ALAM MO BA??

Ang Calumpang ay humigit kumulang na isang (1)kilometro mula sa kabayanan ng Binangonan at na-

papalibutan ng Barangay Darangan at Macamot sa Hilaga, Barangay Libis at Layunan sa Timog, Barangay

Batingan sa Silangan at ng Laguna de Bay sa Kanluran.

Sa kabuuang 159 hektaryang lawak ng lupain, mayroong 114 hektaryang residensyal, 30 pangkomersyo at 15 pangsakahan.

Base sa sensus ng Agosto 2007, ang populasyon ay 14,809 na kinabibilangan ng 7,307 lalaki at 7,502 babae. Ang bilang ng pamilya at sambahayan ay 3,427. Romano Katoliko ang relihiyon ng 60% ng mga tao dito.

Pag-eempleyo ang panguna hing hanapbuhay sa Calumpang, kasunod ang pagnenegosyo, pangingisda at pagsasaka.

Nanggagaling ang P4,147,989.00 taunang kita ng Barangay sa lokal na buwis sa lupa (RPT) at negosyo at sa panlabas na Internal Revenue Allotment (IRA).

Dito may sangay ng Land Bank of the Philippines at ng BMS Bank. Matatagpuan din ang Calumpang Elementary School, Child Jesus of Prague Learning Center at University of Rizal System Binangonan, (URSB). Dito rin ang local na simbahan ng Iglesia ni Kristo.

Ang Government Center na kinabibilangan ng Munisipyo ng Binangonan, Justice Hall, Municipal Gymnasium, TESDA (Technical Education & Skills Development Authority), Department of Public Works & Highways at Register of Deeds ay nasa Calumpang.

Sakop ng 1st District ng Rizal, ang barangay ay may siyam na sitio, at 7,055 na rehistradong botante sa 45 presintong panghalalan (base sa 2007 eleksyon).





Puno ng Calumpang

Nag-ugat ang pangalang Calumpang sa pagtubo ng isang puno na tila kakaiba ang hitsura at mistulang paglaki nito nuong unang panahon.

Ang Puno ng Calumpang ang alamat na nagsilang sa baryo, nagpalawak sa nasasakupan nito at nagpadami ng taong tumitira

dito. Sa nagdaang panahon,ang Calumpang ay tahanan ng unang sabungan, unang kabaret (sayawan) at ng una at huling pagawaan ng simento sa Binangonan.

One thought on “ALAM MO BA??

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s