alam mo ba??

Ang Sitio Matikiw, tirahan ng 29 pamilya sa dulo ng Rizal Cement Co. Inc. ay pinaghalong imahen ng Batanes at Tawi-Tawi.

adsasada

 

Para bang nasa hangganan ng  lupa na mararating lamang sa pagbagtas ng 220 gulong (tires) na inilapat ng puting bato (limestone) sa madulas na pilapil.

Para bang nakasalalay sa tubig ng Laguna de Bay ang mga kabahayan na pangingisda ang hanapbuhay.

asdasdadaNangungupahan sa lupa ng LLDA ang taga-Matikiw. Nakikibahagi ng kuryente at tubig sa RCCI hanggang sa magsara ito. Sa tulong ni Mayor Boyet Ynares at ni Kap. Jolan Aralar, ang lugar ay nagkaroon ng sariling kuryente. Ang pamunuan din ni Kap. Jolan ang nagpapahukay ng poso ng tubig.

asdsadasfdasd

Maraming pangangailangan ang Matikiw, ayon sa Pangulo ng Samahan Violeta ”Ka Mila” Musa. Tanging ang sipag at tiyaga ng tao na mabuhay sa kanilang kalagayan ang hindi kinukulang.

sadasdadad

Ang alamat ng Kay Saperia at kasaysayan ng Hi-way ay tatalakayin sa Huntahan sa Kasaysayan. Sa kuwentuhang ito ng mga “wisen elders” at “inquisitive youths”, mahuhukay ang nakaraan na magbibigay giya sa ating kasalukuyan at hinaharap. Hindi heavy, huntahan lang. Ilalabas ang resulta sa ikatlong isyu ng mini dyaryo.

May mga direktoryo na binubuo ang Pamunuan ng Barangay. Directory of Business Establishments, Mga Propesyonal sa Barangay, Skills and Services Unlimited. Sumali ka naman.

Sasailalaim sa pagsasanay na ibibigay ng Federation of Binangonan Coo-peratives ang core group na bubuo ng Kapitbahayan Multi-Purpose Cooperative of Calumpang.

Ang KMPCC ang magpapatakbo ng water system sa Aktibong Samahan sa Cableway (ASAC) at karatig lugar na hindi mapagsisilbihan ng Manila Water. Ito rin ang magbibigay puhunan sa mga miyembro na mangangailangan ng tulong pangkabuhayan.

Kabilang sa core group ang mga Pangulo ng Samahang Kapitbahayan at Pamunuan ng Barangay.

 

Ang Pulong Bato ay hango sa topography ng lugar na malapit sa Lawa na maraming bato ang kapaligiran. Hindi totoo ang bintang na ang Pulong Bato ay lugar ng maraming addict sa bawal na gamot (bato).

“Tahimik na dito dahil nag-mature na ang dati’y mapangahas na mga kabataan”, ayon kay Pangulo ng Kapitbahayan Edgardo Certeza.

­­­­­ Nagbagong anyo na ang Laspag bilang lugar na dati ay kinatatayuan ng Kabaret at tirahan ng mga baylarina. Ang Laspag (translation: used, worn-out) ay kumakatawan ngayon sa Love And Sacrifice to People And God.

Dalawang samahan ang nagmimintina ng bagong imahe ng lugar – Looban 1, sa pamununo ni Carlos Catarig at Laspag, sa pamununo ni Genaro Non.

Sa Kalye Walang Pangit, sa gitna ng Calumpang, ay panay malaki ang bilib sa sarili ng mga nakatira.

Paraan ito upang itaas ang morale at sense of humor ng kakalyehon sa hindi magandang realidad ng buhay. Sa kalyeng ito, walang pangit ang ugali, susog naman ni Treas. Karen Aran.

28 thoughts on “alam mo ba??

  1. sa wakas natupad din ang pangarap ng kabataan sa barrio natin na mag karoon ng coverd court bago ako umalis ay nasilayan ko din nakatayo na ang mga haligi nito.kaya swerte ang kabataan sa atin.malapit nadin matapos ang palaro ng sk na ginanap sa gym sayang finals na po ang team rock iland giant twice 2 beat po sila na wala talo sa elimination salamat po

  2. Hello at kumusta? Masarap na palang mamasyal dyan lalo na at wala na o bihira na ang mga addict. May mga kapatid ako sa cableway, dalangin ko na sana tahimik at mahusay na ang kanilang pamumuhay.

