O, Mamang Traysikel Drayber!

    traysikel

O, Mamang Traysikel Drayber!

    Bakit may kasama kang bata sa pagpapasada?  Nakaupo pa mandin sa ibabaw ng motor. Kawawa naman ang paslit, nalalanghap ang usok at init. Makakaapekto iyan sa kalusugan ng bata.

     Aba, walang tapakan sa pag-akyat ang sidecar mo!  Tulungan mo si Lola na hirap na hirap sumampa sa mataas mong sidecar. Oops! kita na ang  tinago ng miss na naka-mini skirt na umaakyat  sa tricycle mo. Hindi kaya ito simpleng paraan ng pamboboso? Paano ka nabigyan ng prangkisa gayong hindi kumpleto ang  parte ng sidecar mo?

      Teka, bakit ang kalsada ang ginagawa mong garahe? Sa liliit ng kalye at iskinita, magdodoble parking pa kayo ng kapwa tricyle driver, trapik ang resulta. Wala tayong MMDA na manghihila ng sasakyan na wala sa lugar pumarada.

      Bakit ka naman naka-tsinelas at mukhang gusgusin?  Ang pagmamaneho ay marangal na trabaho. Hindi komo tricycle driver ay pababayaan mo na ang iyong kaayusan. 

      Paano ba maitataas ang pagtingin ng tao sa iyong hanapbuhay kung ikaw mismo ay kulang dito. Qualified ka bang maging driver? Ok pa ba ang lisensiya mo? May sapat ka bang kaalaman sa courtesy na dapat ibigay sa pasahero mo? Miyembro ka ba ng Tricycle Operators and Drivers Association sa iyong barangay? 

     Siyanga pala, ang TODA mo ba ay may programang ‘refresher course” hinggil sa driving at tamang pagtrato sa pasahero.  Kung ang asosasyon  ng mga doktor, abogado, inhinyero at teacher ay may pagbabalik-aral na ginagawa, lalong dapat sa katulad ninyong drayber.  Para ano pa ang TODA kung hindi nito aalalayan ang mga miyembro sa paglago ng kanilang kaalaman at kasanayan.

      O, ano ang sagot mo?  DRAYBER ka lang, mahirap ang buhay kaya pwede na ang bara-bara bay!  Hello!  Ikaw na ba iyan Mamang Traysikel Drayber?

 

trodac2004

 Sakay na sa TRODAC

        Kung taga-Calumpang ka, tangkilikin mo ang mga tricycle ng TRODAC (Tricycle Operators and Drivers Association of Calumpang) sa pagbiyahe papasok at palabas ng barangay. 

      Ang samahan ay may mahigit na 250 miyembro sa kulang-kulang na 20 taong pagkatatag nito.  Ayon kay Pangulong Jess Mesa, ang maraming pamilyang umaasa sa kita ng tricycle ang ating kalingain.  Suportahan taka.

One thought on “O, Mamang Traysikel Drayber!

  1. Magandang araw po sa Pamunuan ng blog ng Calumpang at sa ating mga kababayang traysikel drayber.
    Gusto ko lamang ipabatid ang aking paghanga at pag galang sa ating mga traysikel drayber. Halos lahat sila ay magagalang, hindi barumbadong magpatakbo at nagbibigay ng tamang sukli.
    Nais ko din po magbigay ng aking kaunting obserbasyon. Halos araw-araw, tuwing tanghali, laging me naka double parking na mga sasakyan, karaniwan ay traysikel mula sa malapit sa dating sabungan, hanggang sa may lagpas ng kaunti sa baranggay hall. Yan ay nagiging sanhi ng traffic, lalo na’t yun din ang karaniwang oras ng pag lilibing. Sana po ay maayos ito ng ating mga tanod.
    Gusto ko ring itanong kun sino ang nagbibigay ng permit o lisensya sa mga traysikel driver? Sa LTO po ba? Meron po ba silang physical examination dun? Meron po kasi akong nasakyan na TRODAC traysikel na ang driver ay maputi ang buong mata, pati ang lens o yun itim ng mata. Hindi ko lamang matandaan kun kaliwa o kanan. Hindi po ako doktor, pero alam ko po na maaring bulag yun kanyang mata. Nakita ko dun sa ID na siya rin ang may ari ng traysikel . Nun minsan nga, yun isang babae na sakay nya ay ilang beses nang pumara, pero parang di nya naririnig. Hinahangaan ko po ang sipag at tyaga ng drayber na ito. Alam kong nagsisikap sya na malagyan ng pagkain ang kanilang mesa, pero di ba yun ay pwedeng maka sanhi ng aksidente? Hindi lamang ang kanyang sarili ang inilalagay nya sa peligro, ganun din ang ibang pasahero, kapwa drayber, at ang publiko.
    Maraming salamat po sa pagbigay nyo ng pansin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s