiling ng portable phonograph na pinatugtugan ng kanyang paboritong “Nasaan ka Irog?” Duon sa parteng “Nasaan ang sabi mong ako’y iyong ligaya? Ngayong nalulungkot ay di ka makita”, maglalandas ang luha sa kanyang mata.

    Sinong irog ang hinahanap ni Sining gayong nandiyan naman sa tabi niya si Andoy? Nagtaksil ba ang nanay ni Bitoy? Walang ganoon, sabi ng Tiya. Si Sining ay mabuting asawa. Sa kanyang isip, ginawa niya ang tama. Pero parang iba ang nasa puso. Hanep! Apat na ang anak ay iba pa ang nasa puso? Paliwanag ng Tiya, “ang lintak na puso ay mas matinding makaala-ala kaysa sa utak.” Walang tigil ang kanta, napudpod na ang plaka, habang si Sining ay pahina ng pahina.

    Isang araw, isinama ng Tiya ang siyang naglagay ng missing pieces to the puzzle. Si Uro, ang tunay na pag-big ni Sining, kasama ang asawa na si Rosa. Si Uro lang ang lumapit sa nakaratay na si Sining. Walang usapang namagitan, naghawak kamay lang. Sa mga luha ay nagkaintindihan na. Ang Nasaan Ka Irog ay tila silang dalawa ang nakakarinig. Ang lupit!

    Iyon marahil ang pinakamahabang sandali para kina Andoy at Rosa na nagpaubaya sa huling pagkikita nina Sining at Uro. Baka nuon sila nagtanong kung saan ang kanilang tutoong lugar sa puso ng kanilang mga kabiyak.

    Walang naging sitsistan kung sino ang iniwan at nang-iwan, kung sino ang nagpatawad at pinatawad. Kahit tsismosa at tsismoso ay rumespeto sa pananahimik ni Andoy.
    Di naglipat araw ay mapayapang yumao si Sining. Di naglipat taon ay sumunod din si Andoy na tila nagmamadali na kahit man lang sa langit ay mauna niyang makapiling si Sining.
    At si Uro ay naging religious minister na ginawang career ang magpayo sa, ayon sa isang manunulat, mga “Bro-meaning broken hearted o Capital S-meaning sawi”. At siyempre, laging kasama ang asawang si Rosa.

    Si Bitoy ngayon ay edad ‘ty na pero wala pang girlfriend. Naghahanap daw ng katulad ng nanay niya kung magmahal. Aling pag-ibig: iyon bang para kay Andoy o iyong para kay Uro? Di niya masagot.

    Iyang Nasaan ka Irog ay wag-na- wag mo patutugtugin! Kung may kamag-anak ako na ganyan e, kukutusan ko para matauhan! Tagay pa nga! Ubos na ang kuwatro kantos? E ‘di gin bilog na lang.

  7. Korokan,

    Ang Pambansang Kalipunan ng Baylarina (Calumpang Chapter)ay maaaring magdamdam sa iyo dahil sa sweeping generalization na ang kanilang propesyon ay considered “the oldest.”

    Katulad din ng hindi lahat ng GRO, masahista at, the latest, cybersex players ay nagtitinda ng katawan. Aliw ang kanilang commodity, not necessarily flesh. May mga baylarina na sayaw talaga ang hanapbuhay.

    Kung may trivia ang basketball at may trivia ang Calumpang, idadagdag kong may trivia ang baylarina. Alam mo bang may bayan sa Bicol, mula nuon hanggang dekada 90, ang mga magulang ay nagdiriwang pag ang anak ay babae dahil tiyak na may baylarina na sila? Mananayaw ang tawag nila at naging baylarina dahil sa salitang ugat na ‘bailar’. Na-corrupt na lamang ang termino at naging belyas.
    Ang mga anak na lalaki naman ay pinag-aaral ng pari!

  8. Bassie, hindi mo ba nakasagupa ang mga katagang iyun (Prostitution as the oldest profession) sa “War & Peace” ni Leo Tolstoy o “Kartilyang Makabayan” ni Herminigildo Cruz?

    Yes, I am referring to the corrupted version of baylarina, meaning “kalapating mababa ang lipad”. Iyun na ang inabot kong meaning ng belyas (joseph estrada & alona alegre), pero alam kong iyun ay manananayaw. Tulad din ng hostes, slang ng prosti.

    Sabi mo “hindi lahat ng GRO, masahista at, the latest, cybersex players ay nagtitinda ng katawan”

    Who can argue with a person who uses the premise… “hindi lahat”, unless it is supported by statistics or surveys that says otherwise. Pero ibig sabihin ba noon eh may nagtitinda at merong hindi?

    Here is my take: Yung masahista iba yun, nagmamasahe yun as the name implies, unless sa bahay aliwan ka nag ooper ng masahe at hindi ka naman talaga marunong magmasahe.Yung GRO, iyan ang bagong hostes. Yung cybersex hindi ito prostitution ibang kategorya ito… pornograpiya ito.

    I will take your silence to Hesus at Magdalena part as a sign of pag-sangayon he he he.

  9. Korokan,
    Thanks sa pag-aangat mo ng antas ng aking pangalan. Hmm, maganda ngang pakinggan kung Bassie.

    Wala ang statistics to back up my premise except the gut feeling na mayroong mabuti sa masama, kung ano man ang ibig sabihin nuon.

    Di ko masyadong na-explore si Leo T. at si Herminigildo C. Very light ang aking mga readings: The Little Prince, Jonathan Livingstone Seagull, The Profit, opps, Prophet pala.

    Iyong kay Hesus at Magdalena, ayaw kong mag-comment sa blog at baka itakwil ako ng tiya kong Katoliko Sarado! (alam mo na, bawas mana iyon.)

  10. Nakakalunos

    Iyong mga images na nakikita sa television at internet, mga mukha ng pinsala ng walang pakundangang Bagyong Ondoy ay nangyari rin sa Binangonan, partikular sa Calumpang, kaya lang ay hindi sila naitala para makita ng buong mundo.

    Bago pa man rumagsa ang nagngangalit na ulan Sabado Septemebr 26, lubog na ang Pritil, kinubkob na ng tubig ang maraming kabahayan sa Pulong Bato, ang mga tao sa Matikiw ay lumikas na sa RCCI compound at dagsa na ang humihingi ng tulong: bigas, pera, gamot, yero o kahit assurance lang kay Kapitan Jolan.

    Doomsday – tila nagsalubong ang rumaragasang baha mula sa bundok at ang nagngangalit na alon mula sa lawa, pinatindi pa ng walang patid na ulan. Pinakamababang lubog sa Calumpang ay hanggang tuhod habang ang parteng Makamot ay bubong lang ang nakalitaw. Ang National Road ay dump truck lang ang pwedeng dumaan kaya sina Kap Jolan at ilang kagawad ay palakad sinuong ang lampas baywang ng baha patungo sa evacuation area sa Calumpang Elementary School. May radio report na may land slide sa Lower Reyes Compound, ang mga inday ay nagpapasaklolo.

    Para namang ang rescue team ni Kapitan, kasama ang kagawad na paltos na ang paa, ay may magagawa maliban sa nakikisimpatya, nakikipagkaligkigan sa ginaw at gutom. Patungong Munisipyo upang humingi ng tulong kay Mayor Boyet, nailigtas nila ang isang batang nakasampa sa isang malaking bato para hindi matangay ng baha, mga nanay na bibit ang mga anak na tila mga basang sisiw nagsisiyapan, isang matanda na sa takot at nahulog sa hagdan.

