only in calumpang

Ang hapag ay inilalatag sa mga makatang nangangalampag

 

Juan Lumpang

Ni JM Paralejasasdadad

Sa panahon ni Mon, ito’y nasagot

Mga kontratista nito, ay siguradong lagot

Ang sagot ni Kalbo, matamis na Oo.

Kaya si Juan Lumpang, ay siguradong Oo.

Nitong nakaraan, Limang milyon ang bala.

Ng ipanganak si Hesus, nawalang parang tala

Ang sigaw ni Juan Lumpang, Bakit ka ganyan?

Ginang Ralara, ang realidad ay hindi ganyan!

Pito laban sa dalawa, dapat na usapan

Kaya mga bayani, nagkasundo at pinag-upuan

Mga bayani ni Juan Lumpang,

may karapatang hagkan

Pag-asang sumikat, agad nilang hinawakan.

Akala nila, problema’y tapos na

Paggalang pala, panibagong problema pa

Walang magawa si Juan Lumpang

Sa mga nakaharang sa ating Calumpang.

“Mga Kabataan, Tayo ay Manguna,

Karapatan natin, Dapat Ilaban!”

NGAYON NA!!!

PILOSOPONG TAMBAY

Ng JKM

Ang Pilosopong Tambay ay mapanuri

Binubusisi ang lubid na hinabi

Ng Pitong Bayani na dapat daw hagkan

Ng sambayanang malamang mahunghang.

Palibhasa’y narahuyo sa kawalan ng asenso

Nang may Nagtrabaho, nang-imbento ng isyuasdadssadadadasd

Sinubok na kinalkal, pati kasarian

Akala mo naman kanila’y may katiyakan.

Ang tunay na bayani ay nagsasakripisyo

At hindi basta na lang nag-aabang ng probitso

“Boluntir na me bayad”, ang habol ay boto

Kanila palang serbisyo, ‘di libre, de presyo?

Mga Kabataan, Dapat na Manguna

Mag-isip, Mag-Aral, Magsuri, Mampuna

Pag ito’y Naganap, at sadyang nangyari

Manay Lumpang, mag-kape, mag wari-wari!

Ang Pilosopong Tambay , pumipili ng kalaban

Ang walang katwiran, ‘di pinapatulan

 

BUHAY at PAG-UUGALI

Salawikain ni: Juliet S. Compra

Nasa tao ang pag-iisip at pagbabalak

Ngunit ang tagumpay ay sa Diyos nagbubuhat.

Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos,

Ngunit sa tunay niyang layon,

Diyos lang ang nakatatalos.

Itiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin

At magtatagumpay ka sa lahat mong layunin.

Lahat ng nilalang ng Diyos ay mayroong wakas

At ang masasama sa kaparusahan babagsak.

Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan,

Ang maingat sa paglakad ay nag-iingat sa

kanyang buhay… (Prov. 16:1-4, 16:17)

“Kapatid, kung nais mong magkaroon ka

Ng isang buhay na ganap at kaaya-aya,

Tanggapin mo si Hesus bilang iyong

Panginoon at Tagapagligtas”

Hinihintay ka Niya!!!

64 thoughts on “only in calumpang

  1. JM Paralejas, anak ba siya ni Kuya Raul na kapatid ni Pareng Ding, na pinsan ni Cesar V at Ric “Popoy” Apran na katapat bahay namin?

    Si Juliet S. Compra ay pamilyar ang apelyido, taga Hi-way ba siya? Kung taga Hi-way siya ay ka sitio niya si Mrs. Fe T. Ison (si Eddie “suong” Miranda kung banggitin ang pangalan ng teacher namin ay kasama pati ang middle initial) na nasa Brisbane, Australia.
    Hindi ko alam na may makata pala sa Samahang JKM, halatang lasing ang sumulat ng tulang ito! Si Edding Sunkist siguro ang sumulat nitong tula.

  2. Only in Calumpang may ganitong pagtutuwid.
    Nais po naming ipabatid sa mga nagpo-post ng comments na ilagay nila ang tunay nilang pangalan upang ang kaayusan ng blog ay mapanitili. Tama si dating kagawad Noel Aparejo na hindi naman ito chat room para magtaguan tayo ng identity. Marahil kaya gumagamit ng aliases ang ilan ay dahil hindi sila sigurado sa kanilang pinagsasabi. O kaya’y tulad ng isang Boy Pritil daw na nagtatago sa alias dahil HE IS NOT MAN ENOUGH TO STAND BY HIS ALLEGATIONS.

