bukas na liham sa minamahal naming sanguniang bayan

BUKAS NA LIHAM SA MINAMAHAL NAMING SANGGUNIANG BAYAN

    Nagpapasalamat kami sa inyong Kapasyahan Blg. 2008-104 na pinagtibay nuong Nobyembre 19, 2008 at nagmumungkahi kay Punong Barangay Joulhlan Aralar na ipagpatuloy na lamang ang pagpapatayo ng “Covered Court” sa Pritil ng Barangay Calumpang.

    Subalit hindi po ito ang pagkilos na inaasahan namin sa inyo.

    Lumapit kami sa inyong tanggapan, humihiling na tulungang maiayos ang problema sa pagmamay-ari ng lupa sa Cableway ng Calumpang na lugar ng lumang basketball court at siyang isinusulong namin na pagtayuan ng covered court. Kayo ang may ideya na gawing “test case” ang aming barangay para sa pagsasabatas ng solusyon sa maraming kaso ng lupang nuon ay idinonate ng namayapang may-ari sa pamahalaan at matapos tayuan ng pampublikong istruktura ay hinahabol ngayon ng ilang tagapagmana. Ang Kapasyahan Blg. 2008-104 ba ay “short cut” sa pangmahabaang solusyon?

May Pagtutuwid

    Ang lugar sa Pritil ay pag-aari ng Laguna Lake Development Authority. Kung mabubuhos ang malaking halaga (dalawang milyon sa limang milyon na pondo) sa pagtatambak sa bahagi ng dagat, walang kasiguraduhan na sa daku duon ay hindi magkakaaberya ang lupa. Dagdag pa dito ang paglutang ng istruktura sa tubig, ang masikip na daan patungo sa lugar na kahit ang truck na magdadala ng panambak ay hindi kakasya, ang maraming bahay na masasagasaan, at ang, the least of your concern, kawalan ng parking area. Wala pa dito ang proposisyon na hindi covered court ang kailangan ng mangingisda sa Pritil.

    Tutoo, pito sa Barangay Council ang gustong sa Pritil matayo ang covered court. Sila ang “pitong bayani” laban sa “dalawang kontrabida”. Pero iniakyat ng mga kontrabida ang usapin sa mataas na korte: ang taumbayan. Mula sa sulok ng Matikiw hanggang sa tuktok ng ASAC, mula dulo ng Saperia hanggang gitna ng Hi-way, 80% ng nakonsulta ang naglagda ng kanilang pangalan at nagtaya ng kanilang paninindigan:

    “Ang pagpapasya kung saan itatayo ang covered court ay usapin ng buong barangay at hindi lamang ng mga taga-Pritil.”

    “Ang pagpapasya ay hindi karapatan lamang ng nanunungkulan kundi ng taumbayan na nagluklok sa kanila sa puwesto.”

Historically and Technically Ours

    43 taon nang pag-aari ng taumbayan ang lupa sa Cableway. Tatlong he-nerasyon ng bawat pamilyang manglalaro ang may love affair sa basketball court bilang laruan, sayawan at meeting place. Kahit na walang bubong. Kahit na baku-bako ang flooring. This is the court of their affections.

    Itinakda ng Municipal Assessors Office ang lupa bilang undeclared property at pag-aari ng Munisipyo. Dahil pag-aari ng gobyerno napondohan ang una’y pagpapagawa at ikalawa’y pagre-repair ng basketball court dito.

    Nakatala sa CENRO at may documental support na ang lupang ito ay labas sa pag-aaring hinahabol ng tagapagmana ng nag-donate ng lupa.

    Ang tanging naging balakid ay ang pagbibigay ng Tax Declaration ng OIC ng Provincial Assessors Office sa naghahabol base lamang sa kulang na papeles at sertipikasyon ng dating Punong Barangay nang walang pagtitibay ang mga Kagawad.

Gob. Ito,  Mayor Boyet, at ang Pilosopong Tambay

     Ang dating Governor Ito Ynares Sr., na siyang naglaan ng pondo para sa covered court, ay pumabor sa Cableway matapos timbangin ang argumento  na may merito at kunsiderahin  ang ebidensiya na may sustansiya.

