ALAY DUGO (Part 1 & 2)

Para kay Kristan Membrebe, ang pagbibigay ng dugo ay hindi lamang pangdugtong ng buhay sa maysakit kundi pangpahaba din ng buhay ng blood donor. “Ang ating blood system ay nagpapalit ng bagong dugo at sa proseso ay malilinis ang ating katawan. Sabihin man na ‘korni’ at ‘senti’, ang pagdodonate ng dugo ay isang kabutihang magagawa natin para sa ibang tao”, ayon kay Kristan.

May 50 taga-Calumpang ang nag-volunteer sa pa-ngalawang taon ng Alay Dugo na ginanap nuong March 6, 2009 sa 1489 Cableway Resort sa pagtutulungan ng Pamunuan ng Barangay at ng Philippine National Red Cross. Dalawamput isa ang qualified donors. At dahil kulang, nagkaroon ng part two ang Alay Dugo.

Bitbit ni Lani Villaluna ang sampu niyang kaanak nitong March 22 sa 1489 Cableway Resort. “Nais naming palitan ang nagamit na dugo ng magka-dengue ang dalawang pamangkin ko. Para iba naman ang matulungan”, ayon kay Lani. Sa part two, 18 ang qualified donors sa 52 nag-volunteer.

Ayon kay Kap. Jolan Aralar, gagawin ng madalas ang Alay Dugo dahil kada tatlong buwan ay magkakaroon nito. Barangay Calumpang ang una sa ganitong programa.

 

Untitled

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s