Calumpang Idols

cal idols

          Hindi man sila bayani sa pamantayan na ‘namatay para sa bayan’.   Mga idolo naman sila sa sukatang ‘nabuhay hindi para sa sarili lamang’.  Kundi para  sa kapwa – kapamilya, kaibigan o  kabarangay man.  Sa kanilang maliit at karaniwang paraan, sila’y nakapag-iwan ng alaala at inspirasyon  sa mga taong ‘whose lives they touched’.

          Kailangan maipakilala sila sa mga kabataan ngayon at  balik-tanawin naman sa kanilang kahenerasyon. Bilang mga kwento ng tutoong tao, hindi comics heroes, hindi artista, at hindi rin politiko.

          Sa tradisyon ng ‘Magbalik sa Pinanggalingan’, iniimbitahan  ko ang mga kabarangay, lalo na iyong nasa ibang bansa. Mag-ambag ng kwento, magbahagi ng komento, magtaas  ng  argumento  para sa mga Pamana ng Calumpang Idols.

  1. Ang Higante ni Kampong (Policarpio Lirio)
  2. Ang Bola ni Ka Leon  or Makinilya ni Leo (Gonzaga)
  3. Ang Mini Bus ni Ka Ponching (Aparejo)
  4. Ang Lugaw ni Ka Kanding (Candida Villamayor)
  5. Ang Dasal ni Ka Isang (Perdiguerra)
  6. Ang Gamot ni Ka Tano (Ulang)
  7. Ang Araro ni Ka Indo (Apostadero)
  8. Ang Bangka ni Ka  Bintong (Cenidoza)
  9. Ang Samahan  ng Kababaihan  ni Ka Maria (Villadiego)

          Ilan pa lang ang mga ito. Sa mga mapaghabing isipan, maraming maidadagdag tulad ng: Kalabaw ni Ka Tino, Panabong ni Ka Quinong, Bibingkahan ni Ka Berang, Tindahan ni Kunsie, Stereo ni Ka Tino,  Agimat ni Ka Gundo.  Baka pati Patsique ni Benny at Menudo ni Azon ay isama pa!  Pero, awat muna.  Let us train our guns on pamana na may positive impact.  But if you can essay otherwise, you have the latitude of narrative and the burden of proof.

          But please write.  Throwing ideas is a lot better than throwing intrigas.  Naniniwala kami na many heads are better than one.  And this will be collaborative efforts, from different perspectives and insights.  If you want your name published, we will acknowledge, if you want to remain anonymous, we will respect your wishes. 

         (Ang tutuo niyan eh, ang kwentista ng d2sacalumpang is running out of ideas, nearing the state of brain dead or brain damage. BRENDA!  ha-ha).

                                                                                                           hergonzaga-galang

pamana

65 thoughts on “Calumpang Idols

  1. nice post.

    as an aside, i believe tindahan ni konsi (ILUMINADA APOSTADERO ARALAR)is positive ( the tsikahan sa tindahan was a part of buhay calumpang).
    i know for a fact that ang tindahan ni konsi ay pamana at nagmula bilang tindahan ni quili: pinakamalaki, pinaka kumpleto, at pinaka maraming parukyano (AQUILINA APOSTADERO-ARALAR). naikwento pa sa akin ng mga tiya ko at maging ng lola ko na ang tindahan namin ay parang palengke (may tsinelas, may lahat ng panindang intsik, may isada, may gulay at kung anu ano pa. sabi ng tya konsi ko ay trak ang kanilang gamit pag namimili sa maynila. according to them, tindahan ni konsi (ni quili at ni linda rin) ay pinaka orig, pinakamalaki, at pinakamatanda sa calumpang. the house itself is very historical (it was even utilized as a primary school noong araw).
    noong batang bata pa ako, doon ko nakilala sina kuya sweet (asuncion), si unjing, si koroks, mga blue jay mga hard day’s night, mga tips, mga laspag, mga taga pangasinan (na karamihan ay suki ng tiya ko sa syoktong), at sandamakmak na suki ng tya kunsi ko. Malilimutan ba natin si ebeng at ka pila na nagtitinda ng ube at espasol, si ka kuto na barbero, un magtitinda ng lauya na nalimutan ko na ang pangalan, si kang dune na nagtitinda ng mais, un taga-macamot na magtitinda ng bibingka (adia b un?)..(umaandar na naman ang epekto ng pagkaka general anesthesia sa akin when I underwent a clinical procedure to correct my kidney problem)..
    maaring doon nagsimula ang aking political training (honing my people skills and being comfortable with a lot of people from various persuasions), sa tayantangan ng tindahan ni konsi.
    Ngayon, the place is known for other names: klinika ni dok romy, klinika ni dok venus, tindahan ni linda, bahay ni kap, bilihan ng mineral, at TINDAHAN NATIN (NFA RICE RETAIL STORE).
    YUN ANG KASAYSAYAN NG TINDAHAN NI KONSI- isa sa Calumpang Idols!

    me pahabol pa po: kiskisan ni ka siding

  2. Kapjo, si Maura ang nagtitinda ng bibingka na taga makamot. Tambay din ako sa tindahan ni kunse bago pumasok sa school sa Catholic dahil dyan ang abangan ng sasakyan sa tapat ng patahian ni Wally & Sajid. She is the original queen (before Kang Aring) in terms of news and would be news. That is why you will learn something listening to her stories.

  3. Kwentista,
    Sorry at hindi mo marerealize kung gaano kaimportante sa aming mga lalake ang pamana ni Ka Luis(Apostadero) -ang labaha na ginagamit niyang pantule! Libre pag mahal na araw (Holy Week). Sang rekwa kaming pumipila diyan sa kanyang tulian sa libis, mga batang lalaki na nagtatapang-tapangan, nais matawiran ang rite of passage from childhood to manhood. May nasa unahan ng pila na pag-sinabi ni Ka Luis “ikatang na” (sa sangkalan para mahiwa na ng labaha ang dapat hiwain) ay hinihimatay. O kaya naman ay kumakaripas ng takbo pauwi ng bahay.
    Ang maganda sa tule nuong araw ay grupo-grupo kayat ang isa ay sinusuportahan ng kasama. Ang natatakot ay humuhugot ng lakas sa matapang, ang naginginig ay kumakapit sa matibay. Matapos ang hiwaan, lalagyan ng dinikdik na dahon ng bayabas para di mamaga at pagnakaraos na ang grupo ay magtatalbugan sa tubig sa Pritil (malinis pa ang lawa nuon)
    Ang halaga ng labaha ni Ka Luis ay hindi matatawaran. Tanungin mo ang mga nagdaan diyan kung bakit.