    Mas malaki ang dalahin ni Mayor sa ganitong kalamidad, ganon pa man ay nangako ng pamatid gutom. Naglisaw ang mga tao sa munisipyo at duon nakita ng kagawad ang mga kapitbahay ng kanyang computer shop na lumikas dahil abot leeg na ang tubig. Ang irony of ironies, tumululong sa nasalanta, pero ang kanyang negosyo ay di niya nasagip.

    Hapon na ng tumila-tila ang ulan, parang may parada ng mga tao sa daan, at kung hindi bagyo ay sasabihin mong may revelry. Ganyon yata talaga ang Pinoy, kahit may trahedya ay nakukuhang pang maglibot, mag-usyo at magtawanan. Napapatasan pa nga ng sukat ng naabot ng baha sa kanilang mga bahay. Nagpapalakihan pa ng perhisyong kanilang nadanasan.

    Kasama ang mga Barangay Tanod, tinawid ng kagawad ang kanyang computer shop. Pagbukas ng pinto na abot dibdib ang tubig sa loob ng building, naglutang ang computers, equipment, pati ang school and office supplies. Ang kagawad ay humawak sa tanging lakas na mayroon siya sa nuon – ang bisig ng kanyang asawa. At sila ngayon ay kabilang na sa lumolobong statistics ng mga taong ang pinaghirapan ng maraming taon, ay nauwi sa wala sa isang kalamidad lamang.

    “Ground Zero ang 2G”, text ng kagawad sa nag-aalalang Kapitan. “We have nothing to start with… but our brave heart.”

    Samantala, 290 pamilya ang nasa evacuation center ng Calumpang Elementary School, mga 500 katao sa kategoryang evacuated, submerged and home totally wrecked.

  11. it is in our hardest times that God shall make Himself relevant and real.

    nagpunta ako sa 2g hoping na walang ng luha ang reyna ng BT. Mali ako, may luhana,may nguynguypa. Pero kung andoon kayo,orkay ay sa atin mangyari ( wag naman po Dyos na maalam), it is a wonder at hindi naglupasay ang Kagawad.

    The best that i could offer right away is a shoulder to cry on, and a gentle reminder that she and 2g would rise from the ashes (with God’s help and compassion from relatives and friends).

  12. Ako’y nakikiisa sa libo-libong pilipino sa abroad sa pagdadasal na ligtas ang mga kapwa pilipino sa gitna ng trahedya. Ako rin ay lubhang nag-alala sa aking pamilya sa Brgy. Calumpang, lalo na sa aking lola, na bukod sa matanda na ay may kaakibat pang maraming karamdaman. Ngayo’y aking nabalitaan na ang kabuhayan ni Kag. Her ay nasa kalunus-lunos ring kalagayan.

    Maraming paraan para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, kabi-kabila ang mga drop centers para sa mga donasyon at mga call centers ng mga TV stations para sa mga cash pledges.

    Kung hindi documented ang mga pinsalang nangyari sa Calumpang, malamang na hindi malalaman na nakararami ang tunay na imahe ng Ondoy Aftermath sa barangay, at baka hindi umabot sa Calumpang ang mga donasyong ito. Lalo pa’t mas binibigyang atensyon ang Marikina, Cainta at Pasig.

    Suggestion ko lang, baka pwedeng magpost kayo ng mga pictures dito sa blog ng mga pinsala (ate her, pwede mong sigurong gamitin ang camera ko, nasa pangangalaga ni Jo Anne). Yaman din lamang na napapanahon ang ganitong usapan, baka sakaling may mga kabarangay tayong nasa abroad na nagtatanong at gustong mag usisa sa mga pangyayari, at malay natin, magbigay pa ng tulong.

  13. Kaps

    Thanks. That’s what Kaps is for – a warm handkerchief.
    But why make public the fact that my lachrymal glands are far more productive than Ate Vi’s? (Vilma Santos, who else?)

    Also, I bequeath the title of Reyna ng BT to Jasper. A feng-shui friend cautions that the reign spells bad luck for woman. Never mind if I have to give up the “muy simpatikos” Hepe and Chief Lupon as bodyguards. (Do I hear Jasper laughing out loud?)

    “Brave heart” is only so because of BRO, my family and friends. Without them, the adjective could be the antonym.

    I do not intend to make d2 a poster area for my private woes. But stories have to be told because there would be replications of similar experiences unless lessons are learned. Lesson in humility included.

  14. Nakakanginig

    We are always caught ill- prepared for calamities despite the fact that there is disaster preparedness in the national and local governance template; that typhoons are indeed the third season to our summer and rainy; and that we have grown used to calamities as a test of our survival instinct.

    Excuses abound from Typhoon Ondoy being the most furious to Weather Bureau’s antiquated forecasting equipment and finally to humans suicidal disregard for Mother Nature.

    In the local front, are reactions in the municipal and barangay level good enough? Knee-jerk for some, defensive for another, but for most, short of systematic approach to the perennial problem.

    For instance, the local National Disaster Coordinating Council has yet to act even only in the registration of businesses severely damaged by typhoon. Businesses are being lumped in the category of persons to be processed by Department of Social Welfare and Development. How could they be part of national government statistics if at the municipal level, they are not being specifically assessed? A cute (?) remark is that “damages are but few pennies taken from the full caper of the business”. Someone who has lost everything may react violently- mag-aamuk iyan! mag- hara-kiri! But the sane (and quiet) reaction would be “ I’ll get even sa elections.”

    Why businesses? Because they employ people, pay taxes, get the economy going. What happens to them has multiplier effect to those depending on the enterprise. A government so keen on making them pay taxes should extend the same energy to help them start anew. And, oh, there are people in the police department who thought that all businessmen seeking police report for the damages are up for collecting insurance benefits. So the round-around. Isn’t police report a requirement also for loans, for moratorium in debt payment or for a discounted tax base?

    In fairness, Mayor Boyet Ynares has helped iron out some twisted logic. But what about those who are not beneficiaries of the Mayor’s kindness?

    And what are some officials doing to include Binangonan in the radar of calamity assistance agencies? We have no showbiz personalities to add drama to what taga-Binangonan suffered or would be suffering for the next few months. But they must be seen, they must be heard. They must be brought into the national consciousness. Kung hindi, eh paano ba tayo aamot ng tulong sa ABS-CBN or GMA Kapuso drives? Paano ba darating ang biyaya ng San Miguel Corporation, ng NDCC o kahit man lang pakitang gilas ng mga presidentiables? Go, officials, go! For the sake of countless, helpless, luckless typhoon victims!

  15. balita ko ay mamimigay daw po ng pagkain sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Miyerkoles. Sana marami kayong matulungan at sana patuloy pa rin ang pagdating ng mga donasyon.

  16. salamat sa mga tumulong sa mga nabahaan at nangangailangan sa calumpang.
    yes,sana matuloy yung bukas, wednesday, kasi dumating yung tulong ng mga taga ateneo thru HAIZELL ANORE NA TAGA GITNA APO NI IYA APOSTADERO AT TABIO ANORE, ANAK NI JING AT IMELDA (PAHABOL,INAANAK NI ATE HER). iwas told iyong na-irequest ni haizell for us ay last na ng ateneo group. nxt move nila ay clean up. medyo marami rami yung dala nila kaya isasaayos pa natin b4 idistribute.

    paging chef:
    imomonitor na lang daw nila sa facebook sa calumpang kong hirang kaya dun na tayo mag a upload ng pix.

    tnx tnx… d komaisulat ang names baka ayaw nila mag pabanggit.

