Ang Alamat ng Basketbolan sa Calumpang

ANG ALAMAT NG BASKETBOLAN SA CALUMPANG

Roy Gonzaga


Roy Gonzaga remembers:

For historical references, isama natin  ang athletes nuong araw for their highlight play that inspired most of our current players to take their style into another level.

In my younger years, I’ve seen Quito Barlinan’s sidestep and under goal as one to emulate. (Although he was not in his prime kasi ‘di na natin inabot).

I’ve seen the ‘tirang pan-chicks” nina Kanlot at John Nillos, ang bali ni Boy Palaka, the shooting of Daniel Landicho and more.

I forgot that Quito and Daniel did not hone their basketball skills in our court since when they arrived in Calumpang, they were already talented basketball players but they made their impact in terms of how they play. Special mention si Gener Pones na dumating sa Calumpang nuong 1984.

Also, the legend of Insong Lirio as the original Enforcer in Calumpang inspires the likes of Hepe Picones,( Calumpang Senior 1985 Champion) to play defense the way Insong did and Tiroy Baguio (1987 last Champion Team of Calumpang) to concentrate only on their role and forget about scoring.

I think Noel Aparejo is also an enforcer but he scores.  Sama na rin natin yung crossover ni Ariel Aparejo from right to left sabay jumpshot ng kanan.


Add ko rin ang kakaibang footwork at tira na kung tawagin ay ‘variation’ na pauso ni Jun Durusan.  Although walang gustong umidol sa kanya ng mga pamangkin, but his trademark play is fun and a joy to watch.

I remember Eddie “Aso” Doblas  as well as Eddie “Jabbar” Villadiego with Ato Maycacayan and Nesto Masim as the big men of Calumpang. Edding Aso plays without the fancy stuff but basic and effective basketball. He is most efficient in boxing out, giving the outlet pass, hitting open shot and drives to the basket. In some ways Terence Fontanilla plays like Edding Aso.

Nonie Dionglay is the first person I’ve seen (apologies don sa iba na hindi ko inabot) doing a right hand stretch lay up (tagilid pa).

Di naman ito self serving, but I will go for the 1987 as the best assembled team in terms of size, talent and how they play their roles together.

The 1987 squad had the deepest line-up from first five to second five. This team is loaded. There are two 6 footers with a mobile center forward, Raul Anore then a traditional center, Pogi Quisquino, plus the sweet shooting forward, John Masim, a high leaping forward who can dunk, Bong Ancheta and a 5′9″ point guard with no look and behind the back pass whose name escaped me. The team has the luxury of Polgips Antiporda and high leaping Dayo Roldan coming off the bench or starting.  Toi Barlinan in his younger days is a very good defensive player with a nice running shot starting and sometimes off the bench, Jacen Bitong substitutes for John Masim for instant offense, with Ito Sumiquiab and Ogos Tabilin as guards on rotation, along with Rommel Concepcion and defensive enforcer Tiroy Baguio. Of course, good training and coaching helped this team of mostly superstars from their mother teams to play as a unit.

Plus, the fact that this squad is undefeated and always leads by double digit even before half time.  After jump ball palang may sure 2 points na ang team and that is because of instruction of the coach.

Ariel is right arguably that 1979 team is one of the best with Noni Dionglay, Cezar Villadiego, Terence Fonatanilla, John Nillos, Noel and Ariel Aparejo, Ness Paralejas, Catarig, Randy at Glen. This team is the hataw board lay-up team since almost all players, except for one, were tapping the board when they go for lay-up during round.


Ariel Aparejo adds:

Kung pag-uusapan ay mga “alamat ng basketbolan ng Calumpang, laging kasali sa discussion sina Edding Aso, Emil & Noni Dionglay, Raul Anore, Bong Ancheta, Juan Masim, atbp… (bahala na kayo magdagdag…lalo na yung mga mas una dito) mga players na diyan talaga natuto magsyut at magpatukdol ng bola. Iyung team na nag champion sa bayan na ang coach ay si Quito Barlinan, sa palagay ko, best assembled team yun (pero pito o walo lang kung gumamit ng tao ang coach… he he he, which is the acceptable norm of rotation).

