The Basketball Court of our Affections

THE BASKETBALL COURT OF OUR AFFECTIONS

court pic old

Nasa likod ng aming matandang bahay ang basketball court sa Cableway Road. Nung aking kabataan, sa court na ito una kong natatanaw ang sikat ng araw at ang talbog ng bola sa basketball ring ang nagsisilbing pang-gising sa umaga.

Maraming ala-ala ang namayapang Tatay Leo sa basketaball court na ito. Bukod sa hanapbuhay niya bilang newspaperman, dito siya nagbuhos ng panahon, pera, talento at koneksiyon. Anim kaming magkakapatid, ang ikapito ay ang kanyang manlalaro. Ang ikalawa niyang bahay ay ang basketball court.

Sa “bisyo” ni Tatay Leo, naparaming nakinabang. Ang aming Chevrolet, ang unang malaking kotse sa Calumpang, ay sakayan ng manlalaro pag dumayo sila sa Laguna, Marikina at kung saan lugar naimbita ang mga players. Ang aming bahay ay mistulang bukas na hapag at silungan ng mga manlalaro ni Tatay. Ang bola, uniporme, pagkain at gastusin ng koponan ay sagot ni Tatay Leo. Palibhasa’y may connect siya sa Board of Industries, kaya ang karamihan ng players ay nagkatrabaho sa textile mills at iba pang manufacturing firms.

Dekada 60 pa lang ay may Calumpang Celtics na si Tatay Leo. Kabilang dito sina Rod & Pat Villadiego, Cabo Aralar, Insong Lirio, Dr. Romy Estacio, Badjon Lirio, at mga namayapa na sina Nick Pakinggan, Kapal Gascon, Maeng Arabit, Dyatok Villaluna at iba pa. Laruan nila ang luwangan (ricefields) pag naanihan na ng palay. Nagsikap si Tatay Leo na magkaroon ng cemented court dahil sa panlilibak ng mga taga-bayan, “Agawang buko lang ang alam ng taga- Calumpang kasi lupa ang laruan. Kumakain ng alikabok”.

Kaya sa tulong ng opisyal ng baryo na sina Tancio Milagrosa at Quinong Aragones, sa kagandahang loob ng Pamilya Isabelo Apostadero (lolo ni Kap. Jolan Aralar) na nagdonate ng bahagi ng lupa at ang karugtong naman ay galing kay Vicente Patag, sa pondong inilaan ni Mayor Pedro Fineza, sa simentong hiningi ni Tatay Leo sa Rizal Cement Company at sa bayanihan ng Celtics, natayo ang basketball court sa Cableway Road taong 1965. Ayon kay Cabo Aralar, may binayaran para sa parteng galing sa Patag. Hindi lamang naingatan ang papel dahil higit na pinahalagahan ang salita ng Ka Enteng.

Senior group ang Celtics at junior naman ang Lakers, mga pambato sa paliga sa bayan. Itinatag ni Tatay Leo ang Calumpang Amateur Athletic Association (CAAA) na siyang dinalang pangalan ng manlalaro sa inter-bario. Sa mga gabing may laro ang Calumpag, halos buong barangay ay nanonood at sumusoporta. Kaya sumikat si Ka Iyang Aran bilang best miron- ang pinakamalakas sumigaw at mangantsaw sa laro.caaa celtics

Maraming trophies ang napanalunan ng Calumpang na runner up o third place sa mga paliga sa Binangonan nuong 60’s hangang 70’s. Dahil daw “hindi papayagan ng taga-bayan na maging champion ang taga-baryo na malayo sa Kampana.” Ganon pa man, Calumpang ang toughest rival ng Layunan, Libis at Libid. At sa Calumpang napunta ang nuo’y pinakamagaling na basketbolista ng kalabang barangay. Si Ponching Aparejo ng Libis ay naging asawa si Emmie Arabit, Quito Barlinan ng Layunan ay si Mely Durusan, at si Karding Anore ng Libid ay si Rosie Raymundo.

Pamula 70’s hanggang sa huling basketball team na hinawakan ni Tatay Leo nitong 1998, naghakot ng championship trophies ang CAAA sa mga ligang pambayan na nilahukan nito.

Ang Arena ng Manlalaro

Umuusok ang court tuwing may liga basketball. Dito pinag-init ang tunggalian ng mga koponan:

Bartics, nina Engie de Leon, Tony Membrebe, Fausto Roldan, Joven Esguerra, vs. Addicts nina, Carling Villamayor, Itoy Antiporda at Iking Pineda.

LDC nina Ding Gonzaga, Eddie Martinez, Aris Cepidoza, Boy Francisco at Jessie Certeza vs. Laspag nina Tony Cepidoza, Anok Grana, Boy Catarig at Boy Barreto.

Brod nina Rey & Nilo Gonzaga, Jun Durusan , Doming & Mando Perdiguerra at Ramon Bitong vs. Tips nina Doya Membrane, Eddie Doblas, Ed Durusan, Nards Peraira at Soso Villamayor.

Jokers nina Noel Aparejo, Rene Apostadero, Eddie Aran, Cesar Villadiego, Eddie Miranda at Nonie Dionglay vs. Pwes nina Jerric Patag, Banjo de Leon, Manny Pineda at Russel Picones.

Korokan nina Ariel Aparejo, Boy Senga, Terence Fontanilla, Ped Gonzaga, at Joeval Villadiego vs. Putris nina Bogs Ocampo, Agay Gervacio, James Mesa at Minyok Antazo.

JKM nina Roy & Caloy Gonzaga, Thoi Barlinan, Jacen Bitong at Warren Aralar vs. Putris nina Fer & Borek Membrebe, Eric Antazo at Manny Roldan

basketball inside house

Ang Hard Day’s Nite nina Bert Villadiego, Elias Celones at Demy Boy Perdiguerra. Ang Jungle Cats nina Nards Aran, Manding Esguerra at Turo Icapin. Blue Jay nina Ato Maycacayan, Eddie Aragones, Fredo Francisco, Emil Dionglay at Siglim Milagrosa.

Pwes nina James Pitisan, Ric Tolentino, Veni Tolentino at Camboy Guarico. Ma. Lea nina Rheman Villadiego, Rudolf Daus, Sig Aralar at Ruel Picones. Pati teams ng Rizal Cement Company at Hi-way ay nakipagtunggalian din sa court na ito. Kung may nalimutan ako, ay huwag sana silang magtampo.

Dito tumigas ang buto ng mga batang lalaki na limang taon pa lang ay humahawak na ng bola. Kabahagi ng kanilang paglaki at pagkakaedad, dito na tinubuan at pinutian ng blip-blip ang mga basketbolista. Ang third generation players ng aming pamilya, JL & Joel Gonzaga, Japs Aparejo at Pits Velasco, bagama’t may Milo Best Training ay sa Cableway Road court din nakipag-gulungan at nagalusan.