  3. Pito ba kamo laban sa dalawa? Akala ko ba ang demokrasya eh “majority rule”, hindi pala. Sabihin mo sa pitong ito eh kumuha ng abogado para malaman kung may karapatan nga ba ang dalawa kaysa sa pito. he he he NILAMON NG SISTEMA.

  4. Once more, the tyranny of the minority has reigned and the Rule of the Majority has been ruled out… he he he

  5. Sino kaya yung tinutukoy na pilosopong tambay??

    yung tambay kaya yun sa me hagdanan ng grocery?

  6. Ka Noel,
    Si JM Paralejas po ay anak ni Ruth Paralejas at apo ni Mam Remy at Sir Boy Paralejas na kamag-anak nina Ding at Raul at kaapelyido ni Ness. Lahat sila Paralejas.
    Ang JKM ay nilahok-lahok na Jokers, Korokan at Ma. Lea basketball teams. Mula sa mother team mong Jokers at mother team ni Ariel na Korokan. Ang Ma Lea ay ang feed supply na dating team name ni Fredo Aralar na anak ni Kabo at kapatid ni Jolan at tatay ni Siefried. Gets mo na ba?

  7. Sa mga curious:

    I hope I can give light sa inyong concern.

    Pito kontra sa dalawa ay hindi po nakapanaig dahil ang usapin tungkol sa site ng ating covered court ay hindi kasing simple ng paramihan ng boto sa konseho ng ating barangay.

    the issues involved are actually complex, to put it quite simply (at ito po ay ipinaliwanag natin sa series of consultations that we conducted around calumpang)
    1. i feel that the right to choose the site belongs to the general public and not limited to the elected barangay councilors. that is the reason why we presented the people’s petition (with 2000 signatories) to the office of the governor;
    2.the proposed site near our pritil area is covered by an occupancy permit issued by the Laguna Lake Devt Authority. Proof that the lot is not ours and investing a 4.7 M peso infra project in a site that does not belong to the brgy govt is not advisable;
    3. the old calumpang basketball court (the eventual site)ay libre sa mga naghahabol (as per documents presented by yous truly-salamat ke mrs beng cervas), govt owned (as per cadastral and municipal documents), accessible, choice ng majority of our constituents, at me sentimental connect sa maraming taga-Calumpang;
    4. Lastly, it is less costly (2.504 M compared sa almost 5 M dun sa kabilang site).

    I repeated these arguments during the consultation at naniniwala ako, si Kag her, at yung nakararaming taga-Calumpang na in due time people will come to understand that our choice is the most pragmatic among the options available to us.
    I sincerely hope that this issue would come to pass. makaka move on din tayong lahat and we must be united in our quest for a better calumpang thru honest and sincere governance.

    Thanks for all the help and prayers, iisa lang ang Calumpang sa Binangonan, atin itong alagaan, pagyamanin, pakamahalin.

  8. bka nman yung tambay na sinasabi dito ay yung tambay sa daku-dako pa doon? hhhmmm…aba teka….

  9. taga_calumpang_aq theanks sa info mo! Alam ko ang JKM, kilala ko na si JM (Jomok kasi ang unang bigay na palayaw sa kanya noong binyagan). Thanks again at gets ko na!

  10. Kapjo, alam kong mataas na antas ang uri ng iyung pamumuno. For future reference, you should try to sell the idea first to your kagawads . Liderato ang tawag dun. Sila ay inihalal para mag represent ng mga kababaryo natin(you cannot bypassed them just like that). Sang-ayon ako sa iyo na maselan na usapin ito na hindi lamang dapat pagpasyahan ng ilang tao. Pero itong kakaunti na ito ay inihalal ng mamayan natin, ibinigay nila ang tiwala sa mga taong ito kung ano man ang maging boto nila sa konseho. Kung naintindihan ng Dalawang Libong pumirma ang usapin na ito eh… may kabobohan ang mga halal na ito kung hindi nila maintindihan ang advantage kontra disadvantage(assuming mali sila). Kung ganito kakitid o ka sarado ang kanilang pagiisip eh hindi sila kahalal halal sa iyong konseho (assuming mali sila). Baka naman may mga sulsul sa iyo na dalhin kaagad sa “court of public opinion”, kesa ipaliwanag sa bawat kagawad ang advantage kontra disadvantage. Ipangalandakan ito sa mga mamayan natin at sila ang huhusga sa susunod na halalan. Mabuhay ka… at nawa ay magtagumpay ka na may kooperasyon sa nakakarami mong kagawad. Salamat .