Roy, okay re phrase “arguably the best assembled team”. Pero siyempre iba- ibang panahon, iba-ibang opinyon, lalo na iyung mga nauna sa atin, papayag ba iyon na hindi sila. Kaya lang nasundan ko iyung team na iyun from a miron’s perspective. Kita mo at tanda ko pa kung ilan lang ang coach gumamit ng tao. Starting five: Eddie Doblas – MVP, Ato Maycacayan, Emil Dionglay, Ed Durusan, Unyuk Certeza . Pero kahit sinong team ang banggitin nila, it will always be debatable on who deserves the title of “all time best assembled team”. Yung team na sinabi ko at yung sinabi mo eh kasali yun tiyak sa pagpipilian dahil both teams were champions.

SOFTBALL GREATS

Roy Gonzaga writes:

In softball, there is Ka Itoy Aragones- ang catcher na hindi gumagamit ng glab, Si Kosme Lirio na bukod sa kayang humigop ng kumukulong kape at bumuhat ng dalawang sakong bigas is a great batter na ang sabi nila lampas minisipyo raw ang bola during inter- barangay softball legue kung saan ang playing field ay ang lupang kinatatayuan ng Municipal Gymnasium ngayon. I did not see the actual play of Kusme but always heard that from the old folks, but I witnessed him drinking boiling coffee and lifting up of 2 sacks of rice in his shoulder.

There is also Ka Ipe Villadiego na kumukurba ang bola pag binibigay sa batter. And the palong banting na si ka Benny Salvador ng Tagpo-Tagpo na siyang pioneer noon sa softball ng ganong klaseng palo.

Another great batter that I’d seen is Johnny, the bench hitter. There is also this great catcher Apin Sucgang who popularized the “Ibigay mo kid!!!!” phrase.

Ang softball venue nuon sa Calumpang ay beside the basketball court, ang dating parang nuon na ngayon ay puro bahay na.

Facebook ng Pag-Asa

Facebook ng Pag-Asa

(hindi pangalan ng barangay, hindi ng agila at lalong hindi ng weather bureau)

   

Tents-pansamantalang tirahan. Donasyon mula sa KOICA ng Korea, hatid ng DSWD Region IV.

  

   AAR Japan, kinakatawan ni Mr. Go Igarashi, ay naghatid tulong sa 76 pamilyang sinalanta ni Odoy.

Mula sa ABS-CBN Sagip Kapamilya. Para sa kapamilya at kapuso ring kabarangay. 

    

Bisikleta at gamit pang-linis mula kay Bayani Fernando. Kasama ang paglilinis ng Bagong Filipina Movement.

Earth Day Celebration kasama si Joel Duavit. Noon inilunsad ang Barangay Solid Waste Management Ordinance.

Biyaya ng bertdey ni Mayor Boyet Ynares:  Truck ng basura mula kay Gob. Jun at motor katas ng Alay Dugo para sa Calumpang.

 

Barangay Health Workers ay naging bahagi ng Brigada Eskwela sa Calumpang Elementary School.

 

Pambato ang taga-Calumpang sa mga Alay Dugo, mapa-barangay man o mapa-bayan. 

May Pag-Asa…

Bukod sa pananalasa at paghagupit, ang bagyong sina Ondoy at Pepeng ay nagbigay kahulugan sa salitang Pag-asa. Lakas na nagbabangon sa nalugmok.  Liwanag na tumatanglaw sa madilim na hinaharap. Malasakit na kumakalinga sa kapwa na nagigipit.  Sarili na ibinabahagi sa higit na naruruhagi. Pananalig sa walang hanggang awa ng Maykapal. Paniniwala sa likas na kabutihan ng tao. 

 

          Pag-asa para sa 290 pamilyang nalubog ang bahay ang silungang ibinigay ng kamag-anak  at ang mga evacuation centers sa  Calumpang Elemetary School,  Kamatsili Compound, Cadiente Compund, Rizal Cement Company at daang  Laspag. 

          Ang  pantawid gutom, bihisan, tulugan, gamot at iba pang pangunahing  panga-ngailan ng tao mula sa mga relief operations na nahanap ng Barangay sa mga pribado at non-governmental  organizations. Pandagdag at pansalo sa tulong- gobyerno na di- sapat para sa maraming biktima ng kalamidad.

