PINGPONG DIPLOMACY

PINGPONG DIPLOMACY     by: Kap Jolan Aralar

    Napakalaking bagay ng ping-pongan kina Kap. Jolan.  Ang mga ibig mag-pingpong, of all ages and persuasions, ay dito mo matatagpuan.

    Mga taga-Pritil: headed by Manny de Leon, Bambex, Taba, at Jeff, minsan si Jun, Boy T. at Boyet. Madalas sila dito, kung minsan nga ay gabing-gabi na. Dito lang daw tumatagaktak ang pawis nila ng sobra-sobra. Papawisan ka talaga sa walang katapusang kantyawan!

    Pinakamaaga ang grupo nina Eric Calim at Tom Cebrero, kung minsan si Caloy Gonzaga at Cacho Villadiego. Mukha ngang kinareer na nila ito mula ng makita ang pag-husay ni Edmark Basino. Tulo pawis talaga dahil suot sa lamesa ang pustahan. Bihira ng mapunta ang dati ay masigasig na si Abrogar, siguro ay tinablan sa kantyaw ng mga kabataan (he.he.he).  happy face

    Napakagaling naman ng magkapatid na Pogi at Joseph Celebre. Ibang klase ang dedikasyon nila sa paglalaro at kitang-kita mo ang kanilang kagustuhan na magturo naman sa ibang mga kabataang napapadpad dito.

    Kagulat-gulat ang husay ng mga taga-Alcantara na sina Bobby Florentino at Joel Cruz. Isang magaling dumipensa at isang napakahusay umatake. Pag may panahon, inaabot sila dito ng madaling-araw.

    Sina Christian Lozada at Jasper Gadiano ay di rin pahuhuli. Sila man ay may mga pagkakataon na dito nagpapapawis at nananalasa ng kalaban. Grabe ang galing ng forehand drive ni Christian. Napasyal na rin dito sina Petong Bautista at Ferdie Siongco.

pingpongan ni kapjo

    Would you believe? Si Hepe Joel, si Dep Elmer, si Bajek, si Ka Anok, Ka Oca, at si Ariel na taga Laspag ay naglalaro din sa pingpongang ito?

    Sina Jomar Dominguez, Joel Sta. Ana, Toytoy dela Cruz, at maging si Ian at Itlog dela Cruz ay suki din dito. Magagaling at tinatayang may kinabukasan sa pingpong. Sumisibol na-man si Ansing, anak ni Melot at si Kim, anak ni Josie. Kinakakitaan sila ng mataas na potensyal.

    Hindi kumpleto ang cast pag hindi nasulat si Raprap, pamangkin ni Tom at si EJ, anak ni Empey. Mahuhusay din sila lamang ay nalilito kung ano ang uunahin: pingpong, basketbol, o pagsasayaw. Ang magkapatid na Elay at Dyan, si Angela, anak ni Tumble Down, si Saye, anak ni Sig, si RV, anak ni Obet, at maging si Jameena, panganay ni Jamok.

    Ang Aralar Family: mula kay Ka Kabo, Sig, Nerraw, Kap mismo, Venil, Anchie, Jamok, at ang bunso nilang si Paknot. Si Ka Nomet na lang ang hindi marunong sa buong pamilya.

     Si Ka Fred Gaytano, isa sa mga taga-tangkilik ng pingpong at past President ng Binangonan Table Tennis Club ay nadadalaw din sa pingpongan pag weekends. Si Michael Reyes, swimmer, ay pumupunta at nagpapapawis din sa laruang ito pag may pagkakataon. Ang premyadong si William Villarin ng Barangay Macamot ay ilang beses na ring pumalo sa pingpongan.

    Salamat kay Coach Norman ”Paknot” Aralar at naparating dito sina Philippine Team member Leonard de Leon at Philippine Junior Team member JM Vista.

    Higit sa sports, maganda ang resulta ng pingpongan. Dito napag-uusapan ang mga usaping pambarangay, dito tu-nay na nagkakaroon ng ka-isahan ang mag-kakabarangay, dito mas umiigting ang tibay ng suporta sa mga kabataang manlalaro.

    Normal ng usapan dito ang, “Uy, may pasok ka pa, isang laro ka na lang”, o kaya’y, “mahaba na ang buhok mo ah, pagupit ka naman”. Mga salita ng pag-alaala, malasakit sa edukasyon, kung minsan ay meryendang bigay ni Kap Jolan. San ka pa? Only in Calumpang!                           (Kap. Jolan)

One thought on “PINGPONG DIPLOMACY

  1. PEKTUSAN SA CALUMPANG
    Ito yung unang pingpong tournament na sponsored ng barangay Calumpang. Di pa natuloy ang bracket A pero tapos na ang brackets b at c.
    Eto ang mga resulta:
    Class B
    Champion- Rolly Espiritu
    1st runner-up- Nikka Bitong
    2nd runner-up- Edmark Basino

    Class C
    Champion- Ralph Quelly pamangkin ni Tom Cebrero
    1st runner-up – Joseph Celebre
    2nd runner-up – RV Tollo

    hopefully sa inagurasyon ng covered court ang awarding ceremonies

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s