Multi-purpose venue

Ang Under de Saya ng Taon, ang taunang botohan ng “lalaking masunurin sa asawa”, ay dito sa court nabuo bilang katuwaan ng mga players at pakikisama naman ng kanilang mga misis. Mula 1966, nang unang matanghal si Insong Lirio na nagwagi ng batya, palupalo at kaldero, maraming players ang nakaroon ng ganitong “karangalan” patunay na “game” ang mag-asawa.

Sa court na ito nanumpa ang Womens Club sa buong Binangonan na itinatag na aking lola Maria Villadiego, kapanahunan ng First Lady ng Rizal, Adelina Rodriguez ng dekada 60.

Dito unang dumalaw si Caloy Loyzaga at Ed Ocampo ng RP Team, dekada 70. Gayon din si Mon Fernandez, nuong kainitan ng Toyota vs Crispa rivalry, dekada 80. Si Nora Aunor, nuong hindi pa siya superstar ay naghagis ng bola sa opening ng paliga sa Calumpang. At ilan pang mga startlets ni Douglas Quijano, nuong ang Tatay Leo ay business columnist sa Daily Star, ay naimbitahang maging muse ng Calumpang. Mga dayuhang basketbolista mula sa ibang lugar, kabilang ang Chinese Team ni Atoy Co, ay inilaban ni Tatay Leo para sa exposure ng lokal na manlalaro.

Sa court na ito dinala ni Tatay Leo ang San Miguel Corporation upang mamigay ng kanilang tulong sa mga kababaryong nasalanta ng bagyong Dading nuong panahong hindi pa uso ang tulong ng Kapamilya at Kapuso networks.basketball front

Ito’y venue ng mga sayawan. Victory ball sa pagtatapos ng liga, Valentines Party, Mr. & Mrs. Dance Benefit Ball, Christmas/New Year Party. At kahit birthday ay sa court isine-celebrate. May kanin na “bundok-bundok” at ulam na “binarutak”.

Kantahan sa saliw ng umaaliw-iw na gitara ni Ka Panying Maybituin.

Nang panahong ang Friendster at Facebook ay wala pa sa hinagap ng mundo, ang “place to be” para sa social networking ay ang basketball court. Ang young ones then at young once now ay may common denominator. “Saan mo na meet ang first love mo? Sa basketball court”. Ayon sa isang berks, “It never dies”. Hindi ang first love, kundi ang kakornihan.

Nang magkaroon ng Sangguniang Kabataan, dito sa court ang Volleyball ni James Aralar, ang Rakrakan ng tunog Calumpang mula kay Joan Velasco, Miss Gay Contest nuong si Chuck Villamayor at Battle of the Bands ngayong si JM Paralejas.

Pag eleksyon, Plaza Miranda ng Calumpang ang court kung saan ang mga kandidato ay naglalahad ng kanilang pangako at panawagan para maboto.

Ito rin ay bilaran ng palay tuwing tag-ani. At pag tuyo na ang palay, tumutulong ang mga malalaro sa pagsasamsam nito at pagwawalis ng court para maalis ang gilik. Bayanihan, pakisama at ka-atatang makapaglaro.

Ganito nuon, ano na ngayon?

Nuong panahon ni Tatay Leo, may higing-higing na kaya magagaling ang manlalaro ng Calumpang ay dahil may magic ang basketball court. At ang haka-haka ay inuurasyonan (dinadasalan) daw ito ng kabarangay na pinaniniwalaang may anting-anting.  Sina Ka Ikyo Luvidice, Ka Gundo Antonil at Ka Andres Salonga.

Hindi kaya dahil magandang mag-alaga si Tatay Leo ng manlalaro? May suporta, may disiplina at may pakikisama. O kaya naman ay nuon ang panahon na ang mga manlalaro ay sports lang ang agenda, walang bisyo, walang politika?

Maging ang dating Gov. Ito Ynares ay may maraming ala-ala rin sa ating basketball court. Kahit hindi standard ang sukat ng court, “Diyan ako humusay maglaro” ayon kay Gob. Ayaw paiwan si Mayor Boyet Ynares na nagpahayag, “Ako man ay naglaro din sa court ng Calumpang”.

‘Mini-court’ ang tawag dito nila na hanggang ngayon ay hindi pa maging masaya sa pagpatayo ng Covered Court sa Cableway Road. Sang-ayon kay Kap Jolan Aralar, na siyang prime mover, 85% ng covered courts sa buong Binangonan ay hindi standard ang sukat. Nandiyan naman ang Gymnasium sa Calumpang at sa Ynares Plaza para sa mga big time players na maghahanap ng supersize playing ground.

basketball garage Maaaring magkaroon ng iba pang covered court dahil malaki naman ang barangay. Pero, ang court sa Cableway Road ang nag-iisang kabahagi ng kasaysayan ng Calumpang, may mahabang panahon ng alaala na nakaukit sa kaibuturan ng ating puso, sa kalaliman ng ating isip. Cheers to the Basketball Court of Our Affections!

hergonzaga-galang

54 thoughts on “The Basketball Court of our Affections

  1. Kagawad Herr:

    Pasensya na po, baka lang gagapin ako ng Ambang Bilo. Isabelo Apostadero (hindi po Isabelo Aralar) ang may-ari ng bahagi ng kort. Naibigay ng (anak ni Bilo si )Lola Aquilina Apostadero-Aralar (ang asawang si Lolo Kurne ang Aralar mula sa Palanas, Libid, Binangonan, Rizal)ang may tersyo siguro ng existing kort sa kulit marahil ng anak na si Cabo na napakahilig sa basketbol. Pangit daw at kulang na kulang ang lupang natira sa sinubdivide ng Pamilya Patag (pero ang lupa ay orihinal na nasa pangalan ng Aurea Garcia, asawa ng ka Inting), kung kaya’t napaglambingan si Lola Kili na mag-donasyon ng humigit kumulang isang daan metro kwadrado.

  2. Dear Kapjo,
    Wala pa naman pong Alzheimer’s, umiinom naman po ng vitamins para hindi magka-memory gap. Talaga lang pong may selective amnesia. Nais ko din ituwid ang kakulangang hindi na acknowledge ang Unang Kabataang Barangay (SK ngayon) na nag-umpisa ng volleyball sa court – si Odel Roldan. At may side info pa na ang pinaglagyan ng net ng volleyball ay hinugot nina Eddie Aran at Kag. Noel Aparejo sa bakod ng Munisipyo sa Hi-Way. Buti na lang po at di sila nahuli ng pulis nuon.
    Paumanhin at iwawasto natin ito sa exhibit.

  3. Thanks Kag Her. Tinawagan kita kagabi, lmabas ka daw. Sinisimulan na ang electrical nung kort I just want you to be informed.