  17. kaps,
    Putik-putik pa si chef. Just picking up pieces. Can’t the facebook populace turn to d2 blog as an option until we are fully operational?
    Para naman mabasa nila ang buong istorya.
    yong para sa Ateneo donors, we’ll try to upload the pictures before saturday. (sana)

  18. Koroks & family, Janice & Gary,

    ‘Di kayang ilarawan ng aking talata ang tuwa at pasasalamat ng mga taga-Calumpang na nasa CES evacuation center na nabigyan ng inyong tulong.

    Mga kabarangay na nagpapaka-okey kahit hindi. Nagtatapang-tapangan kahit nanginginig ang buong katauhan. Humahawak sa ano mang magbibigay lakas at pag-asa. Kahit bigas lang na pantawid gutom sa ilang araw.

  19. Mga Kanayon:

    Sa loob at labas ng nayon kong sawi,
    Kapighatian ay nangyayaring hari,
    aking abang kanayon ay nalulugami,
    Ininis ni ondoy sa dusa’t pighati

    Hindi na pwedeng dasal lang ang ambag
    Saloobin ninyo’y hindi ba binabagabag
    Bunutin sa bulsa kahit singkong duling
    Mga kababayan ko tayo ay magparating

    Ang ating mga kanayon nagdurusa’t nababaon
    Kaurik at mumunting tulong ating itugon
    Ang putang inang ondoy sila’y sinalanta
    Tulong natin ay maparating sa kanila’y…harinawa

    Dasal at panalangin ay maaring tatanggapin
    Marapat po lang sa perang papel sipiin
    Plumang de tinta sa cheke ay ipirma
    At ng Makakatulong sa kanayong aba

    (sa tono ng rap na “mga kababayan ko” ni FrancisM)

  20. Get Real!

    Maganda ang paghahanda ng Sanggunian para sa kapistahan ni Sta. Ursula sa Oktubre 21, 2009 na siyang Araw ng Barangay. Fiestang-fiesta sa Calumpang Kong Hirang!, paanyaya ng Komite de Festejos na naghanay ng mga kasayahan: Palarong Pinoy, Live Band at Dance Contest, Bangkaton at Languyan sa Pritil, Banderitas Design Contest, Arts and Photo Exhibit, Lakambini ng Calumpang.

    Pero umeksena ang kontabidang si Ondoy, na ang hagupit ay lumatay hindi lang sa katawan at kaisipan ng sambayanan kundi pati sa kanilang hinaharap.

    Kailangan bang magrarakrakan at magsayawan habang ang palahaw ng pangangailangan ay dumadagundong? Hindi pa ba palarong Pinoy ang mistulang pakikipagpatintero sa mga andamyo na tinutulayan sa mga daan na lubog sa tubig? Paano makalalangoy sa Pritil gayong ang laki ng tubig nito ay umabot na sa kalsada? At paano magkakarera ng bangka gayong ni hindi nga makalabas para maghanap-buhay? Mas mabuting magbuo muna ng matitirahan kaysa magpaligsahan ng gayak sa kalye. At bagama’t commitment ang promotion of arts and culture sa barangay, hindi ngayon ang tamang panahon para dito. Kasi, ang pinaka-malarawang mukha ng panahon ay ang nasa evacuation center – batang umiiyak at matandang namamaluktot sa ibabaw ng school desk. At hindi kayang pikturan iyon ng kagawad ng hindi mawiwindang ang kanyang puso.

    Ang Lakambini ng Calumpang, sa puntong ito, ay kalahati na ang preparasyon at nagagastos. Ituloy na lang pero limitahan ang budget sa pinaka-kailangan. Maraming marerecycle na bote, plastic at dyaryo. Dagsa ang nangangailangan ng Barangay ID at clearance. At ang papremyong pagawaing barangay ay pwedeng mag-rehabilitate sa mga nasalanta ng bagyo.

    Sinira ni Ondoy ang plano ng pagdiriwang. May ibang dulot ang kalamidad at marahil iyon ay dapat nating harapin. Simple, payak at mapagsambang pagseselebra ng kapistahan – pamisa at pagoda. Ituon muna ang pondo para sa pagtulong sa mga kabarangay na nawalan ng bahay, nagulo ang buhay at dumilim ang bukas. Mauunawaan ‘yon ng patrong Sta. Ursula. At ng mga kabarangay.

  21. zac:

    i feel the same way. kung hindi nga rin lamang at malaki na ang advance expenses para sa Lakambini, i am prepared to re set it. however, tama ang iyong panukala na i stage yon at the least cost possible.. i am set to invite the singer of May Bukas pa, to give us hope and strength to face the aftermath of Ondoy and the gargantuan rehab efforts for the victims, physically and psychologically.

    i believe the council is set to discuss the concerns that you mentioned bukas sa aming regular na pulong.

    abangan..

  22. to zac: oo nga naman, parang hindi magandang tignan na magarbong paghahanda ang gagawin sa fiesta, pero ang mga pangunahing pangangailangan ng nasalanta ng bagyo ay hindi pa lubusang natutugunan.

    Mas maganda kung ang pagdiriwang ng fiesta ay payak at simple. Meron pa namang fiesta sa isang taon, makakapaghintay pa tayo… yung mga kabaranggay natin baka hindi makapaghintay.

  23. Sa patnugot ng ating munting pahayagan, pwede po bang ipagutos sa iyong mga manunulat na talakayin at ilathala ang kasalukuyang kalagayan(update) ng ating nayon (pakidamay na rin ang mga karatig nayon) na may kinalaman sa pananalasa ng baha dulot ng bagyong si Ondoy. Salamat po.

  24. sylvia,

    baka ang hinahanap mong paglalarawan ng kalagayan ng ating barangay at maging sa karatig ay straight news complete with photos ay wala pa nuon ang d2. una: nalubog ang opis ng d2 kasama ang computer system at dalawang linggong walang internet connection. pangalawa: kasama ring nalunod ang kamera at sanity ng taga-pikture at taga-kwento kaya walang na-upload na photos.

    pero may ilang na-post ng comments na bagamat hindi straight news ay features from the point of view of persons suffering from hagupit ni Ondoy.

    kung tahasang pag-uulat ang hinahanap mo, heto sya.
    Ang tubig sa Pritil ng Calumpang ay umabot na sa gitna ng daan sa lampas sa tapat bahay nina Eddie Aso Doblas. Lubog ang bahay nina Kuring Nganga sa Pulong Bato at pati na ang bahay nina Edding Bulok. Sa bandang kina Ding Gonzaga, ang tubig ay sumasampa na sa kalsada. at lahat ng bahay sa bandang iyon ay nakalutang sa tubig. Sa bandang Gervacio Street, tapat ng Barangay Hall, lubog hanggang baywang kaya ang mga tao duon ay nasa evacuation center.

    Ang pinaka-grabe ay ang taga-Matikiw, sa may tabi ng RCCI. Bubong lang ng bahay ang nakalitaw. 29 na pamilya na wala ng tahanang babalikan dahil ang tubig na lumalaki pa ay sinisira kung ano man ang nakulubog na istruktura duon.
    Sa may St. Mary, iyong daan patungo ng RCCI ay lubog din kaya ang mga may bahay ay sa kalsada nagluluto. Hanay-hanay ba ang kalang de uling sa putikang kalsada.