  3. i find this matikiw extremely interesting. ang tagal ko sa calumpang never ko na encounter na me ganung lugar. i hope i can go there. me mag gaguide ba kung i drop by sa barangay hall at magpasama pagpunta dun? it seems to be a nice idyllic place.

  4. okay yung newsletter ng calumpang!! aprub! (pde bang 10 thumbs up….) may hard copy na(para sa mga indi mkpag-internet access), may soft copy pa (pra nman sa mga addict sa web)… heh.heh.heh. Good job poh sa nakaisip at gumawa nitong blog and newsletter….🙂 gandang chelley

  5. dwight,
    pwede pong maging tourist guide nyo si Kgd. Her. May dala po siyang bota, salakot at tungkod para hindi kayo madapa at maputikan. Kung mahirapan po kayo ay may pampalamig namang beer si ka alex, ang kanyang animal husbandry. pasyal po kayo sa matikiw. matutuwa po sina ka mila musa.

  6. Ang Pilosopong Tambay ay hindi mga walang trabaho at walang magawa. Sila iyong may regular na trabaho at kaya lang nakatambay sa tabi ng daan paggabi ay dahil nagpapahinga sila matapos ang mahirap na araw o kaya’y naghihintay ng kasama sa bahay na natatrapik pa.Libangan nilang magdiskusyon ng bagay-bagay sa barangay habang nagpapalamig ng gin o kaya’y red horse. Sila ay may mga aral at kung mayron mang kakaunti ang aral ay may common sense para makita ang tama o mali. Huwag hamakin dahil ang magagandang ideya sa pamamalakad ng Calumpang ay suggestion ng mga Pilosopong Tambay. They are a breed apart from the Talamak na Tambay sa daku-daku ruon.

  7. Dear KapJo,
    Is there a complaint department at the munisipyo? How can this ‘one voice in the wilderness’ reach the attention of the concerns?
    Bakit nabibigyan ng karapatang magpasada ang mga tricycle na walang tuntungan nakakabit sa sidecar para akyatan/babaan?
    This morning,I helped a senior citizen who almost fell to the ground while alighting from a tricycle. When I accosted the driver for his ‘commuter unfriendly sidecar’ he even had the gall to tell me that “it is owned by a Municipal employee”. As passengers, we can choose not to ride in tricycles without tuntungan, but there are a lot of them, especially the new ones, and we cannot be choosy at all times. If the municipal government can require every tricycle to have a garbage can, why can’t it impose the same discipline for tuntungan?
    How can we get even with MERALCO AND PLDT? Is there a David around to aim his slingshot at these two giants?
    MERALCO, in most cases, is not really doing on-the-spot- meter reading but just computing averages.
    My sister’s meter was found to have adjustment in reading amounting to thousands and she was required to pay the entire sum for a mistake not her own making. Adamantly, she insisted on paying in her own terms because the adjustment covered a period of one year. What she got instead was a disconnection. Kapuso network has just gained new converts-us. But we could hardly make a dent in the rating chart. Besides, it’s like punishing Juan for the sins of Pedro.
    For more than a week, my friend’s computer shop has no income because the DSL is undergoing ‘system upgrade’. My friend is accustomed to various internet disruptions because they come in a plenty. And PLDT would not automatically deduct from his monthly billing the amount equivalent to the period of no service. But if he is late in his monthly payment, the internet connections are automatically cut off.
    Just to lighten up our day, KapJo, pwede bang may ‘talk to papa/mama’ section sa d2 blog? Para sa mga silly persons like some of my berks. One of them is desperately seeking a poet to write a requiem for a molar and a lost old flame.