  11. Tikbalang,

    how i wish we could talk. iba ka!

    let me assure you that they were never bypassed and hindi kailanman binalak na sila ay lampasan sa usaping ito.

    records will show that they were amply consulted sa loob at labas ng konseho. ang totoo nito ay nagulat na lang ako sa development ng kanilang stand. ang pinakamasaklap dito- sa kasagsagan ng debate sa kung saan dapat ilagay ang kort na me bubong- kanilang iniisantabi at binitawan ang paghahabol sa lumang site na medyo napabayaan ang kalalagayan. honestly, i do not really want to dwell on that sad part of my governance kaya lang, i believe na dapat malaman mo at ng mga tao ang tunay na context ng usaping yaon.

    my weakness and strenght lie on my being too consultative. hindi ako mapanguna, i always ask people- kagawad, liders, concerned citizens, govt officials- sa mga maseselan na desisyon. marami akong kalaban na hindi ko kita and in a way nakabubuti ito kasi mas maingat at masusi ang aking mga desisyon.

    the last thing that i would do is to bypass elected leaders. i have been a kagawad, and a konsehal for an aggregate of 13 years. yung mga pinagdaanan ko ay hindi ko nanaisin na pagdaanan nila.

    come to think of it… nuong panahon ba ng ibang mga namuno kapitan at mga kagawad ay nagkaroon tayo ng ganito kasiglang diskusyon ng mga isyu… natanong ba ang mga tao sa mga bagay na mahalaga at makakapekto sa kanila.. nagkaroon ba ng tunay na pag uulat ng mga balakin at report ng mga ginawa ng barangay… nag attempt man lang ba na magkaroon ng pahayagan (wag na itong katulad na blogsite) noong iba ang nakaupo?

    our willingness to be transparent regarding our programs and issues surrounding the decisions we have made and (i believe) iyong tapang na harapin ang mga ao ang iba man ay hindi bukas ang isip sa malayang talakayan at tunggalian ng mga kaisipan, that will somehow show the level of our political maturity. i really hope that people like you would take a more active role dito sa ating gobyerno.

    i do not fault yung mga iba nating kagawad. their being different do not make them wrong i respect their opinions and style… the least that i could ask from them is to respect mine. Ang layo layo ng pagkakaiba ko sa ibang nanga upo- hindi sa ako ay mas magaling (hindi po) kung hindi ay ang pagkakaroon ko na lakas ng loob na tahakin ang mga bagay, mga programa na kahit siguro sa kanilang pinakamalalim na balintataw ay hindi nila maiisip. not that they are not magaling it is just i have been blessed with the exposure and experience on how to innovate and get things done.

    i am not nagmamagaling, i am just different and willing to try other approaches in barangay governance.

    sencia ka na…napahaba na naman ang aking sagot dahil ang iyong comment ay may motivating effect.

    salamat.

  12. hey hey tikbalang, ang mga kagawad dyumudyuty na sa barangay, me uniporme n rin sila, nag uulat na rin, nakipag kunsultahan duun sa basura ordinansa, kung susumahin mo, ito ay mga bagay na di nila dating ginagawa lalo na yung mga luma na sa barangay. tingin ko iyon ay leadership. anu sa tingin mo? ang daming nagaganap sa barangay, pansinin mo sa mini-dyaryo. ang mga kagawad ay kalahok sa med mission, blood letting at marami pa tingin ko yun ay leadership. watdyutink?

  13. Tama, dapat lahat ng nagco-comment nagpapakilala, dapat kayang panindigan yung mga sinasabi nila, di yung may mga alias pang ginagamit. Kung ganun din lang, wag na kayong mag comment.

  14. LUKSA NG TANGA (WITH APOLOGIES SA MGA TANGA)

    katawa-tawa si manay lumpang
    dumalo ng piging ang suot ay itim
    akala siguro sya’y mapupuri
    ng mga tanga-hanga sa tabi-tabi

    inamuki pa nya mga kasamahang
    di naman daw ayon wala namang aksyon
    sino kayang sa dulo’y katawa-tawa
    po-prote-protesta gagamit din pala

    kung sadyang ang kort ay dapat ipagluksa
    manindigan silang wag na tong gamitin pa
    sa dance kontest, o sa awarding ng paliga
    (alaala ng palarong tatlo ang nanguna)

    kung sana ang kanyang sigasig sa pangongontra
    inilaan na sana sa makabuluhang programa
    di na sana dumami at di na sana sobra sobra
    kabataang nag ra-rugby at nag mamarijuana

    manay lumpang gising! habang di pa huli!
    tigilan ang iyong pag-iinarte
    aba’y magsipag ka, sa tao’y magsilbi
    (nasaan na ba pangako mong library??)