    Ang tubig sa Pritil sa Binangonan ay nandiyan na sa tabi ng 7-11, sa tabi ng bahay nina Nelson Pajarillo. Ang staff ng Govt. Hospital ay nasa munisipyo dahil lubog ang kalahati ng building. Wala ng dumadaong na bangka sa Pritil ng Binangonan. Duon sa Pritil ng Pila-Pila o kaya’y sa Fishport ng Cardona. Imagine mo kung gaano ang hirap nito para sa mga taga-Isla at maging sa mainland.

    kung nabalitaan mo kapamilya at kapuso networks na may nagreklamong taga-isla dahil hindi dumadating sa kanila ang tulong ng pamahalaan, may bahid katotohanan iyon dahil sa dami ng nasalanta at di pa masyadong ayos ang disaster coordinating council para sa sistematikong pag-tugon sa pangangailangan. Madaling rumisponde si Mayor Boyet Ynares pero alam no naman na abnormal ang sitwasyon.

    ang hinaing lang ng maraming taga-binangonan ay hindi masyadong napag-tuunan ng media exposure ang damages ni Ondoy sa bayan ng mga Ynares at Duavit. Wala kasing artistang magbibigay drama sa kalamidad at tila reluctant ang ibang opisyal na lagyan ng mukha ang kalunusang sinapit ng mga taga rito. kung kaya di tayo nalagay agad sa radar ng relief giving bodies. (hinaing na iyan ni Pilosopong Tambay ba’t di mo nabasa?) pero sabi naman ng mga apologists ay hindi daw naman sinapit ng binangonan ang proportion ng kalamidad ng cainta at marikina. ok, pasamat sa Mahabaging Lumikha at ang dagok sa atin ay gayon na lang. pero still, nadagukan pa rin, nasubsob pa rin, at hilo pa rin sa bunga ng dagok. ibig bang sabihin ay tiis-tiis kahit di masyadong nabigyan ng tulong at atensiyon?

    ang tagasulat ng d2 ay natuyo na ang luha at uhog. yong sanity niya ay still in question (?) kaya ready to face the challeges again. go dare mo siya uli.

  25. Sitsitan sa Kalye Pitong Gatang

    Mabuti naman at nagkaisa pala ang Sanggunian na i- defer muna ang kasayahang nakalinya para sa pagdiriwang ng kapistahan ni Sta. Ursula sa Oktubre 21. Marahil ay pagsunod din ito sa direktiba ni Mayor Boyet Ynares na kanselahin ang mga activities para sa pista maliban sa pamisa at pagoda. Sa true lang, mahirap nga namang magpaka-garbo gayong maraming kababayan ang hindi pa nakakaahon sa pinsala ng bagyong Ondoy.

    Sumang-ayon naman pala ang mga kagawad na ituloy ang Lakambini ng Calumpang sa kabila ng maraming ingay na hindi sila papapayag. Akala ng mga sitsit-makers ay may hatiang bida at kontrabida na namang magaganap.
    Carry-over ba ng intrigang tatlong kagawad ang nagpalagay ng andamyong tulayan sa kalyeng lubog sa tubig na pabor sa isang lugar lamang? Ng walang konsultasyon kay Kapitan o sa Kagawad na in-charge? Okey lang iyong tumugon sila sa pangangailangan ng lugar na pinaboran nila, kaya lang… the manner, the speed, the cost at ang na by-pass na procedures, ay one for the books! Kung sa bagay, humingi ng paumanhin ang dalawang kagawad. Pero ang pangatlo ay nagmalaki pa na huwag siyang pagtaasan ng boses (ng kumakastigo) dahil nanay daw lang niya ang gumagawa niyon sa kanya. Another one for the books.

    At sino naman kaya sa magkamag-anak na Kagawad ang may balat sa p_ _ _ _t kung kaya ang kanilang panunungkulan sa Komite de Festejos ay naging peste-hosts?
    At sino ba rin itong die-hard fan na namamalita na kung sa Pritil daw nalagay ang basketball court ay di sana’y hindi ganoon kalaki ang tubig?

    Pistang-pista na sa intiga sa Kalye Pitong Gatang. Nagpapatawa lang marahil para gumaan ang kalooban ng mga nasalanta ni Ondoy!

    at pahabol pa pala. Ano raw at maraming kabayo ang nalubog sa Bagong Nayon sa tabi ng ilog malapit sa RCCI? Puntahan ang mga sitsit brigade only to find out na ang mga kabayo pala ay ang mga horse rides sa perya na duon nakapwesto sa tabing ilog. Nag-evacuate na tuloy ang peryahan.

  26. Silvia:

    salamat sa paalala.

    anyways, nabasa ko iyong tugon ng D2, humigit kumulang e iyon din ang tema ng sagot ko.

    Mas nais ko sumundot dun sa intriga ng abs-cbn na sanlinggo na raw ay wala pang tulong sa isla, it is NOT TRUE. there might be slight delays due to logistics and other factors but the barangay and mayor boyet responded sa pinakamabilis naparaan given the situation.. sa c alumpang, linggo pa lang po ay nag relief operations na tayo na sinundan naman ng marami pang tulong mula sa munisipyo at iba pang ahensya.

    sa huwebes po ay may relief, feeding at med mission tayo sa pangunguna ng Friends Indeed USA (mga kaibigan ko po from New York) at tutulong pa rin po ang barangay at ilan pa nating mga kalugar.

    sana ito ay agad na malampasan ng mga kabaranggay natin na nagdurusa.

    god bless

  27. Sayang inaabangan ko pa naman sa balita yung pananalasa ni Ondoy sa Binangonan. Akala ko pa naman ay may edge na tayo dahil may koneksyon ang mga Duavit sa GMA at dahil bayaw ni Gov. Ynares si Sen. Bong Revilla. Tsk!

  28. Ang Pinoy nga naman!
    Kahit anong dumaan na bagyo, baha, lindol man o tsunami ang sense of humor ng Noypi ay hindi nawawala. Kung sa pritil nga naman natayo ang covered court, may court ka na may olympic size swimming pool ka pa.
    Zac, keep on blogging! Tawa ako ng tawa habang binabasa ko ang blog mo.

  29. Ngayon lang uli ako nakabisita sa d2 sa Calumpang. Marami na akong nakita at narinig na balita tungkol sa disaster na dulot ni Ondoy at Pepeng, pero nang mabasa ko ito ay lalo akong nanlumo. Talagang grabe! this flood is worst than I can remember. Madalas ko ring makausap ang mga kapatid ko at hanggang ngayon yung isang bahay ay may tubig pa rin. My thoughts and prayers goes to all the victims. Meanwhile dito sa America ay patuloy pa rin ang recession, subalit ang mga Pilipino ay nagkakaisa at tumutulong sa mga nabiktima, di lang sa kapamilya kundi sa lahat ng kababayan. Di na alintana ang sariling problema dahil ito ay wala pa sa katiting ng sinapit ng atin mga kababayan. Sabi nga yung walang trahedya kami ay nagpapadala eh di lalo na ngayon na higit nilang kailangan ang tulong. May shipper na pumipickup ng mga gamit na pwedeng maitulong dyan sa Phils. kaya lang those will go to the general public welfare. Wish ko lang na mabahaginan ang mga taga Calumpang. Kanina di ko alam kung paano ko sisimulan ang comment ko pero ngayon di ko alam tapusin. Gusto ko lang ipabatid na dama ko ang kalungkutan nyo. Kahanga-hanga kayo Kap Jo and Kag. Her. Sa awa ng Diyos, makakaya nyo yan. Pagpalain kayong lahat.