  8. Dear Veni(Tolentino),Ed(Guarico)at Mon(Membrebe),
    Hi sa inyong lahat. Pwede bang paki-send ang e-mail address ninyo sa d2sacalumpang@yahoo.com. Para po sa mga ipadadala namin messages sa inyo. Huwag pong mag-alala. ‘Di solicitation at ‘di rin indecent videos.
    Salamat at hanggang sa muli.

  9. Theodore,

    sulat ka na lang ke mayor para jan sa tuntungan sa tricycle. kung type mo, i daan mo sa barangay calumpang look for juliet o jasper at ako ang mag ha hand carry ke mayor boyet.
    yung sa meralco at pldt,u may try writing the inquirer dun sa letter to the editor. magaling ka namn magsulat, baka pansinin nila.
    thanks po.

  10. hi!!! ask ko lng if cnu n nagchampion now s sk summer basketball league, nabasa ko lng kc n twice 2 beat ang rock island e, d b team s pulong bato un???

  11. MASAYA AT NAKAKATUWA ANG CALUMPANG BLOG….PLS. DONT STOP……I LIVE IN CALUMPANG FOR 20 YEARS B4 I TRANFER. BUT MY HEART ALWAYS BELONG TO THE PLACE AND I CONSIDER MYSELF A NATIVE………….

  12. Rona,
    Hindi lang sa Calumpang ganiyan ang mga public servant, sa Binangonan din at buong Pilipinas. Kaya dapat ay araw-araw ay magiging paskong lagi! Sa ganiyan ay consistent ang mga basurero, getz mo ba ang ibig kong sabihin?
    Buti nga ngayon ay may basurero na kahit hinahabol mo, noong araw na nariyan ako ay Poblacion lang ang meron kumukuha ng basura, sa bawat barangay ay kani-kaniyang tapon ng basura. Ang masama ay sa pritil itinatapon ang basura ng mga taga-Calumpang, kaya siguro hindi pumayag si Reyna ng BT at Kap na itayo sa Pritil ang basketball court, biruin mo may court ka na may basurahan pa! nong say mo? Alam ko ay hindi na ganoon ngayon dahil hindi papayag si Kap (member yata ng Greenpeace si Kapjo).
    Rona, intindihin mo na lang ang mga kumokolekta ng basura. Isipin mo na lang araw araw ay basura ang kinukuha ng isang basurero, siguro naman ay isang beses sa isang taon ay pwede tayong mag-bigay ng aginaldo. Mas mabuti na ang nag-bibigay kaysa ikaw ang humihingi. Mas mabuti rin ang ikaw ang umiintidi kaysa ikaw ang iniintindi. Kaya kung tayong lahat ay mag-iintindihan, lahat ng mga Pinoy ay mag-kakaintindihan, at pag-dating ng panahon na tayong lahat ay nag-kaintindihan na, uunlad na ang ang Bayan ni Juan!
    Pasensiya na kung mahirap intindihin ang mga dapat umintindi!!!!!!!!!!!

  13. RONA JOANA ANORAN
    Yung pagbusina makakabulahaw pa iyun sa mga nagpapahinga, baka iyun ang oras ng pahinga nila. May oras kung mangolekta ng basura ang trak. IKAW O ANG MGA TAO ANG SUMUNOD SA ORAS. Ang kawalang paggalang mo sa oras ng iba ang problema… hindi yung pagbusina ng trak.

    Ulit… kayo ang sumunod sa oras na itinakda na pagkuha ng basura. Kung ang trak ang wala sa oras, si KapJo ang kakalampagin natin. Masipag yun.

  14. rona,

    we will look into that. d tayo perpekto at me mga lapses but i need to know details: tagasaan ka, anung oras dumadaan yung basurero…

    salamat sa puna but it does not have to be maanghang to merit a second glance or elicit a respose.

    thanks nonetheless.