  4. bloggers:

    meron na naman tayong write up na pagpipyestahan! para na naman akong aning na tumatawang mag-isa because of the comments i have been reading … calumpang, iba ka!

    i am looking forward sa pamana ng calumpang idols, lalo na yung mga isusulat pa lang.

    bloggers, go go go

  5. Sa Lahat,
    Marami tayong natatandaan subalit meron isang nakakalimutan na malaki rin ang ambag sa palakasan (sports) sa Calumpang. Coach ng maraming Basketball Team sa liga sa sitio San Juan, Poblacion at Calumpang. Coach din siya ng Softball Team na lumaban sa may munisipyo at sa Mambalon (Libid). Malaki ang kanyang naitulong sa pag-tatatag at pag-papalago ng larong Volleyball sa Calumpang na sinimulan noong taon 1977.
    Bukod sa isang magaling na sportsman ay magaling din siyang guro.
    Rest In Peace Tommy (Geneblazo) you are remembered!

  6. Tindahan ni Konsi.. First thing comes to my mind…Umuutang kami dun nung araw. Basta kuha lang kami ng kuha tapos lista naman siya ng lista.(Monthly kasi nagbabayad ang tatay ko) kaya open kami kay Kunsi.

    Dun kami nag hihintay ng Mini Bus ( kung gusto mo libre, hintayin mo ang Marsha Express, kahit na ubod ng bagal at puro matanda ang sakay. Kung gusto mo mabilis at magandang sounds at maraming friends, hintayin mo ang biyaheng Recto.)

    Kung gusto mong sumilay,(Silay: makita o magpacharming sa crush mo, may crush sa iyo, boyfriend o girlfriend mo.) bili ka lang ng kendi. Kasi sa tapat lang ng tindahan o sa tindahan mismo nakatambay ang silay.

    Puwede ring mag iwan ng message o kumuha ng message kay Kunsi. Kung ano ang sabi ng boyfriend mo. Dumaan na ba siya o magsasabay ba kayo bukas paluwas.

    Hay Kunsi!!! salamat sa ala ala.

  7. manolo b:
    ang aga ko na namang tumatawang mag-isa. although the memory of kunsie makes me sad and it makes me miss her a lot. sya kaya ang tumayong nanay ko dahil ako ay palaki dun sa malaking bahay. ang tanda ko ay pagkatapos ko matigil sa pag breastfeed ng nanay ko, inuwi na ako ni kunsi. tatlo kami na alaga nya. ung kapatid kong si venil at si ate solly n asawa ni tano de castro.

    mis u tita….

  8. mahal kong kwentista,
    taga sulat ka ba ng kwento, o taga kwenta ng pera?
    Nalimutan mong idagdag ang pinaka magaling na mang gamot na hindi naman doctor dito sa Calumpang, si Ka Tura(Buenaventura Gervacio) Hindi sya doktor, pero maraming sakit ang kanyang napagaling, kabilang ang hika, ubo, baradong ilong, sakit sa balat, sakit sa ngipin,sakit sa tenga,etc. Nag opera din sya, ( minor operation lang) ng mga nasugatang paa, naputol na daliri, namatay na kuko, pigsang walang mata at iba pa
    Siguro dapat ka ng uminom ng Sustagen premium….kulang sa pork, kulang sa beans …..

  9. ako man ay nagamot din ni Ka Tura maging si Ka Tano ay gumamot din sa akin, pero siguro dapat na ang title ay Gamot ni Ka Tura instead of Gamot ni Ka Tano kasi mas nauna siya, dapat ay Orasyon ni Ka Tano dahil gumagamit siya ng kandila, pero magaling siya kahit na punong puno ng kandila ang kutsara ay hindi bumabagsak sa ulo ko habang pinapaikot niya ang kutsara.

    Dagdag natin Ang Labaha ni Ka Luis na malaking una at mas maraming natulian kesa kay Barok.

    Para naman kay Tommy G. puwedeng Ang Salamin ni Tommy who is also known as “The Coppers” don sa mga na i coach niyang player later in the early 80s intercolor.

  10. Bola ni Ka Leon: Bola ng lahat ng taga Calumpang. Bihira pa ang bumibili ng bola nung araw, kaya lahat ng manlalaro ng basketball, hihiram kina ka Leon ng bola. Wala namang umaalis ng bigo, lahat nakakahiram.Ang manghihiram ng bola nung araw, marunong gumalang, pag nakita na nilang bukas na ang bahay kahit 6:00 pa lang ng umaga puwede na silang humiram at marunong silang magsoli. Pag tapos na ang game ng naghiram at may susunod na set na maglalaro,endorse niya sa susunod na set of players para sila na ang magsosoli.

    Bahagi na nag buhay at pamilya ni Ka Leon ang bola( kahit anong klaseng bola, Tennis balls, Basketballs, softball balls ect puwede mong hiramin)Basta sa ikauunlad ng manlalaro dun siya.

    Lahat ng paliga mapa inter Baranggay man o Inter Town. Parati siyang nandun full support ika nga. Kundi manager, coach, puwede ring water boy. Me pa sigarilyo at juicy fruit pa sa players. After the game, kakain sa bahay nila. talo man o panalo, me pakain sa players minsan me miron din. Kung sa ibang lugar ang game, sasakyan niya ang gamit.

    Sa aking pagkakalam, mula na pumanaw si Ka Leon, wala pang pumalit sa kanya sa dedikasyon, servicio at paninidigan sa mga players ng Calumpang.

  11. Ang Lamok ni Tugo

    Ang istoryang ito ay galing kay Patri Villadiego na may kasama pang babala: Kung ayaw mong matanggalan ng mana ay huwag mong kalimutang isama sa Calumpang Idols ang buhay pang si Rodolfo A. Villadiego!

    Tugo for short. Si Rod, sikat na basketbolista ng CAAA Lakers nuong 60’s, ay ang unang taga-Binangonan na gumawa ng pangalan sa San Francisco, USA at sa Toronto, Canada bilang zoologist. Specialization: lamok. Nagka-malarya siya nung magtrabaho sa base ng Kano sa Clark, Pampanga. Kung kaya, hinanting niya ang peste hanggang sa makadiskubre ng unknown specie ng lamok na kanyang ipinagkaloob sa mga Amerkano. Ni hindi man lang nalagyan ng Pinoy patent ang lamok! Pero ang lamok ding iyan ang kanyang naging pasaporte hanggang sa University of Torondo. Siyempre, may kasama na rin iyong talino, sipag, diskarte at swerte.

    Si Tugo ang original heartthrob ng bayan, may pinakamaraming naging sweethearts na sa bilang ng best friend niyang si Cabo Aralar, ay – kung isasakay sa dyip – puno at may nakasabit pa sa estribo. Muy simpatico at very friendly naman talaga si Tugo. Kinagigiliwan ng mga ladies: kaklase, iginagawa siya ng assignment; teacher, ipinapasa siya; may ari ng restaurant, libre siya ng ulam; may ari ng bus, libre siya sa pasahe. Hindi katakataka na nuong panahon ni Tugo, ang berks din ay may pases sa sinehan, sa sabungan at pati na sa cabaret.