  4. nadaan ako sa me court kaninang 3 am….WOW!!!!
    me ilaw na ang covered court!!!!ANG LIWA-LIWANAG!!
    akala ko ay hindi ito kasama sa contrata… kagulat naman…tnx cap!!!!

  5. AXL:

    COMPLIMENTS OF MAYOR BOYET YUNG ILAW, DI NGA KASAMA SA CONTRACT NUNG YNARES COURT. ALAM MO BANG INABONOHAN NI MAYOR B ANG MATERYALES, AS IN FROM HIS OWN POCKET! KAKABILIB TALAGA SI MAYOR. I WROTE HIM A LETTER A WEEK AGO THAT SHOULDERING THE LIGHTS FOR THE COURT WOULD BE HIS SHARE SA HISTORICAL/CONTROVERSIAL COURT SA CALUMPANG. SO, THANK YOU VERY MUCH PO MAYOR, NAPAKAGANDANG PA-BERTDEY (AUG 6)

  6. Salamat sa artikulong ito, hindi ko akalaing ganito pala kahitik sa kasaysasayan ng basketball court. Ako man ay nahasa sa paglalaro ng volleyball sa court ng Calumpang. Gusto ko sana makitang maging ganap na ang paglalagay ng cover dito. Congratulations sa Sanggunian, at salamat sa mga movers ng proyektong ito.

  7. Napakasarap ng pakiramdam ang magbalik tanaw sa isang kasaysayan na naging bahagi na ng aming buhay. Mula pa ng ako’y makaisip, panonood na ng larong basketball ang aking kinagisnan. Nakalakihan ko na ang mga manlalarong lumabas pumasok sa aming tahanan. Kumain, magpalamig, magkuwentuhan. Hanggang sa akoy mag karoon ng sariling pamilya ganun pa rin ang tanawin sa aming tahanan, tuwing me palaro sa court.Puno ng manlalaro ang sa aming bahay. I miss the days!

    Salamat sa mga nagtaguyod ng Calumpang Basketball Court at sana ay di natin malimutan kung ano ang pinagmulan ng Larong Basketball sa ating mahal na Calumpang.

    Sa ating KapJo Maligayang kaarawan sa iyo. at sa ating Kag. Her Gonzaga Galang, maligayang kaarawan sa iyo sa Aug.20. Naway maging masaya ka sa napili mong bokasyon at naway wag ng dumami ang mga galit sa iyo.

  8. Nung saturday pa ako mag popost dito. as ausual, down na naman ang internet connection ko..

    Sawakas, At last, finally ay natapos na ang kort, na inagurahan na at kasalukuyang pinaglalaruan na ng mga batang-Calumpang.
    the program last saturday was very successful. the Governor arrived as promised and announced that the following requests would be seriously considered:
    1. perimeter fence for the covered court
    2. canopy
    3. a sit-down meet with reps from cemex and madrigal family to talk about the proposed cableway road; and
    4. a new garbage truck

    ang agaw-eksena sa inagurasyon ay ang photo-exhibit na pinagbuhusan ng dugo pawis at kawalan ng tulog ni Kag Herr. napaka matagumpay nito attracting people from all over calumpang lalo na yong ang kanilang mga mahal sa buhay ay na featured duon.

    bakas sa mukha ni gov jun at sa iba pa nating mga bisita ang uniqueness ng calumpang inauguration. we were able to present the rich history of our beloved covered court and, in a way, explained the depth of the people’s emotions tied to the basketball court of our affections.

    it was tiring, it was successful, it was fulfilling.. and, personally, vindicating.

    sa hanay ng mga taong nakita kong nagpunta ng inagurasyon, at sa mga kabataang naglalaro gumagamit ng ating kort, mukhang naibaon na sa limot (ng iba sa kanila) ang mga maiinit na damdaming bumalot sa isyu ng kort.

    thanks to God, to the provincial government, sa ilaw at landscape ni Mayor Boyet, sa Sangguniang Barangay ng Calumpang, at sa mga taga-d2sacalumpang.

  9. Dear Prada,
    Don’t take me seriously.
    It is not a vocation, it is my way of giving back. Although what I do, almost always, stir up extreme reaction: love or hate. No middle ground.
    Who was it, among the siblings, who said that I have “devil’s advocate” for a nickname? (ha-ha)

  10. KapJo,
    Congratulations! May Covered Court na tayo, maayos at productive ang naging inagurasyon, maraming nanood at natuwa sa exhibit.
    Pero may isang pagkukulang na hindi mo nabigyan ng pansin. O dahil ayaw mong ma-spoil ang kasayahan ng okasyon. Nasaan ang magagaling mong kagawad?
    Sa apat na kagawad na dumalo- isang namumulitika, isang nagmumulamod, isang nagluluksa na lahat ng kasama ay nakaitim (bakit, nakaburol na ba si Juan Lumpang?) at isang animo’y nakalutang sa alapaap sa kaligayahan (bakit, in-love ba siya?)na sukdulang mag-misstep sa kanyang spiel.
    Ang apat na kagawad na ini-snubbed ang ganitong kahalagang okasyon- Dalawang taga Pritil na hindi pa matanggap ang katotohanan, isang nakatira sa tabi ng court na naninindigan daw sa kanyang pinirmahang “sa Pritil ini forever and ever”, at isang mas gusto pa yatang mag-baby sit kaysa manungkulan. May sweldo naman bakit hindi umupa ng baby sitter?
    Pardon me, but methink, and we have numbers (who think this way) na hindi dapat palampasin ang ganitong pagtampalasan sa kasagraduhan ng kanilang sinumpaang tungkulin!
    Ang mga Senador ay may parusa pag nag-boycott ng Sona. Ano’t d2 sa barangay ay palalampasin na lang iyan, mag-eextend ng mapagpatawad na kamay ang Kapitan as if wala lang , “magka-isa tayong lahat”. Hindi magandang precedent.
    I pay my taxes – barangay, local and national dues and I expect that the officials getting salary from what I paid for must give back in terms of the services expected of them.
    O kung hindi, hayaan mong taumbayan ang magtali sa kanila sa langgaman at hampasin sila ng latigo. Figuratively speaking!

  11. inis bwi gal:

    pinag uusapan na namin yang bagay na iyan. i believe it should be discussed formally and informally. i am not keen on parusa.. bahala na ang taong mag husga sa kanila wen da tym comes. i still believe sa kakayahan ng mga taong mamili ng mga taong dapat ay manungkulan sa kanila. armed with info on the quality (or the lack of it) ng kanilang paglilingkuran, they will be judged accordingly.
    dun sa nagluluksa… bahala na sila

  12. Dear hearsay,
    Amen to that!!! Extreme reations among your colleagues, well maybe, its because you are one of us.
    This Us, will always support you all the way. Congratulations!