    Kap Jolan

  15. hepe_j8:

    thanks.. parang ako na rin ang sumagot…
    going back to the basketbol kort.. kung doon nailagay… nakupo.. sa ngayon.. lubog halos hanggang binti.. d ko nga lang masabi sabi dito sa barangay.. i might be guilty dun sa sabi ni koroks na ” ,naghuhudhud ng asin sa sugat”… pero come to think of it.. i am slightly guilty of that.. peace…

  16. KapJo,
    Paminsan minsan o kayay dapat dalas-dalasan na pahiran ng asin ang sugat ng mga taong hindi marunong umintindi. Kapag ang maliit na sugat ay nag-hilom at hindi nag-iwan ng peklat, hindi nila matatandaan na mali ang kanilang ginawa kaya uulitin uli nila ang pag-kakamali. Ngayon kung ang maliit na sugat ay palalakihin mo sa pamamagitan ng pag-huhudhud ng asin “aba, masakit iyon” kaya hindi na ulit gagawa ng parehong pag-kakamali.
    Minsan ang pag-lalagay ng asin is more of paalala than insulto!
    Don’t feel any guilt dahil tama ang ginagawa mo, kung mag-kamali ka man ay dahil sa ikaw ay tao lamang (at ang latigo ni Ka Kabo ay laging nakahanda).

  17. Brother, I beg to disagree. Bukod sa wala sa job description ng kapitan ang pagdidisiplina (palakihin ang sugat para magtanda?) ng kagawad, magbabalik pa sa kanilang alaala ang kanilang pagkasawi sa isang panukala na paniwala nila ay tama, marapat at matuwid. Maaring ang ilan sa kanila ay nalalambungan ng muhi o inggit dahil sa mga personal na ambisyon or just plain inggit, kaya may BUILT-IN ng kontra pelo kay kapitan sa konseho. Uulit ulitin nila ang pagkontra, dahil gusto nilang kumontra, hindi dahil kakontrakontra ang nakasalang na panukala.

    Sa ganitong kalagayan, babawasan mo pa ba kung sakaling may kagawad na sa isyu tumitingin pero nasali lang sa grupo na iyun. Marami pang dadaan na ganitong usapin na pagpapasyahan ng konseho. He needs all the power (boto ng konseho) he can consolidate to achieve his goals, that’s politics. Kaige-ige at may posibilidad na mapaghilom ng panahon ang sugat nilang natamo eh tutuknapin mo kaagad ang langib para lagyan ng dinikdik na penisilin at patakan ng mertayoleyt.

    “You can’t teach old dog new tricks”

  18. koroks:

    i am nottalking abt kagawads kundi yung mga extreme partisans na taga-pritil (mga pilosopo b). presently we have a very good working relationshipwith the kagawads lalo na sa disaster response efforts natin.

    ang tigas nitong keyboard sa shop.. wala p rin akong connectivity sa haus…
    thanks

  19. @rowena F.Y.I lng po, pero yung mga tao dn sa lugar namen, nire2klamo ang maling koleksyon ng basura. Kgaya ngaun, May 29, 2010, isang linggo na na di pmpasok d2 ang trak. At wala kameng problema sa busina, mas gusto pa un ng mga tao samen kesa ung d namin alam na nakadaan na ung trak.

  20. Pero kay kapjo, wla po akong c0mment sa pgpapalakad nyo ng calumpang. . At kht cguro tumanda nq, mas gz2 q parin d2 2mira. .

  21. rona joana

    san po yang lugar n yan.. baka nga kase nakakaligtaan ng ating kolektor.. para po maipaalala

  22. taga alcantara street po ako.. madalas akong napapa daan sa daang hari corner cervas street.kasi pag titinda ang hanap buhay ko. madalas ko nakikita na may nag mamariwana dun… sa may ilalim ng pusti ng meralco… alam kung mariwana yun kasi dati din ako gumagamit nun… kaya alam ko amoy.. madalas ko nakikita yun lalaki na naka hubad na may tato sa kamay na pangalan… nakakatakot na tuloy dumaan dun.. kap.take it seriosly…

  23. kap. gusto ko lang po ipaalam na may gumagamit ng marihuana sa may daang hari street corner cervas street sa tapat ng tindahan ni ka bell… lantaran sila kung gumamit sa gitna ng kalsada pa… sana po maaksyunan nyu po e2….. sugapa na sila kahit may nakakakita ok lang sa kanila… please po …

  24. urgent and anonymous: yes will chek it.. pero mas mabuti kung kausapin nyo ako tungkol dito.. salamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s