Bakit wala pa tayong Basketball Court…

Sampung taon na yatang pinag-uusapan kung bakit sa lahat ng barangay sa buong Binangonan, Calumpang lang ang walang Covered Court. Maski ang pinakamaliit na barangay sa Talim ay may Covered Court kahit hindi standard ang size, kahit nakalutang sa tubig ang istraktura.

Marahil daw kasi nasa Calumpang na ang Municipal Gymnasium. Dahil daw maliit lang ang existing basketball court kaya hindi ito malagyan ng bubong. Dahil daw walang magdonate ng lupa na pagtatayuan ng bagong court. Ang tiyak: Naglaan ng P4.7 milyong pondo para sa Covered Court ang Tanggapan ng dating Governor Ito Ynares.

Sa Pritil

Pero ang tatayuan nito ay ang bahagi ng Pritil na pag-aari ng Laguna Lake Development Authority. Kailangang umupa sa LLDA ng lupa at malaki ang gugugulin sa pagtatambak sa lugar para ang court ay hindi lumubog sa tubig. Dagdag pa rito ay ang makipot na daan papunta sa proposed court na hindi man lang magkasya ang sasakyang magdadala ng materyales. May mga bahay na matatapyasan para lumuwag ang daraanan.

Naaprobahan ang pondo nuong 2007 patapos na ang panunungkulan ni Kapitan Montano Ulang. Sa pag-upo ni Punong Barangay Joulhlan Aralar, ibinalik niya ang proposal na ilagay ang Covered Court sa existing basketball court sa Cable Way dahil pag-aari ito ng Munisipyo, hindi na uupa pa at mas malaki ang matitipid sa construction cost.

Sa Cable Way

Okey naman kay Governor Ito kahit hindi standard ang laki ng existing court dahil “sa court na iyan ako humusay sa pagbabasketball”. Ganito rin ang damdamin ng 70% ng mga manlalaro sa Calumpang: may historical at sentimental value ang court sa 43 taon ng pagkakatayo nito. Makakahinga na ng maluwag ang mga taga-Pritil na maaapektuhan kung ang bagong court ay itatayo sa lugar nila.

Nang humingi ang Barangay ng certification sa Provincial Assessors Office para sa lupa ng existing basketball court, lumabas na nagbigay na ang Provincial Assessor ng tax declaration sa isang kaanak ng yumaong Vicente Patag, dating may-ari ng lupang nabanggit.

43 taon na

Ikinagulat ng Barangay ang ganitong pangyayari. Mula nuong 1965 nang ang kabuoang 437 square meters lot ay idinonate ng mga namayapang Isabelo Apostadero at Vicente Patag, wala ng naghabol sa lupang ito. Itinakda ng Municipal Assessors ang lupa bilang undeclared property at pag-aari ng Munisipyo. Dahil ari ng gobyerno, napondohan ang una’y pagpapagawa at ikalawa’y pagpaparepair ng basketball court dito.

Ang tax declaration para sa kaanak ng Patag ay lately lang na-issue at kahit ang Municipal Assessors Office ay wala pang kopya nito.

Pagkilos

May pagkilos na ginagawa ang Barangay at ang Munisipyo sa kasong ito. Para sa Sangguniang Pambayan, ang Calumpang court ay ‘test case’ ng marami pang kaso ng lupang naidonate ng namatay na donor at binabawi pa ng tagapagmana matapos ang mahabang panahon na natayuan na ng istrukturang pampamahalaan. Mahaba ang magiging usapin, malalim ang huhukayin.

Samantalang nabibinbin ang Covered Court, dapat magka-isa ang mga taga-Calumpang upang huwag ma-agaw ang lupa ng basketball court. Sumulat, mag-email, gumawa ng representasyon sa Governor.

Makipag-ayos sa kaanak ng Patag na nakakuha ng tax declaration mula sa Provincial Assessor. I-exproprite ang lupa kung kinakailangan sa halagang hindi komersyal. Huwag hayaang ang 43 taong pag-aari ng taga-Calumpang ay mawawala sa isang iglap lamang.

hergonz52@yahoo.com

5 thoughts on “Bakit wala pa tayong Basketball Court…

  1. Sabi ni Secretary Atienza DENR … The same is true with reclaimed land, he explained. “Just because you reclaimed the land doesn’t mean you can do anything with it. You have to leave a strip beside the sea open to the public, like Roxas Boulevard.” In fact, the reclaimed areas in Manila and Pasay, from the Cultural Center to the Tan Yu private compound, should have another boulevard running beside the sea, to give the public access to it, he said. The DENR will file a case to reclaim these foreshore areas, he added.

    We can check it if this provision applies to us (rcc tambak sa lawa ng laguna)

  2. Nagbidding na nung april 7 para sa barangay basketball covered court. westwalk ang winning bidder, almost 2.5 M ang project cost. the promise daw: by april 13-17, wait na lang tayo dahil start na ng mobilization sa kort. sabi ni kap jolan, technicallly 15 days after ng april 7 e start dapat ng construction (dat wud be apr 22).pwedeng pwede ng hintayin, d b?

    SALAMAT DAW KE MRS BENG CERVAS SA PAG PROVIDE NG DOKUMENTO PARA MAPABILIS YUN PAG PROSESO NG LUPA NG COVERED COURT.

  3. MR JAMES JOSE, PWEDE PO BA KAYO MAKIPAG UGNAYAN SA TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY HINGGILSA STATUS NG LAKESHORE PROPERTIES? THANKS THE NUMBER IS 6526017

  4. KapJo, tumatawag ako sa number eh na binigay mo eh wala namang sumasagot. Bigyan mo kaya ako ng email address mo. Kaya lang eh tapos na pala. Bago lang ako nakapunta sa computer cafe eh. Di bale, sa susunod na may tatalakayin muli ang nayon natin eh sisingit uli ako. Galit ka ba? Bakit puro malaking titik (upper case) ang gamit mo?

  5. james jose,

    sencia n ngayon lang ako nadako dito sa kabilang page. mainit kc ang talakayan dun sa kabila.
    anyway, d ako galit, malabo lang mata ko.
    hayan h, maliliit na letra ko. he he.
    dun n lang sa facebook me account ako jolan aralar o kaya un calumpang kong hirang. tnx..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s