Anong SAY mo?

Balak ng Barangay na magtatag ng Kooperatiba na magbibigay puhunan sa mga grupo miyembro o indibidual para sa mga pangkabuhayang proyekto.

Nagbabalangkas ang Barangay ng isang ahensiya naglalayong mabig-yang trabaho ang mga out-of-school-youths, mga manggagawang lampas na sa employable age, mga dating OFW na may kakayahan pa, at mga babaeng nagpapamilya.

Tatawagin itong Barangay Placement Agency.

Sa pagpunta ng mga Kagawad sa lugar ninyo, pag-uusapan ang mga balak na ito.

36 thoughts on “Anong SAY mo?

  1. Yung tambak sa likod ng Rizal Cement, na kinamkam lang nila sa lawa ng Laguna. Hindi ba pwedeng magtayo ng basketbolan duon? Calumpang pa ba iyun? Hindi na tayo magtatambak duon.Nagtatanong lang.Mas marami ba ang magiging suliranin kung iyun ang tatangkain ng pamunuan ng baranggay?

  2. Baguneta,

    sana alam mo nayung tambak na iyon ay tahanan ng 28 na pamilya.saka hindi rin un pagaari ng barangay.

  3. ano bang aksyon ang ginagawa ngayon tungkol sa b.court? kinausap na ba ang mga patag? kailan balak kausapin? sino ba ang dapat na kumausap? dapat ay kinausap na sila. i~update nyo naman kami !!!! para naman kay baguneta, itatayo ang court sa likod ng rcci? GET REAL!!!

  4. Based on my reliable source, doon na poh sa lumang court itatayo ang ating bagong covered court!!! Tungkol naman sa kung cno ang dapat kausapin, based ulit sa source q eh wla daw dpat pagtalunan tungkol sa bgay na un ksi pag-aari daw ito ng gobyerno.. Yun po ang pagkakaalam q!! God Bless!!🙂

  5. 28 walong pamilya ang nakatira sa tambak? Sorry hindi ko alam yun. Saan kaya sila bumoboto? Alternatibo lang naman ang mungkahi ko na duon itayo. Kasi sa bawat proyekto dapat may plan B. Eh ayos na pala sa dati eh ayon kay mahjen. So hindi na kailangan ang alternatibo. GET REAL!!!???

  6. bkit poh me malaking aso sa daanan nmin? nsan ang RIGHT OF WAY para samin? tama bang me pitbull na pedeng kumagat sa mga dumadaan once na mapalapit sila by accident: Si Ka Nato ang tinutukoy Q! paki check nman poh b4 me makagat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  7. sirena,
    kung ibig natin ng resulta, maging precise ka. we need the address (complete po) o kaya ay complete name ni ka nato, sinoman sya. maganda angkomentaryo mo dahil para sa kaligtasan ng marami pero sana ay tinumbasan mo ng dagdag na detalye para maka akto ang mga kinauukulan

  8. Mga kabarangay, sinadaya ko si kap sa bahay nya. tama ang alimuom, duon na nga sa dati itatayo ang kort. nagkaroon daw ng kaunting alingasngas dulot ng pagpunta ng 6 na kagawad ke ex gov ito, ipinatawag si kap para magpaliwanag three days after magpunta ang mga kagawad. resulta: inayunan ni gob ito ang panukala ni kap at kag galang kasama ang pirma ng dalawang libong taga calumpang. ang dahilan? sabi ni kap, sigro nakita ni gob na ang panukalang nakararaming taga calumpang ay mas praktikal (mas mura ng mahigit 2 milyon), mas tama (dahil di tulad ng sa pritil site na ari ng LLDA, ang dating kort ay ari ng unisipyo batay sa papeles na nahukay ni kap-salamat daw kay ka beng), at makasaysayan (sa kort na yun hinabi at nabuo ang maraming pangarap ng mga taga Calumpang)
    TAMA ANG CHISMIS! sI gOB iTO AY MAKATAO, PRAKTIKAL, MATALINO, AT MAY PAG GALANG SA DOKUMENTO. salamat po GOb ito.
    sa mga taga-calumpang…abay tayo’y magkaisa aba, saka na po ang pulitika.
    KapJo, keep it up po, d kami nagkamali…wag mong pansinin yung mga sarado ang isip (bato bato sa langit…)

