BUSISIIN: Pagtatapon ng Basura Natin

Sabay- sabay na information dissemination at public consultation ang ginanap sa pitong lugar sa Calumpang nitong Enero 17 tungkol sa Barangay Ordinance Blg. 08-09 na nagtatakda ng kaparusahan sa hindi maayos na pagtatapon ng basura.

Nagkampanya sa pamayanan ang buong Sanggunian, SK, BHW at Tanod para bawasan ang basura sa pamamagitan ng paghihiwalay (segregate) nito upang ma-recycle, ma-reuse o magawang compost.

Ang basurang di-nabubulok ay pwedeng i-recycle, ipagbili sa junk shop o gamiting materyal sa crafts. Ang nabubulok naman ay magagawang pagkain ng hayop, compost at pataba sa halaman. Habang ang residual waste at hazardous waste ay dadalhin ng basurero sa landfill o sa treatment facilities.

Halaw sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003) ang kautusang pambarangay ay nagpapairal ng “no segregation, no collection” policy. Ipinagbabawal din ang pagtatapon ng upos ng sigarilyo sa pampublikong lugar pati na ang pag-ihi o pagdura dito at ang pagsusulat ng walang kabuluhan sa bakod at ding-ding.

May schedule na sinusunod sa paghakot ng basura sa mga lugar na dinadaan ng garbage truck kaya’t bawal maglabas ng basura sa hindi takdang oras at araw.

 Untitleaad

 

May karampatang parusa ang paglabag sa ordinansa.

Ang first- time offender ay itatala at bibigyan ng babala sa Himpilan ng Barangay Tanod.

Multang P500.00 o limang (5) araw na community service para sa pangalawang pagkakasala habang P1,000.00 o sampung (10) araw na community service naman sa pangatlong paglabag.

Ang kampanya ay dinala rin sa Calumpang Elementary School at nagbigay ng mga kopya ng ordinansa ang SK sa mga bahay-bahay.

Sa April 22 ang launching ng pagpapatupad ng ordinansa kasabay ng Municipal Solid Waste Management Ordinance na sumasakop sa apat na barangay ng Libis, Layunan, Batingan at Calumpang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s