  30. kasamang connie at hepe-j8,

    ang mga pinoy ay may indomitable spirit. you can count on that come hell or high water.

    by the way, zac changes course from drama to comedy. brought about by the reversal of fortune from well-off to worst off.

  31. pag nalulungkot ako, tinitingnan ko lang ang litrato mo ng sumagala ka at naiibsan ang aking panlulumo… he he he. i have yet to see ate nini pero hanggang a 22 naman daw sila.. salamat sa panalangin at tulong, d man makarating sa calumpang, tyak na yun ay mapupunta sa mga tunay din namng nangangailangan.. today, me relief coming from Friends Indeed USA ni Ms Nena Kaufman, inintroduce ng friend ko sa akin at malaking tulong ang mga dala nila, madaling araw na kami natapos ng repacking mamaya hapon ang distribution, feeding, at med mission.. dito rin ang scheele lab for the medicines c/o kabayan damayan foundation ni ms thelma – go. god bless u always te connie para marami ka pa matulungan.. be healthy.. be happy

  32. zac:

    kakatawa nga naman… i am really happy na medyo nakakasilay na ako ng ngiti sa yong mga labi.. marami ka nanamang pinasaya kagabi habang patuloy ang pag repack ng mga relief goods..

    te connie:

    one of the donors ay taga new jersey, ang name ay chona holand na CEO ng isang foods distribution and trading corp… ibigay ko daw contact mo sa kanya… dito sila for ten days just to help..

    nena and chona and irwin of scheele:
    thanks po talaga, med mission, sandamakmak na relief at feeding sa mga kids.. wow.. kahit si Mayor Boyet ay natuwa sa mga taong ito na padala ng Diyos.. Calumpang, Kaya natin ang mga hamon na ito.. remember the lyrics ng Lift up Your Hands?.. “for the yoke i will give u is easy and your burden is light.. come to Me and I will give u rest..”

    thanks thanks.. Amen!

  33. Dok Rem Gonzaga-Velasco:

    salamat po sa napakatinding sakripisyo kanina.. napakarami nyong ginamot.. pasensya na po dahil wala talaga mga duktor sa munisipyo kanina dahil me na iskedyul n medmission sa ibang barangay.. mabuhay po kayo..

  34. KapJo, malaki talaga pakinabang dyan kay docremy. May doctor ka na may RN ka pa. Mabuhay ka MD/RN. Pakisabi na lang na hindi nakasama sa relief goods yung macadamia nuts…he he he

  35. Sir Kap Jolan,

    Magrereport lng po ako at magbibigay ng comment & suggestion for the sake of others. Ngayong gabi dated 101709 @ around 8pm, nka-xperience ako ng taong duguan pumasok s computer shop ko at napag-alaman ko n sya ay binato, driver daw sya at nkuha ang kanyang kinita sabi nung isang testigong babae. Sya daw ay binato s me knto ng pulong bato. Cmula po nang mpunta ako d2 s calumpang at magtayo ng business here ay marami nkong nkitat naexperience n puro away, batuhan at karamihan s PULONG BATO cla 2matakbo kc me mga shortcut ng mga walang magawa s buhay kung hinde ang mangtrip ng tao. Suggestion ko pwede bang sonahin ang mga tao d2 s calumpang isaisahin kagaya ng ginagawa s Manila at ipasara ang mga shortcut upang walang ligtas ang mga taong nangtitrip ng kapwa. Suggestion ko rin po n magkaron ng tanod bawat eskinita pati ilaw s waiting shed tapat ng lugar ko kc masyado pong madilim at pinag-iistambayan lng ng mga taong mhilig manghingi ng pera sa mga jeepney driver at tricykel driver. Nagtatrabaho ng mahusay ang mga tao pero anong ginagawa pinupuwerhisyo lamang ng mga taong ala magawang matino sa buhay nila. About basura, magkaron nmn po sna ng tamang tapunan n kung saan nsa bawat knto lamang ng kalsada at para madaling makuha ng mga basurero katulad s me barangay bilibiran n me seggration waste box cla. Yun lamang po ang aking concern, naawa kc ako don s taong duguan n pumasok s computer shop ko kya ako nakpagcomment n d2. God bless po kap.

  36. vangelyn:

    may kabigatan ang iyong binuksa.. dapat ito ay pag upuan at maghain tayo ng mga posibleng solusyon.. however, i am crossing out pagsosona as an alternative… tingin ko it is arbitrary at labag sa karapatang pantao.. iyon nman ay sa tingin ko lang.. willing pa rin akong pag usapan yong bagay na iyon.. i might be wrong about my assumptions..

    i will drop bhy baka maka fiesta.. sobra dami gawa ko these days.. thanks..

  37. Ate,

    Maganda ang suhestyon tungkol sa pagbibigay ng mga scholarships sa mga taga-Calumpang. Naniniwala ako sa Chinese Proverb na “Give a man a fish and you would feed him for a day, teach a man to fish and you would feed him for a lifetime.”

    Kaya lang mahirap tumulong sa mga taong ayaw magpatulong. May mga taong bibigyan mo ng pagkakataong umunlad ngunit sasayangin dala ng katamaran at kawalan ng ambisyong umasenso. Nakakawalang gana tumulong kapag ganun. Siguro mas maganda kung masasala natin ng maayos yung mga taong tutulungan. Hindi ito pag discriminate, kundi para alam kung sino ang mga karapat-dapat. Kung ang mga magagandang Unibersidad ay may mga entrance test, dapat kung meron mang scholarship na ibabahagi ay may paraan din ng pagkilatis, di ba?

  38. rainmaker,

    what about changing your name to sunshiner? we need a lot of sunshine these days.

    the “scholarship” was floated as a suggestion to a relative who requested that discussion be treated as private. so there is no reference at all to an idea that went off blog.

    however, should you wish to pursue the matter, aba’y magtawag na mga kabarangay sa blog at start the ball rolling. baka sakali! walang masamang mangarap, kahit gising o tulog man.

  39. Rainmaker

    For your Oct. 1,2009 comment: Parang madali yata ang solusyon sa problema mo, Yung ayaw magpatulong, ayaw umunlad at walang ambisyon, Wag tulungan. Let him be.Wag na nating idagdag pa sa energy na nawawala sa atin ang pagtulong sa kanya. I know its hard to accept na me mga taong ganoon. Even loved ones, sometimes, or lets ask the chef. Focus on sa mga taong gusto ng tulong at may ambisyon.

    Pag sapalagay mo natulungan mo na yung may ambisyon. Balikan na lang ulit natin yung mga wala. Baka magkameron na sila ng ambisyon na tinatawag.

  40. Chef, Marc J,

    Wala naman po akong tinuturo na kung sinuman. ang akin po lamang ay kung maglalagay po tayo ng “scholarship” para sa mga taga Calumpang, yung mga karapat dapat, para naman po tuloy tuloy ang sinimulang cycle. Tutulong sa kapwa para pagdating ng panahon ay sila naman ang umunlad at makapag “give back.”

    Since pribadong usapan po ito, I don’t intend to pursue the matter any further. Nabanggit ko lang in reference to a post made earlier.

  41. Same here, we are talking in general. Nothing personal. I am just refering to your problem of helping people who does not help themselves. I agree with you, that in life, you need to start in the good cycle, so we, must help those people on the other side of the cycle.(kahit na alam nating naka frustrate minsan) Kudos to you!

