ang puso ng paglilingkod: health and sanitation program

 

 

Dahil ang malusog na pamayanan, ang malinis at maayos na kapaligiran ang tunay na yaman ng bayan.

Untitled

Feeding Program

 Limampung (50) batang taga-Calumpang ang nakinabang sa Feeding Program na proyekto ni Mayor Boyet Ynares sa pamamahala ng Municipal Health Office.

Sa pagbibigay ng tamang nutrisyon, ang mga batang dati’y underweight at malnourished ay nagkaroon ng sapat na timbang at lumakas ang resistensiya ng katawan. Ang proseso ng monitored nutritional program ay kinapapalooban ng pagtitimbang sa mga bata upang malaman ang antas ng under nourishment, pagpupurga o deworming at tatlong buwang pagpapakain ng limang uri ng pagkain limang beses isang linggo tuwing tanghalian. May check-up din sila kada buwan. Ang Barangay Health Workers ng Calumpang ang matiyagang nagpakain sa mga bata at nangasiwa ng programa mula Disyembre 2008 hanggang Pebrero 2009.

Bukod sa kakulangan ng pera, ang malnutrisyon ay bunga din ng kakulangan ng kaalaman. Marami sa mga nanay ang hindi alam ang masustanyang pagkain para sa mga bata. Kasama ng direktang pagpapakain sa mga bata, ang programa ay nagtuturo ng kalusugan, nutrisyon at value formation sa mga nanay.

Dengue Brigade

Tunay na ang 21 BHW ang mga sundalo ng barangay sa giyera laban sa sakit at karumihan. Nang magkaroon ng siyam (9) na insidente ng dengue sa Pritil at Saperia nitong Pebrero, ang BHW, sa pangunguna ni Kag. Orly Pakinggan, ay nagsagawa ng Operation Taob Lata upang ang pinamamahayan ng kitikiti ay maalis. Nanghuli din sila ng kitikiti para ida-diagnose at matiyak kung mga lokal na lamok ang sanhi ng dengue.

Patuloy na Immunization

Ang kalusugan ng nanay at sanggol ang inaalagaan ng immunization program na nagbibigay ng libreng bakuna laban sa tuberkulosis measles, polio, hepatitis at tetanus.

Sa unang quarter ng taong ito, 435 na ang beneficiaries ng programa sa pamamahala ng Rural Health Midwife Ma. Teresa Pascua dito sa Health Center sa Calumpang at sa Health Office ng Barangay sa Munisipyo.

Diagnostic Survey ng Nursing Students

     45 na nanay ang naging partisipantes ng Mother’s Class nitong Pebrero. Mga estudyante ng NCBA College of Nursing, sa pamamahala ni RN Cecille Salazar, ang nagturo sa kanila ng kaalaman sa pagbabakuna at mga paraan ng pagpaplano ng pamilya.

     Bahagi ito ng diagnostic survey sa Calumpang ng 27 nursing students kaagapay ang BHW. Bagamat ang project ay parte ng curriculum, ang nagawa ng mga mag-aaral ay higit sa grade na nakuha o units na nakumpleto.

     Ang resulta ng dalawang buwang survey ay isasama sa database na siyang magiging basehan ng pagkilos ng Pamunuan upang tugunan ang health issues at concerns ng barangay.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s