    Involved siya ngayon sa Philippine-Canadian Association, nagsusulong ng sports sa mga batang Filipino-Canadians at nag-dodonate ng mga health equipment sa ilang hospital sa Pilipinas. Kung may ospital ba ang Calumpang, ay bakit ang hindi magiging beneficiary ng kaniyang advocacy? Si Tugo ang generous balikbayan na dinudumog ng mga kabarangay para maki-share sa kanyang blessings.

  12. Bakit naging branded ang generics na Eddie?

    Hindi ko alam kung saang kategorya ng Calumpang Idols ilalagay ito ng taga kwenta. Hamo nang sumakit ang ulo niya!

    Ang mga nanay naman kasi, nuong dekada 50 hanggang 70, ay iisa lang ang paboritong ipangalan sa anak na lalaki: Eddie. Kung kaya kinabitan ng brand(alyas) para ang mga Eddie ay may mapagkakilanlan. Ang kartero na nagsusugsog ng tirahan o ang istranghero na naghahanap ng kakilala ay dapat alam ang alyas ng Edding tinutukoy nila.

    Heto na — Edding Bulok, Edding Ikot, Edding Payi, Edding Santol, Edding Aso, Edding Berang, Edding Taktak, Edding Suong, Edding Kanlot, Edding Bardo, Edding Jabbar, Edding Itoy, Edding Tabo, Edding Bakule, Edding Bangus, Edding Lubak, Edding Bisaya, Edding Bano, Edding Tisoy, Edding Pula, Edding Luma, Edding P___ (censored), Edding B___(censored din) Edding Playboy, Edding Gahasa, Edding Buwaya, Edding Palaka, Edding Peklat, Edding Kambing, Edding Manas, Edding Kirat. Sorry na lang sa hindi ako naisama.

    Nais ko lang pangitiin ang kaibigang kong hindi nakatuluyan ang great love niya na Eddie ang pangalan. May dagdag pa pala. Edding Taksil! Pero, nakatuluyan naman niya ang correct love na Eddie rin ang pangalan. Edding Tapat. He-he-he.

  13. Calumpang Trivia!
    1. Ano ang tawag sa kinalalagyan ng Calumpang Elementary School?
    2. Ano kung tawagin ang dating lugar na tirahan ng mga ballerina sa cabaret?
    3. Ano ang pangalan ng dating sabungan ng Calumpang at ano ang tawag sa lugar na kinalalagyan nito?
    4. Ano ang tawag sa tabing dagat?
    5. Sino ang unang naging doktor na lehitimong taga-Calumpang?
    6. Ano ang tunay na pangalan ni Aris Cepidoza (RIP)?
    7. Ano ang bansag kay Jaime dela Cruz (RIP)?
    8. Sino ang unang babaeng kagawad ng Calumpang?
    9. Sino ang pumalit kay Kapitan Tancio Milagrosa?
    10. Anong batch (year) ang unang mag-tapos sa Calumpang Elementary School?

  14. sagot sa trivia

    medyo madami, hindi ko masasagot lahat,
    2) Laspag
    4) Pritil
    5) Dr. Estacio (not sure baka may una pa rito)
    7) Tetano

  15. hindi ko alam kung sino ang deserving to the title of Ang Gunting ni ……….

    a) Kuto
    b) Mina
    c) Paong or Polly sabi niya.

  16. Upoy, Si Mina ay hilot hindi barbero, kalapit bahay pa naman ninyo. Ang barbero ay si Bina at hindi Mina. Ang sagot mo sa no. 2 ay mali, hindi team ng basketball ang itinatanong sa trivia! Tumpak ka sa aking yumaong Pareng James dela Cruz aka Tetano.
    Pritil na ba ang tawag sa tabing dagat? Upoy para kang hindi ipinanganak at lumaki sa Calumpang!
    Dahil sa tatlo ang mali mo sa apat na sagot sa trivia ay bibigyan kita ng <65% na grade.

  17. Si Ka Leon

    Si Ka Leong Kalbo, kung tawagin siya ng mga tao.
    Kamag anak man o hindi, walang tanggi kung sa kanya’y nanghihingi.
    Tubig, bola, pagkain, ganun din sa panalalapi,
    Hiram na kadalasa’y, nauuwi lang sa hingi.

    6 Footer isa pa sa kanyang alyas.
    Para sa mga kaibigang, talagang matataas.
    Subalit maliit man sa sukat at tinginan,
    Higit na mataas naman, antas ng puso at isipan.

    Ama ng marami, ngunit totoong anim lang kami.
    Dilaw, asul at berde, parati silang kasali.
    Tunay na haligi, di lamang ng tahanan.
    Ganun din sa larangan ng palakasan.

    Ulirang asawa, ngunit may number 2 pala.
    Na talagang welcome naman, sa kanyang pamilya.
    Nakapagtataka di Ba?
    Bola at makinilya, yun ang number 2 niya.

    Salamat, paumanhin at mahal kita.
    Salitang di nabigkas ng ikaw nabubuhay pa.
    Opps!! emotional na. (switch gear please)
    Kamusta na lang kay Rufo, Isang, at Upeng.
    Lalo na kay Pits kong giliw.
    Kita kits na lang tayo, ‘wag lang muna ngayon.

  18. Hello po,

    Siguro po ang target audience ng blog na ito ay panay 30 years old and above. Kasi puro magbalik sa pinangalingan, magbalik sa pinagmulan, magbalik sa alala. Puro pabalik. Eh paano naman kaming papunta pa lang?

    Ang feeling ko kundi senti e ’emo’, kundi korny e cheesy, kundi baduy e bakya. We need directional map not emotional map.

    Di ko po nais makipag-argument. Nasabi ko lang po. Huwag po sana akong makilala ng nanay ko at lagot ako.

    Salamat po.

  19. TEARS..CHEERS..AT HULA SA TRIVIA

    Nakakapagtaka, nawala sa ere si royish gonzaga. I gathered from reliable sources na naaksidente pala sya duon sa bansang kanyang pinagtatrabuhan.. wag naman malungkot mga nagmamahal ke royish, as of this writing, he is okey. pagaling ka.. at baka ikaw lang makasagot sa trivia ni hepe_j8.

    happy birthday kuya noel aparejo.. thanks for blogging.. we really need your presence dito sa ating site.. may you have many more birthdays to come.

    MGA ALA-TSAMBANG SAGOT:

    1. daus-usin
    2. looban
    3. dolores cockpit, sa gitna
    4. aplaya
    5. dr romy estacio
    6. ramon cepidoza
    7. tetano
    8. her gonzaga
    9.kapitan isyo villadiego
    10. 1972 (hula)

  20. Bagets,

    Ayoko na sanang patulan yung comment mo, at ayaw mo ng argument, pero hindi ko rin natiis….

    Hindi ka ba nagbabasa?! Kaya nga nagbabalik-tanaw at nagbabalik sa alaala, kasi ang topic e “Calumpang Idols.” Hindi mo ba nabasa yung nakasulat sa taas na “Magbalik sa Pinanggalinan?” Naka-bold letters pa nga e! At ang purpose nga e nakasulat din – “Kailangan maipakilala sila sa mga kabataan ngayon at balik-tanawin naman sa kanilang kahenerasyon.” Tapos heto ka at sasabihin mong baduy, corny, bakya at cheesy ang mga comments?!