  15. Salamat naman at may bubong na ang basketball court, matagal na naming gustong magkaroon ng bubong ang court natin in fact during the late eighties and early nineties ay usapin na ito mayroong batang court na kagawad noon para sa proyektong ito hindi nga lang umusad sa kung anong kadahilanan. It is always a topic mapainuman or naglalaro or natatambay sa court. Usapan nga ng mga lehitimong manlalaro at mga batang court na pag hindi pa nabubungan ay kahit luna ay puwede na. Doon sa mga may gusto sa pritil hindi natin sila masisi kasi taga ron sila pero don sa iba, siguro hindi sila talagang player ng basketball at mga bata pa sila kasi hindi nila alam ng lumalaki ang tubig sa pritil pag may bagyo at mas madalas mangyayari pag naibato ang bola tuloy yon sa dagat. hindi ko alam kung bakit ayaw nyo sa dating court malamang hindi kayo naglaro don. Mas marami ang players na gusto sa dating court mas accessible and of course may historical value na ang venue para sa lehitimong taga calumpang na hindi maapreciate ng mga dayo lang sa calumpang.

  16. Yaman di lamang at nabuksan ng katoto kong kabalyero (itim siya at puti naman ako, pero walang relations whatsoever) ang tungkol sa library, may dagdag akong katanungan hindi lang kay manay lumpang kundi rin sa mga kinauukulan.

    Bakit naman ang dati ay ang “cute” (dahil maliit) na sulok aklatan sa barangay ay tila ginahasang tambakan na lamang ng anik-anik at hindi ma-classify na files? Sino ba naman ang magkakainteres sa aklatang iyan? Lagyan na lang kaya ninyo ng mga babasahin tungkol sa mga Korean heartthrobs o mga love stories para maging useful.

    Kung sabagay, kahit ang library ng Binangonan na naduon sa itaas ng Municipal Waterworks Office ay tila multo, ipis at butiki na lamang ang bumibisita. Ganito ang larawan ng kakulangan ng pagpapahalaga ng ating mga namumuno sa dapat sana ay institusyon ng pagkakatutuhan. Sangkatutak ang computers na mahihingi sa mga government agencies, maraming libro ang puwedeng madonate dito man o sa ibang bayan, e bakit ang library natin sa barangay man o sa bayan ay in the state of non-existence? Mahabaging Lumikha!

  17. Anong sabi ni Mayor Arsenio Lacson ng Maynila kay Ernesto Maceda nung araw? “So young and so corrupt”.

    What are the goals of having an SK in our baranggay government elected, other than to train young leaders to be trapo (traditional politician) and politicize the young ones?
    At sa lagay eh me pangako palang library. Prove us wrong, manay lumpang. Basahin mo kung ano ang duties and responsibilities of SK chairperson. Ano ang iyong job description?

  18. Hayan na, nag-aaklas na ang mga bughaw!

    Una ang reyna ng mga Barangay Tanod, pangalawa ang nasa USA, at ngayon pati ang nasa Saudi ay sumasali na rin! Ano pa kaya kung magsalita ang nasa GSIS? Baka mag-crash ang blog na ito. Di bale na iyang may rep(utation) dyan sa kort. Light weight lang iyan!

    Kasi naman, salingin ‘nyo na ang kanilang pigsa, ‘wag lang ang kanilang alaala. Sagrado ‘yan sa kanila.
    Ang sitwasyon ay tulad lang sa kung sa shooting ay tuhog, kung sa Calumpang ay kuyob. Joke lang. Baka hindi na ako gamutin ng doktora. Ng libre (he-he)

  19. I will try to stick my comment related only in basketball and sports. It just so happened that the issue in Basketball Court is being used by some politicians for their own benefit.

    Congratulations to our barangay leaders for making this project (Covered Court) a reality. We are all dreaming and waiting for more than a decade.

    Mabuhay kayo whether kontra or not, Lets enjoy our basketball court.

  20. Sa Basketball Court lang po ang topic natin, walang personalan. Kuba (Roy G.) kumusta ka na riyan sa Gitnang Silangan. Sabihin mo kay Joeval ay mag blog sa d2sacalumpang.

  21. Yup korokan, nickname ko yung Eng, di ko lang alam kung may iba pang Eng sa Calumpang maliban sa kin😉 eh yung korokan, for sure di mo name or nickname yun? Just askin’ … ingats!

  22. @ kabalyerong itim: ang galing naman! makata!

    @ kabalyerong puti: ngayon ko lang nalaman na mayroon palang aklatan sa barangay. kung mayroon din sigurong computers sa aklatan na iyon, e baka dumugin din ng mga kabataan. hehe!

    @ puwing: marami talaga silang mga saloobin, at ngayon lang nabigyan ng pagkakataon kaya pagbigyan mo na.

    @ tito roy: ang talas naman ng memory mo!

