FINALIST ang CALUMPANG

Search for Best Performing Barangay in Calabarzon.

Mula sa pinagpiliang 40 na barangay ng Binangonan, Calumpang ang napiling ilaban sa Best Performing Barangay sa Calabarzon. Batay ito sa mga naitalang accomplishments mula Enero 2008 hanggang Oktubre 2008.

Ayon kay Local Gov’t Operations Officer Rosanna Maria Castillo, hindi man tayo pinalad na makuha ang tampok na pwesto, napakaganda ng naging pagtataya sa atin ng mga DILG evaluators at pinapurihan ang ating natatanging Social Infrastructures at ang Innovative Social Services Program na “Bantay Inday”.

Leave a comment