          Nakatulong ang kahandaan ng barangay na may kumpletong listahan ng nasalanta ng bagyo. At dahil may database at profile ng residente ng Calumpang, madaling nailapit sa mga private donors.

          Salamat sa tagapagdala ng Pag-asa: Barangay Council, Mayor Boyet Ynares, Governor Casimiro Ynares Jr., Red Cross, DSWD, Samahang Bagong Bayan  (Antipolo City),  Ateneo  Family   through Haizell Anore, Friends Indeed from USA through Nena Kaufman, Scheele Laboratory Phils., Philippine Chamber of Commerce & Industry, ABS-CBN Sagip Kapamilya, Santa Ursula Parish Church,  Koica Donation  from  Korea, Mr. Go Igarashi (AAR- Japan), Jesus is Lord Movement, St. Mary’s College, UNICEF, Child Jesus of Prague, Binangonan Garden of Learners, anonymous US donors, kabarangay nandito at nasa USA. Mga volunteers na nag-repack ng relief, Barangay Tanod at BHW na nag-double time para maayos ang pamamahagi ng relief goods.  

          Pag-asa din ang pagkalinga ng kabarangay na nagpakain, dumadalaw at nakikipagkwentuhan – dahil  ang kalunos-lunos na pinagdaanan ng mga nasalanta ay hindi matapos-tapos na kwento. Marahil ito ang paraan upang maalis ang trauma.

          Sa mga hindi nilisan ang nakalubog nilang lugar, pag-asa  ang andamyong mula sa Sanggunian, kay Mayor Ynares at tulong ng mga samahang kapitbahayan. Nagkaroon ng tulay upang ituloy ang buhay.

          Sa mahigit dalawang buwan sa CES relocation center, may ipinanganak na sanggol, may namatay na may sakit, may naghanda sa paglipat sa lugar na itinalaga ng Barangay upang ang silid-aralan naman ay maibalik sa mga mag-aaral na nagsakrpisyong magbawas ng oras ng klase.

          Kailangan nang pabalikin sa kanilang tahanan ang evacuees kahit may tubig pa, upang hindi  marahuyo sa pagtanggap  (libre bigas, koryente at tubig)  at hindi na kumilos para sa sarili.

          May inupahang apartment ang Barangay para sa 17 pamilyang wala ng babalikan pang bahay, karamihan sa kanila ay taga-Matikiw. Halos binura na ng bagyo ang Matikiw sa mapa ng Calumpang. Ang tents  na donasyon  ng  Koica, Korea ay naging pansamantalang tahanan ng  taga-Gervacio St. at Kamatsili Compound. May programa ang DSWD na maglilipat sa mga pamilyang nakatira sa  Laguna de Bay shoreline  na hindi na dapat  balikan. Ang relocation site ay sa San Mateo na inihahanda ng Rizal Provincial Government.

          Ano pa’t hindi nauubos ang pag-asa. Kahit ang mismong nasalanta, na nakakatulong sa ibang tao ay pag-asa ring maituturing.

 

May hinihintay na Pag-Asa

Sa Patubig

          Ang Water Tank sa ASAC, donasyon galing kay Congressman Duavit at naipatayo sa lupang binili ng pamunuan ni Mayor Cesar Ynares, ay inabot yata ng napakatagal na pagkaimbak. 

          Sa panunungkulan ni Kap Jolan, lumitaw ang mga pangangailangan bago mapatakbo ang water system.  Electrification na aabot sa mahigit isang daang libo at gastusin sa  magpapatakbo at pamamahala nito. 

          Pansamantalang naisantabi ang pagtatayo ng kooperatiba para dito. Sa halip ay ang Barangay ang hahawak bilang isang Economic Enterprise. 

           Tinitingnan ang pagbili ng tubig sa Manila Water under special arrangement kung saan ang wholesale rate ay idi-distribute ng retail rate sa mga lugar na hindi aabutin ng Manila Water service.  ASAC, Lorecom, Picones Compound at Hinayon, silang bumabayad ng mahal makapag-akyat lang ng tubig sa mataas na lugar. 