  23. kabalyerong itim at puti: salamat sa mga sulat.
    aware kami dun sa paliga na tatlo ang idineklarang champion dahil sina sk ay ibinaranggay ng mga taga-losana malapit sa bahay ni korokan.
    katawa tawa talaga, ewan ko ba kung bakit ganoon, wala akong maisagot, saklolo kag her…
    yung libraryng pakis pakis, tnx sa puna kabalyerong itim,
    AKSYON: ipinalinis ko na kahapon at binbalak ko ng ipatanggal yung rehas, kung maaayos sana e dun ko na ilalagay si Jasper Gadiano para yung Gabay sa Mamamayan Action Center ay duon na rin (GMAC).
    salamat salamat po muli sa mga bloggers.
    birthday ni gob ito kahapon tayo ay nabiyayaan ng:
    karaoke, grass cutter, sprayer, raincoats, tanod chaleko, monobloc chairs.
    at dahil third tayo sa pinakamaraming nag donate ng dugo, me dagdag pang 3 kaban ng sinandomeng rice. thanks thanks. it is quite a feat to think na three times na tayong nag bloodletting this yeAR ALONE e me mga mabuting loob pa rin n nag share ng kanilang dugo. SALUDO PO KAMI SA BLOOD DONORS NATIN!!

  24. KOREKSYON PO: SI KABALYERONG PUTI PALA ANG NAGBANGGIT NG MEDYO NAPABAYAANG “LIBRARY”.
    maliit nga lang si library pero kung papasok ka dito ay magugulat ka sa ganda ng kalidad ng reading materials na anduon. me mga governance books pa from united nations at sa Local Government Academy. some are from the venerated collection of kag herr.

  25. I was wondering where is the comment of the so called Boy Pritil, I havent read any of his comment, for the Administrator of this blog please dont delete any comment whether it is bad just to keep any record so that we can trace his IP then provider then the telephone then the person responsible. Hayaan natin siyang gumastos para lumabas ng bahay or barangay hall para hindi siya makilala, ganon pa man since may record din and mga internet cafe ng user and time there is the possibility that he will be identified.

  26. Noel, magkikitakits kami nina Joe Val mamaya for Veni(Kabag) Birthday. I will give him the link to this site, hindi siguro makita ni Ka Siyo yung site but Im sure he aware about this one.

  27. Eng, hindi nga. Pero yun yung team ko sa basketbol. Labindalawa lang kami sa lineup, isa ako dun. To narrow it down a little bit, starting five ako. Position 2 & 3. Ingat din.

  28. Para kay MD/RN,
    Sa aking ala ala ika’y talagang may pigsa!
    kayat tayo’y magkaisa , sa pakikibaka.
    Itong si puwing, ating pagbigyan,
    At ng ang kanyang labi ay magkaroon ng ngiti.

    maligayang pagbabalik sa maraming karugtong ang dulo ng pangalan!! ha! ha! ha!

  29. Royish,
    Scissorshead is all scissors and no head!! Forgot preserving Boy_Pritil’s record. Along with other postings that escaped the spam period, the only action is control, although damage has been done already. On the otherhand, the cat and mouse chase makes the blog exciting.

  30. its nice to read blogs in our site im happy kahit 15 years na akong wala sa ating mahal na barangay ay updated pa rin so keep it up

  31. Maraming salamat sa posting sa Facebook ng pictures ng inaguration ng basketball court ng Calumpang. Para sa aming di nakadalo, masaya na kami dito sa mga pictures. Meron lang akong concern, me depresenya ba ang mata ko o memory ko?. di ba ang sumunod kay Odel Roldan as KB chairman ay si Cesar Villadiego? Napalitan ba siya kaagad o, kalimot limot ang term niya?

    Just asking!!

  32. Roy and Co.,
    Pakisabi kay Veni na Happy Birthday! Enjoy kayo sa Batha para sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan. Mag ce-celebrate akong mag-isa sa bahay, iinom na lang ako ng Corona Beer na pinigaan ng kalahating dayap habang nanonood ng TFC. Makabili na rin ng tsitsarong baboy para may pulutan na isasawsaw sa sukang may bawang at siling labuyo.

  33. Ok korokan di ba sa calumpang din yung korokan, sa may bandang cableway? Tama ba? Ay, di ko pala sure, ang alam ko Putris tsaka Laspag. Kasi nung “kabataan” ko, pinapanood ko mga kapatid ko tuwing may games sila(Pulong Bato, Rock Islands- pag pinasosyal daw!hahaha) kahit madalas talo, marami pa ring nanonood, parang Ginebra🙂 kaya dapat laging maraming barangay tanod pag may games.
    Kayo yata yung team na laging nagsisimula ng away sa court? Hahaha!Joke! Ingats!
    * grabe, nalaman ko lang na may covered court na pala Calumpang nung time na nag ribbon cutting na, andun daw si Gov.? Di ko pa nga nakikita yung court until now.