     Bago pinagtibay ni Mayor Boyet Ynares ang Kapasyahan Blg. 2008-104, siya’y humukay muna ng malalim tulad ng isang treasure hunter, di mababaw tulad ng manok na nagkaykay lang ng pagkain o ng pusang nagtabon lang ng dumi. 

     May pasubali  sa  mga  Konsehal  ang Pilosopong Tambay ng Calumpang:

    “Kung tunay na sa mga pulitiko ay dapat walang masamang tinapay,

     Ano’t inyong iniwan ang mamon ng karamihan para sa biskotso ng iilan?”

Signing for the Basketball Court of Our Affections

    Kap. Jolan Aralar, Kag. Her Gonzaga-Galang, 10  Lider ng Basketball Teams, 22 Pangulo, Samahang Kapitbahayan at 2,000 Calumpang Residents.

angels

17 thoughts on “bukas na liham sa minamahal naming sanguniang bayan

  1. “Tutoo, pito sa Barangay Council ang gustong sa Pritil matayo ang covered court. Sila ang “pitong bayani” laban sa “dalawang kontrabida”. Pero iniakyat ng mga kontrabida ang usapin sa mataas na korte: ang taumbayan. Mula sa sulok ng Matikiw hanggang sa tuktok ng ASAC.”

    Ow!!!! …Ay kung ang kagustuhan ng dalawang kontrabida ang nanalo sa botohan, iakyat kaya sa mataas na korte? Huwag na ninyung linlangin ang mga kagawad ninyo. Sa simula pa lang luto na iyan, na sa dati iyan itatayo. Binabaraso ninyo ang kapwa ninyo nanunungkulan. At ano ang pruweba ninyo na totoo ang mga pirma na iyan. Salagay pala ay hindi final ang botohan sa konseho. KAHIT PALA PAGPASYAHAN SA KONSEHO AT HINDI AYON SA KAGUSTUHAN NG DALAWANG KONTRABIDA, AY DADALHIN SA TAUMBAYAN. Mga kagawad rebyuwin ninyo ang Local Government Code, baka napapalusutan kayo ng dalawang kontrabida.

  2. Once more, the tyranny of the minority has reigned and the Rule of the Majority has been ruled out.

  3. Kay Baog , kay Pirata at kay Buraot:
    Iniimbitahan kayo ng Department of Interiors and Local Government para sa isang seminar on democracy na tatalakay sa mga katanungang:
    1. Kaninong kagustuhan ang dapat na nakatataas- ang sa inihalal(council) o ang sa naghalal (taumbayan)?
    2. Paano malalaman ang sentimyento ng taumbayan? Sa pagkikipag-uganayan ba sa isang bahagi lamang ng barangay o sa pagkonsulta sa lahat ng bahagi ng barangay?
    3. Kung manipis ang linya (thin line) na naghahati sa pansariling kapakanan at pambayang kaayusan, paano ito makikita ng isang nanunungkulan?

  4. Para kay Pirata at Buraot din ang tanong kong ito! Sino ang dalawang kontra-bida sa proposisyon na itayo ang court sa Pritil?
    Si kagawad Her ang una, sino naman ang pangalawang kontra-bida?

  5. Para kay buraot:

    wala pong palusutan na naganap. hindi pwedeng ipalusot ang pito kontra dalawa. ang kanilang pagtanggi po ay hindi pormal na naidaan sa sesyon dahil hindi nila inihain ang kanilang proposisyon. Kung may mga kakilala po kayo sa mga tinutukoy na kagawad ay pwede nyo pong maitanong sa kanila.

    siguro ay talagang hindi mo masyadong alam yung context ng isyu. kung iyon po ay tyak ng doon itatayo sa dati, disin sana’y hindi na nagpakahirap na magkonsultasyon at magpaliwanag ang inyong lingkod. ang pinal na desisyon na ilipat ang site mula sa tabing dagat pabalik sa tabing kable ay pinagpaguran, pinagsikapan, nilakipan pa po ng pananaliksik at matamang pagprisinta ng isyu ke Gob Ynares.

