Lakas sa SPORTS


Kasabay ng basketball at volleyball, may mga palaro ang Barangay ng ping-pong at softball.

Walong (8) kabataan ang inilahok sa Milo Best at may patuloy na programa sa paglangoy sa pakikipagtulungan ng 1489. Nakamit ng Bgy Calumpang ang Kampeonato ng Women’s Volleyball at

1st runner-up naman ang Men’s Volleyball sa Palarong Bayan 2008.

6 thoughts on “Lakas sa SPORTS

  1. LAKAS SA SPORTS? Nang huling mag champion tayo sa inter Brg. basketball ay 20 yrs. ago pa. Kung facility ang kakulangan magagawan ng paraan yan kung sisimulan na ngayon palang ang pag build up ng team hindi kung kailan lang liga. Ang volleyball team, no offense (I RESPECT ALL GAYS,BI’s,HOMOS) dahil sa sexuality ng male Vly.Team sila ay genetically superior compare sa straight men vlybl. team. (Hindi ako SEXIST. RACIST O PREJUDiCE) Basketball naman at bumuo ng players pool ngayon

  2. Ako laki ako sa ating Brgy. at sa twing may liga dito ay palagi akong nanonood (lalo na kapAg kAsaLi ang Team Pulong Bato or Rock Island). Napansin ko nga na pulos SILA na lang ang manlalaro pagdating sa Inter-Brgy. na laban. Wala na bang iba diyan??Oh siguro palakasan lang sa Komite yan..Yun ngang iba pang players, nagbabago pa ng edad para lang makasama sa team..Pagbigyan nyo naman ung iba na makapaglaro..Malay natin na baka mas maging competitive tayo pagdating sa bagay na iyon (well,kumpara sa dati)..Tsaka ano pang silbi ng pagpapaliga taun-taon kung indi rin nman tayo kukuha ng wika nga’y mas mahuhusay at mas maliliksi(no offense meant sa dating mga players pero tanggapin natin na may antas din ng PAGBABAGO sa lahat ..)T.Y. gOD bLESS poh!🙂

  3. majhen kung me players pool iyon ay parang magiging training camp at ang magsusurvice doon ay mga deserving na maging player ng Calumpang. Maiiwasan doon ang palakasan sa komite (kung meron man) kahit walang covered court basta merong player pool may pagasa.

  4. Ang pagbuo ng team ng basketball ay parang isang team ng mga manggagawa ng bahay(aluwage). Hindi pwede na puro maestro karpintero, kailangan mo ng mason, piyun o finishing carpenter. Kaya dapat bigyan free hand ang coaching staff na pumili ng nararapat na manlalaro na aakyo sa design ng play(offense and defense) ng coach. Sangayon ako na magkaroon ng pool of players. Gawin sanang mga apat na team, at itahip para maalis ang binlid at ipa. Salamat.

  5. I could have listened to my relative’s advice not to post blog in d2’s site because that would mean a-never-ending-repertories. But promise, I know when to sing the swan song.

    Add to the pledge of allegiance- Calumpang kong Hirang. Incidentally, why can’t Sangguniang Kabataan Chairman JM use any of these pledges as a logo for SK sponsored leagues? Sa aking libro, his emboldened JM initials in the SK logo, which was required of all teams joining the basketball tournament, is a poor copy of the image- building- promo patented by the reigning political dynasty. Why can’t we be more original?

    Again incidentally, bakit hindi tayo mag-sponsor ng ibang palaro para hindi fixated ang kabataan sa basketball lang? Why not baseball for girls (mayron nito sa Smokey Mountain) or palarong Filipino sa Calumpang Elementary School – piko, tumbang preso, catching robbers, (mayron nito sa Marikina) or the Calumpang version ng siklot(jackstone), sungka, pitik at lasti. Kahanay nito ang kompetisyon sa chess, dama at scrabble (pwedeng tumulong ang chess (old)great na si Kuya Doms Perdiguerra)

    Marami pang pwede. Paligsahan ng buradol or kite flying. Labanan ng gagamba. Hindi nga lang kasing bongga o glamoruso (at kasing gastos) ng liga ng basketball.

    I am saying this because I am young (at heart) and how I wish things could be done the alternative way if only the SK is guided by or inclined to heed the wisdom of the seasoned.
    (June 13, 2009)

  6. OPM (o,promise me),
    Nalimutan mo yatang isama ang limbo rock at luksong tinik. Sa limbo rock halos mabali ang likod ng nanay ko sa kaliliyad para makaraan sa pimakamababang stick. At sa luksong tinik na-cast ang braso ng tito ko dahil nadaganan ng bardagul niyang brother.

    Come to think of it, hindi kaya tayo pagtawanan kasi at this age of cybergames, ang taga Calumpang ay naglalaro ng siklot at piko? At dahil touch game ang tumbang preso at catching robbers, ay baka dumami ang kaso ng nag-chansing (hipong may pagnanasa)? Nagtatanong lang po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s