  34. Hi nga pala sa kapatid ko sa Dubai, si Ting-tong (ARMAN to his classmates and friends) at kay Mardie. Ingat kayo dyan. Mwah!

  35. Roy and Company,
    Umiinom na ako ngayon ng Cerveza Mas Fina (Corona), hindi nga lang dayap ang gamit ko, pumitas na lang ako ng kalamansi sa aming likod bahay. Wala akong nakitang masarap na tsitsarong baboy kaya pritong daing na pusit na lang with sukang may bawang at sili ang sawsawan. Nakakadalawang bote na ako at medyo malagihay na, isang bote pa at boundary na ako! Good Night at ingat kayo riyan sa Gitnang Silangan!

  36. @prada27: itong si puwing siguro ay hindi pa nakatungtong sa basketball court at hindi alam ang history kaya kung ano na lang ang masabi. baka sya ang may pigsa kasi masakit daw yun.. hehehehehe! peace…

  37. hindi ko po alam kung ito ang tamang topic para magtanong, ngunit napansin ko po na ito ang pinaka maingay na topic sa lahat, at malamang na mabibigyan ng atensyon. question po: kailan po ba lalabas ang susunod na issue ng mini dyaryo? at paano po mag advertise?

  38. Rainmaker,
    A song that always makes me smile kahit sangkatutak ang asungot sa tabitabi: “There’s no sunshine without rain”. And this rainmaker means may mag-aadvertise na sa amin! Wow!We discuss details sa aking e-mail.

    Kasalukuyan ng pinagpupuyatan ang next issue ng mini-dyaryo. Pero we will have to wait until other big events such as Araw ng Calumpang, Oct.21 & Lakambini 09,Oct 17 ay maisama. Mas daring ang features. Sample- Sino ang natatakot ng mga tigasin sa Gitna? Pamana ng Calumpang Idols. Ang Pritil ng Aming Pangarap!

    Trust me, kagulo na naman ito. Pero iimbitahin ko ang mga taga Calumpang, diyan man o dito, na magsulat ng kanilang kwento, magbato ng kanilang inputs. More heads are better than one. Lalo na at this one ay malapit ng maging Brenda (brain damage) ha-ha. (with apology to the original Breda sa Senate) No name, ergo no libel.

  39. FYI
    Ang designer and initial administrator ng d2sacalumpang blog ang “input” ng taga-GSIS (by affinity, extension and association) Will he make patol to the intrigas? Take your pick: a) has too much integrity for that; b) kayang kaya na ‘yan ng katipunerang sisterhood; c) that’s what brotherhood’s rep is for!; d) all of the above; and e) none of the above.

    Pahiram nga ng famous Korok’s word: Sidebar
    To Puwing – Lahat ng pula ay heavyweights. Sa iba-ibang timbangan nga lang.
    To Prada – Akala ko ang punchline ay tuyong luha (muta) at tuyong uhog (kulangot). Bakit ngayon pati pigsang walang mata ay kasama na?
    To Janice – Ibalibag mo nga ang iyong infectious laughter. Bwahahahahaha!!!

  40. Prada,
    Hook ka na rin, ano? O wala lang magawa! ha-ha.
    Hindi si Cesar Villadiego ang naging Kabataang Barangay chairman. Si Diego po as in Diegong Tabak! Pag hindi ako nakunsume sa mga nasa tabi-tabi, ay ipopost namin sa Facebook ang historia de un amor ng Calumpang Kong Hirang -Mga nanungkulan, nanunungkulan at manunungkulan (kung may go signal si Kapjo)
    Sayang at di mo nakita ang binukayo mong larawan, (nasa exhibit). Iyong nagtatampisaw sa Pritil na ang upuan lang sa tubig ay kahoy ng bakawan. Hitsura ka ng angel na uhugin at mutain. Pero sure ako, wala kang pigsa nuon.

  41. Tama si Prada si Cezar muna bago si Rheman ang KB chairman, i think Cezar has at least one basketball League but Rheman has plenty of League in the 80s including the intercolor for the old ones at that time there is no budget for the KB and the committee and referee are free.

  42. Noel, malayo kami sa batha sa riyadh pa yon, dito kami sa Jubail si Aloy(Tae), Veni and Ricky Tolentino sa Alkhobar naman sina Rheman, JoeVal at Kamboy. Sarap naman ng alak mo kami dito selfmade lang ang alak (sadique) kasi bawal. regards

  43. sige po aasahan ko po yung bagong mini-dyaryo. mas maganda nga po kung ang maraming kaganapan na nakasaad doon.