          Bilang paghahanda, pinag-iipon ng Barangay ang humigit kumulang ay 200 kabahayan ng anim na raang piso (P600.00) bilang deposit at iba pang pambayad sa water meter at pipe connection patungo sa kanilang bahay. 

          Sa pagkilos ng Sanggunian dadaloy na ang masaganang tubig. 

Sa Barangay Tanod Outpost sa Cableway Road

          Ang solusyon ng mga taga-Losana, Aramil at Pacis Street para maagapan ang  mga insidente ng rambulan, agaw-cellphone at  pambabastos  ay ang Tanod Outpost sa tapat ng Big A & A compound. Bagama’t nagroronda ang mga Barangay Tanod sa gabi, ang pagkakaroon  ng  bantay sa lugar ang  mabisang crime-deterrent. May mga materyales ng inihahanda ang Barangay at ang mga samahang kapitbahayan ay nangako na sila ang poposte sa outpost.  Ang kulang na lang: ang pagsang-ayon ng may-ari ng lupa, ang Cemex Phils. para sa pansamantalang struktura. May pakikipag-ugnayang ginagawa ang barangay kay Engr. Lucas Tojon para dito. 

Sa Materials Recovery Facility (MRF)

          Pasilidad kung saan ang mga recyclable basura ay madadala at maipagbibili ay  inihahanda na rin.  May mga materyales, at mag-aasikaso. Dito rin ang garahe ng bagong garbage truck galing kay Governor Casimiro  Ynares Jr at ang ipaayos na lumang garbade truck. Kaya lang, hindi pa rin nagbibigay pahintulot ang Cemex Phils para sa paglulugaran ng MRF. 

Sa Library ng SK

          Kaylan  at saan kaya mabubuksan para sa mga kabataan ang  libraray ng Sangguniang  Kabataan?  Para makapagbasa, makapag-research  at madama na may taya ang SK “for the sake of the youth”.   

          Ang sulok-aklatan sa Barangay Hall ay maliit, kulang ang laman at hindi makakaenganya ng  maraming mambabasa.

Sa Alternatibong Daan sa Cableway Road

Sa Bagong Kooperatiba

          Sa pag-ihip ng kandila ng Calumpang Multi-Purpose Cooperative sa ika-11 taon nitong anibersaryo, may tinitingnan na nga ba itong pagbabago?

          Si Kap Jolan Aralar ang nahalal na bagong chairman nitong June at bagong pamunuan ang binuo sa pangunguna ni Manager Jessie Francisco. Ang  dating deficit na limampung libong piso (P50,000) na minana sa nagdaang  nanungkulan ay naging surplus na  tatlumpung libong piso nitong Nobyembre.

          Ngunit tila yata ang kaunting gains ng samahan ay matatapon lamang sa hindi pagkakasundo ng pamunuan. Nagbitiw na si Kap Jolan.  Nakalulungkot naman dahil bago pa lang nagsisimulang umangat ang kooperatiba.

ALAM MO BA???

CALUMPANG TRIVIA! 

                                                     ni Noel A. Aparejo

1.  Ano ang tawag sa kinalalagyan ng Calumpang Elementary School?

2.  Ano kung tawagin ang dating lugar na tirahan ng mga baylarina sa Kabaret?

3.   Ano ang pangalan ng dating sabungan ng Calumpang at ano ang tawag sa lugar na kinalalagyan nito?

4.   Ano ang tawag sa tabing dagat?

5.   Sino ang unang naging doktor na taal na taga-Calumpang?

6.   Ano ang tunay na pangalan ni Aris Cepidoza (RIP)?

7.   Ano ang bansag kay Jaime dela Cruz (RIP)?

8.   Sino ang unang babaeng kagawad ng Calumpang?

9.   Sino ang pumalit kay Kapitan Tancio Milagrosa?

10.  Anong batch (year) ang unang nagtapos sa CES?

SAGOT:

 

KATUWAAN SA TAMBAYAN! 

ni Mickey Mateo

          Talagang masaya sa Calumpang lalo na sa tambayan. Palipas oras baga at laking tawanan kung tatawagin mo ang tao sa kanyang bansag ay may kontra silang ibabalibag. Tulad ni Rudolf Itim, sabay bawi, Rudolf Dirty White daw. Heto ang ilan:

Bansag                                        Kontra nila

                         Jessing Kambing             –          Tupang Tagalog

                         Landong Baluktot            –          Pilipit

                         Raming Karpa                  –          Bighead

                         Berting Lawit                   –          Nakabitin

                         Toning Bayawak             –          Butiking Malaki

                         Ansing Butse                   –          Siopao na Pula

                         Kokoy Kulangot               –          Muta sa Ilong

                         Edding Baby                    –          Biik

                         Danteng Payong              –          Salakot

                         Ronald Surot                    –          Anay na Pula

                         29 ng Laspag                   –          28 e medya

                         Turing Babaw                  –          Pantok

                         Edding Santol                   –          Sunkist

          Ang pinakamatindi ay kay Obong Tisoy- ang kalang de uling gagawing kalang de baga, ang Linggo gagawing Sabado at ang caroling nga sa kanya ay ang pasko daw ay umawit.

 

BAKIT NAGING BRANDED ANG GENERICS NA EDDIE! 

          Ang mga nanay naman kasi, nuong dekada 50 hanggang 70, ay iisa lang ang paboritong ipangalan sa anak na lalaki: Eddie. Kung kaya kinabitan ng brand (alyas) para ang mga Eddie ay may mapagkakilanlan. Ang kartero na nagsusugsog ng tirahan o ang istranghero na naghahanap ng kakilala ay dapat alam ang alyas ng Edding tinutukoy nila.

           Heto na — Edding Bulok, Edding Ikot, Edding Payi, Edding Santol, Edding Aso, Edding Berang, Edding Taktak, Edding Suong, Edding Kanlot, Edding Bardo, Edding Jabbar, Edding Itoy, Edding Tabo, Edding Bakule, Edding Bangus, Edding Lubak, Edding Tano, Edding Hika, Edding Kulawit, Edding Panis, Edding Boga, Edding Bisaya, Edding Bano, Edding Tisoy, Edding Pula, Edding Luma, Edding P___ (censored), Edding B____ (censored din) Edding Playboy, Edding Hudas, Edding Adjing, Edding Buwaya, Edding Palaka, Edding Peklat, Edding Kambing, Edding Manas, Edding Kirat. Sorry na lang sa hindi naisama.

          Nais ko lang pangitiin ang kaibigang kong hindi nakatuluyan ang great love niya na Eddie ang pangalan.

          May dagdag pa pala. Si Edding Taksil! Pero, nakatuluyan naman niya ang correct love na Eddie rin ang pangalan. Si Edding Tapat.

Hiling ng Mangingisda

 

     Mga anak-lawa silang umaasa na patuloy na mabiyayaan ng isda mula sa Laguna de Bay. Samahang Mangingisda na nangangarap magkaroon ng Parola upang magsilbing gabay ng pumapalaot sa gabi.

     Nais din nilang magkaroon ng patrol boat para mapangalagaan ang teritoryong sakop ng barangay sa pananamantala ng mga dayuhang mangingisda. 

     May tulong silang hinihiling sa National Government through the Bureau of Fisheries upang mapuksa ang perwisyong janitor fish. 

     At may hiling sa Laguna Lake Development Authority na paglalaanan sila ng bakanteng daanan ng bangka  na hindi sasakupin ng fish pens.

     May regular allocation para sa mangingisda ang Sanggunian. Pag malaki ang tubig, pag maraming waterlily, pag panahon ng tag-init at walang mahuling isda, may P10,000.00 ang inilalaan si Kap. Jolan Aralar para sa miyembro ng Samahang Mangingisda. Pati na ang gastusin sa paglalagay ng tulos at lambat na haharang sa water lily na kukubkob sa daanan ng bangka.

     Inilalapat ngayon ng Agriculture & Fisheries chair Banjo de Leon at vice chair Her Gonzaga-Galang ang ordinansa sa pangingisda. Layon nito ang pagtataya ng territorial boundaries sa Laguna de Bay na sakop ng Barangay Calumpang. 

     Gayon din ang pagbibigay ng karapatan na mangisdang-panghanapbuhay sa teritoryong ito sa mga miyembro ng Samahang Magdaragat ng Calumpang at iba pang kabarangay. 