  21. Bagets,

    I know you cannot relate to this subject, but the topic here is the Pamana ng Calupang Idols and its about the pabalik sa pinangalingan. This is to remind us about the culture, tradition, personalities and history of those who live before us.

    You have a good idea, the editor in chief or maybe you can create a Topic that the young ones can blog and can relate to. kanya kanyang panahon lang yan whats IN today maybe Baduy Tomorrow.

    For me Im looking forward to know a lot of these legends here or some of the answer from the question of Hepe_J8 from some of the bloggers and also looking from some of your inputs for different topic for todays GenX so that future generation may know it also.

    peace and have fun

  22. Makinilya ni Ka Leo

    Ang romansa ng makinilya at ni Ka Leo ay isang “tough act to follow”. Hindi lamang dahil nagdala ito ng ‘logistics’ para sa pamilya at sa ‘advocacies’ ni Ka Leo sa sports at sa community. Kundi dahil ito ay hinubog ng disiplina ng peryodista at kadalubhasaan ng ekonomista.

    Inaanalisa niya ang galaw ng stock markets, kung papano ito makakaapekto sa pananalapi ng bansa at sa dulong-dulo ay sa bulsa ni Juan na lagi namang walang laman! Kung paano ang pagbahing ng merkadong Amerkano ay magiging lagnat sa Pilipino. Kung paano ang surplus ng Japan ay panawid buhay na ng industriya sa atin. Kung paano ang land policy ng gobyerno ay makakaenganya o makakadismaya sa maraming expats at balikbayan sa lupang hinirang. Ang kanyang insights ay nalathala ng Daily Star, Manila Bulletin, Fookien Times, Manila Inc, Foreign Correspondence Association of the Phils. at ng American Chamber of Commerce. Umabot pa sa Reuters, Sa Far Eastern Economic Review at kadalasan ay bilang syndicated articles ng London Economic News.

    Heavy ito para sa mga kababarangay na kilala ang makinilya ni Ka Leo sa benepisyong nabuksan nito para sa kanila: trabaho. Sa RMC, Litton, U-tex at iba pang textile mills, sa Universal Robina Corporation, sa Reynolds Aluminum, sa Central Bank, sa San Miguel Corporation at iba pang kumpanya. Ang mga nagkatrabaho ay may allowance kay Ka Leo habang wala pa silang suweldo. Bukod pa sa maraming natulungan dahil maalwang si Ka Leo sa mga nangangailangan. Thank you sa makinilya.

    May mga pases sa PBA games. Kahit ang may sinabi (read: may kaya) sa Binangonan ay umaamot ng libreng pases sa PBA kay Ka Leo dahil sa ring side ‘yon at may tatak na “press”.

    Kung susumahin, hindi ang makinilya ang pamana kundi ang pangalan at ang pagdadala ng legacy of that name. How do the siblings fare?

    May gumamit ng makinilya pero ang naging trabaho ay gawing mas dramatiko ang lahat (ng pagsusulat!) Ang libreng pases ay sa movies. May ibang tools of trade: engineering equipment, stethoscope, computer, adding machine. Ang mga connect at network nila ay nakatulong sa mga kabarangay. Sa kani-kanilang timbangan, the siblings aspire to make the father proud. Masaya na ang makinilya.

  23. KapJo,
    Pwede rin ang daususin, subalit datapuwat pag-sinabi mong daususin you are referring to Santong Amba (Kagawad Rene Apostadero) katapat nina Patri! Sa “kabilang dulo” ang CES, ewan ko kung saan ang dulo.
    Unang lehitimong taga-Calumpang na doktor? Dapat pala ang ginamit kong term ay taal na taga-Calumpang.
    Si Ka Nano Membrebe ang pumalit kay Kapitan Tancio Milagrosa!
    1968, sina Rosie Antazo ang unang batch sa CES. Kami ang unang gumamit ng kasalukuyang stage na ginagamit hanggang ngayon.

  24. Musing,
    Nakalimutan mo ang pases sa U.S. Embassy, tatlong beses akong nakapunta sa Embahada ng America para maki-celebrate ng 4th of July Celebration. Ang isa doon ay Bi-Centennial Celebration, maraming salamat kay Ka Leon sa isang mahalaga at hindi malilimutang celebration!

  25. hepe_j8:

    grabe ang memorya mo! as in.. salamat sa blogsite at nagkaroon ng outlet ang matindi mong alaala ng mahal nating barangay.. at salamat..marami kaming natututunan at ipagmamalaki..

    bagets..bagets.. saan kaya kayo kung wala ang mga seniors, anung bukas kung walang kahapon.. bawat bagay ay may dahilan at may katuturan.. galing din ako sa kabataan (paborito ko nga tung “forever young”).. but i strived to make my youthfulness meaningful and productive.. how about yours? please share it.. so that those who came before you at yung mga darating pa ay makasambot ng inspirasyon sa yung mga isusulat.

  26. pahabol ke hepe j_8:

    yung 1968 kc ang tanda ko ay yun ang simula na itinayo yun skul (nakita ko dun sa arko sa gate ng skul), d ko alam kung yung taon din n iyon e may gumraduate agad.

    yung stage ay hindi na po gnagamit, we will post yung bagong mukha ng ces, me covered pavement na rin plus covered stage na located perpendicular dun sa old stage.. ibang iba na ang itsura ng skul.. wala ng lumang structure..

    si ka nano membrebe ba ay nag acting capitan ng mabaril si kap tancio? kc my answer was based on the elected brgy captain after kap milagrosa at yun ay si ka patrick.. anyway.. i dont take your answers as gospel truth (with due respect) although ako ay natututo, di ko nalilimutan mag seek ng answers from alternative sources..
    keep those trivia coming.. it has the makings of a d2sacalumpang column.. by that time baka naman i-allow mo na ang madlang people kung sino tong hepe_j8 na paranga herodotus ng calumpang.. he he he.

    thanks again

  27. You know what.. I came
    across from the Internet “D2SACALUMPANG”..
    It’s very fun to read .. I do remember all those old pictures, names and places in particular Basketball teams of old days, 60’s, 70’s up to current. Medyo nalungkot lang ako ng makita ko ang picture ng Tiyo Lion.. I do remember when he was very active in such a sports like basketball.. Likewise those TAGA CALUMPANG
    who stay/live, landed job in abroad but
    unfortunately I can’t find MINE. Pero OK lang.. my query is who is the founder of D2SACALUMPANG ?
    I read HER’s name a lot..
    This is all for the meantime.. see you in Nov..

