Empowering Leaders

Magdiwang

Empowering Leaders

          Isinelebreyt ng Mga Action Groups Dapat Itaas Wagas Ang Nais Gampanan (MAGDIWANG) ang International Women’s Month nitong Marso sa pagbibilang ng kanilang biyaya.
          Ilaw ng tahanan bilang asawa, nanay, ate, tiya, o babaing anak, sila rin ay light bringers ng barangay bilang pangulo ng samahang kapitbahayan sa kanilang purok. Takbuhan ng nanga-ngailangan, taga-request sa barangay, taga-monitor ng kapayapaan at kalinisan, tagapaghatid-impormasyon ng pamunuan – mga gawaing binibigyan ng panahon habang full time nanay, negos-yante o working mother.
          Naglilingkod ng walang probitso kundi “feeling good”, “nakakatulong”, “nakakalibang”. Minsan may messianic undertone, “ang buhay ay may halaga kung ibinabahagi sa iba”.
          Nahasa ang kanilang leadership skills sa pagsali sa mga projects tulad ng Lakambini ng Calumpang, Komite de Festejos, Arc Making Contest, Barangay Solid Waste Management Group, pabasa, fund raising sa bingo socials at sa binubuong kooperatiba ng Barangay.
          Bigyang pugay at suporta ang MAGDIWANG – Melani Villaluna, St. Claire, president; Mila Arabit, Hi-way, trea-surer; Gliceria Bautista, Alcantara St, vice-pres.; Ma. Theresa Agon, New Lozana; Nida Parungao, Lorecom, asst. sec.; Nida Sio, Picones Comp.; Violeta Musa, Matikiw; Maribel Jaurigue, Sambukluran, secretary; Millet Membrebe, Antazo St.; Melinda Quito, Pritil, p.r.o.; Melanie Tangonan, Heartstart; Maria Andaya, Aramil St. at Luzviminda Catarig, asst. treas.
Ang mga lalaking Magdiwang ang working partners at sandigan ng empowered women. Benjamin Ubaldo, Neighborhood, executive vice-pres.; Elmer Cerda, Magdaragat, stg. at arms; Carlos Catarig, Looban 1; Edgardo Certeza, Pulong Bato, auditor; Tony Mateo, Senior Citizens; Pastor Ramos, Cadiente Comp.; Albert Sta. Ana, Hinayon Ext., p.r.o.; Renato Oregas, Asac; Gil Versoza, Reyes Comp. at Joel Idioma, sgt. at arms.
          May dagdag – pangulo ng bagong samahan: Genaro Non ng Laspag at Clarita Bautista ng Saperia.
          Lumalawig, lumalakas ang Magdiwang!

3 thoughts on “Empowering Leaders

  1. Me nadagdag na naman sa roster ng mga samahang kabalikat natin sa pamamahala ng ating barangay:
    1. sysna – Pangulo Benjie Ocampo
    2. interior cable way – Pangulo Marlon de Leon

    noong agosto 8, magdiwang ang namahala ng ballroom for a cause sa gabi ng inagurasyon.

    good luck sa Magdiwang at sana ay wag kayong magsasawa sa pagtulong sa Calumpang Nating Hirang!

  2. Para kay kapatid:
    Pagaling ka brother
    Miss ka na ng bloggers
    Hot pa naman ngayon ang usapan
    Hindi intriga kundi alaala
    Kung saan mayaman ka.

    Para kay Kaibigan sa malayo:
    Malayo man ay malapit din
    Pagbati ay makakarating.
    Sa paghakbang sa kalahating siglo
    Sana’y mas maganda pa ang maabot mo.

  3. kahapon ang presentation ng lakambini ng calumpang. nagpakitang gilas din ang bagong bagong samhan, SAMAHAN NG MAGKAKAPITBAHAY SA ARALAR COMPOUND (SMAC), PANGULO- Marites Sistual

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s