  13. inis bwisit galit, hindi mo na nga nilagay ang pangalan mo eh… hindi mo pa rin mapangalanan yung mga kagawad na pinupuna mo. Pangalanan mo para sa mga botante at para rin sa sumusuporta sa kanila, ng sa gayun eh maipagtanggol naman nila yung sarili nila o nung mga naniniwala sa kanila. Lalo na at sinabi mo na sa palagay mo eh nakakarami kayo at ito ay “isang paglapastangan sa kanilang sinumpaang tungkulin”.

    At papaano namin itatali sa langgaman at mahahampas ng latigo (bunto’t page kaya?) ang mga ito, kung hindi mo papangalanan? Figuratively speaking… he he he

    “maglilingkod ba o maghahariharian” – florante (upuan)

  14. Korokan,
    Kung ilagay ko kaya ang tunay kong pangalan ay hindi kaya putaktihin ako ng mga kamag-anak nila? Ayaw kong matulad sa kapatid ni Kapjo na naumbag sa Pritil.
    At kaya naman blind items ang mga kagawad ay dahil kung ilalagay ko ang kanilang pangalan ay tiyak ie-edit iyon ng tinamaan ng magaling na nagpapatakbo ng blog na ito. Sa tama nga niyan ay nate-trace ang terminal na ginagamit ng bloggers. Pero, mahihirapan na siya ngayon, he-he-he-he.
    At kung sakali mang hindi ma-edit ay baka siya naman ang magkaproblema sa kasong libel.
    At saka kahit hindi ko pangalanan ang mga kagawad, kilalang-kilala sila ng mga taga-Calumpang. Nasa abroad ka siguro kaya hindi mo makuha.

  15. Kababaryo kong inis,bwisit,galit

    My point is for you to name the kagawads in your posting (not the poster). Ayos lang na anonymous ang poster. Dahil sa pagiging anonymous ng poster, nailalabas nya ang opinion nya sa issue and you stick with the issue dahil hindi mo matitira yung poster personally.

    Let them sue you for libel and prove your case in the court of law. Matatakot ang mga iyon,dahil baka mapatunayan na tama ka (sabi iyun ni Rene Saguisag). At kung matrace man ang terminal na gamit ng bloggers, so what… just trust the people maintaining this blog that everybody will be given enough space for their opinion (basta no profanity) and it is also their duty to protect (Respect) the anonymity of the posters.

    Tama ka, taga abroad nga ako kaya hindi ko makuha. Akala ko isa sa mga layunin ng d2saCalumpang eh ipaalaam ang kasalukuyang pangyayari o nangyayari sa baryo natin, para duon sa mga nasa labas ng baryo natin.

    Btw, I admire your ability to observe and report. Kahanga hanga ang iyong attention to details. Sana marami pa kaming mabasa na postings mula sayo na namumuna sa pamunuan ng ating baryo (constructive man o destructive he he he). Salamat, hanggang sa muli.

    Side Bar: Hinahamon kita Boy_Pritil na lagyan ng pangalan ang mga nasabing kagawad he he he

  16. Ako’y sumasangayon kay kabarangay inis bwist galit na wag palampasin ang pagtampalasan na ginawa ng mga kagawad, sa kanilang tungkulin.

    Naniniwala rin ako sa kakayahan ng ating mga kabaranggay(with the right information and education) na alam na nila kung sino and dapat at di dapat na iboto sa susunod na halalan.

    salamat din kay Kumpareng korokan sa comment mo kay inis bwsit galit.

  17. Guys, guys,
    Here comes the bringer of good tidings taking the heat off the “ini,bwi,gal” feelings and the “tampung purorot” (oops,scissorshead, it’s the right word to describe what theirs is all about) of the Kagawads.

    Remember that there is always: head and tail of a coin, left and right of a road, pros and cons of an issue, front and back of a thing and I could go on and on until we reach the conclusion: a common ground to work together. Calumpang Kong Hirang ang tanging ina, nililiyag, pamilya at pangako na mayroon tayo. Let’s all move on to the next best thing na kailangan niya.

    1) Nangako si Gob. Jun-Jun na tutulungan tayo sa paghingi ng bahagi ng Cableway Road sa Cemex Phils., kay Sen. Jamby Madrigal at kay Atty. Juan Miguel Vasquez bilang alternative road. Prepare the paperworks, network with the contacts and do our homeworks. Hindi ito trabaho lang ng dalawa kundi ng lahat na pinuno. Malay natin, next year ay mag-iinagurate tayo ng sementadong daan sa bahagi ng Cableway Road.

    2) Maraming may gustong mapanood (sa unang pagkakataon at sa muli) ang photo exhibit at ngayon lang natin narealize na marami palang local artists na dapat nating ipromote. So why can’t we set an exhibition of local artists’ works sabay na ang mapangpa-emote na photo exhibition?

    3) Ang mga Taga Calumpang Din Po Kami (TCDPK). If we can get their interests to join the blogging group why can’t we channel that to a more concrete undertaking of giving us (ok ang prayers pero mas maganda sana kung) utak, kamay, paa at bulsa.

    Tatlo pa lang iyan. Pagka-inom ko ng kape ay dadami pa iyan.
    In the meantime, usapang positibo na ha!

  18. Kagawad Her, mas magandang mag-isip kung ang iinumin mong kape ay Starbucks o dili kaya’y Seattles Best, with matching Hazelnut Creamer or Irish Creme! Kung wala sa Calumpang ay pwede na ang “Ngepak Sagnatab Gnalaw Lakusa Gnalaw Satag”

  19. Isa pa, isa pa…pahabol para kay Kapjo, hindi ba ang isang ganyang uri ng pag inagureyt ng bagong basketbolan eh paghuhudhud ng “asin sa sugat” ng mga kagawad na hindi sangayon dito?

    Nagtatanong lang. Sana mali ako.

  20. Oy pareng Prada27, walang anuman. Nagluluto ako ng sinigang na kanduli para sa hapunan. Hinihintay ko pa yung buro at balawbalaw na dala ng pinsan mong bughaw. Sa ngayon toyo na lang o kaya patis.