  9. kakatuwa naman ang palitan ng kuro kuro d2. ok ah.sino po ba ang pinagkakautangan namin ng loob d2 sa blog ng mahal nating barangay?
    baguneta, me mga friends ako jan sa lambak (matikiw yata ang tawag ngayun jan) alam ko sa calumpang sila bumoboto kaya nga naipagawa ang ilaw nila sa tulong ng munisipyo at brgy. malakas daw ke meyor b yang mga taga dyan… naku, sa panahon ngayon me mahina ba ke meyor, wala namang tinatanggihan yun.. puro tulong. eh ako nga d naman nyan kilala pina discount sa business permit..he he. salamat po meyor boyet.ang galing mo mayor, ambait mo pa.
    me narinig nga ako sa pritil imposible daw matayo sa me daang baguneta ang kort,malita pala yun-maling balita!
    kag her, medyo mataray ang dating mo pero masipag ka at saka magaling daw.ok na rin un sa akin.ang mahalagaa gumagawa d b?

  10. anu ba yan, ang daming nagsosolisit na mga bata sa calumpang, d pa ba nalibre ng sk ung sando ng mga bata? attention sk, aba libre nga sa darangan bkt di magawa sa calumpang?

  11. dear domogoso,
    sa kategorya ng mga sanay lang ng opo, tango at tungo, si kag. her ay talagang mataray. maraming taon na ang mga namumuno ay tango lang ng tango at opo lang ng opo, kaya pag may nagsalita at nagpursige ay mataray ang dating. magtataka ka ba kung bakit matagal walang naging asenso ang barangay calaumpang?
    ang may utak at hirap ng blog ng calumpang ay si joel gonzaga, isang nurse at ang kanyang kontribusyon sa pag-ulad ng calumpang ay ang pagdesign ng blog. hep-hep horray para kay joel.

  12. Saludo ako sa yo Kap Jo, marami kang proyektong naiisip at ginagawa, wag mong intindihin yang mga bumabatikos sa iyo, talagang ganyan ang pulitika, mabuti at nakuha mo ang mga lumang dokumento para sa ating basketball court, sana maayos na yan.

  13. Domogoso,
    Ang pangalan po niya ay Renato “ka Nato” Milagrosa, Katabi po ito ng d’ sailor bakery ung bahay niya. Ang totoo po nito ay tumawag na po ako diyan sa barangay at ang nakasagot po ay Brgy. Tanod at ang sabi pa nga nito ay “ahh, si pareng Nato yun!”. tapos po ay pupuntahan daw po nila pero hanggang ngayon ay wala pa ring aksiyon ukol dito..(cguro po ay dahil sa ito yung gumagawa ng sasakyan ng brgy.)Sana nman po ay matulungan niyo ako ksi hindi lang ito para sa akin kundi sa mga taong dumadaan, dadaan at magdadaan dun. Okay lang po kung nasa malayo yung aso kso maaga pa lang po ay nsa malapit na ito at konting gilid mo lng ay tiyak na kagat ka na nito. Nagkakaroon po tuloy kami ng curfew ng mas maaga (mga 6:00 po kung minsan)ksi indi n rin kmi makalabas pag andun na yung aso ksi nk2takot tlga dumaan dhil sa yung aso ay nakatapak na nga sa ibabaw ng jeep eh tumatayo pa ito. Pano na lang po yung mga matatanda na kung lumakad ay mabagal at nakakapit pa sa pader? Bka po pde niyo magawan ng paraan at pakiusapan na kung pde ay sa gbi na ito ilagay sa tabing daan(mga 9:30 n.g.) at sa umaga ay sa bandang malayo na lng. Salamat po..

  14. Sang-ayon ako kay domogoso na dapat ay libre na lang ang uniporme ng mga manlalaro.. Nakita ko po at siguradong nakita rin ng mga tao ang ginawang opening ng summer league ngayon lamang Linggo (Mar. 28, 2009)at ang “highlights” nitong fireworks!! Totoo pong nakakatuwang panonorin ang naggagandahan at nagkikislapang tila baga mga bituing isinabog sa kalawakan!! Subalit hindi po ba mas dapat lamang na sa uniporme na lang ito naiuukol? Sa haba at tagal ng mga paputok na ito ay mahihinuha mo na ito ay talagang nilaanan ng pondo(ngunit para sa anong kabutihan??)Let’s face it na tayo rin ay talagang nahaharap sa pandaigdigang krisis at marapat na sa mga ganitong mga pagkakataon ay tayo ay makatulong upang mapagaan kahit konti ang mga suliranin natin. Ayon sa nakalap kong info ay more or less 200 thou daw ang pondong lan para sa SK ngayong taong ito….