  42. Sir Kapitan,

    Past 11pm, nagkaroon ng gulo hinde ko alam kung ano yun pero me napansin na akong 2 tao n nakatayo s madilim n bahagi mlapit s me poste near s lugar ng computer shop hinde ko nakita mukha nila pero pumupulot cla ng mga bato. Kasama ko nung time n iyun nakatambay kmi sa labas ang tatay ko, c ate malou at asawa nyang c rovelle. Nagbiro pko, ang sabi ko “ANG TAHIMIK NG FIESTA ALANG GULO, GUSTO KO ME ACTION”. Cnabihan ko pa tatay ko n “Tay tingnan mo yung 2 lalake n iyun pumupulot ng bato”. Npnsin nmin nwala yung 2 at nkita nmin galing d2 s loob ng Losana tumatakbo ppuntang Laspag. Myamaya meron nmng tumatakbo n galing d2 s gawi ng cableway. Tama nmng dumadating ang mga tauhan mong mga Barangay Tanod n hinde ineexpect. “I dont know what is the commotion”, pero he2 ako reporting of what i saw and what i heard this day tonight 10-21-09. Heheheh Kap favor nmn po yung mga nirerequest ko n ilaw pra s waiting shed at mga lalagyan pra s basura. Khit check nyo lugar ng harapan nmin malapit s kalsada pero me mga basura n hinde nmin alam kung knino galing…ang ganda po sana kc me mga halaman…questionable n rin po yung mga tindahan n nsa harap ko pero i dont have concern on that kc i understand nmn dahil work nila yun but we need what i requesting for. Sna po ma2gunan pra rin po s calumpang iyun. Thanks Kap! Gudnight and Take care.

  43. vangie:

    thanks. masyado mahaba kung ikukwento ko sa yu yong nakita mo. pero… solved yung kaso na yon. naayos this 22 oct 2009 7 am.

    yung sa ilaw at basura… madali naman yun.. me mga kakausapin lang muna tayo… mainly si Kag Her kc, area nya yang losana.. then tabing kalsada si Kag toi.

    ok na internet ko kaya d na me napupunta jan… thanks sa report..

  44. Kap jolan,

    i was so amazed and very happy to found out this site, i have come to know this site while i was surfing the web, while I have my free time during work i have reading those blogs in this site specially the history and other short stories regarding brgy. calumpang, i was born in brgy. layunan but we transfer to calumpang when i was 6 years old, and our place was not in the heart or center of calumpang which is sitio saperia na naging SYSNA in the early 90’s up to now, so wala talaga ako masyadong alam tungkol sa brgy. calumpang pero marami din naman akong kakilala at nakakakilala sa akin sa brgy. calumpang, i just want to commend on the persons behind this site, it is so interesting and worth reading, lalong lalo ng po sa isang katulad ko na nasa ibayong dagat, hindi man na rin po ako taga brgy. calumpang pero ang puso at diwa ko siyempre nasa lugar na aking kinalakihan, kapitan jolan my regards to you and to Jamok and Oman, please also send my regards to Kgwd. JR.
    maraming salamat po, sa espasyo!

  45. oliver:

    thanks for the kind words. this site was specifically designed for people like you.. far away from calumpang but cannot get away from the memories …and hoping to see reforms and changes sa barangay at sa pamamahala nito..
    me facebook account din tayo… “calumpang kong hirang”
    the idea is for you to connect with what is happening dito sa ating mahal na barangay.. ikaw pa .. ay marami ka na ring ambag sa ating lugar… myembro ka kaya ng inter barangay basketball team natin..
    wait mo lang mga bagong postings:

    ang nanalong lakambini ng calumpang 2009 ay representative from sysna- si Justine Esguerra malapit kina torralba at franz yung house. part ng prize ay 20 thou para pampagawa sa anumang proyekto sa sysna. project ito ng ating barangay

    nung saturday ay nag public consultation tayo with manila water at sysna ang unang kakabitan ng tubig na 24 hours.. simula bukas yun..
    salamat, ingat, god bless… and yes.. makakarating ang mga pag kumusta mo..btw si oman ay bagong daddy.. it’s a boy Noah Gabriel Aralar is the newest part of our expanding clan

    Kap jolan

  46. oliver:

    ang calumpang kong hirang… facebook (hergonz52@yahoo.com) ..ito ay mina manage ni Kag Her Gonzaga

  47. pahabol ke oliver:

    baka by wednesady e operational na yung public toilet and bathroom natin sa ating covered court

  48. kapitan

    thanks for the update, even though na rin na ako taga calumpang, pero gaya nga ng nasabi ko ang puso at diwa ko ay nasa nasa calumpang, katulad na lang pag nandiyan ako sa bakayson usually kina kgwd. JR ako napasyal, naka avail kasi ako ng pabahay dun sa may tatala sa bundok, the best way is dun sa macamot you will turn right before makarating sa jonjon farm, si kgwd. JR nga madalas mapasyal dun, congrats pala kay oman welcome to the club….hehehe

  49. Pwede Naman Pala

    Ang Pista ni Sta. Ursula nitong Oktubre 21, 2009 ang pinaka-payak na pagdiriwang na idinaos sa Binangonan sa loob na mahabang panahon.

    Ito ay bilang pagkapa sa kalagayan ng kababayan na hindi pa nakakaahon sa hagupit ng bagyong Ondoy. At pagtutuon na rin sa dapat sana’y gastusin ng pamahalaan sa fiesta ay naging tulong sa mga nasa evacuation centers.

    Walang magarbong palabas, walang makalat na banderitas, walang naglisaw na musiko liban sa dalawang pangkat na tumugtog sa pagoda. Ni wala ngang peryaan dahil nalubog ang lugar na nilalagyan ng perya. Ang hindi lang nasawata ay mga dayong kafatid na nag-aati-atihan, silang uling-uling at mahalay na nakabilad ang katawan. Hayaan na nating rumaket sila sa mga tinatapatang bahay.

    Ang Pagoda ay hindi na naglayag sa lawa ng Laguna kundi nagpursisyon sa kalye mula sa Simbahan papunta sa Munisipyo at pabalik sa Lunsad. Na miss ang mga tradisyonal na mananayaw na taga Isla. Pero kumpleto ang sa Calumpang na dalawang pangkat ngayon at may kasali na kabataan. May magpapatuloy na ng iiwanan ng matatandang mananayaw.

    Pwede naman pala ang simpleng pagdiriwang.
    Mas marami daw ang sumama sa pagoda ngayon. Sabi nga ng isang manang, pag may kalamaidad natututong sumamba ang mga nakakalimot. Blockbuster pa rin ang nagsasayawan sa kalsada, mga deboto ni Santa Ursula at humihingi ng kanyang intersesyon sa Panginoon para sa kanilang personal na kahiligan. Ang pagbabasaan ay pinaniniwalaang pagsasaboy ng bendisyon at biyaya. Paano naman ang hindi kasama sa pursisyon na binabasa? Well, part of the revelry.

    At ang mga imahen ni Sta Ursula at ng Sto. Nino ay ipinaiikot- ikot na parang turumba ng mga kabataang nagsasalitan para makabuhat sa mga imahen. Tila iginagaya ng mga kabataan ito ang pagbuhat sa mga imahen sa gewang-gewang ng imahen ng Hesus na ipinupusisyon tuwing Biyernes Santo.

    Bagama’t hindi umulan ay basang-basa ang pagoda dahil walang patid ang daloy ng tubig mula sa hose ng mga bahay na may Manila Water. Instant fountains sa kalsada. At palakasan pa ng buga ng tubig.