  28. To Bulinok,

    Iyong litrato mo ay kasama sa Calumpang Kong Hirang exhibit na ipapalabas nuli sa Ynares Covered Court sa October 17 at ililibot bilang travelling exhibit sa URSB, CES at Child Jesus PLS. Bidang bida kayo nina Tibong, Duming, Mands at Rey dahil hindi pa kayo kalbo nuon sa team ng Brod. Pag-uwi ay ima-mount ko exclusively para mapagtawanan mo. See you then.

    To: Tikbalang

    Hey,hey Tikbalang. Hindi naman tayo nagkagalit although madalas tayong magtalo sa isyu. Bakit ayaw mo nang mag-comment sa blog? Iniintay pa naman ni KapJo ang iyong malamang opinion. At ako nman ay naghihintay ng ka-argument. Joke lang. Blog ka uli. Promise, hindi ko na tutuntunin ang terminal mo. hehehe.

  29. Para kay Bagets;

    Naunahan na pala ako ni Dorothy at ni Roy. anyways, still heto ang para sa iyo: This tread is for balik tananw, balik ala ala so kung talagang di ka mag sesenti, magtatatawa ka or mamatay ka sa inis.

    And this is no argument. This is called Reminiscing. At sa sinabi mo na papunta ka palang dun . “Walang makararating sa paroroonan kung di lilingunin ang pinanggalingan.”

    Pagnakilala ka ng nanay mo sagot kita! mapalo ka sana. Ha! ha! ha!

  30. To hepe_j8
    Idagdag ko lang na si Teacher Tommy G ang isa sa may pinakamataas na boses (Tenor) dito sa Calumpang. Di pa uso noon ang karaoke, kahit walang microphone, ay kaya nyang makipagsabayan sa awitan, at magaling sya, ha.

    To Marc Jacobs:
    Salamat sa napakagandang trivia mo ke Ka leon. Maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakakilala sa kanya, hula ko isa na si bagets dun
    Idagdag ko lang na ang kotse ni Ka Leon ay palaging nahihiram bilang bridal car, kasama pa yun driver nya, libre pati gasolina. Ang tanging hiling lang nya ay pakainin ang driver na minsan pa nga ay nalilimutan ng kinasal, marahil dahil sa dami ng mga bisita

    To Bagets:
    Mukhang nagkamali ka ng pinuntahang thread Palagay ko ikaw ang matanda na at me alzheimer’s pa kasi bukod sa malabo na ang mata mo, di ka pa oriented sa pinasok mo. Napakalaki ng sign na ang Idols ay pagbabalik tanaw, kaya nga pabalik eh.
    Siguro maganda kung ikaw ang magsimula sa lahat ng papunta pa lang, para sa pagdating ng panahon mo bilang isang “idol” e me maisulat naman tungkol sa iyo.
    Ang cheesy, mais, bakya at baduy ngayon, ay ang pinakamaganda, pinaka class, pinaka “the best” kahapon. Sabi nga ni Kuya Kim, weather weather lang yan.
    Makilala ka sana ng nanay mo, para matulungan ka niya sa directional map na hinahanap mo.

  31. Lugaw ni Ka kandeng:
    Ang lugaw ni Ka kandeng ang ginawang “Cerelac” ng mga nanay sa kanilang mga anak nung araw. Halos lahat ng mga bata dito sa nayon ay lumaki sa lugaw ni Ka kandeng. Yun na ang kanilang agahan. Iyon din ang ipinapakain ng nanay ko sa mga anak ko pag nauwi sila ng Calumpang.Natandaan ko pa na sa halagang dyes sentimos e isang tasang lugaw na ang mabibili nun Napakasarap ng lugaw niya. Walang halong manok o itlog, hibe lamang, pero tunay na napakalinamnam.

  32. Ang Entrepreneur

    Hindi minibus lang ang pamama ni Ka Ponching Aparejo. Dahil ang kanyang business ventures ay isang rekwa. Magmula sa fish pen, gravel and sand, construction supplies, hallow blocks making, chairs and tables rental , flower shop at hanggang sa latest negosyo, ang Binangonan Memorial Homes, na bagama’t nasa Itaas na siya ng maitatag, ay bunga rin ng business sense na minana ng kanyang mga anak.

    Siguro, mas natandaan lang ang minibus dahil ito’y kakaiba. Nuong panahong ang patok ay minibus na humahagibis, ang Marsha Express ay slow but sure. Nuong ang in na drayber at konduktor ay pang-chicks, ang kay Ka Ponching ay pang pamilya. May sidebar, pang sports pa dahil softball players din ang ilan sa kanila.

    The ‘slow but sure’ paid off in investments and jobs for people. Soon one enterprise gave birth to another and employed more people whose families became the beneficiaries of the businesses.

  33. Koring,
    Sobrang salamat ng bongang-bonga sa mga mabubuti mong talata! Talagang dapat ay kumandidato uli ako sa pagka-kagawad pag-balik ko sa Calumpang kong hirang. Siguradong may isa na akong botong mag-mumula sa iyo. Sakaling manalo uli ako ay hindi na ako papayag na mapalitang muli ng just-just (basta basta)! Hayaan na natin kay Kapitan Jouhlan ang pagka-kapitan, tutal naman ay sobrang napaka-ganda ng kanyang ipinakikita. Salamat muli!

    forever 21,
    Hindi ko yata inabot na diyes ang isang tasa ng lugaw ni Ka Kandeng, parang kinse ang isang tasita (maliit na tasa). Masarap talaga lalo na kung pipigaan mo ng isang kalamansi at tatlong patak ng Rufina Patis.

  34. Ang Lolo ni Nikki

    Si Tatay Pons, ang lolo ni Nikki, ay bossing ng maraming business ventures sa Calumpang nuon.

    Isang malaking tao, may dumadagundong na boses, na sa isang tawag ay nagkakatulig ang mga driver at pahinante ng gravel and sand. Sa isang kumpas ng kamay ay naglalapitan ang mga trabahador sa hallow blocks. Sa isang tingin sa mga chairs and tables ay napapatiplag ang nag-aayos nito. At sa isang tango ay swerte na para sa suppliers.

    Pero para kay Nikki, ang makulit na one-and-a-half years-old na bunso nuon, si Tatay Pons ay isang doting lolo. Iiwan ni Tatay Pons ang pamamahala ng mga mekaniko, susundan si Nikki na ang playground ay ang maluwag na garahe, para punasan ang lumolobong ilong nito. Bagama’t bihis na bihis para sa isang business meeting, pag nagpabuhat si Nikki ay kukunin ito kahit na magusot at marumhan ang attire. At ang matitipunong bisig ni Tatay Pons ay madalas duyan ni Nikki bago matulog.

    Mahimbing ang bata sa dibdib ni Tatay Pons. Ni hindi niya mamamalayan nuon kung ano ang pinagsumikapan ng lolo para sa kanya, para sa kanila. Ang mga kabuhayang itinayo, pinalaki at pinalawig. Ang mga tauhan at kanilang pamilya na nabago ang buhay dahil sa mga negosyo ni Tatay Pons. Ang goodwill na napanatili sa mga customers at suppliers. At ang halimbawa ng entrepreurship na natutunan ng mga novice mula sa mentor. Mga inspirasyon na ang sumunod na generasyon ng Aparejo would be honored to share with everyone.