  44. @ate: sa ngayon siguro e hahayaan muna ng katotong taga-GSIS ang mga intriga. magre-research pa sya ng husto, at baka hindi pa makasingit sa internet kahit marami silang computer.

    pero gusto ko rin malaman kung pano rumesbak ang taga-GSIS na yan. kaya aabangan na lang ang susunod na kabanata. bwahahahahahahaha!!!

  45. Janice,

    May mga taong ang classic resbak ay silence. Iyon bang: I choose my reaction to the situation I have no control of. ‘Yon lang ‘yon.

  46. To Ed-in-chief,
    Talagang nakakahook itong blog na ito na puno ng intriga. Pag walang ginagawa sa trabaho, lipat na ang computer sa mga e mails at blogs at Philippine news.
    Aba! Mr. editor-in-chief, corrections again, Hindi ako nagtampisaw sa pritil, kaya di ako natutong lumangoy kasi di ako naglalaro dun. Check the history of KB in Calumpang, baka di ka pa ipinapanganak nun kaya di mo alam.
    Salamat naman at alam ni Roy Gonzaga ang pamunuan nI Cesar Villadiego as KB chairman, Ang tanda ko parang kasama niya si Ariel Aparejo sa pamunuan. suguro mga late 70’s yun o early 80’s.
    Tungkol naman sa binukayo kong larawan, talagang binukayo na iyon sa tagal. Maganda naman di Ba?
    Ang tamang sagot dun ay OPO.

  47. prada:

    ako man e di ko alam na si cesar ay naging kb chairman. mas matanda naman ako siguro k roy.
    ang unang election ng kb ay sina imee marcos na kasabay nga ni odel roldan at ito ay nasundan nung ka batch ni buddy arabit ng darangan.
    pasensya na po talaga, d ko maalala na si cesar ay nag kb kc hindi naman siguro nag eleksyon noon.
    anyway, we will talk to the right persons and rectify our oversight asap (kung naging kb nga sya). we owe it to history na maisulat ito ng tama.
    maraming thank you.

  48. kapjo,
    talagang malilimutan dahil walang liga ng basketball 1979 to 1981 nong termino nila except volleyball for girls nong panahon ng Jokers at Marsha Express (But the group of Eddie Aran is active then as committee/Referee). Appointed lang ang KB noon ng Kapitan. They replace Cezar when he got married. You can verify it to Rheman if you have doubt pauwi na siya sa Pilipinas.

  49. bago matapos yung termino ni Cezar Villadiego ay may paliga ng basketball noong 1982, Si Rheman ay naglaro na sa Jokers noon kasama namin dahil overage na ang mga players ng Malea at siya na lang natira, Sina Caloy naman ay bumaba sa junior kaya sila ang naging Jokers(82). So meron si Cesar bilang KB na isang liga ng basketball.

  50. talagang nakakahook ang blog na ito, lalo na sa mga nasa ibang bansa, dahil dito, bahay-trabaho lang, walang intriga!! and this is very therapeutic for me dahil konti lang pilipino dito sa area ko.

  51. KapJo, Binalak nilang palitan si Odelle noon dahil lampas na sila sa edad ng KB! Panahon noon na walang eleksiyon kaya hindi naging KB Chairman si Cesar.

  52. royish:

    nagkita kami kagabi ni rheman kasama si kuya cesar. i apologize for the oversight. it was never intended. inappoint pala siya ni kap dading at d naman ako aktibo sa kort. si rheman e bestfriend ni eidderf kaya mejo aware na ako nung panahon nya.
    we shall rectify that oversight come oct 17 sa re-mounting nung photo exhibit ng calumpang kong hirang. thanks thanks

    hepe_j8

    i just talked to cesay last night, he confirmed na naging chairman sya. sya nga ung ka-batch nung ang federation president ay si buddy arabit ng darangan.

    since then naka-produce na ang calumpang ng 3 fed president. ako noong cory time at naging provincial federation president noon 1987-1989, si jamok na kapatid ko sk fed noong 1992-1996 at si jm paralejas na kasalukuyang nakaupo ngayon na presidente ng sk

  53. KapJo,
    Paninindigan ko ang aking isinulat sa blog, nothing against Cesar. However, we did try to put him in that position (KB Chairman) to succeed Odelle but Dinand Vital said as long as he is in the position everybody will stay.
    Now, if it’s Buddy Arabit’s era, wala na ako diyan kaya hindi ko matatandaan. Let’s close this case, test ko lang ang aking memory at baka pumapaltos na!