    Open season na talaga ng politika dahil kasama sa pursisyon ang nanunungkulan at mga nagmimithing mahalal sa nalalapit na eleksiyon. Namumudmod sila ng ngiti at naghahagis ng kaway!

    Samantala, payak din ang handa sa bahay-bahay, karamihan ay pangpamilya lang. Napapanahong higpit ng sinturon. Pero wala namang umuuwi ng luhaan mula sa pamimista. At marami pa rin ang nalasing kahit sa murang alak lamang.

    Ito ba’y hutyat ng bagong pamamaraan o pansamantalang pagpapalipas lamang?

  50. Mas maganda siguro kung sa mga susunod na padiriwang nang kapistahan ay maging katulad nang ganito..payak, simple pero rock..hehehehe..datapwat masaya ang magarbo, maingay at maraming kung ano ano sa pagdiriwang nang pista, subalit, kinabukasan paghupa nang kasayahan, madalas, marami ang may sakit….may sakit sa bulsa…hehehehe..

    sabi nila, noon daw, may maipanghanda lang sa pista at para di magpatalo sa kapitbahay, may mga nangungutang pa nang panghanda (o baka naman tsismis lang to…..hehehehehe)

    Sabi nga nang isang katutubo sa bundok kung saan nanatili ako nang ilang panahon, tayo raw mga pinoy, masyadong magarbo kung maghanda pag may pagdiriwang… sobra, sobra ang pagkain at laging may kantahan..hehehehe..eh sila, inumin, finger foods at kwentuhan(bolahan) lang… talo, talo na…hehehehehe..

    Calumpang has changed a lot, it evolves over the years, and binangonan as a whole,is now a 1st class municipality… most likely talks are on-going to move it forward to its cityhood…. (pag city ba mas malaki ang revenue allotment?….)

    As it continue to change for the better, the people, its mindset and some tradition needs to adapt with it…

  51. I have questions though, the concerning celebration of the feast itself, …and these are just out of my own curiousity and nothing else…

    i also want to make it clear that I am a roman catholic perhaps not deeply devoted catholic ( i actually studied in BCHS for 2 years)..

    Binangonan’s patron saint is Sta. Ursula… however, isnt it Sta Ursula (the saint) has already been de-sainted by the roman catholic church a number of years ago?…

    Am just wondering, if she has already been de-sainted/taken out from the list of saint , with full respect to all the devotees, does it mean that praying for her intercession in helping us during these trying times, is just a futile excercise?

    Ergo, if the feastday celebration has no religious significant, does it mean that the celebration is just merely for a “show”?…

    Again, these are just questions from my twisted mind…

    but perhaps may be considered in the future, as another reason why it’s best to make the celebration as simple as possible….

    I hope the above will not, in any way, solicit any negative reactions or ill feelings from the wonderful people of calumpang. And I wont be banned from visiting calumpang (again) in the near future….

  52. tolonges,
    Totoo ang sinabi mo! Tradisyon na lang ito at hindi pwedeng palitan mag-pakailanman at mag-pasawalang hangan.
    Maraming magagalit na mag-tatrabaho (gobyerno at pribado) at mag-aaral, isipin mo na lang na walang pasok at trabaho ang Oct 21, tapos ay biglang mag-kakapasok. Isipin mo na lang ang babaguhin mo.

  53. Tolonges
    Decanonized saint yata…hindi de sainted. I am not a religious person ( though I religiously drink beer hi hi hi) but I think it is more of a cultural thing than a religious one. Obviously this is for show, so wonder no more. Lalo na ng sabihin mo na “during these trying times”… siguro eh whatever works. Marami tayong religious practices na regional… meaning hindi mo makikita sa lahat ng Roman Catholic celebrations.

    Saan mo natsismis na decanonized na si Santa Ursula? Yes, saints can be decanonized, pero there are many local and regional saints known in our areas but unknown in the rest of the world (baka nga may Saint Tolonges eh he he he). You do the math, with thousands of saints and only 365 days in the calendar. Somebody is going to get bumped from universal calendar, but still honored locally or regionally. Baka naalis lang sa kalendaryo si Santa Ursula? Ano kaya?

  54. Tolonges,

    I will try my best to untangle your ‘twisted mind’…

    The Catholic Church underwent several major reforms in the 1960’s and one of these involved a review and revision to the Calendar of Saints, which ultimately resulted in the elimination of the feast days of several popular saints. One of them is St. Ursula, who was removed from the calendar in 1969.

    This does not mean that St. Ursula was essentially “unsainted” as most people believe. Rather than the definitive list of all official Roman Catholic saints, the calendar simply indicates designated feast days — not all saints have feast days, therefore, not all saints are on the calendar.

    The General Roman Calendar is the official list of feast days that should be celebrated by all Roman Catholic churches. Most feast days are celebrated only regionally (like St. Damien of Molokai in Hawaii, or St. Elizabeth Ann Seton in the US). The Feast of St. Ursula is only celebrated in certain churches (like in our parish), not by all Catholic churches, therefore she is not listed in the Calendar.

    Celebrating the feast day of St. Ursula, and praying through her intercession is, therefore, not a ‘futile exercise.’ It always had and always will have religious significance, because she is still a saint.

    Don’t worry, I don’t believe you will be banned from Calumpang. As long as there is no profanity or malicious postings, OK ka.

  55. thanks, sundance for enlightening me…

    Padre Damaso…. actually narinig ko lang ang tsismis na na de-sainted ( de-cannonized, if that is the correct term) sya together with other saints, a few years ago, sa CNN…. most likely, mali siguro ang pagkakaintindi ko…english kasi yung news eh…..hehehehehe..

    Upoy, yes, it’s me… please give my regards to rudolf and others… by the way…flooded pa rin ba ang sa may bandang pritil / pulong bato?..

  56. Tolongs,

    Welcome! A new voice, new blood, and though unseen, a seemingly new face in d2 blog. You make lot of sense,ha!

    May update tungkol sa baha sa Pritil at Pulongbato. Open Facebook sa hergonz52@yahoo.com.

  57. hanep ka tolonges galing mo nang umenglish ha.
    malayo na ang abot ng kaisipang mo.

    add mo sa facebook mo si calumpang kong hirang naron yung mga pictures ng mga binaha.

  58. thanks chef for a warm welcome…

    Upoy, produkto kasi ako nang calumpang elementary school…hehehehehe..ikaw ba naman ang pagbabayarin pag nagsalita ka nang tagalog during english taught subjects noong elementary, magpupursige ka talagang matuto kahit konteng english…. eh lagi akong walang baon noon, kaya walang pambayad…..hehehehehe…

  59. kapjo:

    where have all our bloggers gone? bakit lumipat na lahat yata sa Facebook?

    sa mga kabarangay sa ibayong dagat:
    kindly help us with this thesis: bakit ang mga matagal nang wala sa lupang kinalakihan ay higit na matalas ang alaala kaysa sa mga kabarangay na nandito lang? (pwera lang siyempre iyong may Alzheimer’s at sakit sa limot)

  60. chef,

    Mas nakaka engganyo mag-post kung may palitan ng kuro kuro. Maganda rin kung paminsan-minsan ay may mga nag aaway, basta walang foul, e ok lang, dahil yun ang nagbibigay buhay sa blog… damdamin!

  61. Bakit nawawala ang blogs?

    Kapjo wonders: Dalawang comments ko na ang hindi napopost sa d2? May sumasabotahe ba sa blog?