    Ang lolo ni Nikki, si Tatay Pons, ay lolo rin nina Japs at Neng, nina Junie, Emille at Bea, at nina Hana, Khey, Ivanna at Archard.

  35. isali nyo naman si ka Kabo aba, kahit nga ba tatay yan ng kapitan eh(he deserves to be in that line up). Isali din nyo yung nanay o tatay nung ibang kagawad. Halimbawa si ka Adela na nanay ni kagawad Bembol, High Definition ang boses nun kung baga sa tv. It will go like this ” ang high definition na boses ni ka Adela he he he. Isali rin natin si ka Emy…”ang mangkukulot ng mga belyas (read: mananayaw, sa saloy ng maharot na himig) sa looban” he he he uli.

  36. Koroks,
    Hi!
    Kung me lang ang masusunod, ang dami kong gustong isali sa idols. Kaya lang ang screening komite ay nag-decree na dapat lahat ng idols ay nasa ITAAS na. Ang nasa Lupa ay mga Movers & Shakers ang kategorya.

    Pero I would love to put Nanay Emy sa short list if only because nuong araw, ay ayaw kaming pakulutan ng lola ko kay Ka Emy dahil baka daw mapagkamalan kaming belyas! Illusyunada kasi ang lola ko. hahaha.

  37. oo nga namn, nalimutan ko ang tatay ko.. pero dun nga sila sa ibang kategorya.
    suggestion ko: ‘HIRINGGILYA NI KABO” mabasa sana ng mga kapatid ko at sila ang mag develop.. paging jamokee.. ikaw rin laang ang nakamana ng upisyo ni tatay, kaw na ang mag ambag ng write-up..thanks koroks.

  38. Dasal ni Ka Isang

    Si Ka Isang nuon, ay tila may hotline sa heaven.

    Kung bibilanganin ang mga kaluluwa na naiahon ng dasal niya mula purgatoryo hanggang sa langit ay baka kailanganin ni San Pedro ng dadag na abacus kasama pa ang mga daliri sa kamay at sa paa ni San Miguel Archangel. (sana po, ang paghahambing na ito ay hindi blasphemous!)

    For indeed, this prayerful woman, (although not in the league of Cory Aquino’s piousness), had triumphed over odds through her prayers. She was then a widow with 11 children and counted only on her sibling’s help and her older children’ sacrifice to get life going. Prayers and hard work, plus the family’s one-for-all- and- all-for–one-support sustained them. Thus, all her children became professionals in their respective fields earning for her the accolade of Ulirang Ina and matriarch of a family of educators.
    Feliza Gonzaga viuda de Perdiguerra, pinagpala ka talaga!

    Advocacy time, Ka Isang organized a brigade of babaeng magdadasal, mostly mga balo at may edad na, whose battle cry is to pray for the souls in purgatory. Lahat ng namatayan, (well, almost) pasiyam, pa -40 days, pa-isang taon, pa-nth death anniversary ay dinadasalan ng kanyang mga suldados na ang tanging probitso ay libreng lugaw, pansit, menudo, o kung anong handa ng maypa-okasyon. Libangan para sa mga matatanda na nais patunayang may silbi pa rin sila.

    Taga-dasal din si Ka Isang para sa mga balo sa buhay o iyong iniwan ng asawa, gayon din ang inaapi at walang swerte sa asawa. Kaya lang, tila sa departamento ito ay lagot ang hotline sa heaven. May mga dinasalan siya nuon na hanggang ngayon ay wala pang sagot! Mahabaging Lumikha must be saying, “Well, you cannot have all the blessings.”

  39. Katanungan mula sa Peanut Gallery
    (O iyong mga nagtatanong habang kumakain ng mani at nagkakalat ng balat, ng mani siyempre)

    1.Bakit naman puro Go.., Ap… at Ar.. ang mga idols? Nang magsabog ba si Bro ng talent, sipag, at diskarte ay pawang sila lang ba ang nakasalo ng batya-batya?

    2.Ano ba itong Pigsa Sisterhood at tila iisa yata ang trend/tread/thread of thought? Magkakapalit-palit ba ang tatlo? Tago na at baka sumugod ang mga mandirigma! Hahaha!

    3.Anong brain vitamin kaya ang iniiom ng mga men bloggers (roy, korokan, hepe_J8) at as in very accurate ang kanilang memorya to the last detail?

    4. Bakit wala pang kwento ang mga taal na taga-Calumpang sa Saudi, America, Canada, England, among others?
    Veni, Joeval, Rheman, Camboy, Fer, Ramon, pabahagi naman ng Buhay Saudi.
    Estela, Bonnet, Cecile, Rod, Connie, patawa naman o pa-emote ng karanasan d’yan sa lupang pinagpala. Gayon na rin kina Jeremy at Eddie, mga Apostadero at mga Apostadero pa. Punan naman ninyo ang sanaysay ang Hi-fi ni Ka Tino at Araro ni Ka Indo.
    Merville, ayain mong magkwento mga taga-Canada. Kahit is Buraot at Baog, na matalim mang bumanat ay kaya naman ng aming kalasag. Sa true lang, challenging siyang ka-argument.
    Danny Boy, Ning at Mer, Brod Tibong, Bardo at Betot, Noy at Mando, aba’y itayo ang bandera ng Berde, Dilaw at Asul.
    Makarinig naman sa England – kina Dada at Bombi, Metcho, pati na rin si Alice.

  40. Sa Kinauukulan:
    Pacenciya na busy. I’ve been doing this since last week. Salamat kay Tiago at Koring. Me pasimula na.

    Sa mga taga Peanut Gallery:
    ABA! wag kayong magreklamo kung puro kami yung nakasulat.MAGSULAT kayo ng inyo. Bigyang halaga ninyo yung mga kamag anank ninyo at wag ninyong bilangin ang aming artikulo, duhil kung susumahin, kulang pa ang blog na ito para sa dapat na isulat sa aming idols.

    Heto pa ang isa: Kay Ka Ponching yun!
    Bus ni Ka Ponching, sus! puro kulay pula, Basta parating na alam mo ng Marsha Express, kaya para di nakakahiyasa driver, talikod ka na lang, kunyari me hinihintay ka pa, para di tumigil sa tapat mo, kasi nga ayaw mong sumakay. Una, mabagal ang takbo, pangit ang sounds,karamihan pa ng sakay matanda at my mga bitbtit na kaing, papuntang Divisoria o Taytay kaya. Pero kung sa Uste ka pumapasok direcho na yun kasi daang Governor Forbes ang biyahe.( ewan ko lang kung yun pa ang pangalan ng Street ngayon.)Bihirang mga kabataan ang sumasakay nunsa mini bus ni Ka Ponching( mga lolo at lola na sila marahil ngayon, buti na di pa ko kasali dun.)dahil nga sa di yun in sa mga estudyante nung araw. Pero kung wala ka ng pera, pwede ring libre kung kilala mo ang driver at konduktor, member ka ng kamag anak incorporated, or pinakamalupit, yung boyfirend mo ang isa sa anak ng may ari.