  21. VENTILATING LANG PO:

    haaay.. ka-daming nag react ke inis bwisit galit. sa email ko, sa blog natin, sa ping-pongan, d2 sa kort natin, at mga bulong ng mga kapanalig…

    bakit daw di umatend si ganito , si ganyan, ano daw ang dapat kong aksyon, mag-sibakan na daw kung mag sisibakan, bigyan daw ng leksyon ung mga yun…..
    lalong namuti ang nangongonti ko ng buhok (he he he).

    sa tagumpay ng nakararaming taga-calumpang, sa pananaig ng praktikal na proyekto kontra sa kapritso ng iilan, sa pag-ayon ng provincial government sa mga ipinrisinta nating argumento para sa ating kort, although i recognize negative energies sa mga naunsyami, i dont really care about their “wounded pride”. bahala na sila sa kung anung nararamdaman nila. i dont gloat, i am not even mapagmalaki na eventually ay nanaig ang aming counter proposal (para don sa site). ang totoo ay napakaraming lumapit na din na nagbabalik loob sa atin ng mabisita nila yung lugar.”d naman daw pala maliit katulad ng panabi ng ilan”. “maganda naman pala na dito nailagay”… anut anuman ang salimbayan ng mga uzi, sitsit at alimuom, the undeniable fact remains: me bubong na ang kort natin, bubong na pinangarap natin mahigit 20 years na yata, naganap ito under kapjo and kag her’s (and the other’s) administration, this is not even part of my campaign promise..
    i pray that people would learn to accept that things happen because it should happen. there are efforts from mortals like us, but then, i believe that even the heavens conspired for matters to be realized… ang kort na me bubong ay nakaguhit na matayo sa dating site, sa panahon ng aming panunungkulan.. no matter what they do, mag mulamod eternally, isnabin ang mga okasyon dito, bukas (at sa mga bukas pang susunod) sa kanilang paggising (kung sila nakakatulog kahit inis na ins) the court will always be there, a monument to perseverance, diligence, unity of purpose, and faith in One God who allows things to happen because it is what is right and what should be.

    the court is starting a new chapter of its covered existence, at kami naman ay nagpaplano na ng mga susunod na hakbang for the proposed cableway road, proposed barangay high cshool, proposed pasalubong stalls along manila east road.

    kinapa ko ang aking damdamin, i dont believe in sibakan, gantihan, bigayan ng leksyon. tama ng lesson yung “u dont win battles ng naninira ka ng kapwa, nag-iingay, ginagawa mong katatawanan ang kapwa mo..” ” tama na iyong ang court natin ay isang monumental reminder ng kanilang mis-reading of the governor’s mind”. “Bahala na si Lord sa kanila”.

    mga kaibigan at mga kaibayo sa paniniwala,let us move on at magkaisa sa mga bagay na dapat nating pagtu-angan, mga bagay na para sa ikabubuti ng ating mga kabarangay at sa natatanging Calumpang nating Hirang.

    ‘la lang (just because?)

  22. Si Kag. Her po ay probinsiyanang ang taste ay hindi na lumampas sa black coffee, ke barako o pinakuluang medyas pa iyon. Ninenerbyos ang kanyang bulsa sa Starbucks at sa mga istedside na brand. (Pwera na lang kung may nag-sponsor)
    Sa panahon ng 3-1, mababaw pa rin po ang kanyang kaligayahan – kopiko. Magpapadala ng billing ang SB sa local distributor ng Kopiko para sa testimonial product indorsement ni Kag. Her.

  23. Sa kinauukulan,
    Makiki-gamit na nga po ng libreng espasyo para mabati ang kaibigan kong si Koroks sa kanyang kaarawan. (alam na niya kung kailan iyon)
    Kalakip po ang marubdob na pasasalamat sa kanyang pagmamahal at pag-aruga sa apat na nilalang na matimbang sa aking puso. (at mas matimbang sa kanya, siyempre.)
    Lubos-lubosin ko na ang kaakibat na pasasalamat sa suporta at paniniwala niya sa isang nanunungkulan kahit ‘wala siyang gusto’.

  24. Korokan:

    walang intensyon kahit kapiranggot na maghudhud ng asin sa sugat ng mga hindi sang ayon. ang inagurasyon ay requirement ng kapitolyo na syang nagpondo sa proyektong ito. dahil may gastos ng kaakibat at naka arkila na rin lamang ng sound system at upuan, tinuhog-tuhog na po ang mga activities to maximize the funds spent for the required inauguration.

    bonus na natin sa mga kabataan at masahe sa mga may edad ng konte ang photo-exhibit about the court and calumpang governance. in the end, information, culture, and a sense of history ay mga bagay na mahalaga upang mas salamatin natin ang ngayon. we have a history so rich and colorful and the people should be informed about it ( at no extra cost to the barangay coffers).

    the photo exhibit will be re-mounted at the different schools and during the Lakambini ng Calumpang 09 to enable those who missed its short run last august 8 (at masulit ang pinambili ng plywood at pintura).

    thanks po.

  25. Nag-eemote, tatlo’t kalahati lang… he he he ganun din sayo, alam mo rin kung kelan yun.

    Kapjo, mukhang mananatili ka bilang aming kapitan sa mga susunod pang tag-ulan/tag-init na dadaan, ayon na rin sa mga binanggit mong mga balakin. Ayos yun, you have my vote(in kind). Ang pinakamatimbang sa akin dun sa balakin mo eh yung “MATAAS NA PAARALAN” para sa baryo natin. Mamatay na sana ang kokontra dito. Sige hanggang sa muli.

    P.S. Bakit “VENTILATING”? Dahil ba kapitbahay nyo yung mga Ventilacion? Sa susunod “FELICIANO” naman. Kapitbahay nyo din yun he he he

  26. to koroks:

    he he he. parang pinagtiyap, kakakatok lang ni Arch Eric Ventilacion nag popropose ng puppetry b un, about child abuse daw. ni refer ko sa dswd para macoordinate sa lahat ng schools at mga areas na medyo kelangan ng ganitong kamulatan. umuwi ako sandali, bumili ng kwek-kwek sa kapitbahay namin si Tess Feliciano…
    para kang d umalis sa barangay natin, you still know almost everybody.
    i met ur kids (twice na siguro), kakaiba, for sure u r very proud of them lalo na dun sa mas bata.. magaling pero kwidaw me tatak korokan.. he he he.
    ingat po, alam mo namn ako…forever ur fan.
    god bless

  27. KapJo, kung intensyon at intensyon rin lang eh, hindi kita pagiisipan ng ganoon… kahit katiting o kaurik. Okay, I will shut up he he he sabi ng asawa ko.

  28. wow. ganda po ng pagkakasulat:) ang dami kong nalaman tungkol sa history ng court ng calumpang.

    btw, nagpunta po ako sa inagurasyon at worth it ang pagod at puyat ni Kag. Her. ang ganda ng photo exhibit.

  29. Sama na rin sana for historical references ang atlete nong araw for their highlight play that inspire most of our current players to take their style into another level.
    These are AND1 or playground legends of yesteryears.
    In the US all these playground heroes are getting acknowledge even though they did not play in the NBA by some of the NBA greats that used to watched them in the playground.

    In my younger years, Ive seen Quito Barlinan sidestep and undegoal as one to emulate (Although not in his prime kasi di na natin inabot).
    Ive seen the tirang panchicks nina Kanlot at John Nillos, Ang bali ni Boy Palaka, the shooting of Daniel Landicho and more.
    Also the legend of Insong Lirio as the original Enforcer in Calumpang inspires the likes of Hepe Picones member of Calumpang Senior 1985 Champion to play defense the way Insong did and
    Tiroy Baguio (member of 1987 Last Champion Team of Calumpang) to concetrate only on their role and forget about scoring. I think Noel Aparejo is also an enforcer but he scores.
    these are some and there are more to this playground stories.