    Chef wonder of wonders: The muse is still marooned in another time zone. The inertia in motion is spent chasing Ondoy’s phantoms. Kapjo, what about changing your software? And please, get a blogbuster, too.

  62. Kapjo,

    Parang kay dali mong lumimot ng “life-saving-quote” – it’s just a figure of speech!!!
    Hayan tuloy, sineryoso tayo ni Oliver. Anyway, salamat Oliver. Kami ni Kapjo ay techie- challenged. Ha-ha.

  63. what a nice site… i really search yung site na ganito refering sa lugar natin dyan sa binangonan. and i read a few of your comments and it seems like i want to. on the other hand, i want to condena and give a topic regarding with the RAPE case happening to our province in binangonan generally in RIZAL.

    Even though you are a suspect of rape case, in our place you can let go to the law..? so it seems like justice is still with the hand of f*** piscal in binangonan rizal, this Piscal i reffering to is one of the corrupt employee of Binangonan Rial who asking for money for the suspect and take note also for the Victim..OMG, its so horrible when i heard that after this piscal asking for money worth of Php 20,000.00 to victim other side giving about Php 60,000,00 worth of cash just to release the rapist name JORDAN living in San Juan compound near in metro bank, 1 min away from Binangonan Municipal Hall.

    for instance, after a week, the release paper of the rapist (jordan) was done, and yun, masaya sya lumabas ng jail.Guess what Sinong hayop na piscal to?walang iba kundi si PISCAL ANTONIO WITH ALALAY ATTY.NIC.. and this one more shocking thing i found out………..

    3Day ago after the release form was settled, one of the asset saw one of the Goverment employee which is COUNSELOR of Biangonan rizal talking with one of the Officer in municipal hall.

    On the other day this accused was known as RAPIST JORDAN FROM SAN JUAN COMPOUND he is tricycle driver of colorum motor, suspected from chopchop and addicted in prohibited drugs (SHABU) family was supported by this counselor, and sooner we found out that this goverment official was The rapist TITA or UNTY.

  64. @john

    sino naman yung councilor na kumukinsite sa sinasabi mong rapist na si Jordan para naman hindi na namin maiboto.

    bigay mo na rin yung number nung tricycle niya para naman may babala na sa mga taga calumpang at maiwasan nang sumakay sa kanya.

  65. John, punta ka website ng Gabriela at baka mabigyan ka nila ng libreng abogado. Heto ang website nila:

    http://gabrielawomensparty.net/

    Sa website na ito itapat mo yung cursor sa ABOUT US. Tapos lilitaw yung CONTACT US, iklik mo ito at maiimail mo na ang iyung hinaing.

    Isa pa ay NBI. Heto ang website nila:

    http://www.nbi.gov.ph/

    Ganoon din, iklik mo ang CONTACT US at may email address ang director at may telepono din. Subukan mo ito.

    Heto pa magtanong tanong ka kung papaano makontak yung ISUMBONG MO KAY TULFO. Alam kong wala na sa ere itong programang ito, pero tuloy pa rin ang pagtulong nila.

  66. May five blogs si John detailing the rape incident – kung sino ang rapist at kung sino ang Konsehal na taga Pag-asa na di umano’y kumukunsinti sa sinasabi niyang rapist. Pag ganitong may mga pangalan ng taong inaakusahan, sana ay magbigay din ng tunay na pangalan ang nag-aakusa. Ang d2sacalumpang ay hindi maglalathala ng diretsahang akusasyon na hindi pinaninindigan ng nag-aakusa. You can always choose the sites specified by Korokan.
    (and thanks Koroks for saving me again)

  67. Chef, nakapagtanong ka na ba sa abogado kung ano pananagutan ng isang nag memaintain ng blog sa mga ganitong sitwasyon? Ang alam ko dito…pipigain ang may ari ng blog using a subpoena para ibigay ang name ng source. Ano ang pinagkaiba nito sa isang mamamahayag na ayaw ibigay ang kanyang source? Hindi ako sigurado dito.Payong kaibigan lang, you should arm yourself with this knowledge knowing that you will encounter this kind of situations. Kung tagilid tayo…ituro na lang ang landas patungo sa minimithing ng hustisya

    Sana may blogger tayo na abogado.

  68. Maraming salamat sa iyong papuri Lucia, medyo nakalimutan mo lang ng konti na bangitin ang mga nag-papakasal. Kaya ang aking kapatid (Ate Raquel) ay palaging abay (flower girl) sa halos lahat ng kinakasal na taga-Calumpang at taga-kaingin.

    Ang ipinag-tataka ko lang magpa-hangang ngayon ay bakit hindi ako nakuha kahit isang beses lang na maging ring o coin-bearer? Ano kaya ang problema? Guwapo naman ako sabi ng Nanay ko! Bakit sa Nanay ko lang naririnig ang papuring iyon?

  69. Siguro tanda mo naman ang hairdo ni MJ (bless his soul!) nuong Jackson 5 pa sya. Iyon ang style ni Ka Basyon. To this day, Bassie rues the fact that ni hindi man lang sya nakulutan ni Ka Emy dahil laging kingki ang kanyang buhok.

  70. Kwento

    Sinabi ko na hindi kita isusulat
    Naglisaw ang sub-text, nagharang ang sob-plot.
    Tila siit na kawayang nakakatusok
    Talim ng dahong nakakahiwa, nakakasurot.

    Buti pa ang kwentong-inday, may patutunguhan
    Pagkain, bahay, trabaho ang inaasahan
    Karirik na tulong ay biyayang tangan
    Kaligayahang mababaw, sapat ng ipagdiwang.

    Tsismis may natatapos din pag may bagong isyu na dumating
    Bida’y nagiging kontrabida pag-ibang dila na ang nagbadya.
    Kabanatang mahaba man ay tiyak isasara
    Pag simulan ang sitsit na lulubid-lubidin pa.

    Sa kwentong barbero, pulitika ang tagtutuusan
    Pagsasabong ng argumento ang pinaghaharapan
    Saltikan ng mukha kung mga isip ay di magpantayan
    Malamig na ulo at maiinit na kape ang katapat niyan.

    Bakit ang kwento mo’y tila walang hangganan?
    Naubos na ang tuldok, kuwit lang ang naiwan.
    Takdang pangdamdam, patanong ang turan
    Gitling na paulit-ulit aba’y pabalik-balik lang.

    Nasabi ko na ba na akoy payaso?
    May dalawang mukha at balintunang anyo.
    Mapagpatawa, mapang-aliw at tinging maamo
    Sa loob ay tigreng tumatangis, liong sumusuko.

  71. UGALING KA IBA!
    (Ang Penoy Nga Naman?)

    Tayong mga Pilipino may ugaling ka iba!
    Pagnanais makakuha ng trabaho sa Arabia
    Gagawin ang lahat upang makasama
    Sa Arabong sa iyo ay mag-dadala.

    Ngayong ikaw ay nagtatrabaho na sa Arabia
    Iniisip mo naman ang uuwi na!
    Upang makapiling mahal na pamilya
    Kahit di pa tapos pinirmahang kontrata.

    Kapag may kasamahang magbabakasyon
    Nais mo, kahit sa gulong ng eroplano’y hahabol
    Ayaw mong na ikaw ay mapag-iwanan….
    Sapagkat homesickness mo’y ayaw maparam.

    Iyan ang iniisip ng taong nangungulila
    Pamilya sa Pilipinas na laging ala-ala
    Sana laging isiping magandang kinabukasan nila
    Upang maging matibay sa iyong pag-iisa.

    Rolando Lirio
    1990

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s