  54. PARA S’KIN LANG
    Akoy natutuwa na may ganitong balitaan sa web kahit tayoy magkakalayo ika nga ay malapit din gamitin natin ng tama ang mga bagay na ito hindi batuhan ng kung ano.

    Akoy nagpapasalamat at may ganito tayo dahil iba nga tayong mga taga calumpang. Sa aking pang sariling opinyon itoy balitaan ng magkakabaranggay tulad kong nasa malayo mahalaga na ma relate ko kung anong nangyayari sa calumpang kong hirang {dahil nagtitid ako sa lod joke}

    Walang nagbigay sakin ng website na ito ni asawa ko di sinasabi nong binanggit ko lang sabi meron nga. Nag search lang ko sa pbts academy dahil don nag aaral ang 3 kong anak. Yon nakita ko ito, maganda ang layon nito tulad ng balitaan. Tulad na lang ni steve {tiban}anak ni indang isang nadito rin pala sa dubai at tulad ni irish rivera{sino ka nga ba di kita matandaan pasensiya na ha}nangangailangan ng manggagawa para sa canada.

    Si royish{kuba}na matagal ko ng di nakikita. Ganon din si noel aparejo{ewan kung kilala ako nito}. Musta na kaya ang utol nyang si russel{pogi}.

    Kaya gamitin natin ang sistemang ito ng may kabuluhan. Kung may pagkalito sa mga bagay na iyong opinyon, magtanong ng maayos at magpakilala ng pormal. Sabi ng tatay ko, anak “ang tao kahit walang pinag- aralan basta edukadong kausap”{wala akong ibig ipahulugan dito, ha sa malalambot puson ay puso pala}

    Kaya sa lahat ng aking kabarangay magbalitaan tayo magbigay ng tamang opinyon at tamang puna na may magandang suliranin na ang tema ay pagkakaisa{dahil kabaranggay kita}

    Musta nga pala sa JKM& CO. kina pareng caloy{gugo},aban,itho,agos{pugo}tabilin,jinggoy{nakita ko dito si flip},jojo roldan,at sa lahat ng jokers yellow na OFW{manland o seaman at migrant si pareng joel yapo yon}
    Miss kona kayo.

    MARAMING SALAMAT

    Ang inyong kabaranggay mula sa
    dubai
    MICKEY MATEO

  55. Mickey,

    Lagi kang welcome sa e-mail, sa blog, sa facebook at sa munting computer ng aming isip.

    Sino mang kabarangay na nalalayo ay palaging tinutunton ang kanyang pinagmulan. Dahil lagi, may ala-ala at puso siyang iniwanan. Dagdag pa ang malasakit at kumustahan, kaya saan ka pa kundi sa Calumpang Kong Hirang!

  56. chef,
    maraming salamat at sasabihin ko rin sa iba ang ang tungkol.More or less nasa 20 kami dito yung iba nakita ko and the rest sabi lang salamat muli hanggang sa susunod balitaan

  57. Mickey,

    Paki-bigyan mo naman ang D2 ng talaan ng mga taga-Calumpang sa lugar mo dyan. Isama natin sila sa Taga-Calumpang Din Po Kami.

  58. hehehehe… tamang tama mickey, malamang, miss ka na rin nang mga inaanak mo…….magpapasko pa naman…hahahaha..magpa book na nang flight at nang makahabol sa pasko sa calumpang…..hehehehehe..kumusta sina ruel/ando?..

  59. chef
    yung nakita ko lang dito at alam kong nadito

    1.bong ancheta
    2.tingtong bitong
    3.flip villaluna
    4.emil bautista{anak ni nasirang fenggy}
    5.amy tabilin{asawa ni boysie}
    6.jun gervacio
    7.jayson rivera{nanugang ni dading ocampo}
    8.james pitisan {tatay ni kagawad}
    9.janet lirio{anak ni greg kaso libis yata to}
    10.elson geneblazo& family
    ang balita ko na matagal na rin dito ay doyondoyon ng hinayon kontakin ko pa yung iba sige chef salamat talagang sobrang busy mo lahat napagtutuunan mo ng panahon kakasend ko lang kanina yan ah salamat muli ito ang inyong mga kabaranggay mula sa dubai 10Q po

  60. good job mickey! please tell our mga kabaranggay na kahit sa blog man lang ay magkadop-palad tayong mga anak ng Calumpang kong Hirang.. musta dun ke doyon doyon, inaanak ko yata yun.. ke emil.. ke janet.. ke elson lalo matagal ko na syang di nakikita.. me facebook din tayo at ako ay p[wedeng hanapin just search jolan aralar.. ingat ingat.. kamusta sa lahat..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s