    Ang pananaw ko po ay ito ay inayunan dahil praktikal (mas mura), walang problema ngayon o sa kinabukasan (dahil ang lupa ay aring-publiko kumpara sa kabilang site na ari ng LLDA-that is quasi government), at pili ng nakararaming taga-Calumpang.

    Naniniwala po ako na magagaling ang mga kagawad ng Calumpang, hindi sila pwedeng linlangin. Nagkataon lamang na ang kanilang konta-panukala ay problematic from the start. Kung ito ay kanilang nai motion at napagpasyahan dahil sila ay mas marami, ito ay bukas sa mga kwestyon: Una: bakit pagpapasyahang itayo sa hindi public property ganung me available na lupang barangay/munisipyo; ikalawa: bakit ipipilit ang halagang 4.7 milyon gayung may option na 2.5 milyon with the same project.

    naniniwala po ako that the final decision to situate the court where it is presently located was providential. in the long run, many of us will be able to appreciate the advantages of putting the Ynares Multi Purpose covered court sa tabi ng cable way.

    maraming salamat pa rin sa iyong puna/bintang because your comment gave me the chance to explain our side of the issue.

    Many thanks.

  6. Para sa mga nakakaunawa:
    Ang pagiging ‘bida’ o ‘kontrabida’ ay depende kung saang lugar ng bakod nakatuntong ang nagtataya. ‘Bida’ pag ayon sa kanyang pananaw, ‘kontrabida’ pag hinde.
    Katulad din ng ‘terorista’ o ‘bayani’. Ang bayani sa Al-Qaeda ay terorista naman sa USA.
    Beyond the label, sana’y kapain natin ang motibasyon ng mga taong nilalagyan natin ng tag. Pansarili ba, paghakot ng boto o para sa kapakanan ng mas nakararaming tao.
    Ang nanunungkulan, halal man o appointed ay dapat kumukunsulta sa taumbayan. Nang panahong ang mga kontrabida ay naglilibot sa sitio para kunsulatahin ang mga tao , imimbitahan namin ang mga kasama upang panabay kaming tumayo sa harapan ng tao at ipaliwanag kung bakit gusto namin ang pritil o ang cableway. Di sila sumama. Nanindigan kami sukdulang sagupain kami ng galit ng taga Pritil dahil sa isyong ito.
    Nang i-appoint ako bilang kagawad, sinabi ko na hindi ako mananalo sa eleksiyon dahil marami akong pinaninindigan na hindi magiging popular sa mga tao. Pero, gagawin ko pa rin dahil iyon ang alam ko’y tama. Lampas na ako sa sistwasyong gusto ko lang ng boto, o pogi points.
    Pag nayari na ng Basketball Court sa Cableway, sana’y isantabi na ang pagkakabaha-bahagi. Wala ng kontrabida. Lahat ay bida dahil pakakatapos ng napakahabang panahon, may Covered Court na ang Calumpang. Kahit na mini-court ang tawag dito ng mga may mini-utak.
    kag.hergonzaga-galang

  7. pirata’s comment: Once more, the tyranny of the minority has reigned and the Rule of the Majority has been ruled out.
    Comment by pirata May 20, 2009 @ 5:33 pm

    Noel’s comment: Napakahina naman ng majority at kayang-kaya ng dalawang tyrants. Huwag na natin iboto ang mahinang majority sa susunod na eleksiyon.

    buraot’s comment: Binabaraso ninyo ang kapwa ninyo nanunungkulan. At ano ang pruweba ninyo na totoo ang mga pirma na iyan. Salagay pala ay hindi final ang botohan sa konseho. KAHIT PALA PAGPASYAHAN SA KONSEHO AT HINDI AYON SA KAGUSTUHAN NG DALAWANG KONTRABIDA, AY DADALHIN SA TAUMBAYAN. Mga kagawad rebyuwin ninyo ang Local Government Code, baka napapalusutan kayo ng dalawang kontrabida.
    Comment by buraot May 19, 2009 @ 4:40 am