     Ang mga taga-ibang barangay na nais na mangisdang-panghapbuhay ay hihingi ng pahintulot sa Samahang Magdaragat.

     Ang proposed ordinance ay magbabawal sa mga sumusunod na paraan ng pangingisda: pangangahig ng suso o mga nanga-ngaladkad ng bangkang de motor; manunuro o pasuwag o sakag; pangunguryente ng isda; patitibog o paraan ng pambubulabog sa mga isda para umalis at pumalaot; paglalagay ng illegal na baklad; at paglalagay ng kulong na water lily ng walang koordinasyon o permiso sa Barangay at Samahan ng Magdaragat. 

     May kaukulang parusa sa bawat paglabag.  Kung magiging ganap na ordinansa, malaki ang maitutulong nito sa mandaragat.

Taga-CALUMPANG din po Kami

“It’s nice to read blog in our site.  I am happy kahit 15 years na akong wala sa mahal na barangay ay updated pa rin.  So keep it up! Joe Val Villadiego,  Alcobar,  Jubail KSA

My heart always goes with our Barangay aside from the fact that my family is still there, our association has/had 5 scholars and three are from Calumpang– Connie Lirio Songcuan, New Jersey, USA

  “Ako’y natutuwa at may ganitong balitaan sa web.  Kahit tayo’y magkakalayo, ika nga ay malapit din. Gamitin natin ng tama ito.  Hindi batuhan alang ng kung ano.”  Mickey Mateo, Dubai UAE

Pag nasa Pilipinas ako, sinasabi ko na ako ay umuuwi at hindi bumabalik. Ibig sabihin ay hindi ko nilisan ang Calumpang.  

Noel A. Aparejo,  Taal na taga-Calumpang, Virginia Beach, VA

 

Gary & Janice Velasco-Cortez, Charlotte North Carolina, USA– The need to start a good cycle – tumulong sa kabarangay para pagdating ng panahon ay ang natulugan naman ang umunlad at makapag “give back”.

I just want to commend on the persons behind this site.  It is so interesting and worth reading, lalo na sa isang katulad ko na nasa ibayong dagat.  Hindi man ako taga- Calumpang, pero ang puso at diwa ko siyempre nasa lugar na aking kinalakihan.  Oliver de Borja, Saudi Arabia

Ariel & Poppy Gonzaga-Aparejo and Japs Aparejo of Cerritos, California, …tore a piece of their heart and sent it to the victims of typhoons in Calumpang. Lagi silang may puso at malasakit sa ka-barangay. Calamity or no calamity.

Comments from Calumpang bloggers reach the heart of those who are working abroad… Ed & Fe Guarico, Dammam, Saudi Arabia

 This site is specially designed for people like you – far away from Calumpang but cannot get away from the memories… all hoping to see reforms and changes sa barangay at sa pamamahala  dito. Kap Jolan Aralar

 Dubai, UAE- Bong Ancheta, Flip Villaluna, Emil Bautista, Amy Tabilin, Jun Gervacio, Jayson Rivera, Jaime Pitisan Sr., Elson Geneblazo, Doyon-doyon.

 Toronto, CanadaObet Arago, Ola Membrebe, Carmen Picones

Calgary, CanadaJoy Concepcion

CubaDanilo Gonzaga

 Alcobar, Jubail, KSAAl de Guzman, Veni & Eliza Tolentino, Kate Tolentino, Kayvee Tolentino and Benjamin Tolentino

 Los Angeles, CA USAMaritess Buloran-Bruce, Mon Buloran; Jeremy & Ann Martinez; Roger and Helen Lara; Alfredo & Purita Yapo and Joel Yapo; Marlon Sumiquiab.

 San Francisco CA USARod & Helen Mesa

SwitzerlandRufo Gonzaga (Qui Tran); Cely Doña G. Master; Nora Gonzaga (My-Phuong Tran); Leandro Gonzaga (Thai-Anh Tran); Romeo Gonzaga (Bobby/Thai-Anh Tran)

Sa susunod na labas na po ang iba pa (at padala po kayo ng piktyur para mai-feature), hane po…