    Like in softball there is Ka Itoy Aragones ang catcher na hindi gumagamit ng glab, Si Kosme Lirio na bukod sa kayang humigop ng kumukulong kape at bumuhat ng dalawang sakong bigas is a great battsman sabi nila lampas minisipyo raw ang bola during inter barangay.
    And there is also Ka Ipe na kumukurba ang bola pag binibigay and the Tirang Banting ni Ka Benny Salvador of Tagpotagpo. They play at the softball venue beside the basketball court.

    Dapat siguro may sariling Subject ito para sa mga bloggers. Korokan dagdagan mo nga,

    Sama na rin natin yung crossover ni korokan from Right to Left sabay jumpshot ng kanan.

  30. Brotherhood,
    Am glad that a suggestion like yours came about, from among the players who know their craft.
    I’ll clip your comment and make it a sidebar to the exhibit.
    Thanks.

  31. typo error, it is not tirang banting but palong banting na si ka Beni Salvador na siyang pioneer noon sa softball ng ganong klaseng palo.

    For Basketaball trvia added ko na rin ang kakaibang footwork at tira na kung tawagin ay variation na si Jun Durusan ang may pauso Although walang gustong umidol sa kanya ng kanyang mga pamangkin, but it is fun and joy to watch and that is his trademark.

  32. ang galing naman ni royish, kapatid k nga ni herr, ank ka nga ni leon!!!
    napakahusay na memorya at estilo sa pagsulat. kaaaaasarap basahin.
    5 thumbs up for that.

  33. salamat kapjo,

    Actually I did not see the actual play of Kusme but always heard that from some of the old folks, but I witness his drinking of boiling coffee and lifting up of 2 sock of rice in his shoulder.

    Another great batter that I seen is Johnny The bench hitter, there is also this great catcher who popularize the “Ibigay mo kid!!!!” phrase whose name is Apin Sucgang.

    I maybe missing some names, I think i have to reboot just to free up some data to load into the memory hehehe. More trivia will be added later.

  34. Kung paguusapan ay mga “alamat ng basketbolan ng Calumpang, laging kasali sa discussion sina Eding Aso, Emil & Noni Dionglay, Raul Anore, Bong Ancheta, Juan Masim, atbp… (bahala na kayo magdagdag…lalo na yung mga mas una dito) mga player na diyan talaga natuto magsyut at magpatukdol ng bola. Iyung team na nag champion sa bayan na ang coach ay si Quito Barlinan, sa palagay ko best assembled team yun (pero pito o walo lang kung gumamit ng tao ang coach… he he he, which is the acceptable norm of rotation). Isasali ko sana si ed guarico…eh nakita ko nagbabasa rito, huwag na lang baka maniwala he he he. Mabuhay ang basketbolang hitik na hitik sa intriga.

  35. Koroks, I forgot that Quito and Daniel did not hone their basketball skills in our court since when they arrived in Calumpang, they are already talented basketaball players but they made their impact in terms of how they play. Special mention to Gener Pones who arrive in 1984.

    Yes I remember Edding Aso as well as Jabbar with Ato and Nesto Masim as one the of big man of calumpang. Eddie Doblas plays without the fancy stuff but basic and effective basketball, he is most efficient in boxing out, giving the outlet pass, hitting open shot and drive to the basket, in some way Terence Fontanilla also played like Eding Aso.

    Nonie Baba Dionglay is the first person I’ve seen (apoligies don sa iba na hindi ko inabot) doing a right hand strech lay up (tagilid pa).

    Di naman ito self serving, but I will go for the 1987 as the best assemble team in terms of size, talent and how they play their roles together. nakalimutan ko na kung sino ang coach non pero kilalang kilala mo sigurado.

  36. Roy, okay rephrase “arguably the best assembled team”. Pero siyempre iba ibang panahon, iba ibang opinyon, lalo na iyung mga nauna sa atin, papayag ba iyon na hindi sila. Kaya lang nasundan ko iyung team na iyun from a miron’s perspective. Kita mo at tanda ko pa kung ilan lang sya (coach) gumamit ng tao. Starting five: Edi Doblas – MVP, Ato Maycacayan, Emil Dionglay, Ed Durusan, Unyuk Certeza . Pero kahit sinong team ang banggitin nila, it will always be debatable on who deserves the title of “all time best assembled team”. Yung team na sinabi ko at yung sinabi mo eh kasali yun tiyak sa pagpipilian dahil both teams were champions.

    P.S. Runner-ups are for losers.

  37. Koroks, you are right arguably the best team kasi meron pang iba from a mirons point of view your 1979 team is also one of the best with Noni, Cezar Villadiego, Terence, Nillos, Noel A and yourself, with Ness, Catarig, Randy at si nasirang Glen. I remember this team as the hataw board layup team since almost all players except for one is tapping the board when they goes for a layup during round.

    My point for the 87 squad is you had a deepest lineup from your first five to second five. you had two 6 footers with a mobile center forward in the name of Raul Anore, traditional Center in Pogi Quisquino, plus the sweet shooting forward John Masim, a high leaping forward who can dunk in the person of Bong Ancheta and a 5’9″ point guard with a no look and behind the back pass na hindi ko kilala. You had the luxury of having Polgips Antiporda and high leaping Dayo Roldan coming off the bench or starting, Toi Barlinan in his younger days is a very good defensive player with a nice running shot starting and sometimes off the bench, Jacen Bitong substitute John Masim for instant offense, with Ito Sumiquiab and Ogos Tabilin in your guard rotation, along with Rommel Concepcion and Defensive enforcer Tiroy Baguio and your team is loaded. Of course good training and coaching helps this team mostly superstars in their local team to play as a unit.

    Plus the fact that this team is undefeated and always led by double digit even before half time makes this one a good case. This is the team na after jump ball palang may sure 2 points na tayo and that is because of the play by the coach.

    But this is my opinion and the opinions of most of the players in that era only. This can be debatable and hope somebody MUST contribute for the other eras or teams even from the new generation of players so that their anak, apos and relatives will remember them in the future.

  38. Huli man daw at magaling……(huli pa rin)Congratulations to KapJo and to the Sangguniang Barangay for a job well done. Kaming mga mamayan ng Calumpang ay nararapat lamang magkaroon ng covered court, at ito ay matagal na naming inaasam. Sa dinami dami ng namuno sa ating barangay, kayo lamang ang pinagkalooban ng pagkakataon na makapag patayo ng covered court. Kahit “against all odds”sa Sanggunian, napagtagumpayan mo ito At ako ay 100% na sumasang ayon sa lugar kung saan nakatayo ang ating covered court..