    Noel’s comment: Kayang-kaya pa lang brasuhin ng dalawa ang pito! Something is not right here! Bakit hindi nakumbinsi ng pitong kagawad ang mga taga-Calumpang para itayo ang court sa Pritil at ang dalawang kontra ay nakumbinsi ang mga taga-Calumpang na sa dati na lang itayo ang court. Ibig sabihin nito ay sang-ayon ang karamihan ng mamayan ng Calumpang na sa dating lugar na lang ilagay ang covered court.
    Ang lumang basketball court noong sukatin namin noon ay kulang ng 10 feet sa standard basketball court. Dagdag pa ang mga itinayong bahay sa tabi, kaya wala ng lugar para sa mga miron pag may liga at daanan pa ng mga naka-tira sa tabi at likod ng court.
    Heto po ang tanong ko kay buraot at pirata (hopefully taal kayong taga-Calumpang), bakit hindi ipinaliwanag ng pitong bayaning kagawad sa mamayan ng barangay Calumpang na ang dating court ay dapat ng palitan dahil kulang ito sa sukat, masikip at wala ng lugar para sa manonood tuwing may-liga, dapat ang laruan ay solely para sa mga manlalaro lamang at hindi kalye na ginagawang daanan at pang-huli ay mas maganda ang laruan na nasa tabi ng dagat. Maganda ang tanawin at sariwa ang hangin!
    Ito ang hindi ko alam dahil matagal ko ng hindi nakikita ang pritil. Alam natin lahat na kapag tag-ulan ay lumalaki ang tubig sa Laguna de Bay. Paano nila itatayo ang court sa may pritil? Lumulubog ang buong pritil pag-lumalaki ang tubig sa lawa. Tatambakan ng kataku-takot at kailangan may break water para kapag umaalon ay hindi masira ang Basketball Court!
    Huling tanong ko ay cost-effective ba na itayo sa tabing dagat ang basketball court? Baka naman ang mangyari ay tuwing tag-init lang may basketball court ang calumpang at kapag tag-ulan ay swimming pool dahil nakalubog sa tubig.
    Sana ay ipinaliwanag din ng pitong bayani na pag pumayag ang mamayan ng Calumpang na mag-tayo ng covered court sa pritil ay magiging dalawa ang court sa Calumpang. Talaga naman napakahina ng majority!

  8. Bida, kontrabida, kakampi, kakontra:

    Guys, guys. Your passionate postings sounded as if the world is about to start another war. Where in fact, all that fuss should be ‘water under the bridge’ or from my berks lawyer’s point of view- ‘moot and academic’. Ginagawa na ang covered court sa cableway kahit na mini court pa ang dating sa mga hindi masaya sa development na ito. Nandiyan na iyan. Kung may mga basketbolistang naghahanap ng supersize playing ground, well then let’s take them to the Municipal Gymnasium or to the Binangonan Plaza.

    By now, the kontrabidas should build ‘bridge over troubled water’ or mend fences. From where I sit, (I am a fence -sitter) the bidas’ egos are pricked. But then they should learn from the boy at the Lucky Me commercial. Anong sabi ng nanay?, ‘Tomorrow is another day’. So go. If you want to have that covered court sa tabi ng dagat, iyong court na, ayon sa isang blogger, baka lulubog o lilitaw kung tag-ulan o tag-araw, e di mangalap kayo ng doble sa pumirma sa petisyon ng mga kontrabida, dalhin n’yo ang request sa office ni Congressman at , voila, ‘our dream shall never die’. Malaki ang ating barangay kaya pwede tayong magkaroon ng dalawang covered court. But, the big but is You Work. Sabi nga ng pilosopong tambay, ‘Ang tunay na bayani ay nagsasakripisyo’.

    Meanwhile, can we focus on other concerns?

    Una, ano na bang nagyayari sa project cableway road portion na hinihingi nating donation sa Cemex Phils. at sa Madrigal Family? Kailangan natin si Sen. Jajajamby at kailangan din niya tayo, can we not capitalize on that? Ok, this is a suntok sa buwan project but mabuti na ang sumusuntok kaysa natutulog sa pansitan. It is not only for the sake of my havaianas (fake as they are) but for the sake of countless soles, tires and even feet( yes, may mga nakapaa) na naglalakad sa mabato at maputik na Cableway road na iyan.