    Siguro 1984, tumigil na ang biyahe ni ka Ponching. Dahil nag boom naman ang kanyang Big A&A. Marami ring na create na trabaho si ka Ponching dito member ng kamag anak inc o hindi, basta willing and capable of the job okey sa kanya. ang amga tauhan niya ay masasabing from one generation to the other, kasi hanggang ngayon mga anak o apo ng dating magtratrabaho niya ang nadun pa rin hanggang ngayon.

    Syang lang at di na niya inabot ang Binangonan Memorial Homes, na pinasimulan ang kanyang maybahay na si Ka Emy, na pinagpatuloy naman ng kanyang mag anak at manugang. Ang mga mangagawa, yun pa ring dating mangagawa nila.

    Bagong pagkakakitaan man o hindi ang lahat na iyon ay nasa loob ng Big A&A compund. Isang compund na mula ng pagkasilang ni Nikki, Neng at Japs (pahiram muna Tiago ng article mo)ay dun na lumaki hanggang ngayon, nandun pa rin yung compound na yun.

    Sana mapanatili hanggang sila ay magka apo. How about a raise bossing? or sarapan mo naman ang padala mong buro, walang isda, yung balaw balaw naman ang asim.

  41. Pareng DKNY,
    hinay hinay lang, mukhang hanap kagalit ang iyong panulat. Baka magkaproblema si Koring di na pumabor ang mga stars sa kanyang constellation at di na siya makaalis sa kanyang orbit. Eh! nadapa daw ang sisterhood of the boils bahang dala dala ang nakabaligtad na payong. Tumapon. Meron sigurong natira, hati hati pa sila. Bwa! Ha! Ha! Ha! Ha!

  42. SINO ang Number 1 fan ng basketball sa calumpang…lalo na pag may Inter barangay…SIEMPRE.. SI ka ANING..(nanay ni Semi mantika at ni Exie..)

  43. No personal attacks, please!
    Purpose po ng blog ay ibigay ang inyong kuro-kuro ayon sa isyung pinag-uusapan.
    MTRCB Chairman/woman, gamitin ang gunting at putulin ang hindi kanais-nais na lathala sa d2sacalumpang blog!

  44. Sa kinauukulan:
    Wala po akong ibig sabihin sa aking sinabi sa Peanut Gallery. Sinagot ko lang ang kanilang mga puna. Hinihikayat ko rin na isulat nila ang tungkol sa kanilang ka angkan na idols. Hindi solo ng ilang pamilya lamang ang idols. Lamang, ang mga kaanak ng pamilyang yun ang masipag magblog.
    Marami pong nagsusulat din ng ibang pagpuna, kuro-kuro at pagbatikos pa, pero yun ay hinahayaan nating ma i post dito sa blog .Nangangahulugan lamang na may demokrasya ang blog na ito. Wala akong personal attacks dito. Kun meron mang na offend, pasensya na po.

  45. Kasamang Noel,
    Sinabi ko lang na mabibisto ang edad ko dahil talagang dyes sentimos ang inabot kong presyo ng masarap na lugaw.Kun kinse inabot mo, ibig sabihin talagang mas matanda ako sa iyo ha ha ha.
    Kapjo, alam mo naman ang paghanga, at pag respesto ko sa iyo at sa iyong mga salita na nakakahagod sa pagal na damdamin. Wala na akong nais idagdag pa.

  46. Kumpareng R. Cavalli.
    Hindi naging patas ang hatian ng sisterhood of the boils sa natirang laman ng nakabaligtad na payong. Har har har har har

  47. Joy,
    Hindi si Ka Aning ang no. 1 fan ng Calumpang Team! Nag-simula lamang si Ka Aning noong taong 1977, inter-barangay sa San Juan na paliga ni Boogie Apostadero. Naging die-hard fan siya noong din mag-simulang mag-laro si Semy ng basketball.
    Si Ka Iyang (Bangge) Aran na Nanay ni Pareng Eddie Santol ay fan na simula pa noong softball pa ang laro sa Calumpang, bago pa mag-karoon ng basketball team sa Calumpang!

    forever 21,
    Inabot mo rin siguro ang kapihan ni Epang na kapatid ni Kasamang Tommy Geneblazo at kainan noong araw nina Mando Pereira (doon ako unang nakatikim ng mami!) Talagang matagal na yon dahil hindi ko na natatandaan ang mga presyo.

    Nalilimutan natin ang barberya ni Ka Senyo Lirio na tatay ni Ric batok na kapatid ni Bikay na asawa ni Daniel Asuncion. Ang isa sa barbero niya noon ay si yumaong Ando Manalo na kapatid ni Ige Manalo na ang bahay ay sa tapat nina Etot Gervacio. Forever 21, siguro naman ay natatandaan mo ang mga sinasabi ko!

  48. Kumpareng Noel,

    wala namang personal attacks si Pareng DKNY,wala namang personal na pangalang binanggit, dito sa ating palitang ng kuro kuro, “Tamaan ay wag magalit, bato bato sa langit.”

    Masyado lang hot si pareng DKNY. Mukhang di nga pantay ang hatian. So, my apologies sa mga tinamaan. Bwa! ha! ha! ha! ha!(sound ng HD ang tawang iyan, ayon kay pareng Korokan)

  49. Chef,

    Konting tanong lang, akala ko ba lahat lang nasa itaas ang kasali sa idols, bakit meron ang lamok ni Tugo? Buhay pa yun ah!( mukhang meron na talagang nakuhang hatian ah! balato naman diyan). I would love to write something about Patri,(not Patrick) pero wala pang column ang shakers o shocking!

  50. Parang mas gusto ko yatang no.1 basketball fan si Ka Iyang Aran. Ano sa palagay mo Joy? Kasi bata ka pa nun kaya di mo pa inabot na nanonood at nag cheer si Ka Iyang.

  51. Isa pa sa mga die-hard fan ng Team Calumpang ay si Ka Disyang na nanay ni Turing at Junior (kapal) Gascon. Hindi lang siya sa basketball, pati sa softball ay makikita mo siya na nanonood at nangangantiyaw!

  52. Ang Lugaw ni Ka Kandeng

    Di pa man uso ang Goto Heaven at ang ChowKing, si Ka Kandeng ay may lugaw na sarap-busog-lusog! Ke isang tasang malaki pa iyon o tasitang maliit, ke diyes pa iyon o kinse, ke may patis at kalamansi pa iyon o plain lugaw lang.

    Super in ang lugaw bilang Cerelac para sa bata. Patok na soft food para sa matatandang me ngipin man o wala. Bongang-bonga almusal o miryenda sa mga bagets na naubusan ng pagkain sa bahay.