    Dahil trivia din lamang ang tema nina kasamang Korokan, Prada, Noel at Roy, nais kong banggitin yung “bayanihan spirit”nun panahon na ginagawa ang dating basketball court. Natatandaan ko pa na ang aking tatay ay kasama sama nina Ka Leon, Ka Cabo, Ka Rod, at iba pang mga pioneer sa pagtayo ng court. Ginawa nila ang court sa gabi, pagkatapos ng trabaho sa kani kanilang opisina. Sila ay nagbunot ng damo, nag linis, nag hukay, nag tambak, naglatag ng semento, nag pagod, nag puyat, atbp para lamang mabuo ang court na iyan. Wala silang bayad, maliban sa isang tasang mainit na kape, at pandesal o bunete.

    Naalala ko rin nun kabataan ng ating mga manlalaro. Halos lahat ng mga kabataang lalaki, hindi pa marunong magbasa at sumulat ay marunong ng magbasketball. Hindi pa uso ang rubber shoes noon, kaya ang mga kabataan ay naglalaro ng nakayapak lamang. At dahil ayaw nilang masira o mawala ang kanilang rubber sandals, ito ay nakasuot sa kanilang mga siko

    Dito rin sa basketball court na ito nag usbong/lumago ang mga“love teams” na nauwi sa kanilang pag harap sa altar. Marami silang mga “ kilig moments”sa court, at dito rin nauso ang “silay”. Kabilang dito sina Insong at Taling Lirio, Angie(SLN) at Ely de Leon, Ariel at Pepot Aparejo, Roy at Grace Gonzaga, German at Gilda Villadiego, at marami pang iba.

    Dito rin sa court na ito ako natutong mag sayaw ng cha cha, boogie at tango. Dahil bata pa ako noon, hindi ako pinapayagan ng aking mga magulang na umatend ng sayawan. Kaya pag me pasayawan sina Ka Elsa, ang aking barkada at ako ay nanonood sa labas ng court, ginagaya namin ang kanilang mga indak

    Nabanggit na ba na dito rin sa court na ito ilang beses nag tanghal ng senakulo sa pamumuno ng Everlasting Club?

    Di man importante, pero babangitin ko rin na dito ko unang nakitang tumakbo at humabol ng bola ang aking nasirang asawa.Hindi sya nag laro ng basketball sa kanilang bayan nun kabataan hanggang sa magbinata sya, nun lamang na kami ay mag asawa na.. At dito rin sa court na ito, ako, sampu ng aking mga anak, natutong mag laro ng volleyball.Mas mahusay nga lamang silang maglaro kesa sakin.

    Sayang nga lamang at meron akong napakahalagang pinagkaabalahan kaya hindi ako nakadalo sa pasinaya ng ating court. Pero sa mga kwento at sa mga litratong nakita ko sa Facebook, ito ay isang malaking tagumpay. Nakuha ninyo ang atensyon ng ating Punong lalawigan at ng ating kongresista.. Sana ay patuloy pa nilang suportahan ang iba pa ninyong proyekto. Nakakalungkot lamang na ang ibang mga kagawad ay hindi nakadalo ( o sinadyang huwag dumalo) sa okasyong iyon. Dapat ay ninamnam nila ang tagumpay ng buong sambayanan ng Calumpang. Iyan ang katapuran ng isa sa mga pinakamimithi ng mga taga Calumpang, ang mag karoon ng covered court.

    Sa SK council, hinahangaan ko ang inyong pagtitiis, pero hindi ang inyong “fashion statement”. Walang gustong mag suot ng itim sa ganun kainit na panahon, pero ginawa nyo. Kung kayo ay KSP, okay na, nakuha na ninyo ang kanilang pansin. Alam nyo, ang mga kabatan ay maraming mga bagay na tama na ayaw gawain, at maraming gustong gawain na hindi naman tama. Isang “unsolicited advise” sa inyo: tapusin ninyo ang inyong pag aaral, mag aral kayo ng tama at makabagong paraan ng paglilingkod, at mag isip at magsagawa ng mga bagong proyekto para makatulong. ( Pasensya na, marami pala iyon). Bukod sa paliga, ano pa ang iba inyong proyekto na makapag papaangat sa antas ng mga kabataan dito sa Calumpang? Me proyekto ba kayo na makakatulong mag patalas ng kanilang mga isipan? Nagtatanong lang po, walang personalan, gusto ko lamang malaman.

    Isang suhestyon sa admin ng blog na ito. Pakisuyo lamang na lagyan ninyo ng “emoticons”para makaragdag ng kulay at substansya sa aming posts dito. Salamat po.

    Muli,ang aking pasasalamat sa iyo, KapJo at sa lahat ng mga bumubuo ng blog na ito. Ipagpatuloy pa ninyo ang iyong magaganda at kapakipakinabang na gawain. Nasa inyo ang aming panalangin, boto at suporta .
    At huli man daw at magaling, Maligayang Kaarawan sa iyo.

    Mabuhay ang buong Sanggunian ng Calumpang!

  39. diana prinsesa:

    wowo wow at wow pa. another writer in our midst. attention reyna ng bt, i believe this piece should be featured sa next issue ng d2sacalumpang.

    “bonete”, nagutom ako sa alaala ng kakaibang tinapay na yaon.

    your anecdotes imply that you are ty something na.. nakakatuwa ang estilo ng iyong pagsulat: malaman, masaya, moving, kaka-emote, pero magalang at may pasintabi.

    katulad rin ke roy, grabe ang memorya mo.. malamang ay d pa nakaranas ma general anesthesia.

    if you will permit it, i recommend that this piece be reproduced for people to enjoy and learn from.

    thanks for the kind words,, and thanks for helping us reminisce our colorful past.

    d ako marunong mag lagay nung emoticons, i will ask my friends who are more literate sa computers kaysa sa akin.

    salamat muli princess…

  40. KapJo: Ano po yung “bonete?”

    Para sa SK council: tama si prinsesa. Sa halip na puro pagtutol sa hakbang na ginagawa ng barangay, dapat ay maging kaisa nila kayo sa paghubog ng kabataan, at maging huwaran sa nakararami. Mga bata pa kayo, at sana matutong makinig, at unawain muna ang sitwasyon bago mag aklas. Hindi nga ba at may kasabihang, “Before you can lead, you must learn to follow.” Kayo ang mga lider ng kabataan, ngunit hindi pa sapat ang inyong kaalaman at kapangyarihan sa pamumuno, kaya nga kayo ginagabayan.

    Hindi ko rin tuloy masisi si Sen. Aquilino Pimentel, na siyang nagtaguyod ng SK, ay isa sa mga milyon-milyong nanawagan na i-abolish ito noong 2007. At bakit nga ba hindi? The objective is for the youth to be more active in community development. Hindi puro paninira at pagprotesta. Sadly, this objective has not been achieved, as in the case of our barangay.