  15. Sirena,

    i have read the exchanges regarding ka nato’s pitbull. dont worry, ako na magpapatawag sa kanya.

    salamat sa information. keep it coming po!

  16. Kuya Veni:

    sorry for the late reply.

    i am happy that you are doing well, marami ka natutulungan alam ko.

    We have more projects in store, and i hope that you might be of help by investing sa mga ito.

    Examples ng mga balak natin:

    1. pasalubong stalls along manila east road tapat ng macamot waiting shed. intended ito sa mga Inday (INDIGENTS) na Calumpang. Bibigyan natin sila ng maliit na kapital upang kumita sila ng pangdagdag sa kanilang family budget. Na advise ko na si Mayor Boyet tungkol dito at mukhang intresado siya.

    2. magpapakontes din tayo ng alamang – making. pangarap natin na ang pinakamasarap na alamang ay sa Calumpang nila mabili. Available ung raw materials, maliit ang kapital pero madaling pagkakitaan. Muli, ang nasa isip natin ay matulungan yung mahihirap na taga atin.

    3. Water coop na barangay ang me hawak. Un pong natapos ng tanke ng tubig malapit sa bahay ni ex-kap Tano ay paaandarin natin within this year. binabalangkas lang natin un business plan at ite train un mga tao na maghahawak nito. ito ay barangay assisted pero pamamahalaan ng koop na galing sa hanay ng mga taong makikinabang dito. We have almost 20 (o higit pa yata) na samahan ng magkakapitbahay na nakakatulong natin sa pag-gogobyerno. Isasali natin sila dito para magkaroon sila ng pagkakataon na maging entrepreneur through coop system.

    ANNOUNCEMENT:

    TATLO NA ANG RESORT SA ATIN: 1489, VILLA ADELAIDA, AT DUN SA MAY BINANGONAN RICE CENTER TAPAT NG PLDT.

    ANYTIME THIS YEAR AY SISIMULAN NA RIN UNG ICCT BINANGONAN, DUN DIN SA KAHANAY NG PLDT BAGO DUMATING NG MUNISIPYO.

    NAG KI CLEARING OPERATIONS NA PO SA RCC, DI KO PA LANG ALAM ANG BALAK NG MGA INVESTOR DITO.

    Huwag po kayong mag-alla, malayo man kayo dito sa atin ay malapit din tayo electronically. Paki promote na lang po itong site natin sa mga taga-Calumpang na nasa ibang bansa.

    Okey din po na mag ambag kayo para sa ating printing cost, me hard copy po tayo ng d2 sa calumpang newsletter.

    salamat sa suporta, God Bless You and your family!

  17. Baguneta,

    si kapitan po ito. I have read your comment na iyung lupa sa likod ng rcc ay kinamkam ng mga taga doon. well, it is a bit unfair to them. To set the records straight, holder sila (Sitio Matikiw Settlers Assocn) ng occupancy permit na ini-ssue ng LLDA mismo. So, wala pong kamkaman na naganap hinggil sa lupang tinitirikan ng mga taga-Matikiw.

    For your info po ito.

    Salamat.

  18. Noelle,sa larangan ng paglilingkod sa madla, (public service o politika) para makamit ang minimithing kaganapan ng isang panukalang gawain ay kailangan mo makipagbigayan (compromise). Huwag mong ipagkamali na ang tango lang at opo ay isang katangangian ng isang mahinang pamumuno. Mas maraming makakamit na mithiin ang pakikipagbigayan kesa pagtataray.

  19. CapJo,
    I am very proud of you, keep it up at marami kaming nagtitiwala at sumusoporta sa yo, now we can see in the future that our Bgy. Calumpang will not left behind.

    Regarding the contribution on this site, how can i help.

  20. PARA SA LAHAT NG TAGA CALUMPANG AT MGA NAGMAMAHAL SA ATING BARANGAY:

    Salamat po sa pagtangkilik ng ating blogsite. Tapos na po iyong ikalawang isyu, for posting na po. hintay hintay lang po. Yes, there are some problems sourcing funds for printing pero may pagkukunan pa po naman. Pero ang silent prayer ko ay mag ambag naman sana kahit kaunti ang mga kaibigan natin na nasisiyahan sa ating mini-dyaryo.