    Second, kaylan ba magagawa ang drainage diyan sa tapat ng Big A&A at patawid sa bahay nina Rod Mesa? Pag-umuulan, ang boots kong knee-high ay lumulubog pa. Can you imagine the damage sa mga bahay at buhay ng mga taga ruon? Kalampagin kung munisipyo ang dapat kumilos dito o surutin ang conscience ng mga (i)responsable dito.

    Third, ano ba ang maitutulong natin sa mga katulad ng labandera ng kapitbahay namin na ang abokasyon sa buhay ay ang biblical interpretation of ‘go forth and multiply’? Di na makalaba si mama sa dami ng pakyad na bata e si papa naman ay wala pang hanapbuhay. Hay, inday.

    I am posting this because I care for my barangay. Its good na dumadami ang mga nagpe-pledge allegiance sa barangay. May Calumpang kong Mahal, Barangay kong Magiliw, Taal na Taga-Calumpang at Barangay kong Tinubuan (Hmm, this one sounds like the mantra of magte-ten percent). Mine is – Calumpang: My Place Ever.

  9. Promise,

    me tama ka. gusto ko yung sulat mo although it somehow shows things na di pa namin naaayos at na pa-follow up.

    me sesyon sa sabado ang ating sanggunian, i will be using some of the things you wrote as a discussion point.

    wait ka lang. mag rereport me ng updates.

    salamat muli!

  10. promise,

    mukhang nagbabasa ng forum ang mga kagawad. i was pleasantly surprised na mukhang naka- move on na sila sa isyu ng kort. they have proposals na for other options sa lakeside site. salamat naman. i requested them to please concretize what was discussed last friday. waiting ako ng kanilang propsal na mas me plano, me laman, at magandang pagdiskusyunan- tuloy ay magkatulong tulong kung paano ito mas ma-re realize. Like- daycare doon sa pritil, small lakeside park, simpleng boardwak, mala-dampang huli mo luto ko, and other suggestions.

    natuwa ako. honestly.

  11. sencia na mga kabarangay, masakit batok ko at di ako makatulog. kakagaling lang namin ni Kag Herr kangina sa Imperial Palace Suites, me orientation sa grant program ng AusAid. Pinadala kami ni meyor Boyet. Mag ta try tayo magpropose ng isang small grant Land Admin and management Project. Nothing to lose naman po.

    iniisip ko lang, mga ka-bloggers paki develop naman itong mga ideas ko:
    BBC: beautiful barangay calumpang campaign
    BBC: bagong barangay calumpang
    Be Busy: mag abala!
    la lang, ayoko lang matulog ng masakit ang batok ko.

    Tita Connie: ate potpot (cecil) anak ng nasirang blas lirio ay namatay noong sabado (june 13). info lang po.

  12. last report for tonight:

    ung drainage project sa me kina tito rod mesa, pumayag na po si Ditus, anak ni tito rod, na magawa asap ung drainage. condition: dapat me pansala sa me kabilang kanal, magpasa ng proposal for another kanal preferably dun sa me banda nung rcc housing ang daan, at mag pledge ang mga neighborhood presidents (magdiwang) na magsisikap ipatupad ang ating ordinansa sa kalinisan para di magbara ang mga kanal.

    thanks ditus!
    salamat din sa mga ngo , concerned citizens, sangguniang barangay, at iba pa na nakilahok noong consultation meeting (june 15 8 pm)

  13. kap. juolahn
    alam mo ba na may gumagamit ng mariwana sa may daang hari banda sa may malapit sa tin dahan ni ka bell?? laganap na yun lantaran ang pag gamit sa kal sada pa wala silang takot…. alam ko kilala mo yung mga sinasabi kong mga tao….. please naman po … paki gawan ng aksyun… kasi next to this.. kung walang aksyun.. i papa medea ko na e2…. sa gma 7, embestigador.. isasama ko din ang report na eto.. as basihan ng pag rereport ko… pls… do something about this.. kap. thankyou

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s