    Simula noong nagkaisip ako, ang mga proyekto ng SK na aking nasaksihan ay puro paliga at paligsahan (na hindi rin naman masama dahil naging tambay rin ako sa court at “sumisilay” sa mga basketbolista). Nakapanood din ako ng mga kabataang todo “jamming” sa mga Battle of the Bands, na kahit tunog lata, ay bilib talaga ako sa sigasig nilang tumugtog. Isa akong masigasig na miron, at laging handang sumuporta.

    Nasaksihan ko rin noong magkaroon ng Ms. Gay na proyekto ng SK. Hindi ko maintindihan kung anong naging kabuluhan nito sa paghubog ng moralidad ng kabataan. Sa totoo lang, dumugo ang puso ko nung napanood ko ang mga kalahok sa Ms. Gay na pinagtatawanan ng mga paslit. Ito ba ang ituturo natin sa mga bata, ang gawing katawa-tawa ang pagkatao ng kapwa? Mag-isip naman tayo ng iba!

    I challenge the current SK council to make yourselves productive servants. Tama na ang pagluluksa sa buhay na buhay na basketball court. Build projects for the youth to be proactive not just in sports, but projects to hone their minds and talents to be responsible citizens of the community. Marami kayong magagawa, kung gugustuhin ninyo.
    ————————————–
    Salamat nga pala sa Barangay Council. Nakita ko na sa wakas ang covered court kanina. This is truly a dream realized, a long-overdue project. Salamat sa mga efforts ni KapJo at ng kanyang mga (masunuring) kagawad.

  41. Prinsesa Diana? Sa mga nalalaman mo sa kasaysayan ng magsing-irog na taga-Calumpang ay dapat Reyna Diana ka na! Hindi ko alam ang kay Insong at Taling ay sumibol sa Court of Our Affection. Kasabayan mo ba si Dra. Venus A. Aralar?

  42. kasamang hepe_j8,
    Salamat naman sa pagtataas mo ng aking ranggo.Buhay pa ang aking inang reyna, kaya prinsesa pa rin ako.
    Sa pagka alam ko, doktora Venus na sya ng nasa first year high school ako.
    Ang loveteam nina Insong at Taling ay hindi sumibol sa court,dun lang lumago at nag-ani.

    Kapjo: Salamat sa iyong mga komentaryo. Tama ka, sedation lang ang narasasan ko,di general anesthesia. Matagal ng walang gumagawa ng bunete, pati rin ng latik sa bao. Yan ang mga na miss kong pagkain dito sa atin
    Rainmaker: Salamat sa iyong mga ” constructive comments”, lalo na run sa Miss Gay Contest. Sana’y mapansin at isakatuparan ito ng SK Calumpang.Paging SK Council, magparamdam naman kayo.
    Ang bunete ay isang uri ng tinapay na ang hugis ay parang inverted cone, pero bilog ang dulo, me kasamang butter during baking, kaya mas masarap kesa pandesal lalo na kung mainit, at mas mahal.

  43. flash!!!!

    dumating kahapon si ka rheman villadiego, dating kb chairman at tagapagtaguyod ng sports at makabuluhang barkadahan sa calumpang. niyaya ko na sya sa court ng ating mga pangarap..
    nakausap ko rin si cesar “bud” villadiego. tama si prada, naging kb nga si cesar at kasama pa pala sina popy at ikya (treasurer ng calumpang).

    para ke rainmaker: ang bonete ay katulad din ng pandesal ang sangkap, lamang ito ay korteng bonete o “bonnet”, ung tulad ng nabibili sa baguio, pang takip sa ulo lalo na kung malamig ang panahon.

    ke hepe_j8: ang hula ko ay mas me edad si Dra Venus ke prinsesa (reyna?)

  44. Politics as a Vocation:
    “I am under the impression that in nine out of ten cases I deal with windbags who do not fully realize what they take upon themselves, but who intoxicate themselves with romantic sensations. From a human point of view this is not very interesting to me, nor does it move me profoundly. However, it is immensely moving when a mature man – no matter whether old or young in years – is aware of a responsibility for the consequences of his conduct and really feels such responsibility with heart and soul. He then acts by following an ethic of responsibility and somewhere he reaches the point where he says: ‘Here I stand; I can do no other.’ That is something genuinely human and moving. And every one of us who is not spiritually dead must realize the possibility of finding himself at some time in that position.”- Max Weber

  45. Rowens,
    Ke heavy nyan, ah. Kung hindi ako tatayo ay baka isipin ng berks na ako ay ikaw. Maiinsulto ka ba o mapa-flattered?

    Anyways, ang gusto kong i-quote ay si Mao Tse Tung-“Turn a bad thing into a good thing.”
    At pahiram na rin ng ke Margaret Mead: “Real women have power surges – release of energy that propels them to take on causes, take control of their lives and embark on new challenges.”

    Hey, Kapjo what’s your take?

  46. rowena and ed in chief:

    ayokong manghiram. i have my own reasons for being here, it could be as profound as weber’s or as simplistic as Mao’s. for me, here i stand (yes) but i can do other things. personally, i am into politics because i am given this rare chance to improve people’s lives and and achieve self-actualization. My position as Punong Barangay and the things that the position could do (and have done) is extremely fulfilling. Notwithstanding the brickbats and the undeserved badmouthing and all, i really derive personal satisfaction from the fact that I (and the barangay organization) could make things happen and make government relevant to the people.

  47. Totoo nga naman…Jokers was the unbeatable team in calumpang in their era.. Multiple Champions..but most of them are RETIRED now. marami na rin team ang pumasok in the 90’s..SMS- led by the Ventilacion brothers( eric, Ali, Meme and edwin) but you always have to remember which team walked out of the court in the 90’s and gave up the championship..The Local Boyz…

  48. Ate herr

    wonderful site…makakara`ting to hanggang kina ate let sa Ohio…lagay mo ko sa mga taga calumpang…carlo joy concepcion(anak ako ni elsa, na kapatid ni rommel at baggy located in calgary canada.. anyway..good job…and also to Kapjo…awesome job…

  49. hoy! hoy! joy-joy,
    ang pinakagwapong anak ni ate elsa at pinakamabait pa. hehehe
    salamat naman ay natunton ninyo ang blog ng inyong mga kabarangay.
    sabihan ang lahat ng Green na magblog ng kwento, lalo na iyong pampatawa. alam mo namang sa comedy lang tayo mayaman.
    see, este, read you soon.

  50. Joy Concepcion:

    thanks, thanks.

    kelan ko matitikman ang luto ng magaling na chef?

    ipagpatuloy mo ang iyong maayos na pamumuhay.. de colores!

    god richly bless you!

    kap jolan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s