    Inumpisahan na po yung kort natin, as of today, May 12, me nag babackhoe na. Hinuhukay un para sa sampung poste Ang kinaya lang po ng ating site ay 14 x 24 meters na sukat. Nagpunta ako kahapon sa kapitolyo upang kunin yung planao, naiuwi ko na po at ipopost ko sa barangay bulletin board natin.

    I observed some exchanges dito sa comments na baka ma perceive negatively nung iba. Pakiusap ko lang sa mga kaibigan natin (and thanks for the comments) na ingatan po natin ang pag construct ng ating mga puna. Payolang po, maging sensitibo tayo sa damdamin ng iba, baka di po natin sadya ay nakakasagasa na pala tayo. Tooot toot! Busi-busina po. he he

    Noong sabado po ay nagpunta dito sa ating barangay ang mga sugo ni BF ng MMDA at tinulungan tayo sa clean up. nagbigay pa ng 50 trash tongs at mga walis. Personal pa po akong pinabigyan ni Mayor Marides ng dalawang (2) mountain bikes. Balak ko ito na i-testing pang ronda ng tanod natin sa gabi para tipid gasolina, healthy, pro environment, at di nakakabulabog ng mga ka-curfew hin.

    Huwag po kayong magsasawa sa pagsuporta sa ating site. Hope to hear from you pag na-upload na po yung second issue natin.

    God bless to all of us!

  21. Dear Tikbalang,
    Dahil si n.z. ay nagluluksa, kalilibing lang kasi ng patay niyang kuko sa hinlalaki, kaya ako na lang ang magkukwento.
    Nung araw sa barangay, may naglilingkod na tinaguriang ‘ina ng laging saklolo’, dyosa ng (kagandahan? ows!)kabaitan’ at ‘sugo ng pagkakasundo’. Pero walang nagagawa. Nahihila pa siya pababa ng nakagawian ng paumumulitika, ng ugaling-pwede na at ng hanap-pogi points.
    Nang gumabi na, napagtanto niyang kailangan ng ihagupit ang latigo: let’s get things done, folks. Nangulit ng mga ayaw kumilos. Nagtrabaho ng iniwanan ng ibang kasama. Nagpakita ng kakaibang resulta. At siya’y kinoronahan- taray queen.
    Okey naman ang moniker na taray basta HINDI sa kategorya ni Bella Flores, o ni Annabel Rama, o kahit na ni Maricel Soriano. Kung kahanay sana ni Winnie Monsod, ang babaeng may balls sa paninindigan.
    At, Fr.Tikbalang, iyong sinasabi mo na mas maraming makakamit na mithiin ang pakikipagbigayan kesa pagtataray, subukin mo kaya sa barangay? o, ang sense of humor. O, ang figure of speech.
    peacefully yours,
    igan, kaanak ni n.z.

  22. Igan, sa klase ng argumento mo eh pag mabait walang nagagawa. Pag mataray eh mas maraming accomplishment. Sa barangay level nga madaling makipagcompromise dahil kapitbahayan o magkakamaganak. Maliban na lang kung pati kapitbahay mo eh kagalit mo. Peace.

  23. KAPJO, hindi ang mga naninirahan doon ang sinasabi kong nangangamkam, kundi ang Rizal Cement. Tinambakan nila ang bahagi ng Lawa ng Laguna na itinuring na nilang bahagi ng pabrika.

  24. gud day!!!
    Nakita ko po na nagkaroon na po ng aksyon si kap sa aking panawagan at ito po ay LUBOS KONG PINASASALAMATAN. Nawa po ay marami pa po kayong matugunan…. God Bless poh!!
    P.S. Sana po ay maraming-marami pa pong tumulong kay Kap. Jo para mas lalong maraming matulungan at matugunan sa ating pamayanan… Alam ko po na indi po niya k2yanin ng mag-isa ang lahat ng ating mga hinaing kaya sana naman po ay may mag-magandang loob pa po na makiisa para sa ikau-unlad ntin… TNX po ulit Kap. Jo… I always pray for u’r health (& also sa lhat ng mga nsa panig ng kabutihan) pra indi ka/sila tablan ng masamang elemento…🙂