    Hindi ang hibe ang nagdadala ng sarap at linamam sa pamosong lugaw, kundi ang sangkap ng pagmamahal na siyang ibinubuhos ni Ka Kandeng sa bawat luto. Ang pagprepara mula sa paghuhugas ng bigas hanggang sa paghahalo, para tamang-tama ang lapot nito. Ang paghihimay at paglalahok ng rekado. Ang lahat ng iyon ay mula sa ina na ang layon ay maghain ng ‘pinaka’ sa kanyang mga anak at sa marami pang taong sa kanyang luto umaasa.

    Ang lugaw ni Ka Kandeng ay kanyang paglilingkod na ni hindi man lang na-acknowlede o na-recognize ng mga lumaki sa kanyang luto. – ang lugaw ng kanyang pagmamahal. Salamat po, Candida Peraira Villamayor!

  53. Mga Dakilang Miron

    Sa pelikula ay may dakilang fans na susunod-sunod sa kanilang idolo. May stage mothers na laging nakaalalay sa kanilang anak na artista. Dito sa Calumpang nuon ay may tatlong malalaking Miron (sa timbang at presensiya).

    Laging nanood kada laro, basketball man o softball at nagsisilbing lucky charms ng koponan lalo na sa inter-barangay o inter-commercial leagues.

    Sa ranggohan, una na si Ka Iyang Aran, ang one-woman cheering squad ng asawang softball player, si Ka Inte at ng mga anak na Narge, Jeppy at Eddie sa basketball. Pangalawa si Ka Disyang Gascon para kay Kapal at Turing. At pangatlo si Ka Aning para naman kay Semi.

    Pag nakasama-sama ang tatlo ay RIOT. Sumigaw! (makabasag eardrums) Kumakantsaw! (nakakapikon) Kumakanta at sumasayaw! (daig pa ang libreng intermission kada time out sa basketball). Kinaiinisan ng miron ng kalabang koponan, habang pampalakas loob naman para sa kakampi ng Calumpang.

    Pag nalalamangan ang Calumpang ay hihirit si Ka Disyang “Gising mga Bata!” “Hehehehey!” sigaw ni Ka Iyang. Habang si Ka Aning ay iindayog ang kanyang malapad na balakang sa saliw ng palakpakan ng mga manood. Entertainment talaga! Parang hamon sa mga manlalaro na “nadito kami, nakasuporta sa inyo kaya huwag kayong magpapatalo!” At kadalasan, hindi naman sila umuuwi ng luhaan. Si Ka Iyang ay nabigyan pa ng parangal ni Gov. Ito Ynares bilang best miron.

    Wala na ang mga dakilang miron ngayon. Nagtayo daw ng cheering squad sa langit. Dito sa Calumpang ay wala pa silang kapalit. Nakakamiss!

  54. korek ka yo dyan.. bata pa ako nun..Si ka aning na lang Inabot ko. pero oo nga nanamiss ang mga best miron and comedian ng calumpang..

  55. Na extra sa wowowee and mga student ng Binangonan university…may nasali pa sa bigatin….MGA ASTIG….

  56. DAGDAG LANG SA EDDIE
    Edding hika utol ni jun tibong na tiyo ni kag.Toing bukol.Edding kulawit,edding panis na utol ni moring ulo at si boga ang alam ko eduardo perez sr

  57. Mickey,

    Hindi maubos-ubos ang aking tawa sa dagdag mo sa Eddie.

    Pero parang hindi pa rin nasama si Edding Tano, na kapatid ni Greg de Castro.

    Ang sumulat ng artikulo tungkol sa Eddie ay hindi alam ang kanyang pinasok. Dahil marami pang Edding mahuhukay.

    Thanks sa info. It means only one thing: may nagbabasa pala sa aming inilalathala. Lumulutang na naman ang aming diwa… sa saya!

  58. chef,
    talagang masaya satin nakaka miss talaga.lalo na sa tambayan palipas oras baga at laking tawanan kung tatawagin mo ang tao sa kanyang bansag tulad ni rudolf itim sabay bawi si rudolf ng dirty white daw karamihan satin na may bansag ay may kontra sila talagang nakakatawa tulad nalang nina{yung alam ko lang ha}

    {kotra nila}
    1.Jessing kambing=tupang tagalog
    2.Landong baluktot=pilipit
    3.Raming karpa=bighead {driver ng marsha}
    4.Berting lawit=nakabitin
    5.toning bayawak=butiking malaki
    6.ang mga butse=siopao na pula
    7.kokoy kulangot=muta sa ilong
    8.edding baby= biik
    9.danteng payong=salakot
    10.ronald surot=anay na pula
    11.29 ng laspag=28 e medya
    12.turing babaw= pantok
    13.edding santol=sunkist

    yung iba di ko na matandaan pero ang pinaka matindi ay kay obong tisoy ang kalang de uling gagawing kalang de baga ang linggo gagawing sabado ang caroling nga sa kanya ay ang pasko daw ay umawit ha ha ha ha talagang napaka saya sa aking barangay maraming salamat muli chef babalita na lang kami. God bless you always

  59. Ay naku, Mickey!

    Hindi mo lang alam kung paano ako kinabagan sa katatawa sa iyong “kontra nila”.

    Tingnan mo nga naman, sinong mag-aakala sa tila simpleng pagkatao ay may itinatagong palang funny bone -just waiting to be cracked.

    At ako’y naaaliw. Ang tatay mo ay napaka-serious. Ikaw naman ay napaka-kenkoy. Hindi kaya your living up to your moniker – Mickey Mouse?

    O siya, iyang mga pampatawang iyan ay isasama natin sa aklat ng Calumpang. Masayahan naman ang magbabasa.

  60. mga manlalaro.
    hindi nyo ba na aalala ang best miron at
    ang naghahagod ng mga na i sprain na manlalaro ng calumpang. siguro kilalang kilala niyo yan, bakit tila nakalimutan na yata

  61. Patits,

    Unique name. May artikulo tungkol sa dakilang miron sa Kakaiba ka Calumpang. Sama-sama na sina Ka Iyang “Bangge” Aran, Ka Disyang at Ka Aning. Hindi nga lang nabigyan ng angulo iyong pagiging maghahagod ng sprain ng mga manlalaro si Ka Iyang.

  62. Mickey:

    salamat sa mga ambag mo.. sadyang nakakaalis ng pagod. mag ingat k lgi.. dito lang kami sa Calumpang nating Hirang..

  63. Magangadang araw po sa lahat ng taga calumpang ako po taga Darangan kung sino man po ang gustong magpagawa ng website kaya ko pong ibigay sa mas mababang halaga, just text me to my #09102480840 or email nyo ko sa rodel829@yahoo.com. Pede rin po kayong magpagawa ng programs gaya ng payroll system, accounting system, billing systems, and even schools enrollment system. Basta kaya ng budget nyo at kaya ko rin ang presyo nyo OK po tayo, sige po hane…..thanks po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s