  25. Magandang araw po sa LAHAT ng mga bumibisita sa syt ntin!!!!

    Salamat po sa inyong walang sawang pag-iskrol at pag-iiwan ng inyong mga reaksyon at puna ukol dito. May munti lng po tyong khilingan, na sana po ay wag na po tayong mag-abala pa na mag-comment ng sabihin na nating mga “below d’ belt” at alam nating wala na sa bokabularyo ng kagandahang asal (indi rin po ksi ito maa-upload). Sayang lang ang pagod at hirap nyo sa mga walang kabuluhang mga bagay-bagay. Sa halip, ay pagtuunan natin ng pansin kung paano pa natin mapapaunlad at mapapa-angat ang ating pamayanan na KABAHAGI ka rin!! Na alam mo sa sarili mo na at least, nakatulong ka rin…. God Bless.. Tnx..

  26. Igan, anong “figure of speech” at sense of humor ang sinasabi mo eh hayun nga at binabangit ni kapjo ang magambag sa printing cost ng mini dyaryo. Palusot pa he he he

  27. Ke baguneta,

    maganda ang pananaw mo sa buhay, lamang mas maganda kung lalahok ka sa mga kilos-pambarangay natin. dating ganyan ka-rosas ang aking pananaw sa kapitbahayan, ideyal na ideyal. ngunt, ng ako ay matambay sa tanod office natin, naku…. ung magkakapitbahay ang bang-hirap ayusin ng maliit na gulo o usapin.. matataas ang ihi.. hindi lahat pero karamihan…lalo na doon sa mga lugar ng dayuhan sa ating barangay. punta ka rin doon kahit paminsan minsan.. mas mauunawaan mo ang sitwasyon ng ating barangay at ng mga ka-barangay.
    alam mo, di naman ako talaga kasali dun sa barangayan, curious lang ako kung panu ung tinatawag na lupon… kakaiba.. mas lumalim ang pag hanga ko sa mga boluntir sa barangay.. ang titiyaga nila. ng huli akong masilip duon ay nuong me magkapitbahay na nagpukpokan ng bato.. parehong babae..jan sa me banda sa katipunan yata ung mga yun… try mo…

  28. KUYA VENI

    PWEDE KANG MAGPADALA NG KWENTONG OFW. PAHINGI DIN NG PICTURES KUNG MERON KAHIT IBILIN MO KINA ATE REGGIE. KUNG TULONG PINANSYAL, OKEY DIN KAHIT KONTI LANG PO. ANG TOTOO NITO AY DI PA NA PIPRINT YUNG SECOND ISSUE KULANG PA NG KONTING PONDO (ONTE NA LANG NAMAN PO). NAHIYA NGA LANG AKO KE KUYA KAMBOY, NAKITA KO NUNG UMAGA BAGO SYA MAG FLIGHT BACK MAG SOSOLICIT SANA AKO EH, MAGSASABI NA LANG AKO KE FE.. HE HE HE.

    REPORT LANG PO: DUMATING NA YUNG MGA POSTENG BAKAL NA GAGAMITIN DUN SA COURT. BALE TEN POSTS ANG DESIGN TAPOS RAFTER TYPE DAW. DUN SA ME INYONG DATING TIRAHAN PO AY ME NABUONG BAGONG SAMAHAN NA NANGAKONG MAKIKIISA SA BARANGAY, SI MELDY PO ANG PRESIDENTE ASAWA NI VER LOPEZ. AKO NGA PO PALA ANG BAGONG CHAIRMAN NG WATER COOP NATIN, ONE TIME LANG ITO, SISIKAPIN LANG PO NA MAISAAYOS NATIN UNG COOP NATIN. MAMAYANG UMAGA PO AY MAY PA PRE MEMBERSHIP SEMINAR AKO PARA SA COOP, TARGET KO YUNG MGA TAGA DUN SA CABLE WAY AT PICONES PARA MAPALAGO KO ANG KASAPIAN. TINGIN KO PO IBA NA YUNG MAY PAG AARAL TUNGKOL SA COOPERATIVE.
    DUN NAMAN SA PWESTO MO SA TABING KALSADA, UBRA KA NG MAG PA APPLY SA MANILA WATER DOON. SA BARANGAY DIN PO NATIN ANG PAGPROSESO NG APPLICATION. MAG RERESIGN NA RIN AKO SA IBANG MGA TRABAHO KO SA MAYORS LEAGUE AT UN POPULATION FUND, TUTUTOK PO AKO SA BARANGAY NATING MAHAL.
    LASTLY, THANK YOU FOR SUPPORTING THIS SITE AND PROMOTING THIS TO OFWs NA TAGA CALUMPANG.
    I UNDERSTAND THAT LIFE FAR FROM THE PHILIPPINES IS NOT EXACTLY A BED OF ROSES, SO, TIDBITS OF INFO ON WHAT IS HAPPENING HERE IN PINAS AND IN CALUMPANG COULD SOMEHOW BRIDGE YOUR THIRST FOR BALI-BALITA DITO SA ATING LUGAR.
    MAG INGAT PO KAYO AND MAY THE LORD GOD ALWAYS BLESS YOU AND YOUR FAMILY.

  29. BAGUNETA,

    SENCIA NA PO. MALI PO AKO NG ASSUMPTION NA YUNG NAGKAMKAM AY YUNG MGA TAGA-MATIKIW. SORRY FOR THINKING THAT WAY.

    THANKS PO SA PAGSUBAYBAY NYO DITO SA BLOG AND I SINCERELY APPRECIATE YOUR INSIGHTS.

    GOD BLESS PO!

  30. Hon. Capt.
    Good Day!
    Im a part of a international direct selling company and in be half our management we are extending our interest to help you as well as your constituents in your livelihood projects.
    I hope that we can disscuss things over for the betterment of your barangay and the way of living of our fellow men. Thank you…
    pls. dont hesitate to contact me in my number for further information…its 09238396641…again Thank You very much and GOD BLESS US ALL!

  31. Maraming pong salamat sa Tangapan ng Punong Barangay sa Mini-Dyaryong pinadala ninyo sa akin!

  32. you are most welcome kuya noel. your constant comment is a breath of fresh air dito sa ating barangay government. in two week’s time baka tapos na yun covered court although di po kasama sa kontrata yung ilaw, canopy, at perimeter fence (nagpadala na tayo ng resolusyon sa mga kinauukulan hopefully sa inagurasyon (tentative date aug 8) ay me ilaw na ito at least. idineliver na po yung g.i. sheets at alulod kaninang madaling araw. pagkabubong isusunod na po ang concrete overlay, mga 4 inches na dagdag dun sa existing pavement nito.

    fyi

  33. KAP JOLAN,
    GOOD DAY PO MGA KABARANGAY NA NASA IBANG BANSA DIN ANG PAG KAALAM KO E FINALLY TAPOS NA ANG COVERD COURT NATIN AT NAGAGAMIT NA KAYA LANG NAG REREKLAMO ANG ANAK KO D DW MAKASINGIT KAYA DUN PASILA SA KABILANG BARANGGAY NAGLALARO SIGURO E SABIK LANG ANG MGA KABATAAN SA ATIN SAYANG KAPITAN DMO NASABI SAKIN KUNG ANO ANG KAYA KONG ITULONG PARA SA BARANGGAY NATIN ISANG TINALE LANG YAN KAYA LANG E NALAGASAN AKO NG 2 MANOK NITONG NAG DAANG LINGGO SIGURO E KAPUS ANG DUMALE PALAGAY KO E DNA KAILANGAN ANG MAG RONDA DAHIL PARANG PERYAAN NA ANG MGA DAAN NATIN SA DAMI NG ILAW AT NGAYUN LANG NANGYARI IYAN SA PANUNUNGKULAN NYO AT SANA IPAG PATULOY NYO ANG MAGAGANDA NYONG SINIMULAN SALAMAT PO

  34. kuya ed guarico:

    ang mga bata ay umaga at hapon naglalaro, kaya lang pag 3 pm ay me mga nagpupustahan na mga taga-atin at dayo until 5 pm. gusto ko nga ito ipatigil, kakausapin ko muna ang kinauukulan. kung gusto mag pailaw ng mga bata, magbayad lang ng isang daan for one hour sa barangay monday to fri 8 to 5. ung resibo na naka indicate kung kelan sila maglalaro ay ibibigay sa tatay kabo ko na pansamantalang caretaker ng kort dahil me tindahan sila sa katabi nito. or pasabihan ako ke ate fe para maihanap ko sila ng iskedyul.
    salamat sa pagsubaybay sa blog natin at sa mga kataga ng suporta. silipin mo kuya ang ating facebook account: calumpang kong hirang, andun ang litrato ng inagurasyon.
    god bless.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s